“Jesus Christ, Ida!”
Napaatras ako nang magsilapitan sina Sir Odin at Sir River sa akin, dahilan para mayakap ko ang katawang nakalubog sa tubig.
“That was so hot, my beautiful Ida.” Nakangising sabi ni Sir Odin.
“This is your fault, you fucker! Siguro ay pinagsuot mo siya ng ganyan para maka-tsansing ka—“
“Hey, hey hey. What the hell is that accusation, bud!” natatawang baling sa kanya ni Sir Odin saka siya sinabuyan ng tubig. “Ganyan na ba kasama ang tingin mo sa ‘kin? Hell no! I’m just glad that she’s being confident with her own body. That’s it.”
Naninimbang ang tingin sa kanya ni Sir River. Inaalam ba kung nagsasabi ito ng totoo o puro kalokohan lang. Naiiling lang siyang bumuntong-hininga pagkabaling sa akin na para bang isa akong problema na hindi niya na alam kung paano sosolusyunan.
“Basta, promise me that you will only wear like that when you’re around us. Baka may mambastos sa ‘yo riyan sa tabi-tabi.” Naiiling niya pa ring paalala saka bumaling kay Sir Odin.
“Wow ha. Nahiya naman ako sa ‘yo.” Ngiwi ni Sir Odin sa kanya saka bumaling sa ‘kin. “Just say yes to your future sugar daddy, Ida.” Sarkastiko niyang sabi, naiiling saka sinuklay gamit ng daliri paatras ang kanyang basang buhok.
Pareho kaming natawa ni Sir Odin nang mas bumusangot ang mukha ni Sir River.
Alam ko naman ang gusto niyang iparating. Kung ako lang ay hindi ko naman talaga kayang magsuot ng ganito kahit nga sa harap ng sinuman, sadyang hindi ko lang alam kung anong masamang espiritu ang sumapi sa ‘kin kanina dahilan para gawin ko ‘yon.
Tumingin ako sa direksyon nina Sir Mavi at nakitang nagpapagpag na siya ng short niya saka tinanguan ang labanos— este ‘yung babae na ngayon ay kumaway sa kanya bago naglakad papalayo. Ininat-inat niya ang braso at leeg saka niya hinawakan ang likurang kwelyo ng kanyang damit at hinila iyon pataas hanggang sa tuluyan nang tumambad ang hubad niyang katawan.
Napalunok ako matapos hagurin ang kanyang dibdib at tiyan. Mas lalo yatang uminit ang hapon nang pasadahan niya ang kanyang magulong buhok ngunit mas bumabagay sa kanya. Bumaling siya sa direksyon namin at agad akong natagpuan kaya ganoon na lamang kabilis ang pag-iwas ko.
Nakababad naman sana ako sa tubig pero ‘yung init na nagmumula sa kanya ay tila umaabot sa kinaroroonan ko.
Inilubog ko sa tubig ang aking ulo hanggang sa tuluyan nang mabasa ang aking buhok. Hanggang bewang ko lang ang kinaroroonan namin dahil hindi naman ako marunong lumangoy at baka malunod lang ako kapag pumunta ako sa malalim na parte.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ‘tong iwas-iwasan namin. Pero sana naman matapos na ‘to. Handa akong kalimutan kung ano mang naganap kanina para lang magkausap agad kami.
Pag-ahon ko ay bahagya pa akong nagulat pagkakita kay Sir Mavi. Nasa harap na namin siya.
Ang bilis niya naman yata?
Hindi masyadong malapit, pero hindi rin malayo. Sapat lang ang kanyang distansya para makita ang kanyang nakalutang na katawan na nagpapatangay lang sa alon. Hinilamos ko ang mukha saka sinuklay ang basang buhok paatras habang hindi pa rin inaalis ang paningin sa kanya. Nakapikit siya at nakadipa ang dalawang kamay kaya’t bumabalandra iyang tiyan niyang pinagpipyestahan ng mga kababaihang malapit sa amin.
Napangiwi ako.
Napabaling ako kay Sir Odin nang kunin niya ang dalawa kong kamay at sinimulan akong hilahin patungo sa kung saan.
“Come, Ida. Let’s go to the deeper part,” alok niya na agad kong ikinaatras.
“H-Hindi ako marunong lumangoy, sir!” tanggi ko sa kanya. Akmang magsasalita siya nang pumangibabaw ang boses ni Sir River.
“Ida, your phone is ringing!” malakas niyang sabi. Nasa dalampasigan na pala siya at tila napagod na yata sa paglangoy.
“Oh, you have a phone now?” gulat na tanong ni Sir Odin. Napatingin ako kay Sir Mavi na siyang nagbigay ng phone na ‘yon. Nakatayo na siya ngayon at kinakalikot ang tengang pinasukan yata ng tubig habang nakatunghay sa direksyon namin. Nagtagpo ang mga mata namin pero ako rin ang unang nag-iwas.
“Ida, someone’s calling!” muling sabi ni Sir River.
Dali-dali na akong naglakad palayo kay Sir Odin saka umahon. Agad na sumalubong sa ‘kin ang malamig na hangin kaya’t napayakap ako sa aking sarili.
“Here’s your phone.” Inabot iyon sa akin ni sir. “New phone, huh.”
Tipid ko lang siyang nginitian saka tinignan kung sino ang tumatawag at nang makitang si Eva ‘yun ay sasagutin ko na sana ngunit nawala na. Handa na sana akong umalis nang pigilin naman ako ni Sir River.
“Here, wear this,” hindi na ako nakapagtanong pa nang basta niya na lang isuot sa ulo ko ang isang damit. Agad na nanuot sa ilong ko ang pabangong nasa damit na ito kaya’t agad kong nahulaan kung sino ang nagmamay-ari nito.
“Baka magalit po si Sir Vander,” sabi ko habang sinusuot ang mga braso sa dalawang sleeves.
“Nah. He won’t mind. Kesa naman magtatakbo kang nakaganyan lang, tss.”
Natawa ako nang nagsalubong ang kilay niya.
“Mas mabuti kung magpapahinga ka muna sa room mo. Maligo ka na rin and I’ll just gonna call you when it’s dinner na.”
Tinanguan ko siya bago na naglakad palayo.
“And rest if you want. You need lots of energy later!” pahabol niya pa kaya’t nailing na lang ako.
Ang sarap niya namang mag-alaga. Parang ang ganda tuloy maging kuya si Sir River.
Pagkapasok ng kwarto ay sakto namang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko iyon saka ibinagsak sa kama ang short at off-shoulder ko.
“Hello, Bes?” nakangiti kong bungad.
[“Hoy bruha ka, ba’t ang tagal mong sumagot? Porket may bago ka ng cellphone nangde-dedma ka na! Who you na kami sa ‘yo, gano’n?”] kunwari ay nagtatampo niyang sagot sa kabilang linya.
“Naku, naku. Tigil-tigilan mo nga ‘yang pag-iinarte mo at hindi bagay sa ‘yo, che!” umirap ako. “Ba’t ka ba napatawag? Saka nand’yan ba si nanay? Pakausap naman ako, Bes.”
Lumabas ako ng kwarto at tumambay sa may duyan.
[“Oo na. Etsapwera na talaga ako sa ‘yo ‘no? Palibhasa kasi—“]
“Pakibigay na kay nanay, please.” Pambabasag ko.
[“Badtrip ka. User ka talaga. ‘Pag umuwi ka rito, hindi ko talaga ibibigay sa ‘yo ‘tong regalo ko.”]
Napangiwi ako. Wala talagang pinapalampas na birthday ko ang bruhang ‘to. Palagi ‘yang may regalo, pero sa tuwing naaalala ko ang mga binigay niya sa akin noong nakaraan ay hindi ko maiwasang mapangiwi.
“Kinuha mo na naman ‘yan sa tindahan niyo ‘no?”
Palagi kasing isang pack ng chichiryang tigpipiso ang ibinibigay niya sa akin o kaya naman ay Hani. Alam ko namang kapos siya kaya’t naiintindihan ko iyon. Kahit nga ‘wag na siyang magregalo ay ayos lang sa akin.
[“Hoy, iba ‘to ah. Hindi ‘to pagkain. Mas lalong hindi ko ‘to kinupit sa tinda ni nanay.”] Tanggi niya.
“Ahuh. So ano ‘yan?” natatawa kong tanong.
[“Bra. Alam ko namang kailangang-kailangan mo ‘to. Madalas kang mawalan ng bra, Bes eh. Mahirap na at baka sa susunod ‘yang dibdib mo naman ang hanapin natin.”] mabilis niyang sabi saka humagalpak ng tawa.
Bruha talaga ‘tong babaeng ‘to.
“Nahiya naman ako sa kapatagan mo ‘no?” pag-iirap ko.
Ilang minuto pa kaming nag-usap bago niya na iyon binigay kay nanay. Napangiti ako nang binati nila ako ng ‘Happy Birthday’. Matutuwa na nga sana ako dahil binati rin ako ni ate eh kaso ‘yun pala ay dahil manghihingi lang ng pera.
Matapos ang pag-uusap na ‘yon ay saka na ako pumasok ng kwarto at naligo. Isinuot ko ang isang manipis na sleeveless na kasama sa binigay ni Sir Odin kanina at pinaresan iyon ng pedal short. Tinuyo ko muna ang aking buhok at saka nahiga sa aking kama.
Kinalikot ko ang aking cellphone. Nagpose ako at kumuha ng ilang selfie hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising lang ako nang makarinig ng sunud-sunod na pagkatok sa pinto. Tinignan ko ang cellphone ko at nakitang mag-aalas syete na pala ng gabi.
“Ida, are you there? Dinner time na.”
Rinig kong boses ni Sir River.
“Opo, sir. Wait lang po.”
Mabilis kong sinuklay ang buhok at kinuha ang jacket at cellphone ko saka na ako lumabas. Naabutan ko silang lahat na tila kanina pa yata naghihintay.
Sabay-sabay na kaming pumunta sa hilera ng mga stalls roon. Ang napili namin ay isang Korean resto. Hindi rin naman kami nagtagal roon dahil matapos kumain ay naglakad-lakad kami. Halos sumakit ang tiyan ko sa sobrang kabusugan. Paano kasi ay kada mahihintuan naming stall ay umoorder sila ng pagkain. Hindi ko na nga alam kung saan dumidiretso ‘yang mga pagkain sa tiyan nila dahil parang ang dami pang paglalagyan.
Nang makaramdam ng pagod ay bumalik na kami sa cottage namin, pero hindi para magpahinga, kundi para maglaro. Hindi kami dumiretso sa aming mga kwarto, bagkus ay pumunta kami sa kung saan rin kami nananghalian kanina. Doon iyon sa katabi ng kwarto ni Sir Mavi. Pinalibutan namin ang mesa. Sa kanan ko ay si Sir River habang sa kaliwa naman ay si Sir Odin. Talaga nga yatang hindi napaghihiwalay ang dalawang ‘to. Kasunod naman ni Sir Odin ay si Sir Ramses na siyang solo lang sa kinauupuan at nasa gitna habang magkatabi naman sina Sir Vander at Sir Mavi sa kabila.
“What are we going to play?” tanong ni Sir Vander.
Ngumisi naman ang dalawa sa gilid ko.
“We’re going to play the newest game. A game that you haven’t heard yet in your existence,” ani Sir Odin.
Napataas ang kilay namin.
“Never have I ever. Very unheard of, right?”
Napangiwi kami sa sinagot ni Sir River. Anong bagong game d‘yan eh halos lahat yata alam ‘yan eh.
Naglabas siya ng alak at nilagay iyon sa gitna ng mesa, pagkatapos ay binigyan kami ng tig-iisang maliit na baso.
“Okay, ako ang mauuna.” Tinapunan niya kami lahat ng tingin bago nagsalita. “Never have I ever . . . shoplifted.”
Natahimik kaming lahat, ngunit ilang segundo lang ay matunog na ngumisi si Sir Odin saka inabot ang bote ng alak upang salinan ang kanyang baso.
“What the hell?” maang ni Sir River habang nailing na lang ang iba.
“It’s just a stick of cigarette, okay? I was immature that time and hindi naman ako nahuli. Well, sort of.” Pagkikibit-balikat niya bago tinungga ang alak sa baso niya.
“Kahit naman ngayon, isip-bata ka pa rin,” komento ni Sir Ramses. Pinakitaan lang siya ni Sir Odin ng gitnang daliri niya.
“You’re next, Ida.” Sagot ni Sir Vander.
Bahagya akong napaisip ng sasabihin. Nang makabuo sa aking isipan ay tumingin ako sa kanila.
“Never have I ever . . . natulog ng walang damit.”
Halos magkakasabay silang lahat na napabuntong-hininga. Natawa ako at napapalakpak nang isa-isa silang magsisalinan ng alak at tinungga iyon pagkatapos.
Nice. Kailangan ko lang pala mag-isip ng mga bagay na palagi nilang ginagawa eh.
Si Sir Odin naman ang sumunod.
“Never have I ever . . . have s*x on a bathroom.”
Napangiwi ako nang silang dalawa ni Sir River ang tumungga ng alak.
‘Mga pakboys.’
“Never have I ever wanted to kiss someone earlier.”
Agad na dumagundong sa kaba ang dibdib ko sa sinabing ‘yon ni Sir Ramses. Pakiramdam ko ay alam ko ang tinutukoy niya at hinihintay niya lang na may umamin sa aming dalawa ni Sir Mavi. O kami ba ang tinutukoy niya?
Eh ano naman? Hindi niya naman kailangang malaman ‘yon ‘no, maging ng iba. Hindi na nila kailangang malaman na . . . ginusto ko rin iyon.
Napatingin ako kay Sir Mavi nang abutin niya ang bote ng alak.
‘Yung kanina ba ang iniisip niya? O baka hindi naman talaga ako ang gusto niyang halikan kung kaya’t nagsasalin siya ng alak ngayon?
“You, Ida?”
“P-Po?” nagulat ako sa tanong ni Sir Ramses.
“Wala ka bang gustong halikan kanina?” tumuon sa ‘kin ang naninimbang niyang tingin.
“What the hell, Ram?” natatawang hagod ni Sir Odin sa kanyang buhok.
May panunuya akong nababasa sa mga mata niya. Para siyang pulis at ako ay isang kriminal na hinihintay niya lamang umamin sa nagawa kong krimen.
Napalunok ako.
“W-Wala naman po.” Tipid kong sagot bago iniwas ang paningin sa kanya.
Tatangu-tango siya saka bumaling kay Sir Mavi. Nang tignan ko ito ay gano’n na lamang ang tiim ng tingin niya sa ‘kin habang tinutungga ang alak sa baso niya. Wala akong mabasang emosyon roon kundi ang seryoso niyang ekspresyon.
Kung gusto kong mag-usap kaming muli, kailangan ko iyong simulan sa pag-aakto na walang nangyari. Makapal naman ang mukha ko. Saka madali lang naman iyon eh, lalo na sa kanya. Sigurado naman akong hindi lang ako ang babaeng ginusto niyang halikan— baka nga hindi niya naman talaga ‘yon gusto. Hay, ewan!
Hindi ko na masyado pang napagtuunan ng atensyon ang laro. Tanging ang bagay na lamang na ‘yon ang namalagi sa isip ko hanggang sa magsibalikan na kami sa aming mga kwarto.
Tulala lamang ako habang nakatitig sa kisame. Nang tignan ko ang oras ay mag-aalas dose na ng madaling-araw. Pagkahatid sa ‘kin ay nagsialisan rin ang mga amo ko kanina dahil may party raw sa ‘di kalayuan.
Lagpas na ng alas-onse . . . pinuntahan niya kaya ‘yung bisugong— este ‘yung babae kanina? Ano kayang ginagawa nila sa mga oras na ‘to?
Napabuntong-hininga ako. Tumayo ako mula sa kinahihigaan at lumabas ng kwarto. Bahagya akong nagulat nang maabutan roon si Sir Vander. Nakaupo siya sa mahabang upuan at nakatitig sa kawalan. Tuluyan kong isinara ang pinto dahilan para mapatingin siya sa direksyon ko.
“Sir . . . hindi po kayo sumama sa kanila?”
Naupo ako sa tabi niya at tumingin sa malawak na dagat habang parehong hinahangin ang aming mga buhok.
“Nah. It bores me,” ngumiti siya sa akin.
Nag-angat ako ng tingin sa mabituin na langit. ‘Di kalaunan ay napangiti ako nang may maalala.
“Kaya ka ba nandito kasi gusto mo ulit mapag-isa?” bumaling ako sa kanyang naguguluhang mukha.
“What are— ah . . . you remembered . . .” iiling-iling siya. Tumungga siya sa hawak na beer. “You know what, I miss this.” Lumingon siya sa ‘kin. “I miss you,” mahina niyang sambit.
Natigilan ako. Nang mahanap ko ang kanyang malamlam na mga mata ay pinakatitigan ko iyon, umaasang may ibang mararamdaman . . . pero wala.
Naipilig ko ang ulo sa pumapasok na ‘yon sa isip ko.
“Palagi naman kitang kasama sa bahay, pero pakiramdam ko ang layo mo.” Napatingin ako sa kanya nang magsalita siyang muli, iiling-iling.
“S-Sir—“
“Vander. Please call me Vander.” Bumaling siya sa ‘kin. “You don’t call me by my name anymore. Pero paano mo nga naman pala ako tatawagin kung si Mavi ang palaging kasama mo?” Bahagya siyang natawa pero ramdam ko roon ang tabang habang namumungay na rin ang kanyang mata. “You don’t even visit the music room anymore.”
“S-Si— I mean, Vander, lasing ka na yata. Mabuti siguro kung magpapahinga ka na—“
“There. I like it when you call me by my name . . .” ngumiti siya.
Hindi ko pa siya nakitang lasing sa mga araw na nagtrabaho ako sa kanila. Amoy alak, oo. Pero ‘yung ganito, hindi. Para ngang hindi niya na alam ang mga pinagsasasabi niya eh. Para siyang ibang tao.
“Lasing ka na Vander.” Nakagat ko ang labi sa kaba. Hindi ko alam ang gagawin. May ideyang nabubuo sa utak ko pero agad ko iyong sinisipa paalis. Hindi pwede.
Bumaba ang tingin niya sa labi ko.
“Vander . . .” bumibigat ang aking paghinga.
Inangat niya ang kanyang kamay upang ilagay sa likod ng aking tenga ang mga tumakas na hibla ng aking buhok. Matapos ay dumausdos iyon sa gilid ng aking leeg at hindi na umalis pa.
“V-Vander . . .” mahinang sambit ko.
“I like you . . . I like you, Ida.”
Nanlalaki ang mga mata ko sa kanya. Hindi ko pa man tuluyang napo-proseso ang kanyang mga sinabi ay sumunod na ang mainit niyang labi na lumapat sa akin.