Mas lalo kong itinakip sa aking mukha ang unang hawak nang muli na namang maalala ang mga sinabi niyang ‘yon. Hindi naman dapat ako nagpapa-apekto pero heto at wala na akong ibang ginawa kundi ang magmukmok na lamang sa aking kama. Ilang oras na mula nang maihatid niya ako pero hindi niya pa rin nilubayan ang isipan ko. Damn it! Nabasag panandalian ang aking imahinasyon nang tumunog ang telepono ko. Inalis ko ang nakatakip na unan sa aking mukha saka tinignan kung sino ang tumatawag. At halos umusok ang aking ilong nang mabasa ang pangalan niya sa screen. Marahas akong napabangon ng kama saka sinagot ang tawag na ‘yon. “You prick! Ikaw ang nagdala sa akin roon tapos kung kani-kanino mo lang ako kung ipasama! Paano kung masamang tao ‘yun ha? Kung r****t? Kung mamamatay tao? Ano, wala ka m

