Chapter 20

1962 Words
“Where are you goi—“   “Dito na lang po ako uupo, sir,” mabilis kong sabi saka nakipagsiksikan sa gitna nina Sir Odin at Sir River dito sa likuran.   Nagkatinginan silang dalawa saka nagtatakang tumitig sa ‘kin. Maging ang tatlo sa unahan ay naninimbang rin ang tingin pero ni isa sa kanila ay wala akong sinalubong.   “Ahm, Ida, you can sit here in the shot gun seat beside me . . .”   Napalunok ako nang marinig ang boses niya mula sa driver’s seat. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at saka nasalubong ang pares ng berde niyang mga mata sa salamin. Hindi ko alam ang dapat na maramdaman. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit niya ‘yon ginawa . . .   Agad ko siyang naitulak nang dumampi ang kanyang labi sa gilid ng labi ko at mabilis na napatayo. Napahawak ako sa parteng ‘yon habang dumadagundong ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko na kailangan pang manalamin para lang makita ang nagugulantang kong mukha.   Tumayo siya at nag-akmang lalapit nang umatras ako dahilan para matigilan siya. Malalim man ang gabi, ngunit dahil sa tulong ng mga maliliit na ilaw ay nakita ko kung gaano gumuhit ang sakit sa kanyang mga mata. Napalunok siya, tumalikod sa akin at nasabunot ang kanyang buhok habang sumasambit ng mahihinang mura.   “B-Bakit . . .” hindi ko magawang dugtungan ang aking sinasabi. Ni wala akong mahagilap na salita sa aking isip gayong napakaraming tanong ang gumugulo roon. Naghahalu-halo ang aking pakiramdam at nilulunod ang aking sistema, pero isa lang ang malinaw . . .   Wala akong maramdamang tuwa . . .   Humarap siya at agad na namungay ang kanyang mata pagkakita sa ‘kin.   “I- I’m sorry, Ida. I shouldn’t have done that, I—“ tila naubusan siya ng salitang sasabihin. Bumukas ang kanyang bibig upang magsalita kaya’t napabuntong-hininga na lang siya at tila nanghihinang nakatitig sa ‘kin.   “M-Matutulog na po ako, sir . . .” hindi ko na hinintay ang sagot niya at dali-dali nang pumasok sa aking kwarto.   “Ida? Earth ‘to, Ida!”   Napakurap ako nang bahagyang yugyugin ni Sir River ang balikat ko. Umayos ako ng upo at napalingon sa kanila. Doon ko lang rin napagtantong hindi pa pala kami umaalis.   “Are you okay, Ida—“   “D-Dito na lang po ako uupo . . . sir.” Pigil ko sa sasabihin ni Sir Vander. Hindi ko pa rin siya kayang kausapin ngayon.   Bakit ba kasi kailangang mangyari ‘to? May problema pa nga ako du’n sa isa, tapos sumabay pa siya.   Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya, kasunod ay ang pag-buhay niya ng makina.   “What happened to you, my beautiful Ida?” bulong ni Sir Odin sa aking tenga.   Umiling ako.   “Wala po, sir.”   “You sure?” tanong naman ni Sir River. Para kami ritong mga batang may pinaplanong kalokohan kaya’t nagsisibulungan.   Sinenyasan ko silang lumapit sa ‘kin na siya namang ginawa nila saka sila binulungan.   “May bisita yata ako ngayon, sir?”   “A visitor? ‘Yun bang tumawag sa ‘yo kahapon? Is that person’s going to visit you now?”   Kyuryosong tanong ni Sir River. Nakagat ko ang aking labi at pina-seryoso ang mukha.   “Tingin ko, inabutan ako ngayon, mga sir. May napkin ba kayong nakatago riyan? ‘Yung with wings, ha?” mahina kong sabi.   Nagpalitan sila ng tingin at halos magkasabay pang lumayo sa ‘kin na para bang hindi makapaniwala sa narinig.   Mahina akong natawa. Wala naman talaga akong dalaw. Sadyang nakakatuwa lang makita ‘yang nag-aalala nilang mukha. Minsan nakaka-touch, pero kadalasan kasi, hindi bagay eh.   Hindi ko na napagtuunan ang buong byahe. Parang lahat ng energy namin ay naubos kahapon kaya’t halos lahat sa ‘min ay nakatulog habang pauwi. Nagising lang kami nang pumarada ang aming sinasakyan sa tapat ng blue nilang gate.   Inaantok pa ako nang lumabas ng van pero natigilan nang makita ang isang magandang babae na lumabas sa back seat ng isang mamahaling sasakyan. Mahaba at maalon ang abo niyang buhok. Matangkad siya at mas lalo pang tumangkad dahil sa suot na heels na marahil ay nasa limang pulgada. Para siyang lumabas ng isang fashion magazine dahil sa magara niyang porma. Blue halter dress iyon na hapit na hapit sa kanyang katawan at mas lalong nagpalitaw ng kaputian niya.   ‘Saan ang party, ate gurl?’   Napalabi ako nang sinipat niya ako ng tingin mula paa hanggang taas. Bahagyang tumaas ang kilay niya pero natakpan niya rin iyon ng ngiti.   ‘Ay, ano ‘yon?’   “Violet?” kunot-noong tanong ni Sir Odin. “Violet!”   Ngumisi ito saka tinanggal ang suot na mamahaling shades.   “Miss me, boys?”   Kahit ang boses niya ay sexy rin. Pero may kung ano sa kanya ang hindi ko mapunto. Alam mo ‘yung tipong hindi mo pa lubusang kilala ‘yung tao pero pinapakulo niya agad ‘yung dugo mo? ‘Yan. Ganyan na ganyan ang nararamdaman ko sa kanya ngayon.   “Oh, Mavi. I miss you so much!” madamdaming sabi nito at agad na yumapos kay Sir Mavi at humalik sa pisngi niya na ikinaiwas ko ng tingin.   Binati siya ng dalawang manyak— este nina Sir River at Sir Odin na hayun at. Parang ilang taon silang hindi nagkita dahil sa dami ng chikahan nila habang tahimik naman na nakasunod ang tatlo. Ako? Heto at bitbit ang mga gamit namin.   “Who is she, by the way?” rinig kong tanong niya kay Sir Mavi at saka ako tinapunan ng tingin dito sa likod.   Napaiwas ako ng tingin at umaktong walang narinig saka nagpatuloy lang sa pagbitbit, pero ang tenga ko ay nangangati nang marinig ang sagot niya.   “She’s our maid.”   Napakurap ako. Hindi ko man aminin ay alam kong nasaktan ako sa sinabi niya. Hindi lang dahil sa sagot niya, kundi na rin sa lamig ng boses niya nang sabihin iyon.   Oo nga naman. Kasambahay lang naman talaga ako rito. Siguro ay nawaglit lamang iyon sa isip ko dahil sa ilang araw na pagsasama namin at pagtrato nila sa ‘kin. At ngayong bumalik na kami at tapos na ang ‘bakasyon’ ay saka rin niyon isinampal sa ‘kin ang totoong papel ko sa pamamahay na ‘to.   Pagkapasok ng mga gamit ay naghanda ako ng miryenda habang sila ay abala sa pangungumusta sa isa’t-isa. Mukhang marami silang pagkukwentuhan.   May mga cookies at ilang sweets naman sa ref kaya ‘yon na lang ang inihanda ko saka ako kumuha ng malamig na juice. Bitbit ang tray, dahan-dahan akong pumunta sa living room para ihatid iyon sa kanila.   Hindi ko pa man iyon tuluyang nalalapag ay ang boses niya na agad ang pumangibabaw at hindi ko alam kung ba’t naiirita ako.   “That’s too much carb. And too much sweets. Do you have anything else in there?”   Tumingin ako kay Sir Mavi pero tulala lamang siya na parang lunod sa kanyang mga isipin.   “Maybe there’s something you could cook there, Ida. ‘Yun na lang. This sexy girl right here is very picky—”   “Excuse me? I know I’m a sexy girl but please, leave the picky eater part, okay?” nag-ikot ito ng mata saka tinaasan siya ng kilay.   Nagtawanan sila at nagpatuloy sa pang-aasar kay Lavender— I mean, kay Violet.   ‘Anong nangyari sa ‘my beautiful Ida’?   Napabuntong-hininga ako.   “Sige po.”   Tahimik kong kinuha ulit ang dapat sana’y miryenda nila saka bumalik ng kusina. Naghanap ako ng pwedeng mailuto hanggang sa natagpuan ng mga mata ko ang pansit bihon na naroon. Gumuhit ang ngiti sa labi ko matapos maalalang naging paborito iyon ni Sir Mavi.   “Oh, anong lasa, sir?”   Akmang magsasalita siya nang pigilan ko.   “At please, ‘wag naman ‘yung ‘pwede na’. Sawang-sawa na ako sa mga ganyang litanya niyo sir tapos ikaw pa ‘tong unang natatapos kumain.” Napairap ako habang umismid naman siya. “Sabihin niyong hindi?”   “Tss. Whatever floats your boat.”   Tamad siyang inikot ang mata saka malalaki ang subo ng niluto ko.   “What’s that?”   Natauhan ako nang makarinig ng boses sa aking tabi. Paglingon ko ay nasa gilid ko na si Violet at taas-kilay na sinisipat ang niluluto ko.   “Pancit guisado po.” Tipid kong sagot saka pinagtuunan ang niluluto na malapit nang matapos.   “Pan— what?” natawa siya. “ ‘Yan ba ang pinapakin mo sa kanila as their maid? That looks unhealthy, not so classy and so— so greasy.” Pumipilantik pa ang kamay niya sa ere na para bang nandidiri siyang madampian no’n. “You know what, ako na lang ang magluluto. I don’t think they would eat that though,” kumibit-balikat siya at saka nauna nang maghalungkat sa pantry.   Alam na alam niya ang pupuntahan at ang mga pasikot-sikot rito sa bahay. Marami siyang kinuhang sangkap roon saka inilapag sa mesa.   “Hey, wash and chop this,” utos niya kaya’t hininaan o ang apoy ng aking niluluto saka tumalima sa kanya. Hinugasan ko ang mga itinuro niya saka ko iyon sinimulang hiwain. “Chop this chicken into small pieces, then peel these.”   Ang sarap niyang tilamsikan ng tubig. Nagpipigil lang ako. Naiirita na ako sa bossy niyang boses na akala mo siya ang amo ko.   Nang matapos ay nagsuot siya ng apron— ‘yung apron ko, tss— at saka naghanda na para magluto.   “You know, expensive people like them should be treated expensive too.” Pambabasag niya sa katahimikan habang itinatabi ko ang kanina’y niluluto na inagawan ng trono nitong katol na ‘to. “You know what dish is this?” biglang tanong niya sa ‘kin.   Napabuntong-hininga ako.   “Hindi po.”   Ngumisi siya.   “Of course. No offense meant to you but, you look like you don’t fit in here, I mean— oh gosh, I forgot maid ka nga pala rito so you fit in that position na! Okay, okay. Sorry, my bad.” Natawa siya at maarte pa iyong tinakpan ng kanyang kamay.   Nanatili akong tahimik. Baka kasi magdilim ang paningin ko at siya ang maigisa ko riyan sa butter.   “Anyway, I’m cooking garlic noodles. This is the kind of noodle that they eat, especially Mavi. It’s his favourite! I actually used to cook it to him before and lagi siyang nasasarapan kaya nauubos niya palagi.”   Naiirita man ay aaminin kong nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko.   Before? So ibig sabihin—   “He’s actually my boyfriend, Miss Maid. Well, ex-boyfriend. But of course, I’m gonna win him back anyway and I know that he still loves me and I still love him too.”   Natulala ako sa kanya habang parang pinipiga ang loob ko.   Nakangisi niya akong binalingan at tumitig ng diretso sa aking mata.   “And I’m saying this to you so you could have at least an idea and in case wala pang nakakapagsabi sa ‘yo, at least alam mo na where to place yourself, right?”   Hindi ko magawang sumagot dahil pakiramdam ko ay naisahan ako. Iyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ‘to. Nilulunod ako ng isiping iyon . . .   ‘Ba’t ba ‘ko nasasaktan ng ganito nang dahil sa ‘yo?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD