"What the heck are you saying?" Bakas sa tono ni Damon ang labis na inis. Kitang-kita sa postura niya ang labis na pagtitimpi kay Lyle. "She's your what? Girlfriend?!"
Lyle nodded in surprise. "You heard what I've said. Vali is mine," he answered back. Nagulantang ang lahat nang sa isang iglap ay kinuwelyuhan ni Damon si Lyle! Maging kami ni Xyrene ay natarantang napalapit sa gawi nila.
Sa isang kumpas ng kamay ay humilata sa lupa si Lyle matapos tamaan ng kanina pa'y kuyom na kamao ni Damon. "Girlfriend your ass!"
"Kuya Kai!" Napasigaw na rin si Xyrene sa gulat.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita. They knew each other for a long time. Hindi pa rin maproseso ng utak ko ang ginawa ni Damon kay Lyle. Parang gusto ko siyang balatan ng buhay ngayon mismo, sa harapan ko.
Karamihan sa estudyante ay nagkumpulan na malapit sa amin. Ang iba pa nga ay kumukuha ng litrato, malakas rin ang ugong ng bulung-bulungan ngunit hindi ko iyon pinagtuunang pansin dahil isa lang naman ang inaalala ko. Ito ang pinakaayaw ko sa lahat, atensiyong hindi ko naman kailangan.
Agad kong nilapitan si Lyle. Hinagkan ko ang kaniyang mukha at tinignan ang parteng sinuntok ni Damon.
"Are you alright?" mangiyak-ngiyak na tanong ko habang nakatitig sa pasa niya sa mukha.
He just smile and nodded. How can he afford to smile?!
"Ano ba Damon!" Lumapit ako sa kanya at pinagtutulak siya. Sinubukan naming ilayo si Damon kay Lyle ngunit muli niya itong hinigit sa kuwelyo at itinayo.
"Bro! Calm down!" Maging ang mga Monteverro ay hawak na ang kamay niya ngunit hindi pa rin siya nagpapigil.
"This isn't the right time to make a mess, graduating ka't freshman siya!" Sabat naman ni Ycarus ngunit hindi pa rin natitinag si kuya. "Paniguradong ikaw lang naman ang madudungisan sa ginagawa mo."
"Leave," mariing bulong niya ngunit hindi siya sinunod ni Ycarus kung kaya't siya naman ang napagbuntungan nito at nasuntok.
By that, Monteverro left him with us.
"Ano ba?!" nanggagalaiting sigaw ko habang ini-aalis ang kaniyang palad sa pagkakahigit sa binata. "Are you insane?"
Ibinaling niya ang tingin sa akin. "Yes! I'm fvcking insane!"
"Ano bang kinatatakot mo?" Lyle suddenly asked. "Na baka malaman niya lahat-lahat?" he asked.
Sa kabila ng lahat, damang-dama ko pa rin ang pagiging kalmado ni Lyle. Halos mapunit na ang polo ng binata nang mas humigpit pa ang hawak ni Damon. Inis kong pinagpapalo ang kamay niya't pilit silang pinaghihiwalay. Si Xyrene naman ay patakbong umalis upang tumawag ng guards.
Sinulyapan ako ni Damon saka muling ibinalik ang tingin sa binata. "Huwag mong susubukan kung ayaw mong habang buhay kang mawalan ng kakayahang magsalita!"
Hindi ko naiintindihan ang nais nilang sabihin pero nangingibabaw pa rin ang galit sa akin. Unti-unting pumatak ang luha ko't lumapit muli kay Damon saka hinawakan ang isang braso niya. Sa isang iglap ay umamo ang mukha niya matapos akong makita, ang mga kamay ko'y nanginginig na tila ba binalot ako nang matinding takot at kaba.
Hindi ko mawari kung bakit ganoon ang aking nadarama ngunit mahirap pigilan ang anumang nagkusa.
Maging ang fling ni Damon ay pinipigilan na rin siya. He doesn't seem to care not until—
"Stop!" A fearless girl came in the scene. I'm not sure but I think I saw her somewhere before. Sa isang kisapmata ay tumigil siya
"M-meg?" gulat na usal niya. Hindi ako nagkamali nang minsan kong makitaang paglunok na ginawa niya! Hindi ko alam kung kinakabahan ba siya ngunit alam kong natigilan siya sa presensiya nito.
"Miss me?" The girl asked and Damon's lips parted.
"Still the same Demon," Lyle said. Me myself, once again, saw how hard Lyle hit the ground! Itinayo niya ito muli hawak ang kaniyang kuwelyo.
I was crying so bad. Unti-unti siyang napakalas kay Lyle ay hinigit ako ng yakap ngunit buong lakas ko siyang tinulak. Gaano man ako kapwersa ay hindi no'n matutumbasan ang lakas niya. Hinigit niya ako ng yakap na animo'y iyon na ang huli. Tila ba ayaw niya na akong bitawan.
I could feel his breath against my cheek. "I'm s-sorry."
Ang gasgas na linyang 'yan!
I found my self biting my lower lip and my eyes were tearing up. "I h-hate you!"
Natigilan siya sa aking tinuran. Kasabay no'n ang unti-unting pagluwang ng kaniyang hawak sa aking beywang. Doon lamang ako nagkaroon ng pagkakataon na kumalas.
I looked at him and shook my head a couple of times. "H-Hindi na ikaw 'yung Damon na kilala ko." His eyes were brooding. My lips started trembling as I added, "H-Hindi na kita kilala."
Iyon ang huling sinabi ko bago ko hinila si Lyle papalayo sa kanya. Kitang-kita kong namilog ang mga mata niya, para bang nagpipigil na naman. I hate him so much! Paano niya nagagawang pagbuntungan ng galit ang taong wala namang ginagawang masama sa kanya? Sinabi lang naman ni Lyle na boyfriend ko siya para tigilan ako ni Ycarus. It seems like lahat ng nangyari ay misunderstanding at ako ang puno't dulo ng lahat.
He's the worst! I hate him!
I blanched at the thought. "He's just— annoying."
I can't just hate Damon when I used to like being with him all of the time.
Nang marating namin ang tapat ng clinic ay agad ko siyang hinarap. Pinagmasdan ko ang mukha niya't kita ang pasa sa kanang pisnge at putok pa ang labi. I felt guilty habang pinagmamasdan ko ang kabuuan niya. Nang makita ko ang unti-unting pagsilay ng ngiti sa kaniyang labi ay agad akong napahagulgol sa iyak. Damn! Paano niya nagagawang ngimiti sa kabila ng mga nangyari? Nasaktan siya pero bakit parang ayos lang? Ano bang tingin niya sa sarili niya, punching bag?
Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla niya akong higitin palapit at niyakap. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko't inalo ako. "Stop crying, Vali. I'm completely fine, malayo naman ito sa bituka HAHAHA."
"Ano ba kasing pinagsasabi niyo? Nag-away na ba kayo ni Damon noon?" I asked.
His face turned serious. SUF, Serious as f**k!
Sa halip na ako ang umalalay sa kanya patungo sa clinic ay ako pa ang inalalayan niya. "You haven't change. Still a cry baby," he whispered and his pouty lips created giggles.
Nang makapasok kami sa loob ay agad siyang binigyang lunas ng nurse. Panay ang ngiti niya sa akin kaya't naibsan kahit papa'no ang bigat na nararamdaman ko. Nang makalabas kami ay band-aided na ang kanang pisnge niya.
He look so good! Freaking hot! God!
"Lyle!" Rinig naming tawag ng isang pamilyar na boses. Mula sa 'di kalayuan ay natanaw namin si Xyrene, hawak ang isang paper bag.
My eyebrows arched. "Ba't ba ang tagal mo?"
Itinaas niyaang hawak na paper bag saka ngumiti ng pagkalaki-laki. "I bought coffee and snacks. Alam kong gutom na kayo."
Somehow, may pakinabang din siya.
Sinimulan naming maglakad patungo sa aming silid. Napadaan kami sa soccer field at karamihan ng naglalaro roon ay newbie. "Kamusta ka Lyle?" She broke the silence.
"Fine."
"May balak ka bang magreklamo?" tanong niya saka binuksan ang canned coffee.
Tipid siyang ngumiti at muling ibinaling ang tingin sa daan. "Wala."
Napatingin ako sa kanya at bahagyang nanlaki ang mga mata. Alam kong kapatid ko ang gumulpi sa kanya pero hindi ko naman hahayaang kumawala ang gagong 'yon. He deserve a punishment! Kung hindi mo siya parurusahan ay hindi siya magtitino!
"I-disregard mong kapatid ko siya! He deserve it! Bakit hindi ka magrereklamo e' ginago ka na nga ng tao?" I asked out of the blue.
He smiled at me and messes my hair. "Since it's Kairus."
Ano bang mayroon kay Damon bukod sa guwapo niyang mukha at gagong ugali? Ano pa?
"He's just a bully. Paniguradong mabibigyan siya ng punishment na nauukol sa ginawa niya!" Alam kong nasabi ko na lamang ang mga bagay na iyon dala ng pinaghalu-halong emosyon ko.
I heard him laughed. "Wala rin namang magagawa ang simpleng pagrereklamo ko."
Natatawa pa siya, huh? At saka, anong wala?!
Hindi na ako muling umimik at nakikain na lang. Napahawak ako sa ulo ko matapos maramdaman ang marahang paglapat ng isang bagay rito. Napatingala ako matapos kong makita ang isang mapple leaf. Inilibot ko ang tingin sa mga silid sa taas at wala naman akong nakitang tao. Halatang ito ay sadya dahil walang puno ritong may ganitong dahon.
Nang marating namin ang silid ay agad kong isinalpak ang sarili sa aking upuan at nakangiti ko itong inilagay sa pagitan ng isang librong binili ko kamakailan lamang. Maingay at magulo ang loob ng classroom na animo'y nasaloob ka ng sabungan. May nagbabatuhan ng papel, naghahabulan, may iba pang nagtatawanan habang nagsusuntukan.
"Lumabas na ang news article!" Sigaw ni Xyrene na nakapagpatigil sa amin. Lumabas kasi ang teacher dahil sa biglaang meeting.
"Let me see!" Atat na sigaw ko. Iniabot niya sa akin ang isa pang kopya kaya agad ko itong binasa. Pihit dito, pihit doon! Hindi nakita ang mukha ni Damon o alin mang kalokohang ginawa niya ngayon. Isang kataga ang pumukaw ng pansin ko
RIDDLE RIDDLE
CAN'T GET YOU OUT.
I SWEAR to you, I didn't mean to
But IT'S too late to resist
I've already fallen for YOU
I can't BELIEVE that I do
Broke the line in between. Yes, it's ME ,
Listen carefully WHEN I SAY
I love you IT'S TRUE, kiddo.
IF begging on my knees
Is the only thing I can do
Just to HEAR YOU SAY
I'M YOURS, I'll be
spending MY LIFE begging
for your love, mi amore. WILL you
stay with me? Let's BE honest with each other.
Reading my confession is WORTHWHILE. But now, I'll ask you to read every capitalization, that's the main contex of my confession. The moon is beautiful, isn't it?
—K.M writes.
Sweet. I’m pretty sure he’s serious about his feelings and he never regretted persuing the girl behind a magical poem, of a poet named K.M Writes.
"I heard hindi hinayaang makalabas 'yung tea," buling ni Xyrene. "Ang powerful ni Kuya Kai, 'no?"
I shook my head and rested my face on the desk. Natapos ang buong maghapon at finally, dismissal na! Iniligpit ko ang mga kalat sa table ko't agad na inilagay sa balikat ang bag ko.
"Wala bang naglakas loob na ilabas 'yung ginawa niyang pag-i-eskandalo kanina?"
Xyrene shook her head. "Who would dare?"
"At isa pa, hindi mo naman yata gugustuhing mabasa ang article with a headline of, "Kairus a senior student punches a freshman, his sister was spotted crying!"
Agad akong naparolyo ng mata at pinukol siya ng naiinis na tingin. "Tanginamo!"
Gugulpihin ko si Damon sa bahay! Lagot siya sa akin!
"Vali!" Natigilan ako at napalingon.
It was Lyle, rushing himself towards me.
"Hmm?"
"Ihahatid na kita."
"No need."
He's gasping for air as if he run mile after mile. "Akala ko nasiraan ka?" patanong na aniya. Palihim kong nasapo ang noo matapos na maalalang iyon nga pala ang excuse ko kanina.
I smiled at him. "Huwag ka ng mag-abala. Puwede naman akong mag cab."
Hindi niya ako sinagot at pinagtukop ang aming mga daliri. "Kailan ka pa naging abala?"
That made my hyperactive heart skips a beat! Kailan ba ako naging abala?
I left no choice, nagpahatid ako. I'll just ask someone to pick up my car right after akong ihatid ni Lyle. Ayoko rin namang makasabay si kuya papunta sa school bukas. He wish!
Nabalot kami ng matinding katahimikan. Mula sa loob ng sasakyan ay tiningala ko ang mga mumunting bituing kumukuti-kutitap sa madilim kalangitan. Ang buwang bilog na animo'y kami ay sinusundan. Bukod sa ilaw na nagmumula sa mga sasakyan ay itong magandang tanawin na lamang ang iyong masisilayan.
Hindi ko napansing narating na namin ang tapat ng aming bahay. He smiled at me and bid his goodbye. Nakangiti pa akong kumaway pa ako sa kanya bago tuluyang pumasok sa bahay.
"Ganoon ka na ba kadesperada? You have a freakin' new car pero nagpahatid ka pa?" His words stabs like a knife. In a glimpse of an eye I found my self slapping his face, damn hard.
It proves me one thing, words trully HURTS LIKE HELL!
"H-how dare y-you?" muli ay nangibabaw ang sensitive side ko. Ang mga butil ng luha ay nagsipaglandasan sa pisnge ko. "W-who do you think you are?"
I expected him to say sorry pero ito ang ibinungad niya. I just can't believe na ganoon kababaw ang tingin niya sa akin. I can't accept the fact na ang dapat kakampi ko ay siya pang mortal na magiging kaaway ko.
"Not because he is your so called BOYFRIEND you'll have the right to flirt with him. You won't see him!" Inis na sigaw niya.
"Hindi mo ako utusan!" Amba na akong aalis ngunit hinigit niya ang braso ko. "Wala ka na ring pakialam kung sino ang mga taong nakapaligid sa akin at ang papel nila sa buhay ko."
"You'll follow me!" Aniya pa, dumako ang tingin ko sa kamay niyang nakagawak sa akin kaya't padarag kong inalis ito.
My fist are firm, my teeth gritted. I looked right through his eyes and muttered. "I won't!"
"You will! Sa ayaw at sa gusto mo, hanggang nasa puder kita, susunod ka!" I can sense how manipulative he is. Galit na galit siya ngunit hindi ko mawari kung bakit? Ano bang problema niya?!
"Ano'ng nangyayari rito?!" Mom's voice echoed.
"You're being too much! Fvck you!" I can't hold my tears. "You'll regret this! I swear! You'll beg on your knees!"
"What in the earth was going on!?" Mom asked once more.
Hindi ko siya sinagot at padabog na umakyat sa kuwarto ko. Batid kong pinagagalitan niya si kuya dahil panay ang sigaw niya.Hindi ko ito pinansin at nagtungo na lamang sa banyo upang maligo. Nang matapos ay agad akong lumapit sa bintana at sinilip ang malinaw na kalangitan. Nagsuot ako ng two piece at inibabawan ito ng puting roba.
"Anak, Vali?"
"Mom," I whispered. I was stunned when she hugged me.
I can't help but to cry. My tears is falling nonstop!
"Shhh. What's wrong?"
"Bakit ba gan'on si Damon? He always let his bad temper took over him. Hindi niya alam na minsa'y nakakasakit na siya ng iba."
"He's being protective, baby. He doesn't mean to hurt you. That's for sure," nakangiting bulong niya habang marahang hinahaplos ang aking mukha. Hinawi niya rin ang hibla ng mga buhok na nakaharang sa mukha ko.
"He's being over protective. He never fails to piss me off."
"One day you'll thank him for being like that everytime."
"Ano bang kinatatakot mo? Na baka malaman niya lahat-lahat?"
Another riddle for me to solve.
"I'll eat dinner na, Mom." parang batang usal ko. She smiled at me and wiped my tears.
"I'll cook for you," she whispered. "He's being too annoying but he loves his sister so much." Nakangiti siyang kumalas hanggang sa naisara niya na ang pinto.
Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako ngunit iba talaga ang pagkakabigkas niya ng sister. May diin, may emphasis!
Napangiti na lamang ako saka muling lumapit sa bintana. Tila magandang maligo sa ilalim ng kumikinang na mga bituin sa kalangitan. Kahit papaano ay maiibsan ang inis at bigat na nararamdaman ko.
Bumaba ako ng kuwarto at dumiretso sa pool side. I haven't seen my brother on the couch. Maybe he's inside his room.
Maingat kong inalis ang pagkakatali ng roba sa beywang ko't hinayaan itong marahang pumasada sa katawan ko. Maingat akong humakbang pababa at naglakad patungo sa gitna. Inilublob ko ang sarili at lumangoy pa ng bahagya. Nang maiahon ko ang sarili ay agad na nanlaki ang mata ko matapos makita si Damon na halos limang dangkal ang layo sa akin.
I was about to say a thing when his words interrupt, "I'm.. I'm sorry."
I shook my head and bitter a smile. "Sorry na naman? Wala na bang iba?"
Nanlaki ang mga mata niya. Sumimangot pa sandali ang loko ngunit napalitan agad ito ng ngisi. The next thing he said caught me offguard. "I love you then."
Hindi ba siya marunong bumulong? I mean, 'yung siya lamang ang nakaririnig? Nakaiirita talaga!