I was baffled. Hindi pa ako lubusang nakaka-recover nang tumayo siya at hilahin ang silyang nasa tapat ng kinauupuan niya saka ako nilingon, sinisenyasan akong maupo roon. I shot him a questioning look. “What are you doing here?” tanong ko imbes na sundin ang gusto niyang ipagawa sa akin, pilit na tinatago ang pagkagulantang at pinatutunog normal ang aking boses. Tinaasan niya lang ako ng kilay. Muli siyang bumaling sa silyang hawak-hawak niya pa rin saka muling nag-angat ng mata sa akin. ‘Ba’t ang hilig-hilig niya pa rin diyan?’ “Maybe if you sit down, I’ll tell you why,” he sassed. He look at me while waiting, leaving me no choice but to sit my ass down. “Thanks,” tipid kong sagot nang makaupo saka siya pinanood na umikot sa mesa para maupo sa silya niya. “So . .

