Walang anu-ano'y ramdam ko ang unti-unting paglapat ng kaniyang braso sa balikat ko. How dare him touch me? Who do he think he is!?
I saw a smile plastered on his lips, dahilan upang umakyat ang dugo ko mula paa hanggang ulo. Inis kong tinabig ang balikat niya ngunit hindi siya nagpatinag, bagkos ay mas hinigpitan niya pa ang hawak. Unti-unti niyang inilapit ang labi sa aking tainga at bumulong, "Ang tagal-tagal ko naghintay sa 'yo tapos 'di mo naman pala ako na-miss."
The nerve of this guy!
Ngumisi ako saka siya hinarap. "Gumising ka nga!" puno ng sarkasmong asik ko saka padarag na inalis ang kamay niya, dahilan upang sumilay sa kaniyang labi ang mapanudyo nitong mga ngisi. "Why would I waste my time missing you, Mr. Ycarus Acer Monteverro?"
I looked at him. "Probably, I won't bother. You dumbass!"
Doon umalingawngaw ang ingay ng hagikhik ng kaniyang mga kasama. "Ang tagal-tagal mo ng binabalak manligaw, bokya ka pa rin?" mapang-asar na tanong ni Anthony sa kapatid saka humagalpak sa tawa.
Bahagyang tumalim ang titig ni Ycarus sa kaniya kaya't agad itong natahimik.
Sa likod niya ay naroroon si Damon at ang mga nakababatang kapatid ng panganay na Monteverro. Bagaman sila ay mas nakababata, hindi mo maipagkakaila na lahat sila ay may anking karisma. Lahat ay may kani-kaniyang angas at dating. Lahat sila babaero, mas gago nga lang 'to si Ycarus. Kung naghahanap ka ng bad boy, basagulero, babaero, takaw gulo, siya na nga ang hinahanap mo!
Ycarus Acer, ang kilalang womanizer sa Amadeo International School!
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa presensiya niya o maiinsulto. Buong taon na iginugol ko sa sekondarya ay palagi niya akong ginugulo. Isa lang ang sigurado ako sa sarili ko.
AYOKONG MAGING ISA SA MGA BABAE NIYA!
My mind couldn't take the thought na isasama niya lang ako sa collection niya. Wala akong pake kahit na maimpluwensiya siya sa school at mas lalong wala akong pake kahit paulit-ulit niya pang sabihin gusto niya ako! So what? Would there be a change of heart? In fact kahit sino naman kayang sabihin na gusto nila ako. It's just a matter of simple words! Kahit ako kaya kong sabihing gusto ko siya kahit hindi naman talaga.
He kept on doing that because he thought I'm no different from his flings! Most of them fall for his sugar coated words! Doon magaling si Ycarus, eh! Ang pinagkaiba ko lang sa kanila, hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya. Hindi ako utu-uto, hindi ako tanga, at mas lalong hindi ako hayok sa jowa!
Mariin akong napapikit saka siya muling binalingan ng tinigin. "Pwede bang tigilan mo ako?!" iritadong asik ko sa kanya saka nagpaunang maglakad papalayo sa kinatatayuan ko. Hindi ko man sila lingunin ay ramdam ko ang pagsunod nila sa akin. Mula sa bigat ng kanilang yabag hanggang sa lakas ng presensiyang taglay nila.
Hindi ba siya nagsasawang guluhin ako? Hindi ko na nga mabilang sa mga kamay ko kung ilang beses ko siyang tinanggihan. The more I tried to get him out of my way, the more he intrudes. He enjoys the chase while for me, it sucks! By hook or by crook, he'll try harder to get what he wants!
To get me!
What bothers me more? Bakit ako? When he clearly knew na ayoko sa kaniya! Hindi siya ang tipo ng lalaking gugustuhin kong makasama. I know for sure he'll fail but failure for him is just a word. Alam kong gago siya pero hindi ako gaanong ka-aware sa kung anong kaya niyang gawin. I'm still afraid that it has its cost.
I heard Ycarus sighed. "When will you let me court you?" Naparolyo ako ng mata dahil sa narinig ko. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lamang sa paglalakad. "It's fine with your brother. What's wrong with you? Lahat ng hahanapin mo sa lalaki ay nasa sa akin na."
Doon ako natigilian sa paglalakad, nilingon ko siya at mariing tinitigan. "Pasensiya ka na pero hindi ako naghahanap ng mayabang." Sarkastikong ani ko. My eyes meet Damon's sharp gaze. I hate him! How could he be that chilled?
Muli kong ibinalik ang atensiyon sa nakangiwing si Ycarus, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa saka bahagya pang napangisi. "Hindi rin ako naghahanap ng feeling guwapo kahit mukha namang tuko!"
I heard small giggles from behind. I know they were laughing at Ycarus right now. We are gaining sympathy grrr. I hate it!
I was about to sue him when I saw a familiar figure walking towards the school gate. My forehead creased. I know it was her but what is she doing here? I watched her slowly disappeared from my sight.
Anong ginagawa niya rito at bakit naka-uniform pa siya? Hindi ko napinatagal pa ang usapan at dali-daling sumibat. Dala iyon ng matinding pagtataka.
"Wait for me!" Sigaw ni Ycarus matapos kong takbuhin ang daan patungo sa loob ng campus. Hindi lang para maiwasan sila kun'di mabawasan ang inis na nararamdaman ko. Thank god na hindi niya na ako sinundan pa dahil para na akong baril na isang maling kalabit ay puputok na!
I was looking everywhere but I couldn't find her. I was gasping for air, and sighed in disbelief.
"Hey, sweetie." the moment I heard that voice, everything seems to be okay. Unti-unting umaliwlas ang mukha ko na para bang hindi ako nabad-trip kani-kanina lamang.
I turned myself to pace him. "H-hello," simpleng pagbati ko sa kanya ngunit naghuhuramentado na ang sistema ko.
"Are you alright?" He asked. Tumango na lamang ako at saka nag-iwas ng tingin. "Is someone tailing you? I bet you're running out of irritation." Bahagyang namilog ang mga mata ko. Nakita niya ba o talagang obvious ako?
"Nasiraan kasi ako ng car, eh." I lied and looked away.
I took a step and I found him walking with me. I can feel my heart pounding out of my chest!
How could he have this kind of effect on me? Damn his charisma!
He smiled at me and said, "You look great." I can feel my cheeks burning. "Thank you," mahinhing sagot ko saka muling naglakad kasama siya. Nakatingin na sa amin ang bawat madaraanan namin ngunit tila wala siyang pakealam.
He smiled once more then put back his hand inside his pocket. "Are you sure you're alright?" He asked out of nowhere.
I nodded. I don't want him to get involved with the issue I have with Ycarus. Lyle has nothing to do with it. If the first born Monteverro would stop, then he will. He'll do it deliberately.
Nagpatuloy kami sa paglalakad out of nowhere again! Saan naman kami pupunta? Teka nga lang! Anong ginagawa niya rito?
I stopped walking for a minute and pace my back. Confusion run all over my face.
He smiled at me as if he knew what's running on my mind. "Probably you are wondering why I'm here. Am I right?" he asked. My eyes gone smaller and suddenly it popped out. Maybe another coincidence or I'm being too obvious with how I react.
"I'm here to finish high school. Wala na akong balak bumalik sa states. The moment I saw you..." he looked at me smiling a mile-wide. He lift his glance and winked at me. "I think I finally made up my mind, leaving is no good at all."
"You stayed because of m-me?" Sinikap kong huwag mautal pero nautal pa rin ako. Dala na siguro ito ng pinaghalo-halong emosyong naramdaman ko mula pa kanina.
Narinig ko ng bahagya niyang pagtawa at ginulo pa ang buhok ko. "What do you think?" Pabalik niyang tanong saka nakangiting hinila ako papunta sa classroom. "There was a change of heart, Lili. It was so sudden that I wanted to kneel in front of you right now to ask for you freakin' hand and marry you."
Naiwan akong nakaawang ang labi habang prinoproseso ang mga narinig ko! Hindi naman kaya nananaginip lamang ako? Ang mga nangyayari ngayon sa buhay ko ay hindi kapani-paniwala! It was way too good to be true ika nga nila!
Wait a minute! Classmate ko rin siya?! Damn! I'm really busted!
Okupado ang isip ko hanggang sa makarating kami ni Lyle sa loob ng room. Nangibabaw ang bulung-bulungan ng mga kaklase ko matapos kaming sabay na pumasok ng transferee. Nabalik ako sa ulirat nang mapansing halos lahat sila ay nakatitig sa pinagtulop na mga kamay namin. Wala sa sarili ko 'yong inalis at dali-daling isinalpak ang sarili sa aking upuan saka iniyuko ang ulo.
Damn! Nakakahiya! Sympathy, sympathy and sympathy! Ang mga atensiyon na hindi ko naman hiniling ay nabaling sa akin.
"Hey, Val!" Masiglang bungad ni Xyrene. Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang presensiya niya at nag-ansabalutan na lamang sa kinauupuan.
"Hey, Lyle! How have you been?" tanong niya rin sa katabi ko. The seat inside is composed of 10 long rectangular table with three white stool.
Napapagitnaan ako ng dalawa kong kaibi— ng isang kaibigan at ng crush ko. This is freakin' weird! Ayokong makita niya kung gaano ako kawalang sense pagdating sa studies ko. Nagmumukha tuloy na sinadya ito para magtino na ako! Damn!
Kakailanganin kong magsunog ng kilay upang matuto. Para na rin hindi ako mapahiya sa kanya sa oras na tawagin ako. What I dreamed about last night might be a sign! I should have believed it!
"Nothing new bukod sa gumuwapo pa ako," rinig kong tugon ng binata kay Xyrene. Hindi tunog mayabang at hindi rin nagtunog na seryoso. Hindi ko alam kung ako lang ba ang naguguluhan o maging si Xyrene.
I've been with Lyle since I was five and I knew him well. Sa sobrang dami kong alam sa kanya, naging dahilan din ito nang hindi inaasahang pagkahulog ng loob ko. Hindi siya mahirap magustuhan, hindi rin mahirap pakisamahan at mas lalong hindi siya mahirap mahalin.
He has everything that you could possibly ask for. He's like a magnet that I always fail unstiking to.
I heard Xyrene giggled. "Yeah, I won't argue with that! You look more matured and Masculine," mayamaya'y papuri niya pa.
What I dreamed last night kept on pestering my thoughts! It was about the Lyle and his friends. It says there that he loathed me. I heard a friend of his said, "Na-fall ka nga," he pausedand looked at Lyle. "Hindi ka naman nasaktan kasi hindi naman pala bato ang binagsakan mo kun'di plastik!" then looked at me as if I am a criminal.
What they've said didn't bother me that much. Yeah it stings but not as much as I thought it would. My concern is why are we inside the classroom, inside a class?
"Mag-sorry ka lang." That's the only thing I've said in between that dream.
Nakapagtataka. Bakit iyon lamang ang sinabi ko? Ano ng kahulugan no'n? Confusion yata ang papatay sa akin nang maaga, eh.
Hindi rin nawala sa panaginip ko ang bahid ng realidad. Nakita ko rin doon kung paano ako napahiya sa kanya nang hindi ko masagot ang tanong ng propesor na aniya'y napakadali lamang. Pinagtitinginan ako at ang tanging sumagi sa isipan ko ay ang paghahangad na lamunin ako ng lupa.
Hindi ko alam kung anong nais iparating ng panaginip ko. Siguro ay kanunuod ko lang ito ng mga movie series ngunit medyo foul naman 'yon!
"Hi Lyle!" Ang mga mata namin ay nadako sa gawing pinagmumulan ng matamis na boses na iyon. Unti-unti akong bumalik sa diwa at naputol ang aking daydream kuno.
"Isabelle?" Tila hindi makapaniwalang usal ni Lyle. "What are you doing here?"
Isabelle smiled, flexing her dimples. "I also study here."
Wala ako sa katinuan habang nakatingin pa rin sa malayo. I was pre-occupied when someone pinched my waist.
"Ano ba!" Pabulong na asik niya. It was no other than Xyrene. She was giving me a questioning gaze.
"W-what?"
I wasn't in a good state to argue with those thoughts inside her dirty mind.
"What do you mean what?" She fired back. She pin-point Isabelle. The young lady keep on pestering him.
"So?" I asked, and she just rolled her eyes.
Muli naming pinagmasdan ang dalawa. It's like they are playing the cat-and-mouse game.
"More than friends but less than lovers? What are they?" Xyrene asked out of the blue. Hindi ko siya binalingan at ipinukol na lamang ang mga mata sa kanilang dalawa.
"Pet and owner?" I asked, making her booming laugh took over the atmosphere. I can't help laughing too.
Agad kaming nag-iwas ng tingin matapos na magtama ang aming mga paningin. Inusog ni Lyle ang kaniyang upuan palapit sa amin. Isabelle is sitting right next to him. She waved at us with a sweet smile plastering her reddish lips. Xyrene and I smiled back.
"You're Vali, right?" She asked. I nod as a silent response.
"Alam mo ba nung nasa states kami, Lyle talk about you a lot. At first I thought he likes to be around you kasi mabait ka but when I saw you... Ang ganda mo pala talaga," she steely whispered.
Should I take that as a compliment or what?
Hindi ko lubos akalaing naikuk'wento niya ako roon. Isa pa, manhid ba siya? Halatang gusto siya ni Isabelle pero pinagkuk'wentuhan niya ng ibang babae. Insensitive!
"But god, you couldn't have cared less about someone who loved you more." Olivia's voice suddenly played inside my head.
"The first time I laid eyes on you, I know I lost. Pero dahil gusto ko siya, gugustuhin ko pa rin siya kahit... kahit hindi na ako." Napatingin ako sa kanya. "Kahit hindi naman naging ako." Ngumiti siya na para bang okay lang ang lahat. Ngiting kaya kang paniwalaing hindi siya nasasaktan.
That was me, several years ago.
"You know," nakangiting bulong ko nang hindi man lang siya tinitignan nang diretso. "I wanna be friends with you."
"Cool! I like that too!" Masiglang aniya saka bumalik sa upuan niya. Nang magtama ang aming paningin ay agad siyang ngumiti at nagthumbs-up pa! "Friends na tayo, ah?!"
I nod.
"Iba ka talaga, Mr. Rotulo." Xyrene shook her head, looking so amazed.
"Oh, shut up!" natatawang sagot naman ni Lyle.
She just smirked. "No wonder if you already deflowered numbers of hot girls on your previous schools." Para akong tangang napaangat ng sarili matapos marinig ang sinabi ni Xyrene. Dahil sa biglaan kong paggalaw ay nawalan ng balanse ang stool na kinauupuan ko kaya't inihanda ko ang sarili sa sakit na hatid ng posibleng pagbagsak ko sa sahig. Naipikit ko ang aking mga mata ngunit lumipas pa ang sigundo at hindi ako nakaramdam ng kung ano bukod sa narinig kong pagkalampag ng bakal na upuan sa sahig.
"You're still clumsy," I heard him whispered. Napamulat ako ng mata at nakita ang sarili na nakasandal na sa kanya. Halos lahat ng mata ay nakatingin sa gawi namin. He catches me while the chair falls. I found myself gasping for air!
Sino bang hindi magugulat sa parang machine gun na bibig ni Xyrene? How can she ask that stuff without any hesitation!? Baliw na ba talaga siya o napa-paranoid lang ako?! Kasalanan niya kung ba't binabalot na naman ako nang matinding kaba ngayon!
"Para-paraan na agad si Vali!"
"Ang pag-ibig ay gawa-gawa lamang ng mga alien!"
"Siraan agad natin si Vali kay Lyle. Are you carp, girl?"
"Ano ba 'yan mukhang kanya na naman si cutie guy!"
"Ano bang shampoo mo, safeguard?"
"Does her thought shocked you that much?" Tila nabasa niya ang eksaktong laman ng isip ko. Butterflies lingers all over my stomach and I got a big lumps on my throat.
He smiled at me and whispered. "Don't worry, I haven't touched anyone in my entire life. And I never allowed anyone to lay their hands on me, too," aniya pa't sinipat ang aking baba saka ngumisi. "I always save the best for last."
Before he looked away, he winked at me! God, I sounds crazy but I’m on cloud 9!