Chapter 18

3823 Words
“T-Teka sir, saan po ba tayo pupunta?” tanong ko habang hila-hila ako ni Sir River at Sir Odin. Naalala ko ang sunud-sunod na mga pagkatok sa aking kwarto kanina. Kamot-kamot ang ulo nang tumayo ako at naglakad papunta roon. Pagbukas ko ay tumambad sa akin ang mukha ng mga amo ko at agaran akong napaiwas nang may mag-flash sa harap ko. “Nice one! Ganito ka pala kaganda in the morning, Ida,” nakangising sabi ni Sir Odin na kinunan pala ako ng litrato. “Nice dress, by the way,” dagdag niya pa kaya gano’n na lamang ang pagkagimbal ko bago sila dali-daling tinalikuran. “Ouch!” rinig ko pang reklamo ni Sir Odin bago ko tuluyang sarhan ang pinto ng banyo. ‘Manyak talaga ‘yon, hmmp!’ Dali-dali akong naligo, nagbihis at nag-empake katulad ng bilin nila sa ‘kin at ngayon ay natagpuan ko na lamang ang sarili kong pinagtututulak nitong dalawang ‘to. “Basta. You will like it there,” nakangising sagot ni Sir Odin na nagawa pang kumindat. “Just trust us, Ida. Basta kami ang kasama mo, you’ll be safe.” Dagdag naman ni Sir River. ‘Yun na nga eh. Kayo ang makakasama ko kaya nakakapangduda kung magiging safe ba talaga ako. Nang makalabas ng bahay ay napakunot ang noo ko matapos makakita ng itim na van na nakaparada sa labas. Para lang mangingidnap ng bata ah? Sakay ng van ay sina Sir Vander na siyang nasa unang hilera ng upuan, si Sir Ramses na nasa likuran niya at tila tulog dahil sa itim na panyong nasa mukha niya at si Sir Mavi naman na siyang nasa driver’s seat at gwapong-gwapo sa suot na itim na sleeveless shirt at itim na shades. “Kaninong van ‘to?” tanong ko nang makalapit kami roon. “It’s our dad’s. C’mon, get in the car now.” Sagot ni Sir River saka kinuha sa akin ang bagpack ko at nilagay iyon sa hulihan, saka sila nagtabi ni Sir Odin roon. “Sit here, Ida—“ “Come here.” Pareho akong napabaling kina Sir Vander at Sir Mavi nang sabay silang nagsalita. Nagkatinginan rin sila nang mapagtanto iyon habang ako ay nakatayo pa rin dito sa labas. Maya-maya pa’y lumingon sa akin si Sir Vander, nakangiti saka umusog sa dulo ng kinauupuan para magkaroon pa roon ng espasyo. “Come on Ida, sit here. You can also sleep here beside me.” Pinagpag niya pa ang upuan sa tabi niya. “She can’t sleep with the windows closed. It makes her dizzy.” Gulat akong napabaling kay Sir Mavi sa tinuran niya. Pa’no niya nalaman ‘yan? “Right?” dagdag niya pa saka bumaling sa ‘kin. Inangatan niya ako ng kilay na tila ba gawa-gawa niya lang ang sinabi at kailangan ko iyong sakyan kahit mayroon naman talaga iyong katotohanan. “A-Ah, opo. Opo, totoo ‘yon.” “Edi bubuksan—“ “Hop in now.” Naputol ang akmang pagsalita ni Sir Vander nang sumingit si Sir Mavi. Tipid akong ngumiti sa kanya na ginantihan rin ako ng tipid na ngiti, saka na ako sumakay sa passenger seat, sa tabi ni Sir Mavi. “Paano mo nalaman ‘yon?” bulong ko sa kanya. “Tss. Just put your seatbelt on and sleep.” Natawa ako sa pagsusungit niya. Ang taray eh. Bandang alas-siete y media nang makaalis kami ng bahay. Maiingay itong mga kasama ko kaya kahit gustuhin ko mang matulog ay hindi ako magawang dalawin ng antok na kinuha nila sa ‘kin kanina. Naglabas ng gitara si Sir River na hindi ko nakitang dala niya pala. Sinimulan niya ang pag-strum na agad ko rin namang napamilyaran ngunit dahil sa hindi kabisado ang lyrics ay nakinig na lamang ako sa kanila. ‘Circle’ iyon ni Post Malone na siyang bumagay sa biyahe namin. Nagising si Sir Ramses. Nakisabay na rin sina Sir Vander at Sir Mavi sa pagkanta kaya mas naging maingay ang sasakyan ngunit mas nagpadagdag saya sa biyahe. Nagpatuloy sila sa kantahan habang ako naman ay ginagalaw-galaw lang ang ulo rito sa aking upuan. Napangiti ako habang pinapanood silang nagkakasiyahan. Nagising ako dahil sa nararamdamang init na tumatama sa mukha ko mula sa sinag ng araw. Masyado ng tirik ang araw nang bumaling ako sa labas ng bintana at mula roon ay natanaw ko kung nasaan kami. “Resort?” mahina kong bulong sa sarili, naroon ang pagtataka. Nasa parking ang aming sasakyan at mula sa aming pwesto ay tanaw ang pangalan ng resort kung nasaan kami. Sunset Resort— iyon ang nakalagay sa tablang nasa taas habang nakasunod naman roon ang hilera ng makukulay na bandera at ang mga arrow na siyang susundan para marating ang pinakaloob. Nilingon ko ang mga kasama ko ngunit wala na sila sa kinauupuan. Wala na rin ang ilan naming gamit at tanging si Sir Mavi na lang ang kasama ko rito. Nakahalukipkip siya sa driver’s seat, naka-krus ang mga braso sa ibabaw ng dibdib at nakapikit. Umayos ako ng upo saka marahang kinalas ang seatbelt sa aking katawan. Dahan-dahan akong lumapit kay Sir Mavi upang gisingin siya. Humawak ako sa may manibela para suportahan ang aking paglapit sa harap niya. “Si—“ Hindi ko naituloy ang nais sabihin matapos bumukas ang mata niya at agaran noong nahanap ang akin. Talagang natural na yata ang makaramdam ng pag-aalon sa aking sistema dahil sa uri ng paninitig niya. Malamlam iyon na para bang lumaklak siya ng ilang bote ng alak at ngayon ay lasing na habang nakatitig sa akin. Napalunok ako at marahang nakagat ang pang-ibabang labi nang bumaba ang mata niya roon, dahilan para mapatingin na rin ako sa mapula niyang labi. Binasa niya iyon ng kanyang dila sa mabagal na paraan at naiwang nakaawang. Para iyong mansanas na bagong pitas at pilit na isinusulsol sa akin ng ahas upang kagatin ko. Ramdam ko ang bigat ng paghinga naming pareho dahil sa hininga niyang dumadampi sa balat ko. Sunud-sunod ang aking paglunok habang unti-unting lumalapit ang kanyang mukha sa akin. Malapit na . . . Ipinikit ko ang mata habang ninanamnam ang mainit niyang hininga na nauuna nang magparamdam sa akin. Tila nawala at nagsiliparan na papalabas ng sistema ko ang lahat ng aking katinuan. Ang apoy ay unti-unti na ring kumakalat sa aking katawan, na kahit pilit ko man iyong apulahin ay masyado nang malakas ang hangin dahilan para hindi ko na iyon magawa pang kontrolin. Kaunti na lang . . . Ilang sentimetro na lang . . . “Ehem.” Halos itapon ko na ang sarili makalabas lang ng sasakyan matapos makarinig ng pagtikhim! Punyawa!!! Habol ko pa ang hiningang kanina ko pa pala pinipigilan saka dali-daling lumabas ng sasakyan na para bang naroon ang sariwang hangin na makakapagbigay buhay sa ‘kin. Hindi ko magawang tignan ng diretso sa mata si Sir Ramses na prenteng nakapamulsa at pabaling-baling ng tingin sa amin saka na ako mabilis na naglakad papasok sa loob at iniwan silang dalawa roon. “Ano na namang ginawa mo, Ida?! Arghhh!!!!” Kung pwede lang magpalamon sa lupa ay matagal ko nang ginawa! Grabe ang kalabog ng aking dibdib na kahit nakalayo na ako sa kanila ay hindi ko pa rin maiwasang pamulahan at pag-initan ng mukha. Gamit ang aking kamay, ipinantakip ko iyon sa aking mukha lalo na sa tuwing may nakakasalubong akong ibang tao. Pakiramdam ko ay lahat sila nakita ang muntikan nang mangyaring iyon. Muntik na kaming maghalikan, susmaryosep! Napatigil ako sa paglalakad at napahawak sa aking labi. Hindi man dumampi ang kanya sa akin, ramdam ko pa rin iyon sa gahiblang distansya namin kanina. Hindi ko maipaliwanag kung ano iyong naramdaman ko kanina, basta ang alam ko lang, pareho naming ginusto iyon. Gusto ko iyong mangyari. Kinapa ko ang aking dibdib at doon dinama ang lakas ng kalabog no’n. ‘Ano bang nangyayari sa ‘yo?’ “Let’s go now.” Kinabahan ako matapos marinig ang boses ni Sir Ramses saka napasunod ng tingin sa papalayong likod niya na kalalagpas lang sa ‘kin. Nagkatinginan kami ni Sir Mavi pero sabay rin kaming nag-iwas. ‘Ano ba naman ‘to! Bakit kailangang maging awkward? Naman kasi eh!’ “Come on now.” Tipid niyang sabi saka nagpaumuna na sa paglakad habang nakapamulsa sa suot na summer short. Napabuntong-hininga ako saka sumunod sa kanya. Sumalubong sa pagpasok namin ang makukulay na banderang tela na nakakabit sa mga kawayan at sa ‘di kalayuan ay ang berdeng dagat. Tila nawala lahat ng isipin ko habang nakatunghay sa malawak na dagat at sa ilang mga taong nagtatampisaw roon. Maputi at pinong buhangin ang nasa dalampasigan at napangiti ako habang dinadama ang mga iyon sa aking paa. “Here.” Nawala ang atensyon ko sa dagat nang tahakin namin ang daan patungong mga cottages. Marahil ay doon kami tutuloy ngayong araw. Iginiya kami ng staff sa isang mahabang cottage kung saan ngayon ko lang napagtantong hilera pala iyon ng anim na kwarto at tama lang para sa bilang namin. Gawa iyon sa nipa at kawayan pero sa isang tingin pa lang ay malalaman mo na agad na may mga kaya lang ang kayang tumuloy roon. May kataasan iyon kaya’t kailangan pang umakyat ng hagdan para makapunta kahit sa terrace lang nito. Mayroong malaking duyan roon na gawa sa ratan at nakaharap sa dagat habang napapalamutian ang taas at harap ng cottage ng mga shells at maliliit na ilaw na malamang ay magniningning kapag sumapit ang dilim. Ibinigay sa amin ng staff ang susi ng aming mga kwarto at napaggigitnaan nina Sir Vander at Sir Odin ang kwarto ko. Sumunod ay ang kay Sir River, Sir Ramses at nasa pang-huli naman ang kay Sir Mavi. Mabuti naman dahil hindi ko alam ang dapat maramdaman kapag magkatabi lang ang sa amin. Katamtaman lang ang sukat sa loob. Isang kama, isang mahabang sofa, may lababo rin kung saan nakalagay ang ilang kagamitan sa kusina, may maliit na ref, T.V., cabinet na lalagyan ng mga damit at aircon. Inayos ko muna ang dalang gamit sa cabinet. Nilingon ko ang pinto nang makarinig ng katok roon. Pagbukas ko ay tumambad si Sir Vander. “Let’s eat our lunch now, Ida.” “Sandali lang po.” Tinapos ko lang ang ginagawa saka na kami sabay na lumabas, ngunit agad akong pinangiliran ng luha nang hindi lang tanghalian ang sumalubong sa ‘kin. “Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday . . . Happy birthday, Ida!!!” “Make a wish now!!!” malaki ang ngiting lapit ni Sir River na siyang may hawak ng chocolate cake. Hindi ko alam ang dapat na maramdaman. Sa tanang buhay ko ay ngayon lamang may nag-surpresa sa akin para sa kaarawan ko dahilan para maluha ako. Ni hindi ko nga naalalang birthday ko pala ngayon eh. Kaya pala may pa-outing silang nalalaman. Pinahid ko muna ang aking luha saka marahang pumikit. Maya-maya pa ay nakangiti ko nang hinipan ang kandila matapos mag-wish at kasunod no’n ay ang palakpakan nilang lahat. “Happy 19th birthday, my beautiful Ida.” “Happy birthday!” Ginulo ni Sir Vander ang aking buhok bago na kami nagsiupuan sa mga silyang pinapalibutan ang isang mesa na puno ng pagkain. “Salamat po. Grabe naman ‘tong pa-surprise niyo, sir. At dahil diyan, patatawarin ko kayo sa pangbubwisit niyo sa ‘kin kaninang umaga.” Nagtawanan sila dahil sa sinabi ko at nailing. Napuno ng asaran ang hapagkainan dahil sa pangangantyaw nila sa pag-iyak ko kaya wala akong ibang ginawa kundi ang umirap lang pero kalaunan ay ngingiti rin naman. Pagkatapos kumain ay nagsibalikan kami sa aming mga kwarto para magbihis. Magsu-swimming na raw kami. Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap ng masusuot nang may kumatok sa pinto. Na naman. “Oh, Sir Odin, bakit po?” tanong ko pagkabukas. “Here. My gift for you. For sure bagay ‘yan sa ‘yo.” Binigay niya sa akin ang isang may kalakihang puting paper bag. “Salamat po, sir.” Sabi ko matapos ko iyong kunin. “You’re always welcome, my beautiful Ida.” Kumindat lang siya bago na tuluyang umalis. Naupo ako sa paanan ng kama at doon binuksan ang paper bag, at halos mangilabot ako nang ang unang tumambad sa akin ay isang pares ng pulang two-piece bikini! “Susmaryosep!” Kinikilabutan ako habang nilalabas ang mga naroon. Bakit pa ba ako nagtaka sa bigay niya eh si Sir Odin ‘yon. Dalawang pares pa ng bikini ang naroon na katulad lang rin ng disensyo no’ng una. May ekis sa parteng dibdib ng bra habang nasa magkabilang gilid naman ng bewang ang ekis ng panty. Medyo kumalma lang ako nang makitang may itim na short roon at isang blue off-shoulder. Maikli nga lang pero okay na rin, saka maganda naman. Halata pang mamahalin. Matapos maligo ay matagal kong pinag-isipan kung anong bikini ang susuotin. Sa huli ay iyong itim ang napili ko. Pinatungan ko na lang iyon ng short at off-shoulder na damit. Hindi ko naman kayang maghubad kaya okay na ‘to. “Ooh, you’re sexy, Ida.” Ngisi ni Sir Odin matapos makita ang ayos ko. Bahagya tuloy akong nahiya matapos makitang hinagod rin ako ng tingin ng iba. “Told ‘ya it suits you.” Tipid lang akong ngumiti at iniiwasang salubungin ang mga mata nina Sir Vander at Sir Mavi na hindi yata napapagod sa kahahagod ng tingin sa ‘kin. ‘Sabi nang ako lang ‘to eh.’ Napalunok ako at bahagyang sumilip kay Sir Mavi ngunit agad rin akong napaiwas matapos makita ang salubong niyang kilay. Para bang may nakita siyang nakakairita kaya gano’n na lamang ang tingin niya sa akin. Grabe, hindi niya ba nagustuhan ‘tong suot ko? ‘Ay bakit gurl, para sa kanya ba kung bakit ka nagsuot ng ganyan?’ Napangiwi ako. Nag-aya si Sir River na maglaro ng volleyball. Timing naman dahil walang naglalaro sa may net na nasa dalampasigan lang. Naghati kami at tigta-tatlo kada grupo. Kasama ko sina Sir Vander at Sir Odin habang ang tatlo naman sa kabila. “Race to 15. Game?” Nginisihan ni Sir River si Sir Odin. “15? Make it 25. ‘Wag mo naman ipahalata masyadong tumatanda ka na at madaling mapagod, bud.” Nailing si Sir Odin. “Gago. 25 then. Pupulbusin namin kayo.” Itinuro niya pa ang tatlo naming kalaban saka dumakot ng buhangin at binitiwan iyon na animong may pinanggigigilan. “Like this,” saka siya ngumisi. Napangiwi na lang ako sa yabangan ng dalawang ‘to. “At kapag kami ang nanalo, we’ll have a kiss in each cheek from Ida!” Nanlalaki ang matang napabaling ako kay Sir Odin dahil sa sinabi niya. “Ba’t ako?!” gulantang na turo ko sa sarili. “Okay, we’ll give you a kiss in each cheek, then.” Nakangising sagot niya. “Ewan ko sa ‘yo, sir. Wala akong sinasabing ganyan ah.” Pagpustahan ba naman ako?! Kabayaran ba ‘to sa regalo niya? Pisti. “Let’s play now.” Napabaling kami kay Sir Mavi na tahimik na kinuha ang bola. Kara-krus ang ginawa nila para malaman kung sino ang mauuna at dahil kami ang nanalo, sa amin nila ibinigay ang bola. Ako ang unang pinag-serve nila ng bola. Marunong naman ako nito dahil madalas akong pambato ng section namin noong high school tuwing Intrams. Inilagay ko iyon sa aking kaliwang kamay. Ilang beses ko pa iyong inikot-ikot bago ko inihagis pataas saka pinalo ng aking kanang kamay. Lumagpas iyon sa net at agad na nahampas ni Sir Ramses pabalik sa amin na agad ring naibalik sa kanila ni Sir Odin. Bigo iyong nahagip ni Sir River kaya’t kami ang nakakuha ng unang puntos. “Tsk tsk tsk. So weak, bud.” Iiling-iling niyang kantyaw kay Sir River. Ipinakita lang ni Sir River ang gitnang daliri niya bago ulit pumwesto habang si Sir Ramses naman ang nag-serve ng bola. Medyo nahirapan kami sa paglalaro dahil mabuhangin. Ilang minuto kaming naglaro at sa ilang minutong ‘yon ay hindi na rin nagkakalayo ang aming mga puntos. Lahat sila ay magagaling. Hindi ko alam kung sineryoso ba nila ang kalokohang premyo na sinabi ni Sir Odin kung kaya’t ayaw rin magpatalo ng iba o may iba pang dahilan bukod ro’n. Magkapantay na ang aming mga puntos at isa na lang ang kailangan para may manalo. Laro-laro lang naman ito pero hindi ko maiwasang kabahan. May iilan ring mga nanonood dahilan para mas madagdagan ang kaba ko. Paano kung totohanin nila ‘yung kanina? Kaloka! Mga gwapo naman sila pero goodness! Hindi ako handang magpahalik! ‘Yung kanina nga lang— tss, focus Ida! Focus! Inayos ko ang tali ng aking buhok saka pinunasan ang pawis gamit ang aking kamay. “Ready your cheeks, Ida because we’re gonna win this game! Right, Mavi?” sigaw ni Sir River sa kabila. Napatingin ako kay Sir Mavi at parang gusto ko na lang kumaripas ng takbo sa dagat at ibabad ang sarili ko roon buong maghapon. Lalo na nang masalubong ko ang matiim niyang tingin. Susko po! Kahit na pinagpapawisan na ang gwapo pa rin. Parang kahit amuyin ko ‘yang kili-kili niya ay mabango pa rin siya. Napalunok ako ng hubarin niya ang sleeveless shirt niya habang hindi pinuputol ang titigan naming dalawa. Punyawa!!! Nananadya ba siya? Talagang gusto niya ba akong akitin gamit ‘yang maganda niyang katawan ha? Itinatapon-tapon niya ang bola sa kanyang kamay bago lakasan ang palo roon. Pinanood ko kung paano lumagpas ang bola sa net saka naibalik ang tingin sa kanya— “Ida!” “Aray!” napaupo ako sa buhanginan matapos mabangga ng katawan ni Sir Vander. Para naman akong nagising sa aking imahinasyon saka ko hinagilap ang bola na ngayon ay hawak na ni Sir Odin na umiiling-iling sa pang-aasar ni Sir River. “Paano ba ‘yan, panalo kami?” ngingisi-ngisi si Sir River habang hindi tinitigilan ng pangangantyaw si Sir Odin. “Are you okay?” inalalayan ako ni Sir Vander makatayo. “Okay naman po. Natalo ba tayo?” tatanga-tanga kong tanong. Tinawanan niya ako saka ginulo ang buhok kong dati nang magulo. “It’s okay. Friendly game lang naman ‘to.” Matapos ang larong ‘yon ay nagpaalam muna akong babalik sa aking kwarto para kunin ang cellphone ko. Napatingin ako roon nang maalalang kabibigay lang nito ni Sir Mavi kagabi at hindi ko pa siya napapasalamatan ng personal. Pero . . . kasi naman eh! Nakakahiyang lumapit! Ngayon pang ni hindi ko nga matagalang tumitig sa kanya dahil sa tuwing gagawin ko ay laging pumapasok sa utak ko ang muntikan ng mangyari sa amin sa sasakyan kanina. ‘Eh paano kayo magkakaayos ulit kung iiwas ka ng iiwas?’ “Siguro, dapat kausapin ko na siya ‘no? Para naman hindi na kami maging awkward. Hindi naman natuloy kaya . . . iisipin ko na lang na walang nangyari. Tama! ‘Yun na lang ang gagawin ko.” Tatangu-tango akong bumalik sa pwestong pinag-iwanan ko kina Sir kanina. Nagsu-swimming ang iba habang si Sir Mavi naman ay nakaupo lang sa buhanginan. Nakataas ang isang tuhod at nakapatong roon ang isang kamay na may hawak na lata ng beer habang ang isa naman ay nakatukod sa likod niya para pang-suporta. “This is it, Ida. Kapalan mo lang ang mukha mo. Go lang ng go!” Ilang buntong-hininga pa ang ginawa ko bago nag-umpisang maglakad papalapit sa kanya. Akmang tatawagin ko na siya nang may lumapit sa kanyang grupo ng mga babae. Tatlo sila at mula sa puwesto ko ay kita ko kung gaano kagaganda ang mga katawan nila. Para silang mga modelo na lumabas ng magazine para lang rumampa at magpa-cute kay Sir Mavi. May kung ano silang pinagsasasabi habang pangisi-ngisi naman ‘tong tatlong tuko na ‘to. Nang balingan ko si Sir Mavi ay nakangisi rin. Wow ha? Mahilig pala siya sa mga babaeng nagbi-bikini? “11:30 p.m.. See you later?” maharot nitong sabi. Napangiwi ako nang marinig ang boses nito. Tss. Halata namang nagpapapansin lang kay sir. Tango lang ang isinagot ni Sir Mavi kaya naman parang sinilihang mga bulate itong mga babaeng ‘to. Lalo na ‘yung parang labanos na babaeng nasa gitna. Mahaba ang itim na buhok at nakasuot ng itim na bikini. “Ida! Join us here!” Napabaling ako nang marinig ang pagtawag ni Sir Vander. Kita ko sa sulok ng mata ko ang paglingon ni Sir Mavi sa direksyon ko pero hindi ko na lamang sila pinansin at nakangiti akong dumiretso sa kanila na mga naliligo na. Halos umirap pa ako nang makita ang ilang babaeng nakalublob rin sa dagat at halatang humahanap lang ng tiyempo para mabingwit ‘tong iba kong amo. “You will dive here wearing that?” tinaasan ako ng kilay ni Sir Odin. “Eh bakit sir? Okay lang maligo ng ganito ah.” Sinipat ko ang kabuuhan ko at muling bumaling sa kanya nang walang makitang mali rito. Tamad niya akong inikutan ng mata. “Ano pang purpose ng regalo ko sa ‘yo kung hindi mo rin naman pala ipapakita?” Kinabahan ako matapos maalala kung ano ang tinutukoy niya. “You gave her a swimwear? Damn you. Hindi lang tayo ang nandito. Mamaya niyan may mambastos pa sa kanya,” kontra agad ni Sir River. “Guys, don’t pressure Ida. It’s her body, so it’s her decision. We don’t have a say on that.” Sabi ni Sir Vander saka bumaling sa ‘kin. “Just do what makes you comf’table. Basta ang importante ay mag-enjoy ka.” Aniya saka niya ako nginitian. Napabaling ako kay Sir Ramses na tahimik lang na nakamasid sa akin, tila inaalam ang gagawin ko. Tama. Hindi lang kami ang narito. Napalingon ako kay Sir Mavi na kausap pa rin ang babae na ngayon ay iniwan na yata ng dalawang galamay niya at nakaupo na rin sa buhanginan. Malapit lang sila sa amin pero hindi rinig dito ang pinag-uusapan nila. Pero sapat na ang ngisi ng babaeng ‘yon para mahulaang nagkakatuwaan sila. Basta talaga sexy ah . . . Ibinagsak ko ang hawak na cellphone sa mga damit nila sir na nasa buhanginan. Inalis ko ang pagkakatali ng aking buhok at hinayaan iyong sumabog sa hampas ng hangin. Ilang segundo pa akong nag-ipon ng lakas ng loob bago tuluyang hinubad ang suot na off-shoulder at itim na shorts, at tanging naiwan na lang ay ang itim na two-piece bikini na siyang suot ko. Rinig ko ang pagsipol ni Sir Odin habang bagsak naman ang panga ni Sir River. Sinuklay ko gamit ng daliri ang aking buhok. Lumingon ako sa pwesto nina Sir Mavi at nasalubong ang kanyang matiim na titig. Gustung-gusto ko siyang irapan pero sa halip ay nginisihan ko na lamang siya bago ako dali-daling lumublob sa tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD