[“Seryoso?! Pumunta kayo ng nightclub?! Ba’t hindi mo sinabi agad?!!”] hindi ko man siya nakikita ay alam kong nagpapapadyak na naman itong si Eva. Tss. Inggit na naman ‘tong bruhang ‘to.
“Eh ano naman kung sabihin ko agad sa ‘yo? Saka, bukod sa paglalandi ng mga amo ko at pag-iinom, wala naman na akong ibang maku-kwento dahil wala rin naman akong matandaan—“
[“Kyaa!!!”] agad kong nailayo ang telepono dahil sa nakaririnding pagsigaw niya.
“Ano ba! Para kang sinilihan sa singit!” singhal ko nang muling ilapit ang telepono sa akin. Napasilip pa ako sa sala kung nasaan ang mga amo kong maiingay at abala sa paglalaro. Buti na lang at tutok roon ang atensyon nila.
[“Eh kasi naman, ‘di ba ganyan—“]
“Ganyan ‘yung mga napapanood mo sa pelikula? Susko, walang ganyan, bes, ayan ka na naman eh,” pamumutol ko dahil alam ko na ang sasabihin niya. Puro ‘to pantasya at wala na yatang ibang pinaniniwalaan bukod roon.
[“Che! Parang ikaw hindi ah?! Oh, ano pang nangyari? I-detalye mo kasi ‘yung pagkukwento mo!”]
Dahil alam kong hindi ako titigilan ni Eva at mangungulit lang ‘yan ng mangungulit, nagkuwento na ako. Mula sa pagpasok, pag-inom, pagkikita at pagsayaw namin ni Nash at paggising ko sa kwarto ni Sir Mavi. Hindi ko na lamang sinabi na magkatabi kami at baka kung ano pa ang isipin ng babaeng ‘to. Ikinwento ko iyon lahat hanggang sa wala na akong maikwento dahil wala naman na akong maalala.
[“Oh? ‘Yun lang?”]
Napatanga ako.
“Anong ‘yun lang? Nakuwento ko na nga lahat eh ano pa bang gusto mo?” napaka-demanding naman ng babaeng ‘to.
[“Nasaan na ‘yung Nash na sinasabi mo pagkatapos? Hindi ba’t siya ang huli mong kasama kagaya ng nasa kwento mo? Eh ba’t nawala siya bigla sa eksena? Anyare? Saka hindi ba’t sinabihan na kitang ‘wag kang basta-basta magtitiwala sa kahit sino? Paano kung may pagka-demonyo pala ‘yon katulad ni Jake edi napahamak ka na naman?! Uto-uto ka pa namang babae ka!”]
Napangiwi ako sa panenermon niya.
“Grabe ka, napaka-judgmental mo naman! Hindi naman siya ganoon, Bes. Saka mabait naman si Nash kahit may pagka-maharot at manyak minsan. Katulad lang rin siya ng mga malalandi kong amo na mahilig makipag-kaibigan at magbiro,” pagrarason ko. Hindi naman kasi sapat na rason ‘yong hindi ko maalala kung anong nangyari sa ‘kin matapos ko siyang makasama para hindi ko na ipagpatuloy ang pakikipag-kaibigan sa kanya. Hindi ko na nga nakikita ‘yung tao eh.
[“Ah, basta! Bahala ka sa buhay mo! Magpa-uto ka lang hangga’t kelan mo gusto! Pero kapag nagsasama ka pa talaga sa ibang taong hindi mo kakilala, sasabihin ko na talaga sa nanay mo ‘yung mga pinaggagawa sa ‘yo ni Jake para siya mismo ang magpa-uwi sa ‘yo rito!”]
Napalabi ako sa banta niya.
“Wala namang ganyanan Bes, ito naman.”
[“Che! Bahala ka! Bye!”]
Napailing na lang ako. Alam ko namang kahit mangyari ulit sa akin iyon ay hindi niya iyon sasabihin kay nanay. Kilala ko ang kaibigan ko kaya alam kong may isang salita siya. Kahit ano man ang mangyari ay hindi niya iyon ipagsasabi sa iba kahit na nga magkasakit ‘yon kapag hindi nakakadaldal.
Lalo pa’t alam niya ring mag-aalala lang ng sobra si nanay. Bukod pa roon ay alam niya rin kung gaano ko kagustong bigyan ng maginhawang buhay ang pamilya ko. Kapag sinabi niya iyon ay malalaman rin ni nanay na inatras na ni Jake ang kaso nito sa akin at ang dapat kong bayaran, at dahil roon ay hindi imposibleng pauuwiin niya na talaga ako.
Ayoko pa.
Matapos ang pag-uusap naming iyon ay nagpatuloy na ako sa pagtatrabaho. Abala ako sa paghuhugas ng pinagkainan namin nang pumasok ng kusina si Sir Mavi. Dumiretso siya sa ref at kumuha ng inumin roon.
“What are you going to cook later?” tanong niya habang nagsasalin ng tubig sa baso.
Pinanliitan ko siya ng mata saka bahagyang napangisi.
“Ikaw sir ha, nawiwili ka na . . .”
“Tss,” pag-iikot niya ng mata dahilan para matawa ako.
Ibinalik niya ang kinuhang pitsel sa ref saka naglakad papuntang lababo, malapit sa akin. Nilagay niya sa palanggana ang basong ininuman saka nakapamulsa siyang sumandal sa tiles. Bumaling siya sa ginagawa kong paghuhugas bago nag-angat ng tingin sa akin.
“So ano nga?”
Napanguso ako habang nag-iisip. Matagal ko na ‘tong gustong lutuin eh kaso walang ingredients. Nakakalimutan ko naman kapag naggo-grocery ako kaya’t hindi ko magawang lutuin rito.
Kapagkuwan ay tumingin ako sa kanya.
“Turon?”
Napakunot-noo siya.
“And what the hell is that?” tanong niya, mukhang ngayon na naman lang nakarinig ng kakaibang pagkain.
Mukhang wala yata talagang alam na ibang pagkain si sir kundi yung mga nakakain niya sa resto kaya naman heto at narito ako, naglalakad patungong kotse niya para pumunta ng mall dahil bibili kami ng ingredients. Na naman.
Akmang aalis na kami nang makita kami nina Sir River at Sir Odin.
“Where are you two going?” tanong ni Sir River.
“Are you two dating?” sabad naman ni Sir Odin habang pabaling-baling sa amin ang nanunuring tingin.
Agad na nanlaki ang mata ko, nagugulat.
“Hindi sir ha! Pupunta lang po kami ng mall. Kayo talaga mga desisyon kayo,” agad kong tanggi sa mga paratang niya saka bumaling kay Sir Mavi na bagot lang na nakatingin sa dalawa. “Tayo na nga sir—“
“Ah, so kayo na?”
Napangiwi ako.
“Ewan ko sa ‘yo Sir Odin. Bahala kayo d’yan.”
Iiling-iling akong hinila palayo ni Sir Mavi saka pumasok sa kotse niya habang tatawa-tawa naman sila. Pero hindi pa man kami umaandar ay nakasakay na sa back seat ang dalawa.
“What are you doing?” iritadong tanong ni Sir Mavi sa dalawa.
“Well, sasama kami sa inyo. The more the merrier, right?” Sagot ni Sir Odin saka binalingan ang katabing si Sir River. “Call the two, bud. Tell them we’re going to have a group date,” nakangising dagdag nito dahilan para mapabusangot si Sir Mavi.
Burong-buro na talaga siguro ‘to sa mga kaibigan niya.
Sa huli ay wala na rin siyang nagawa kundi ang paandarin ang sasakyan palabas ng bahay samantalang si Sir River naman sa likod ay abala sa kausap na napag-alaman kong si Sir Ramses pala. Matapos ang tawag ay lumingon siya sa amin.
“Nice! Ram and Vander will go too. It’s going to be fun.”
Hindi ko na lamang siya pinansin lalo na’t naging abala na ang dalawa sa pagkukwentuhan. Puro lang naman iyon tungkol sa babae kaya hindi na ako nakinig pa. Nagtataasan lang ang mga balahibo ko eh.
Napatingin ako kay Sir Mavi na tahimik at seryosong nagmamaneho. Napakakalmado niyang tignan kahit na nga magkakasalubong ang makakapal niyang kilay. Parang gusto ko na ngang pumunta sa harap niya para ayusin lang ‘yang kilay niya eh.
Syempre joke lang ‘yon. Baka masipa niya pa ako palabas ng sasakyan, mahirap na.
Sa ilang araw na pagtatrabaho ko sa kanila, masasabi kong unti-unti ko na rin naman siyang nakikilala. Feeling ko nga ang close na namin eh kahit na ang totoo ako lang naman ‘tong nagfi-feeling close sa aming dalawa.
Para siyang buwan na kahit madalas man kung kainin ng dilim, ang sarap pa ring panoorin—
Bumaling sa akin ang ulo niya kaya’t agad akong napaiwas ng tingin.
Nagkunwari akong tumitingin-tingin sa labas ng bintana habang ramdam pa rin ang kanyang paninitig sa akin.
Kinabahan ako du’n ha?
Narinig ko ang matunog niyang pagngisi. In fairness ha, napapadalas na siya d’yan sa pangisi-ngisi niya. Baka maging kamukha niya na ‘yung pusa doon sa Alice in the Wonderland.
Pasimple akong sumilip sa kanya pero hindi ang mukha niya ang kumuha ng atesyon ko, kundi ang kamay niyang may gasa.
Napakunot ang noo ko dahil halos buong kamay niya sa kanan ang may gasa. Para siyang boksingero na naghahanda sa nalalapit na laban dahil sa nasa kamay niya. Umabot iyon sa kanyang pulsuhan, sadyang hindi ko lang nakita kanina dahil palagi siyang nakapamulsa. Ni hindi ko nga alam kung matagal na ba ‘yan eh.
“Anong nangyari sa kamay niyo, sir? Bakit nagkaganyan?”
Ang dalawang nagkukwentuhan sa back seat ay natahimik, marahil ay gusto ring marinig ang sagot ni Sir Mavi.
“It’s nothing. Don’t mind it,” tipid niyang sagot, tutok sa daan ang mata.
“Pero baka lumala ‘yan, sir. Bakit hindi mo sinabi sa ‘kin kanina o kaya noong nakaraan? Sana nagamot ko man lang ‘yan.”
Hindi ko maiwasang mag-alala. Hindi kaya nakuha niya ‘yan noong mga panahong tinuturuan ko siyang magluto? Ilang araw na rin kasi kaming nagsasama at ilang putahe na rin ang naluto namin kaya hindi na ako magtataka kung doon nga ‘yan nanggaling.
“Baka may malapit pong clinic—“
“I told you, it’s nothing. Naipit lang ‘to when I tried to fix my car,” sagot niya na bahagya pang tumingin sa taas ng salamin. Kita ko silang tatlo kaya naman hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagpapalitan nila ng makahulugang tingin na hindi ko naman naintindihan.
Nag-aalala man ay hindi na lang ako nagsalita.
Gagamutin ko rin naman ‘yang sugat niya kahit umayaw pa siya. Ako nga ginamot niya noon eh, tapos ako na ‘tong nagkukusa, aayaw pa siya? Ano siya, chix?
Ilang segundong natahimik sa loob ng sasakyan bago iyon basagin ni Sir Odin.
“Anyway, what are you going to buy in the mall?”
Lumingon ako sa kanya saka sumagot.
“Bibili po ng ingredients sa turon, sir.”
Pero ano pa bang aasahan ko sa kanila? Dahil katulad ni Sir Mavi ay parang ngayon lang rin nila narinig ang salitang ‘yon.
“And what is that?” kunot ang noong tanong niya sa ‘kin. Napairap ako.
“Bale saging lang po ‘yan na ibinalot sa lumpia wrapper. Pwede ring lagyan ng hinog na langka o kaya naman ay asukal. Basta, masarap ‘yon sir! Lalo na kapag ako ang nagluto.” Mayabang ko ng sabi. “Saka bibili na rin po ako ng cellphone ko.”
“Wait, you don’t have a phone? How are you calling your family?”
“She’s using our landline. Without our permission.”
Napanguso ako sa sagot ni Sir Mavi. Siya lang kasi ang nakakakita sa akin sa tuwing kausap ko si nanay o si Eva. Tapos nambubuko pa!
Napahalukipkip ako sa kinauupuan.
“Eh sorry na po, mga sir. Ayoko naman po kasing gumastos nang gumastos dahil ‘di ba nga, may kailangan akong bayaran noon kay Jake tapos nagpapadala pa ako kina nanay.” Pagrarason ko.
“No worries. You can use our landline anytime whenever you want, my beautiful Ida. What’s ours is yours now,” sagot ni Sir Odin na tumataas-taas-baba pa ang kilay, may nakakalokong ngisi sa labi.
“What do you think of yourself, her husband?” sarkastikong sagot ni Sir Mavi, bumaling pa sa taas ng salamin para lang samaan ng tingin si Sir Odin.
“Chill, dude. Masyado naman yatang mainit ang ulo mo. Noong birthday mo pa ‘yan ah,” natatawang sabi ni Sir River na nagawa pang tapikin sa balikat si Sir Mavi.
Napaayos ako ng upo nang may maalala, saka humarap sa kanila. Hindi ko pa ‘to natatanong eh.
“ ‘Nga pala sir, ano po palang nangyari noong birthday mo? Wala po kasi akong maalala eh. Ang huli kong natatandaan ay kasama ko si Nash, ‘yung nakatira rin sa village malapit lang sa inyo? Tapos—“
“How many times do I have to tell you to not trust anyone that easily!” nabigla ako sa panenermon ni Sir Mavi. Tumuon sa akin ang matalim niyang tingin bago iyon muling ibalik sa daan. Agad akong kinabahan dahil sa tingin niyang ‘yon, sabayan pa nang nagtatagis niyang panga.
Napahawak ako sa aking dibdib.
‘Bakit parang kasalanan ko?’
“Do you know that guy, huh? He’s an asshole! Kung hindi kami dumating baka isa ka na sa mga nabiktima niya!” Ramdam ko ang inis at galit niya na kahit ang ugat sa kanyang braso ay makikita na dahil sa higpit ng hawak niya sa manibela.
Natigilan ako sa kinauupuan, kunot ang noo sa pagtataka.
“A-Ano pong ibig niyong sabihin?”
Nakatuon lang ang matatalim niyang tingin sa harap na animo’y naroon ang kaaway niya, hindi nagsasalita.
‘Ano bang ginawa ko? Ano bang nangyari talaga?’
“You don’t know how worried we are, Ida.”
Napatingin ako kay Sir Odin nang magsalita siya. Seryoso rin ang ekspresyon nilang dalawa katulad kay Sir Mavi. Pakiramdam ko ay muli ko na namang nakita ang Sir River at Sir Odin na nasaksihan ko noong sinaktan ako ni Jake.
“He’s a notorious fuckboy at hindi na bilang sa kamay ang mga babaeng nabiktima niya.” Lumamlam ang kanyang mata sa akin. “So please, next time, ‘wag kang basta-bastang sumasama sa taong kakikilala mo pa lang.”
Nakaawang lang ang bibig ko sa mga narinig ngunit ‘di kalaunan ay mas natabunan na iyon ng hiya. Napayuko ako dahil napakarami nang abala ang nagawa ko.
Ano ka ba, Ida! Ilang beses na ha!
Ba’t ba kasi hindi ko man lang iniisip na sa tuwing may ginagawa akong taliwas sa kagustuhan nila ay sila rin lang ang nadadamay sa gulong pinapasok ko?
“And don’t be stubborn anymore,” matigas na dagdag ni Sir Mavi.
Napahalukipkip ako sa kinauupuan. Para akong bata na paulit-ulit na lang na nasesermunan dahil walang kadala-dala sa mga nangyayari.
“C’mon, ‘wag niyo nang pagalitan si Ida. Hindi niya naman na uulitin, right Ida?”
Napaangat ako ng tingin kay Sir River na may munting ngiti sa labi sa akin kaya gumaan rin kahit papaano ang pakiramdam ko.
Marahan akong tumango saka tipid na ngumiti sa kanya.
“Opo, hindi na po.”
“Oh ‘yun naman pala eh!”
“Sorry po ulit,” mahinang sabi ko.
Matapos ng usapang iyon ay tahimik kaming lahat habang nasa biyahe. Medyo traffic kaya naman ang ilang minuto na dapat ay biyahe namin, ngayon ay halos mag-iisang oras na. At sa ilang minutong biyahe na ‘yon ay wala nang ibang pumirmi sa utak ko kundi ang mga nalaman ko sa kanila kanina.
Ganito na lang ba palagi ang mangyayari sa ‘kin? Na sa tuwing may makikilala akong kaibigan, ang labas ay lolokohin rin pala ako? Kung kelan gusto kong patunayan sa iba na hindi lahat ng taong bagong dating sa buhay ko ay masama, saka naman ako pinapahiya ng tadhana.
Pagagalitan na naman ako ni Eva kapag nalaman niya ‘to, tss.
Eh ano ba kasing ginawa sa ‘kin ni Nash? Bakit gano’n na lang sila kung magalit doon sa lalaking ‘yon?
Nagising lang ako sa pag-iisip nang tumigil na ang sinasakyan namin. Nandito na pala kami sa mall.
Magkakasabay kaming bumaba at bahagya pa akong nagulat nang inakbayan ako ni Sir River saka sinapo ng dalawa niyang kamay ang magkabila kong pisngi, dahilan para mapangiwi ako.
“ ‘Wag mo nang isipin ang mga ‘yon, okay? Smile naman d’yan!”
‘Ano ako, clown?’
“Aww! Masakit na po, sir!” reklamo ko pero hindi niya pa rin ako binibitiwan.
“C’mon! I want a bigger smile! Bring back our Ida— oh f**k!” napamura siya nang malakas na tapikin ni Sir Mavi ang braso niya dahilan para mapabitaw siya sa pagkakaakbay sa akin at sa pisngi ko. Masama siyang tumingin kay Sir Mavi pero ‘di kalaunan ay napangisi siya rito at saka tumingin sa ‘kin. “If you were a bank, I would not dare to rob you.”
Napakunot ang noo ko.
“Huh?”
Kelan pa ako naging bangko?
“Ang higpit kasi ng bantay mo!” tatawa-tawa niyang sagot na tumingin pa kay Sir Mavi bago tatakbo-takbong umalis sa harap ko saka sumabay kay Sir Odin na nauna na palang pumasok sa loob.
‘Eh mukhang sila ang nagiging weird lalo habang nagtatagal eh.’
“Tss.”
Iiling-iling si Sir Mavi na nakapamulsa bago naglakad papasok. Ako naman ay nakasunod lang sa kanya.
Pero hindi katulad ng napagplanuhan, hindi kami dumiretso ng department store, dahil itong mga amo ko, kasama na sina Sir Vander at Sir Ramses na kararating lang, ay nagsidiretsuhan sa World of Fun.
Pinanood ko nang mag-unahan sa pagkuha ng baril-barilan sina Sir Odin, River at Vander ngunit mas nauna ang dalawa kaya inis na sinuntok ng huli si Sir River sa braso, dahilan para matawa ako. Para talaga silang mga bata.
“Come here Ida. Let’s play this one instead.” Tawag ni Sir Vander sa akin kaya lumapit ako sa kanya. Naroon siya sa may claw machine at tumitingin-tingin sa nasa loob ng salamin. “What do you want in there?”
Tumabi ako sa kanya at nakisilip na rin. Maraming stuffed toys ang naroon at lahat ay ang ku-cute, pero dahil favorite ko ang yellow, si Spongebob ang pinili ko.
“This one?” tanong niya. Tumango naman ako. “Okay. Spongebob it is. Wait here.”
Umalis siya sandali para magpapalit ng token at nang makabalik ay sabay kaming naghintay matapos ang mga naglalaro saka siya nagsimula.
Sa unang laro ay kalmado si Sir Vander. Hindi halata sa mukha niya na mahirap ang laro, lalong-lalo na ang makakuha ng stuff toy dahil ang lampa ng galamay ng makinang ‘to! Kaloka ha?! Nauubos na ang barya ni sir pati pasensya ko paubos na rin pero hindi niya pa rin nakukuha ‘yung spongebob.
Gano’n pa man ay hindi ako tumigil sa pagchi-cheer sa kanya, lalo na nang sa huling hulog niya ng barya ay nahawakan na ng makina iyong gusto kong stuffed toy, pero anak naman talaga ng tukneneng oh!
“Mandaraya ata ‘to sir eh!” reklamo ko matapos walang makuha si Sir Vander.
Natawa lang siya saka ginulo ang buhok ko.
“Don’t worry. I have lots of money to—“
“You didn’t get any? You’re weak dude,” napatingin kami kay Sir Mavi nang sumingit siya sa usapan namin. Nanunuya ang tingin niya na parang nag-aasar kay Sir Vander saka bumaling sa ‘kin. “What do you want in here?” tanong niya, nakatitig pa rin sa akin.
Tumikhim ako saka tahimik na itinuro ang gustong laruan. Nang tumingin siya roon ay pasimple kong kinapa ang dibdib ko, sa mismong tapat ng puso kong malakas ang pagkalabog.
‘Ba’t ka gan’to ha? Nagwawala ka na naman yata d’yan!’
“You like spongebob?”
Tumango lang ako bilang sagot.
‘Ano na, Ida ha? Kanina ang daldal mo tapos ngayon parang naubusan ka na ng laway? Anyare gurl?’
Epekto lang yata ‘to nang ginawa niyang panenermon kanina. Tama. ‘Yun lang ‘yon.
“Let’s see if you’re better than me then,” tila nanghahamon namang sabi ni Sir Vander.
Pabaling-baling ako sa kanilang dalawa.
‘Kalma! Ako lang ‘to ha? Ako lang ‘to! ‘Wag kayong mag-away.’
Susko nababaliw na yata ako.
Pareho kaming nakaabang sa gagawing paglaro ni Sir Mavi. Napatingin kami nang naglabas siya ng 2,000 pesos at saka iyon ibinigay sa staff.
“Here. I’ll buy the Spongebob plushie— no, the bigger one. Bigger than this toy inside.”
Nagkatinginan kami ni Sir Vander, parehong napangiwi saka nailing na ibinalik sa kanya ang atensyon.
Pinanood ko nang kunin niya iyon sa staff.
“Keep the change,” sabi niya pa.
Nang bumaling siya sa amin ay pareho niya kaming tinaasan ng kilay.
“What’s with that look?”
Muntik pa akong matawa dahil sa ekspresyon ng mukha niya habang may hawak na Spongebob stuffed toy na halos umabot sa pwetan ko ang tangkad.
“Weak, huh? Eh hindi ka nga naglaro,” ismid ni Sir Vander.
Kumibit-balikat si Sir Mavi.
“Well, not all games are played with strength. Some were played with wits,” nakangising turo niya sa sariling sentido, nagmamalaki ang mukha. “Besides, why do you have to complicate things if there’s an easy solution to that, right?”
Nailing na lang si Sir Vander.
“Here. Get this—“ natigil siya nang mag-ingay ang kanyang telepono.
Kinuha niya iyon sa kanyang bulsa at agad na nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. Matapos iabot sa akin si Spongebob ay walang salitang tinalikuran niya kami. Sinundan ko pa siya ng tingin at mula sa kinatatayuan ko ay kita ko kung paano siya pumameywang bago sinagot ang tawag.
Napatingin ako kay Sir Vander at mahinang natawa nang makitang sumusubok na naman siyang mag-laro. Pero mukhang malas lang talaga siya ngayon dahil matapos ang ilang subok ay wala pa rin siyang nakuha.
“Ayos lang ‘yan sir. Malay mo, makakuha ka na rin d’yan balang-araw tapos hindi na ako ‘yung pagbibigyan mo kundi ‘yung jowa mo na.” Nagawa ko pang tapikin ang balikat niya.
“I’ll get you one next time, then.” Nakangiti niyang sabi.
“Ha?”
Ngisi lang ang isinagot niya sa akin.
Magtatanong pa sana ako nang nagsipuntahan na sa puwesto namin sina sir. At bago pa ako makatanggi ay natangay na nila ako para maglaro kasama sila. Naging abala kami sa paglalaro ng basket ball. Si Sir River at Sir Odin ang magkalaban at nang matapos sila ay kami naman ni Sir Ramses ang sumunod. Parang hindi man lang nga siya ginaganahang kalaro ako eh. Hindi ko naman siya masisisi dahil mani lang yata sa kanya ang pagpapa-shoot ng bola kaya naman hindi na ako nagtaka nang siya ang manalo. Si Sir Vander ay nanonood lang habang siyang may dala ng Spongebob ko.
Marami pa kaming nilaro katulad ng baril-barilan, pati na rin iyong video games na puro isda ang nakikita ko at saka ‘yung sumasayaw-sayaw at ginagaya ang nasa screen. Tatawa-tawa lang ako habang pinanonood sina Sir River at Sir Odin na kung sumayaw ay akala mo bulateng binudburan ng asin na may kasamang kalamansi at suka. Si Sir Ramses na nga ang nahihiya sa mga kaibigan at kapatid niya kaya hayun at malayo ang distansya sa amin, busangot pa ang mukha. Para kaming sikat dito dahil kung pagtinginan ng mga tao ay para kaming mga stars na nalaglag sa kalangitan.
‘Ay, kasama ka gurl?!!’
Okay, sila lang pala ‘yon.
Hapon na nang matapos kami at doon ko lang naalalang hindi pa bumabalik si Sir Mavi.
‘Sa’n na nagpunta ‘yun?’
Palinga-linga ako sa paligid habang naglalakad kami papuntang restaurant kung saan kami kakain. Malapit na rin kasing mag-dilim.
“I already texted him. Darating na rin ‘yon.”
“Ha?” napabaling ako kay Sir Ramses na siya palang nasa likod ko. Bigla na lang kasi siyang nagsalita.
Bumaling sa ‘kin ang bagot niyang mga mata.
“You’re looking for Mavi, right?
Napakurap ako.
“H-Hindi ko naman po siya hinahanap, sir.”
“Sure you don’t,” sarkastikong sabi niya bago ako nilagpasan.
‘May balak ba ‘tong pumalit sa trono ni Sir Mavi?’
Pagpasok sa resto ay naroon na si Sir Mavi at abala pa rin sa kanyang telepono, pero hindi katulad kanina ay hindi na lukot ang kanyang mukha. Ibinaba niya rin naman iyon nang makarating kami.
Nang matapos ay nagsiuwian na rin naman kami. Ni ang totoong pakay sa pagpunta ng mall ay tuluyan na naming nalimutan.
Pahiga na ako ng kama ko nang makarinig ako ng pagkatok. Napatingin ako sa orasan at nakitang mag-hahatinggabi na.
Nagtataka man ay dali-dali rin akong bumangon. Inayos ko ang buhok at kinuha ang maliit na tuwalya upang ilagay sa aking harap, pantakip sa manipis kong bestida.
Pagkabukas ng pinto ay nagulat ako nang bumungad si Sir Mavi. Hinagod niya ng tingin ang kabuuhan ko bago nag-iwas ng tingin.
Tumikhim siya saka inabot sa akin ang dalang paper bag.
“Sir—“
“Just take that.”
Nagtataka man ay kinuha ko iyon sa kanya. Para ngang nandidiri sa ‘kin dahil ni ayaw man lang madampian ng balat niya ang balat ko, at pagkatapos iyong iabot ay walang-pasabi siyang tinalikuran ako. Sinundan ko ng tingin ang papalayo niyang likod na dali-daling naglalakad bago nahulog ang mata ko sa ibinigay niya.
Sa paperbag pa lang ay alam ko na kung ano iyon kaya naman dali-dali kong sinarhan ang pinto at excited kong binuksan ang dala sa aking kama.
Binigyan niya ako ng cellphone! Mamahalin mga beshywaps!
Napatingin ako sa sahig nang may malalag roong yellow at maliit na papel. Nang tignan ko ay may nakasulat roong numero.
Num— number niya?!
‘Save my number. – Mavi.’
Iyon ang nakasulat roon.
Kaloka, hindi ko pa nga nase-save number nina Eva at ate, may nauna na agad sa linya.
Pero ohmayghad! Gusto kong tumili sa tuwa!!!
Eh kasi naman nakatipid ako ano ba! At hindi lang iyon dahil may binili rin siyang sim card at tatlong phone case na color yellow lahat! Isa-isa ko iyong tinignan at mas lalo lamang lumalaki ang ngiti ko sa mga disenyo ng mga iyon. Pero wala na yatang mas gaganda pa sa paningin ko kundi ang spongebob design roon. Napatingin ako sa ibinigay niyang spongebob stuffed toy kanina. Maya-maya pa’y may ngiti kong kinuha ang cellphone na bigay niya at itinipa ang kanyang numero para i-save.
Mavingit.
Natawa ako sa itinype kong pangalan niya sa contacts ko.
Bagay naman kasi sa kanya.
Mavi at masungit. Mavingit.
Nagtipa ako ng mensahe para sa kanya.
‘Salamat po sa cellphone, Sir Mavi. Lakas ko talaga sa inyo, ‘no? Haha. Baka sa susunod house and lot na ibigay niyo ah? Charr!’ – Ida’ng Maganda.
Matapos maisend iyon ay nakailang picture-picture muna ako bago natulog.