Kabanata 2

1973 Words
Ang Anghel *** Hindi ko mawari kung paano ang nangyari. Niligtas ng babae yung matanda pero buhay pa din... Tangina sino ang guardian angel ng babaeng iyon? Napadaan muli ako sa JUNMAR SARI-SARI STORE. "Pabili nga!" sigaw ko at ang paslit na babae ulit ang lumitaw. "Ikaw na naman?" bungad niya. "Isang redhorse yung color green naman!" "Grabe naman kuya pangalawa mo na ito..." "Tangina naman bata ang dami mong reklamo sa buhay!" "Alam mo ba masama ang pag inom ng alak?" "Alam mo din ba na masama kapag ginagalit ako?" "Oh! ayan na oh!" abot niya sa akin ang redhorse at binigay ko rin ang bayad sakanya. Pinabukas ko na din sakanya ang bote. "Hoy bata..." tawag ko sakanya. "Busy ako." "Sa tingin mo may guardian angel ka?" tanong ko sakanya habang tumutungga ng alak. "Ano lakas agad ng amats mo kuya?" "Sagutin mo na lang yung tanong ko!" "Syempre oo bata ako eh!" "So kapag matanda na wala ng guardian angel? ano may age requirement?" "Bakit ikaw naniniwala ka ba na may guardian angel ka?" "Gago ka ba? demonyo ako tapos magkakaroon ako ng guardian angel?" "Ang gwapo mo para maging demonyo." "Gago kang bata ka maling paniniwala 'yan baka isang araw patayin ka ng isang gwapo." "So naniniwala ka ba na may guardian angel?" "Tangina bata hindi ka maniniwala sa akin pero totoo ang mga anghel." "Hay nako kuya baka jowa mo lang tinutukoy mo ah!" "Tanginang bata ka bahala ka sa buhay mo ang dami mong alam!" Inubos ko ang alak bago nagpatuloy sa paglalakad. Tanginang bata kasi 'yon jowa puta wala nga ako no'n! 16:37 tanginang oras ito napaka bagal! Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang isang maliit na eskinita at may isang nilalang ang biglang humarang sa akin. "Calcifer." bulalas niya. "Tangina kukunin mo na din ba ako san pedro?" "Hindi." ayan na naman tayo sa seryosong mukha na 'yan medyo nakakainis tignan. "Edi wala kang silbi! bye!" "Sinabi ko na saiyo kanina na huwag mong paglaruan ang buhay ng mga tao." "Blah blah blah blah~ tsss!" nilagpasan ko lang siya. "Kagaya ka lang talaga ng ama mo." "Hay nako! alam mo kung paano matutuwa saiyo si lolo?" nilingon ko siya at gano'n pa rin ang expression ng mukha niya, para na naman wala akong kuwentang nilalang. Tangina talaga ng attitude ng lalaking ito eh, nakakainis. "Madala mo ang kaluluwa ni lucifer sakanya hahahahaha adios! Amen!" *** Matapos ang nakakaburyong paglalakbay na ito napagpasyahan ko na lamang na umuwi. "Tanginang bahay ito parang patay ang nakatira..." sambit ko pagkapasok ko sa living room. "Nandito na pala kayo master." bati sa akin ng nag-iisang katulong sa bahay. "Wala pa aling flor anino ko lang ito." "Nako hindi ka talaga nagbabagong bata ka!" "Nagugutom na ko!" reklamo ko habang papunta sa kusina. "Oo nga pala master calcifer dumating ang iyong ama kanina at hinahanap ka." "Oh tapos? nasaan na siya? dumiretso na ba sa impyerno?" sabi ko kay aling flor na wala pa din kamalay malay kung ano ba talagang lahi kami. "Hindi master nasa---" hindi na natapos ni aling flor ang sinasabi niya dahil, "Nandito ako ngayon at may pag uusapan tayo." isang matapang at kalmadong tinig mula sa isang matipunong lalaki na nakasuot ng itim na long sleeves at may hawak na wine glass na may laman na wine at nakaupo sa head sit ng hapagkainan. Tangina bakit nandito 'yan? Umupo ako sa kabilang head sit, may kahabaan ang mesa pero dalawa lang kami o diba parang gago lang? "Makakaalis ka muna aling flor..." utos niya at sinunod naman iyon ni aling flor. "Mapayapa na ba sa kaharian mo sa ibaba kaya ang guguluhin mo naman ay ang sa akin?" tanong ko sakanya. "Mali ka doon, kaya ako nandito ay para itanong saiyo kung bakit ka pumasok ng simbahan, na naman." "Nabored ako dito sa bahay eh." "Ilang beses ko bang sasabihin saiyo na huwag na huwag kang papasok sa lugar na hindi para sa atin?" "Gagawin ko kung anong gusto ko!" pagkasabi ko no'n ay bigla na lamang ako lumipad sa pader at nastuck doon habang may parang sumasakal sa akin na hindi ko nakikita. At kitang kita ko ang inis sa mga mata niya. Nakakatakot pero kailangan strong tayo kahit kunwari lang. "Hindi ka buong demonyo, kalahating tao ka rin! At kapag sinabi kong huwag kang pupunta sa lugar na iyon ay HUWAG KANG PUPUNTA!" isang malakas na sigaw na akala mo may lumalabas na apoy sa bunganga niya. Pagkatapos no'n ay bumagsak na ako sa sahig. Tangina ang sakit sa puwet! "Hay nako, alam mo naman ayokong nagagalit sayo anak pero ginagalit mo talaga ako." "Ahhh fuck..." "Osya narinig ko kanina gutom ka na kaya saluhan mo na ako dito." Tangina talaga ng ugali nito nakakasuka. *** 17:46 at wala na din sa pamamahay na ito ang demonyong iyon...wait, demonyo din pala ako, tangina. Nakahiga ako ngayon sa kama ko at nakatitig sa kisame. "Tangina kahit isang butiki walang nagpapakita sa akin? hay nako!" katabi ko sa aking kanan ang isang matalas na kutsilyo na galing pa sa japan at sa aking kaliwa ay isang .45 caliber pistol with silencer. Kung itatanong niyo para saan ang mga iyan at kung sino ang papatayin ko, pwes ang sagot ay... AKO! papatayin ko ang sarili ko kasi ganito na ako kabored sa buhay at ito ako buhay pa din tangina. Sinumpa ako na hindi mamamatay. Putangina I'm immortal at tanging ang lolo ko lang ang puwedeng pumatay sa akin at nasabi ko na ba na hindi ako lolo's boy? "Gusto ko ng mamataaaaaay!" "Edi mamatay ka na." at sa hindi inaasahan ay nagkaroon ako ng bisita... isang BWISITA pala! "Anong ginagawa mo dito sa kuwarto ko?" tanong ko sakanya. "Wala lang gusto lang kita kamustahin." "Tangina sino niloloko mo dito?" "Hindi ba puwedeng namiss ka lang ng iyong bunsong kapatid?" sabi niya habang palibot libot sa kuwarto ko. "Ulul mo lilith!" "Balita ko pumasok ka na naman daw sa simbahan..." "Tinanong mo pa eh ikaw naman nagsumbong sa akin! napaka peke mo talaga!" "Sinabi ko naman kasi sayo kuya hindi ikaw ang makakakuha ng kaharian sa baba kundi ako! kaya gagawin ko ang lahat para mapasaakin iyon." Umupo ako sa aking kama at kinuha ang baril at kinasa ito. "Kung gusto mo talaga makuha iyon edi patayin mo muna si lucifer..." tinutok ko sakanya ang baril. "Paano ko siya mapapatay, sige nga sabihin mo sa akin kung paano?" "Ang bobo mo naman lilith! para mapatay mo siya simple lang..." "Ano?" Pinutok ko ang baril na naka tutok sa ulo niya ngunit wala naman iyong bala, sayang! "Umakyat ka ng langit hahahahahahaha!" "HA-HA-HA Very funny." "Tangina naman kasi kapag umakyat ka doon hindi ka magmumukhang anghel! mukha kang tiyanak!" "Sa kagandahan kong ito ikukumpara mo lamang ako sa isang maliit na salot? Ha! Mas salot ka pa din dahil isa kang kalahating tao!" pagkasabi niya no'n bigla na lamang siyang nawala. Tangina talaga ng hayop na 'yon...teka nakakaoffend na ba maging isang tao? *** Isang katanungan din sa lahat ay kung natutulog ba ang mga demonyo, ang totoo niyan ay hindi pero depende. 22:56 na at dahil walang pinipiling oras ang kasamaan except sa akin dahil balak kong maghasik ng dilim sa madilim na gabi...at tumambay. Mahimbing na natutulog si Aling Flor pero kaya ko din naman magteleport sa kung saan lugar ko gusto. "Kamusta naman ang araw mo ngayon?" tanong ni Pepe, isang kaluluwa na namatay nung panahon ng kastila. "Tangina pepe hindi ka maniniwala pero walang bago sa mga nakalipas na araw!" sabi ko sakanya habang tumutungga ng redhorse na nabili ko sa tindahan ni aling nena. "Balita ko nasermonan ka ng iyong ama?" "Puta hanggang sa sementeryo abot ang balita na 'yan?" "Alam mo naman na kaming mga ligaw na kaluluwa ay walang lugar kaya kung sino-sino nakakasalamuha namin." "Pepe, dito ang kaharian ko hindi doon sa baba! puta anong mapapala ko doon? Hindi hamak na mga mas panget ang itsura ng mga nilalang doon!" "Tama ka kaibigan bakit hindi na lamang ikaw ang mamuno dito? kakampi mo naman kaming mga ligaw na kaluluwa." "Tangina pepe tumagay ka nga!" alok ko sakanya ng redhorse. "Hindi ako umiinom pagpaumanhin mo na." "Oh! nandito ka pala kapatid!" biglang sulpot ni Supremo, isang ligaw na kaluluwa na namatay noong panahon din ng kastila. "Nandito na si supremo kaya ako'y lilisan na muna at may isusulat pa akong nobela." pagpapaalam ni pepe sa akin. "Tangina mo pepe ayaw mo lang tumagay eh!" reklamo ko sakanya. Tinignan ko si supremo, "bakit ngayon ka lang?" "May dalawang kabataan doon sa may damuhan! isang lalaki at babae. At may ginagawa silang hindi gawaing pangkabataan." "Nagsesex?" "Rinig ko sa mga ilang kabataan na ang katagang iyon ay tinatawag nilang make out." "Puta s*x nga!" "Libre ang panonood! madaming mga lalaking kaluluwa ang nanonood doon sa damuhan!" "Teka baka hindi iyon basta make out lang ha...baka puwersahan 'yon tapos pinapanood niyo lang?" "Hindi ko alam kapatid...mananahimik na lamang ako kunwari wala akong nakita." "Hay nako supremo, yung ganiyang attitude ng mga tao ang gustong-gusto naming mga demonyo eh! Dagdag na naman sa talaan ng mga taong baba sa impyerno hahahaha!" "Bakit naman kapatid?" "Dahil ang pagtalikod sa isang taong sobrang nangangailangan ng tulong ay isang gawain na hindi makatao! Parang ikaw na din mismo ang pumatay sakanya." ani ko. "Pero nasa saiyo pa rin 'yan...patay ka naman na eh, anong magagawa mo pa?" dugtong ko. "Eh ikaw kapatid nakipag talik ka na ba?" Nabuga ko ang iniinom ko sa tanong na iyon ni supremo. "Bente-uno ka na kapatid hindi ba dapat nakahanap ka nang iyong kasintahan? kay ganda mong lalaki, maraming dalaga ang sayo'y nahuhumaling panigurado ako!" "Tanginamo supremo bunganga mo masyadong makasalanan!" "Ano ang aking maling naibigkas?" "Tanginamo kitang wala akong syota tapos tungkol dito pag-uusapan natin? Gago! oh heto!" inabot ko sakanya ang redhorse. "Iyo na 'yan! aalis na ako!" "Sige kapatid mag-iingat sila sayo!" Lesson in life: Hindi lahat ng gwapo may syota. *** Naglalakad ako ngayon pauwi kasi trip ko lang. Puta wala akong pake sa iniisip niyo! Time check: 00:49. "Hi kuya! ang yummy mo naman raawr hahahahaha!" "Kuya one fifty okay na ba? hehehehe!" "Kuya may girlfriend ka na ba? akin ka na lang!" Tangina hindi lang babae ang nababastos at naka-cat call okay? Kami din mga lalaki! Tumigil ako sa tapat nila at nagmiddle finger sabay tuloy sa paglalakad. "Ayy gago bastos!" "Tangina no'n ah akala mo kung sinong gwapo!" *** 01:23 ng marating ko ang hospital kung saan nakaconfine si santa maria ina ng Diyos. "Tangina tanda kapag sinabi kong mamamatay ka...mamamatay ka!" sabi ko sa natutulog na matandang pasyente na puro aparato na lamang ang nagbibigay sakanya ng pag-asa para mabuhay. "Ipikit mo lang ang iyong mga mata at sa isang iglap ikaw ay mawawala na..." tinanggal ko ang nakakabit na aparato sakanya at pinagmasdan siyang mangisay at unti-unting mawalan ng buhay. Tangina fulfillment! Very satisfying to the eyes HAHAHAHA! Agad akong lumabas ng ospital dahil baka makita ko na naman si San Pedro kitang nakakairita din ugali no'n. "Ngayon tignan natin kung siya ba ang may guardian angel..." nakatingin ako sa labas ng ospital nakatitig sa kalangitan nag aabang kung may bababang anghel para sa matanda. "Awwts!" reklamo ko sa nakabunggo sa akin. "Sorry po sorry!" sabi ng babae wait...tangina. "Sandali!" sabi ko sakanya at agad naman siyang lumingon. "Bakit?" tanong niya. Putangina siya nga yung babaeng tumulong sa matanda at sakanyang likuran ay isang munting anghel. "Ahmm bakit po?" tanong ulit ng babae. "Ahh wala..." pagkasabi ko no'n agad na siyang pumunta sa ospital. Tangina bakit hindi ko nakita yung bulinggit na 'yon sa aksidente? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD