Kabanata 18

2012 Words
Nagising ako sa kakaibang halimuyak na nanuot sa pang-amoy ko. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at bahagya pang kinusot ito. Nasa loob nga ako ng suite ko. Napatingin ako sa wall clock at 6:30 pm na. Maghapon yata akong nakatulog. "It wasn't me, Valirina. You know deep inside, it wasn't me.." "Alam ko, Theon. I memorized him, almost as easy as knowing all the words from my favorite song. His preferred clothes to wear, favorite restos to eat at, and even the brand of perfume he use.. I know exactly how he smells like," may ngiti sa labing bulong ko sa sarili. Nasaan naman kaya siya? My eyes squinted when I heard a minimal snore. My gaze locked on a girl who's sleeping right next to me. It was Emarie. One of my good friend when I was in grade school. At first glance had thought she unchanged. From her posture down to how she dress, she's still the same old Emarie I've known. My memories with her is still freshly painted on my mind. As if it all just happened yesterday. Madalas kaming mahuli noon dahil nagsusugal kami sa school. Lintek na sugal 'yon! Kadalasan din, kapag nahuhuli ay nagtuturuan kami kung sino nga ba ang promotor. "Gusto niyo bang iparating ko ito sa mga magulang niyo? At idala ko kayong dalawa sa dean's office!?" Galit na sigaw ni Mrs. Luigning. "A-ayaw po," pabulong na sagot ni Emarie. Nakayuko pa rin siya. "No, Ma'am," parang batang sagot ko. "Sino ba ang pasimuno ng kalokohang ito?" Halos bumakat ang litid niya sa leeg habang nakaturo sa amin. Bahagya pa siyang napapadyak ng paa bago ilagay ang mga palad sa kanyang beywang. "Siya po!" Nagpalipat-lipat ang tingin ng ginang sa amin. Eh paano ba naman, sabay naming isinigaw iyon at nagkaturuan pa. Rinig na rinig ko ang ugong ng tawanan ng mga kaklase namin. Nangingibabaw pa rin ang tawanan nila Raniel, Kenneth, Sean at George. "Hay, naku! Ginagalit niyo talaga ako!" Inis na namang sigaw nito. "Oh siya, sige! Maglinis kayong dalawa dahil dalawa kayong promotor!" "Y-yes, Ma'am.." Mahina akong natawa at pinunasan ang butil ng luhang lumandas mula sa aking mata nang maalala iyon. Kami ang naiwan doon, naglinis kami ng buong room at pati ang CR. "Good old days," I whispered. Ilang sandali pa ay unti-unti niya na ring iminulat ang kaniyang mga mata. Natawa ako nang bigla siyang mapa-igtad nang makita akong nakatingin nang diretso sa kanya. "A-ahh, s-sorry." "N-nagulat kasi ako," kamot-ulong aniya saka isinuot ang kaniyang sapin sa paa. Hindi ko siya magawang kausapin dahil natatawa pa rin ako. "Ha ha ha. Ayos ka na ba? May masakit pa ba sa 'yo? Kailangan ko bang tumawag ng medic?" "Hindi ka nga talaga nagbago," nakangiti kong tugon. Her forehead creased. "Huh?" "Praning ka pa rin," tumatango-tangong dagdag ko. Nang magkatitigan kami ay sabay kaming humagalpak ng tawa. Nasa ganoong posisyon kami nang biglang bumukas ang pinto at iluwa n'un si Xyrene. At dahil nga OA siya, tumakbo siya't kinulong ako sa mahigpit niyang pagkakayakap. "Jusko! Akala ko kung napano ka na!" "N-nasasakal ako," malumanay na tugon ko kaya't sumama na naman ang timpla ng mukha niya. She raised a brow. "Matapos mo akong pag-alalahin!" "Salamat," payak na sabi ko. I heard her whispering curses. "Tara na! Kakain na raw!" Padabog niyang isinara ang pinto kaya't naiwan kami ni Emarie sa loob. Nagkatinginan ulit kami at tila nangungusap ang mga mata. Dali-dali rin kaming sumunod. Nang makababa kami sa ground floor ay sinalubong agad kami ni Theon. "How are you feeling?" "Quite good," tanging tugon ko saka naglakad patungo sa table. Nang makarating ako roon ay maingay na sila. Kinamusta nila ako ngunit nang matapos ay muli silang nagkuro-kuro. "Ang guwapo nga, eh!" It was Estella. "Kilala niyo ba mga bakla?" tanong naman ni George. "Hindi, eh." "Nope." "I don't know." "Sabi ko na nga kasi sa inyo taga Amads 'yan! Mukhang mayaman 'di ba?" Doon napukaw ang atensiyon ko. "Sino ba 'yan?" I asked. "Ayon, oh!" Masiglang sigaw ni Estella. Nanlaki ang mga mata ko nang masilayan roon si Ycarus at ang mga kapatid niya. Bahagya pa niyang itinaas ang wine glass sa ere saka kumindat. "Tang-ina! Kumindat siya!" Hindi mapakaling tili ni George. "Ano'ng ginagawa nila rito?" Inis na bulong ko sa sarili. "Oh! Sila Ycarus 'yun, ah." Tama nga ako, nandito siya. Napatingin ang lahat kay Xyrene na kagagaling lang yata sa counter dahil may dalang mga pagkain. Kasunod niya namang dumating si Jesse na galing yata sa comfort room at nag-retouch. "Bongga!" Sigaw ni George. "So, Xyrene... Ano'ng IG nung mga fafa?" "Search mo na lang ako tapos tignan mo sa followed account ko. Siguro 60 persons lang naman ang pina-follow ko kaya madali lang naman hanapin. "Ay bongga mga bakla!" Mayamaya'y sigaw ni George. "Wala pang girlfriend 'tong Ycarus! Baka panahon na!" "Baka kamo nililigawan niyan si Vali," sabat naman ni Jesse kung kaya't ang mga nagtatakang mga tingin nila ay napukol sa akin. "Correction, gustong manligaw!" Buwelta naman ni Xyrene. "Parehas din naman 'yon!" Jesse fired back. "Whatever!" Sigaw niya sa mismong pagmumukha nito saka siya inirapan. "Koronahan na 'yan!!!" Nagulat ako sa sigaw ni George. "So ano, bakit hindi ka pa magpaligaw? Jusko! Bulag ka ba?" Tanong niya ulit. "Baka ikaw ang bulag," pabalang na sagot ko. Nanlaki naman ang mga mata niya. "Babaero kasi 'yan," sabat ni Jesse. "Sino ba kasi ang gusto mo?" Na-hot seat ako sa tanong na iyon. "Baka 'yung lalaki kanina, Momsh," sabat ni Emarie. "Ay, Oo! 'Kay guwapo rin n'on! Lapitin ka ng gwapo huhu." "Mahal pa yata ang ex," natatawang bulong ni Jesse kaya't sinamaan ko siya ng tingin. "Ang guwapo naman nito," sabat ni Estella saka ipinakita ang isang larawan ng lalaki mula sa telepono. I guess she's browsing on i********:. Halos lahat kami ay napatitig doon. "Single rin hehe." Tadhana nga naman, uy! "Eh sino bang ex mo?" Muling baling sa akin ni George. "Yan," payak na tugon ko saka itinuro ang lalaking nasa litrato. It was Kian, lol. "Alam ko namang maganda ka pero sobrang guwapo naman nito," turo niya sa litrato saka muling tumingin sa akin at ngumiti. "Magsabi ka ng totoo," natatawa ring mungkahi niya. "Nagsasabi siya ng totoo." Sabay muli si Xyrene at Jesse'ng sabihin iyon. Nanlaki ang mga mata nila na tila ba gulat na gulat sa kasaysayan ng buhay ko. "Alam mo," bulong ni George. "Sana all! Paranas naman niyan, oh!" Hindi ko na lamang sila pinansin at nagsimula na sa pag-kain. Nang matapos kami ay lumabas kami ng hotel dahil mayroon daw tumutugtog sa beach kapag ganitong oras. " Inaantok na ako," humihikab na bulong ko kay Emarie habang nakatingin pa rin doon sa kumakanta sa unahan. Hindi ko rin alam kung saan na nagsusuot si Xyrene. Wala na ang loka sa tabi ko. Oh, leaving on that midnight train tomorrow.. And I know just where I'm going.. "Can't you stay any longer?" Bakas ang lungkot sa tanong niya. Stuck on you Got me feelin' down deep in my soul.. Muli akong napahikab at sinambit, "I'm sleepy na, eh." She pouted her lips. "Sayang naman! Ang guwapo raw nung next singer, eh!" "Hindi ako interesado sa mga ganiyan," saka ako ngumiwi. "Good night!" Magiliw na asik ko bago tumalikod at nagsimulang ihakbang ang mga paa papalayo. Hindi pa man ako nakalalayo ay— "Kyahhhh! Ang guwapo!" "Hala gagi! Sino 'yannn!" "Hulog ba 'yan ng langit!" Unti-unting umingay ang paligid hanggang sa balutin na kami nang ingay ng mga nakapaligid sa stage. Maging si Emarie ay nakikisabay na rin sa ingay nila. Sorry na kung nagalit ka... Unang linya pa lamang ay kinilabutan na ako. Ramdam na ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo sa aking batok. Bagaman ay nakatalikod ako sa kanila ay ramdam ko ang pagkasensero ng kumakanta n'on. Kakaibang pakiramdam ang bumalot sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung ano. Tila sa isang pitik lamang ng daliri ay nawala ang antok ko. 