"I'm sorry," muli niyang usal habang ako'y walang ibang nagawa kun'di ang kumurap nang kumurap. "Hindi ko sinasadya. I was just blown by my anger." Napayuko siya matapos sabihin iyon.
Hindi na bago at gasgas na linyang iyon sa pandinig ko. Nadala lamang siya ng galit at hindi sinasadya ang nagawa. Kung ganoon, wala naman itong magagawa. May mababago ba ang sorry bukod sa pansamantalang pampalubag loob?
"I didn't mean it," hirit niya pa.
Tinaasan ko siya ng kilay saka dinampot ang roba at isinuot ito. "What makes that sorry special?" Hinarap ko siya at kapansin-pansin ang unti-unting paglalim ng gitla sa noo niya. "People say sorry to be able to commit the same mistake. Akala kasi nila kapag nag-sorry sila ay maaayos na ang lahat at pup'wede na ulit silang gumawa ng kasalanan. Sorry is subjective, Damon. You better wake up!"
Nagsimula akong humakbang papalayo sa kanya ngunit natigilan ako nang maramdaman ang paghawak niya sa braso ko. "I sincerely apologize for my action in front of your friends and Lyle. I'm sorry."
A familiar phrase crossed my mind. "Sabi nga ni Dao ming Si, kung lahat ay nadaraan sa sorry, bakit may pulis?" Narinig ko ito sa pinanood kong teleserye noon. Kitang-kita ko ang pamimilog ng mata niya.
"But—"
"I'm not here to hear your excuses." Inis akong tumalikod ngunit hinila ni ako, dahilan upang muli kaming magkaharap. "I'm tired of it."
"Where are you going? Aren't you goin' to swim anymore?" Nagtatakang tanong niya. Nadako naman ang mga mata ko sa kamay niyang nakahawak pa rin sa aking braso. Tila napansin niyang nakatitig ako roon kaya't agad niya itong inalis at umaktong hindi niya ito ginawa.
"I'm not in the mood to swim since you're here na." puno ng sarkasmong tugon ko. "It's so annoying you know?"
"I'm really sorry. I just can't control my self when it comes to you." Ramdam na ramdam ko ang pagkasinsero niya sa mga sinabi niya. "I'm sorrt for what I've said earlier. I didn't mean to make you feel bad. I was too furious that time and loses my control." I never heard him like this before.
He said sorry couple of times. Alam mo talagang nilunok niya nang buo ang pride niya.
Still I don't care! Naiinis pa rin ako sa ginawa niya kanina. That scandal might have been published in the school article. He must be ready for tomorrow! And about what he said about me lately. Wala mang naglakas loob ngayon, maaaring mayroon na kinabukasan. It's something that I couldn't get out of my mind. It was forever tattooed there.
"Shut up!" I blurted before leaving him there, hanging.
Mayamaya'y nakarinig ako ng katok sa aking pintuan.
"Come in," I said casually.
The moment our eyes met, I felt mad.
"Val—"
"What are you doing here?"
He tried hard to smile. "Hinatiran lang kita ng makakain. I heard you didn't have your meal for tonight. Just wondering if you're hungry."
"I don't wan't to eat," I simply replied. Tinarayan ko pa siya bago tumalikod sa gawi niya.
I was pacing the window right now.
"Good night, Baby." he said; making me roll my eyes. "I love you," he added before I heard the door closed.
I held my chest tight. My heart beats fast when I realize how he make his voice a hundred times sweeter than it was before.
Darn!
Napaghahalataan talaga siya kapag nakagagawa siya ng kasalanan. You'll find him sweeter. He'll care much more and the worst part, he'll cling as much as he likes, as long as he wants. Damon is someone you can't discard. He hates being treated as supernatural, like invisible man and so on.
I heaved a sigh and look closely to the bowl of cereal and a cup of milktea "Sorry," I read the sticky note attached on the tray. He's really persistent.
"Hindi niya ba alam na ayoko sa lasa ng milktea?" Umiiling-iling na tanong ko sa sarili. I just don't like how it taste, that's all.
Hindi kalaunan ay kinain ko rin ang dinala niya. I admit na nag-iinarte ako dahil hindi ko gusto ang ginawa at sinabi niya kani-kanina lamang. But deep inside, walang kinalaman ang pagkain kaya kakain ako.
Napakawala ako ng malalim na buntong hininga saka muling bumaba ng kwarto para ilagay ang milktea sa ref at uminom ng tubig. I decided to swim since I want to.
"I-im sorry," I heard a familiar voice from behind. I know it was him. Boses pa lang ay nakaiirata na. "Ano ba ang gagawin ko para patawarin mo ako? Kakain ako ng mushroom."
I know how much he hated eating mushroom! But since he made me a special meal, I'll forgive him. Kahit pa nakaligtaan niyang ayoko sa Milktea. I prefer frappe.
"Really?" Mapanudyong tanong ko. Kitang-kita ang bahagyang paglunok niya habang tumatango-tango. Sa tangos ba naman ng adams apple niya ay malabong hindi mo ito mapansin.
"Okay, I'll let this pass." Gumuhit sa mukha niya ang kakaibang tuwa dahil sa sinabi ko. Muli na naman akong napaigtad nang bigla niya akong hilahin at ikulong sa kaniyang mga bisig! Ramdam ko ang labis na pagkagalak dahil sa higpit ng pagkakayakap niya. Inis ko siyang tinulak papalayo sa akin, bahagya ko pa siyang sinipa saka inis na tumalikod sa kanya at umaktong aalis.
"But I'm still mad. So please—" Muli ko siyang hinarap ngunit hindi pa rin mapawi ang pagkakangiti. "— Control your temper." dagdag ko saka nagsimulang humakbang papalayo sa kanya.
"I will try hard, boss!" rinig kong pahabol na sigaw niya.
"That's good." Napangiti ako dahil sa sinabi niya. At least he'll try, it's a relief.
"And another thing." Natigilan ako sa paglalakad. "I don't like milktea's. I prefer Frappe's Damon. Better luck next time."
He smiled and winked at me before saying, "Roger that, boss baby!"
Balak ko pa sanang magbabad sa pool pero dahil naroroon siya ay huwag na muna. Baka mamaya ay roon niya ako b'wisitin at malunod ko pa siya. Nang makarating ako sa kuwarto ay agad akong sumilip sa bintana upang tignan kung naroroon pa siya at laking pasasalamat ko dahil hindi na siya abot ng tanaw ko. Dali-dali akong nagtungo roon, ilang dipa na lamang ang layo ko sa pool kaya't inalis ko ang roba at patakbong tumalon sa pool.
"I thought 'di ka na maliligo?" halos mapaigtad ako sa gulat. Namilog ang mata ko nang makita si kuya 'di kalayuan sa pool, topless na tila may balak ding maligo. Hawak niya ang kaniyang telepono't walang tigil sa pagtitipa.
"What are you doing?" Payak na tanong ko. Natigilan naman siya't napatingin sa akin.
He smirked. "I'm tellin' my friends to come over."
Napailing ako sa sagot niya. Sinong kasing baliw niya ang mag-i-invite ng kaibigan sa kalagitnaan ng gabi? Pinagmasdan ko muli ang loko na pangisi-ngisi habang tutok na tutok sa kaniyang telepono.
Don't tell me na pati mga flings nila ay kasama!?
A bad idea suddenly crossed my once innocent mind.
Time for revenge!
Dahil palagi niya akong iniinis ay panahon naman para inisin ko siya! Hahaha pusang gala!
Napangisi ako't maingat na umahon sa pool at nagpunta sa likod niya. "Kuya!" I called out. Amba ko na sana siyang itutulak ngunit naging alerto siya. Muli niya akong hinigit kaya't magkayakap kaming nahulog ng sabay sa pool!
Kahit kailan talaga, wala na siyang ginawang maayos!
"How dare you!" Inis na bulyaw ko sa kanya. Buong lakas ko siyang pinagpapalo at ang loko ay walang ibang ginawa kun'di ng tumawa nang tumawa.
MISSION FAILED!
I was about to tease him but I ended up being teased.
But well at least nahulog ang phone niya. It means nawala na naman ang mga pinakaiingatan niyang picture ng mukha niya. Epitome of narcissism!
Saan nga ba magaling si Damon? Ayon! Sa pangbwe-bwesit sa akin nang paulit-ulit! Tangina!
"But I got the cutest picture of yours inside that phone!" dabog niya saka sinisid ang phone niya at inilagay ito sa kung saan.
He started to splash the water against me. He's acting like a child again, damn! His eyes looks so innocent tonight. He's looking at me as if this was the first time he did that.
"You, Moron!!" Wala akong nagawa kun'di habulin siya sa pool para makapaghiganti sa ginawa niyang pagtulak sa akin. Sa laki ng pool namin ay talagang nahirapan akong hulihin siya. Bukod sa mas magaling siyang lumangoy ay talagang mailap siya. Hindi kalaunan ay nahila ko ang buhok niya kung kaya't patawa-tawa siyang nahinto at dumadaing sa sakit dulot nang mahigpit na pagkakahawak ko rito.
"Argh! You're such a saddist girl!" Sigaw niya habang nakahawak pa rin sa kamay kong nakahigit sa kaniyang buhok. Kung pupuwede lang ay hahablutin ko ito hanggang sa humiwalay sa anit niya!
"Sinong nagsabi sa 'yong p'wede mo akong itulak, ha?!" Naghihimutok na ani ko saka padarag siyang binitawan.
"Hindi naman kita tinulak," pagtanggi niya habang ginugulo ang kaniyang basang buhok. "Tinulak mo 'ko at niyakap kita kaya sabay tayong nahulog. Magkaiba naman 'yon!"
Muli kong nahigit ang buhok niya kaya para siyang tangang tumatawa sabay daing. "Sumasagot ka na?!"
"Argh!" Daing niya matapos kong higpitan ang hawak at bahagya pang hila-hilahin ito. "Hindi, b-boss. H-hindi!" Umiindang dagdag niya pa. Natatawa ko siyang binitawan at lumangoy patungo sa sulok.
The stars are finally visible above the sky.
"They're beautiful." Napatingin ako sa lalaking nakatingala rin sa kalangitan. His eyes were twinkling like the stars. Pareho kami ng tipo. Like me, I know he loves galaxies.
When I look at you
Into your eyes
I dare to forsee the stars
Nagsimula siyang kumanta habang nakatitig pa rin sa napakalawak na kalangitang pinupunan ng mga kumukutikutitap na mga bituin.
Your lips
I wonder how it taste
He looked at me and whispered, "Your skin, I wanna feel it against mine."
He closed his yes and smiled.
Whenever I close my eyes
His voice tho. How can someone be that good in singing???
I saw your beauteous smile
He open his eyes again and he tend to look at the sky..
The moment I opened it
Everything isn’t true, was it?
He swim towards me and showed me a jaw dropping smirk. His hands are on the water but he managed to make our fingers intertwined. I was stumbling over the lyrics as I felt something Inadvisable.
But, baby, it doesn’t matter now
Ohh not now, never ever
I wanna be the one
Ohhh
I wanna be the one
Let me be the one
Butterflies on my stomach! How could that be possible?!
Fuck! This is gross! I shouldn’t feel this! Gusto kong lunurin ang sarili ko sa tubig, ngayon din.
I wish to change the circumstance
I wish to turn back the time
I longed to resist but I couldn’t hold it any longer
I wish to change everything
But not us
Not you
I like you the way you are
And those stars underneath the midnight sky.
I miss the old him.
Wala sa sariling napayakap ako sa kanya. Napatingin siya at bahagyang napalunok pa ngunit 'di ako kumalas, bagkos ay ipinikit ko ang aking mga mata. Ninamnam ko ang sandaling binabalot kami nang matinding katahimikan at tanging ingay ng gabi't paligid ang nangingibabaw. Matagal na rin nang huli ko iyong gawin sa kanya. Mga bata pa kami noon at naglalaro pa ng bahay-bahayan. We are always just that close. I whispered, "I miss the old you, Damon."
"Hi, Kairus!" Unti-unti kong iminulat ang mata at kumalas kay Damon. "You're that close?" Doon ko nakita si Ycarus kasama ang kapatid niya at mga flings nila.
"I told you to call me!" Inis na sigaw ni Damon saka tinignan ang kabuuan ko.
I suddenly feel conscious about how I dress. I'm just wearing a black two piece cloth!
Ycarus wave his phone in the mid-air. "I can't reach you!" Pasigaw na tugon niya. Nasapo ni Damon ang noo saka ako inalalayang makaahon sa pool. Nagpauna siya at hinablot sa 'di kalayuan ang aking roba.
"I thought you hated Kai," mayamaya'y puna niya.
Hindi ko siya binalingan ng tingin at sinagot ng, "Yes, I do. But not as much as I hated you." Inis na asik ko.
Nang makaahon ako ay kitang-kita ang pagdako ng mga mata nila sa akin. "So this is how my wife will look like," nakangising ani Ycarus.
"So this is how a p*****t acts like." Taas kilay namang sabat ko.
Agad akong tinakpan ni kuya at kitang-kita ako ang bahagyang pagkuyom ng kaniyang mga kamao.
"Kasasabi ko lang," mariing bulong ko kung kaya't natigilan siya. "You invited them so I wasn't expecting you to punch him.."
He looked at me and his eyebrows furrowed. "Get in. Shower, and take a nap."
Hindi ko na sila pinansin at nagmamadaling pumasok sa bahay. Nang marating ko ang sala ay bumungad agad sa akin ang nakabusangot na mukha ni Mommy, nakapalumbaba't paikot-ikot ng lakad. Doon ko lamang naalalang ayaw niya nga talagang kasama ni Damon ang anak ng mga Monteverro.
"Mom, are you alright?" Puno ng simpatyang tanong ko.
Something makes her so bothered about their presence. What could it be? Is she hiding something or what? Whatever!
She looked at me, her face seems to be worried 'bout something. "I am."
"You sure?" Muli kong tanong ngunit isang pagtango na lamang ang isinagot niya. Hindi ko na siya muling binalingan at agad na nagtungo sa kuwarto upang muling maligo. Halos kalahating oras din ang tinagal ko sa loob bago ako tuluyang lumabas. Dumiretso ako sa wardrobe at piniling isuot ang terno ng red silk sleep wear. Pinaibabawan ko ito ng itim na roba saka lumabas ng kuwarto at dumiretso sa sala.
Napahigpit ako ng hawak sa aking suot na roba matapos makita si Damon na nakikipaghalikan sa isa sa mga babaeng dala ng Monteverro. Ycarus and his brothers were just staring at them, while drinking. I saw a numbers of empty bottle of alcoholic beverage on the table. They must be drinking half way long.
It was the girl who stopped him a while ago. She's Meg if my memory serves right.
I saw how their lips gone wild and wilder. The husky scent of alcohol hung thick in the air. Langung-lango na nga sila sa alak. Iba nga talaga ang impluwensiya nito sa katawan ng tao.
Na-estatwa pa rin ako sa kinatatayuan ko, hindi alam kung babalik sa kuwarto o magtutungo sa kusina. Namilog ang mga mata ko't laglag ang panga. Wala sa sariling kinapa ko ang unan sa gilid ng side table at ibinato ito sa gawi niya dahilan upang mapakunot noo siya at matigilan. Doon nila napansin ang presensiya ko at umayos ng kanilang mga upo. Si Damon naman ay itinulak agad ang babae palayo sa kanya.
He's looking at me with his teary eye. Hindi bilang sa mga daliri ko kung ilang beses siyang napalunok. "V-vali," he muttered. "What are y-you doing here?"
Pinagtaasan ko siya ng kilay at pinigilan ang sariling masapak siya. "This is my house too. Are you that stupid?!" Pabalik na tanong ko ngunit napayuko lamang siya.
Wala namang kaso sa akin kahit pa riyan sila maglampungan, ang akin lang naman ay hindi magandang lagyan niya pa ng nakadidiring memory ang sofa!
"Let me ask you instead." Bakas sa mukha niya ang kakaibang pagkabahala dulot ng tanong na iyon. "What do you think you're doing?"
"V-vali, it's not wha—"
"Continue, nakakaistorbo yata ako." Pagputol ko sa sinasabi niya.
I looked at him and a mile-wide smirk curved on my lips, "Enjoy."