'Di naman sinasadya.. Sinadya yata niyang malumanay na kantahin ang kantang iyon habang marahan ding kinakalabit ang gitara. I can sense pain and regret on the man's voice. Napakalamig ng kaniyang boses. Tila ba hinihele ako nito sa duyan. Kung may nasabi man ako.. Init lang ng ulo Hindi ko man lingunin ay natatamaan ako. Pipilitin kong magbago— Napatingin ako at nagtama ang aming paningin. Binasa niya ang pang-ibabang labi, "pangako sa iyo.." Sorry na, nakikinig ka ba? Wala sa sariling napabalik ako sa dati kong kinatatayuan. "Akala ko ba matutulog ka na?" Si Emarie. Katulad ng nakararami ay hindi rin mawala ang ngiting nakaukit sa kaniyang mga labi. Mapakla akong napangiti. "Mayamaya na siguro." Malamang sawa ka na Sa ugali kong ito na ayaw magpatalo At parang sirang tambutso na Hindi humihinto "Vali!" "H-hmm?" "I've been calling you ten times!" Kunot-noong sabi niya kaya't nahihiyang napayuko ako. "S-sorry," Iyon na lamang ang nasabi ko. "Ano nga ulit 'yung sinasabi mo?" Kamot-ulong tanong ko. Aaminin kong medyo lumulutang ako dahil sa presensiya ni Damon. "I was wondering who that guy is? He's so gwapo! Nakikita mo ba?" Malamang. Hindi ako bulag, medyo bingi nga lang. "I think he's that guy lately.. So you know him?" Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga Hindi ako nag-iisip, nauuna ang galit.. Sa pangalawang pagkakataon ay nagtama ang aming paningin! He's singing coldly while strumming the guitar slowly. "Vali?" Muli akong nabalik sa ulirat buhat ng pagtapik ni Emarie. "H-huh?" "Bakit ba nauutal ka?" "A-ano!? Hindi 'no!" "So, kilala mo nga?" Sorry na talaga sa aking nagawa Tanggap ko na mali ako Huwag sanang magtampo Sorry na... "Hmm. I do know hi—" "So what's his name!" Hindi niya na ako pinatapos at bahagya pa akong inalog-alog. "It's Kai—" "Ehem!" Isang malakas na pagtikhim sa mikropono ang nakapagpatigil sa amin. "I'll take this opportunity to say how sorry I am for hurting someone so close to my heart," said Damon. "Oh my god!" Did you hear that!?" Pasigaw na tanong ni Emarie sa akin. Tahimik akong sumang-ayon. "Darn! Ang sweet!" "Sayang mukhang may girlfriend!" "I heard siya 'yung popular boy sa AIntS!" "Maybe Megan is out here in the crowd!" "Hanapin niyo ng tingin si Megan! Sigurado akong nandito rin siya! Kyah kahit kailan talaga ang sweet nitong si Mr. Piero!!!" Rinig na rinig ko ang bulung-bulungan nila. "Megan?" Wala sa sariling tanong ko sa aking sarili. Ano namang kinalaman ni Megan dito? Siya ba 'yung kapatid ni Isabelle? What are they talking about? Muli siyang tumikhim dahilan upang matahimik sila. "I may not be that perfect, but give me a chance and I'll be better, baby. Please don't be like this, bereavement is killing me softly." That's what he said before singing the last two HEART KILLING lines of the song. Huwag kang mawawala Sorry na.... Right after then. He walk down through the nossy crowd. The variety of blue and purple lights illuminated the atmosphere and the spotlight was on him. The vicinity stop for millisecond the moment I realized that he was walking right through me. I can't explain why my heart beats so fast, this couldn't be. This is disgrace, it's gross, and f-forbidden. I shouldn't be feeling this way. But, but what if— I'm totally lost? What if— I already lose control? What if— it's too late? Oh god, please unleash me. "Vali! Oh my god!" It was Emarie. Nahuli ko ang mga tingin ng naroroon. Halos lahat iyon ay nakapukol sa akin. Some are full of excitement, but most of them are jealousy. Ilang dipa na lamang ang layo niya sa akin nang biglang may sumulpot na balingkinitang babae. His stare laid on that girl. "Oh my god! I told you!" "Hala baka siya 'yung girlfriend!" "Gaga! Si Megan 'yan!" "Did they came back together?" "M-meg," dinig ko ang bahagyang pagka-utal ni Damon nang bigkasin niya ang pangalan ng dalaga. Bahagya pa siyang pinangkunutan ng noo. I can't tell if he was expecting her presence here or not. IT WAS MEGAN AFTER ALL.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD