Si Essay
***
Taragis talaga! Isang bulinggit na anghel?
Sinundan ko sa loob ng ospital ang babae at nang makita ko siyang pumasok sa kuwarto kung saan nandoon si santa maria ina ng Diyos ay agad akong hinarang ni San Pedro.
"Tangina ano na naman iyon?" angal ko.
"Sabi ko 'di ba tantanan mo na."
"Mamamatay din naman siya mas mabuti ng mamatay agad!"
"Hindi ka talaga nakikinig sa akin."
"Sorry pero kaano-ano ba kita?"
"Anong kaguluhan ito?" singit ng bulinggit na pesteng anghel.
"Ikaw! tabachoy!" sabi ko sa anghel.
"Ano? Tabachoy? Ako?" sabi nung anghel.
"Tangina ano gusto mo baboy?"
Hinawakan ako ni San Pedro sa braso at hinila sa likuran niya.
"Pagpasensyahan niyo na siya wala talagang sinasamba ang isang ito." sabi niya sa tabachoy na iyon.
"Naiintindihan ko, kaya ikaw na bahala sakanya San Pedro." at isang kaluluwa ng batang babae ang lumabas sa kuwarto ng matanda.
"Halika na ihahatid na kita!" sabi ng tabachoy sa batang babae.
"Tangina bakit bata iyan? 'di ba dapat matanda?" tanong ko.
"Ayon ang huling hiling niya bago mo siya patayin... osya mauuna na kami!"
"Teka tabachoy!"
"Ano iyon calshifew?"
"Puta CAL.CI.FER! anyway guardian angel ka ng matandang iyan? hindi nung babaeng nasa loob?" tanong ko sakanya.
"Malalaman mo kung makikita mo ulit ako hihihihi paalam na!"
"Tanginang tabachoy na 'yon! Oy San pedro--- luhh tangina bigla na lang din nawawala amputa." nilingon lingon ko pa ang paligid pero wala na si San Pedro.
"Excuse me?" biglang may kumalabit sa aking likuran at paglingon ko... siya lang pala.
"Nandito ka ba para kay lola?" tanong niya.
"Huh?"
"Yung matanda sa kuwarto na iyon?" sabay turo sa kwartong tinutukoy niya. "kilala mo ba siya? kamag-anak ka ba niya?" dagdag pa nito.
Tangina puro tanong.
"Sorry pero kakilala niya ako sa simbahan at pagkadating ko sabi ng mga doktor... pumanaw na siya." malungkot na pagkasabi niya.
"Ahh nakilala ko lang siya sa simbahan hindi ko siya kamag-anak o kung ano man..."
"Ahh sorry, akala ko kasi... patawad po!"
Tanginang 'yan bakit ang cute nito? Wait--- pota.
"Ahh sige alis na ako salamat sa balita." agad na akong umalis sa harapan niya kasi naman puta hindi ako handa bigla biglang kumakausap ng hindi niya kilala.
***
Nandito ulit ako sa park bench 13:07, tanghali na kasi ako nagising...anong oras na kasi ako nakauwi kagabi pota share ko lang!
"Ughhh ang init! Sheeeet bakit ang hot ko?" balak ko matulog dito sa bench kaya humiga ako at tinakpan ko ng sumbrero yung mukha ko at sana pag gising ko may mga barya na ako sa aking mga palad.
"Uhmm excuse me?" boses ng isang babae, at kinakalabit ako upang magising.
Tangina hindi pa nga ako nakakatulog eh bahala ka d'yan sa buhay mo.
"Excuse me po..."
"Walang yelo malambot pa." sabi ko sa nangungulit na ito.
"Ahh hindi po ako bumibili ng yelo."
"Wala tulog kinakausap mo."
"Kuya if you won't mind lang po na mahingi yung konting oras niyo?"
Tangina nito ang kulit wala atang pambili ng relo!
"Hindi ako tindahan ng relo!"
"Ahh hindi po nagkakamali po kayo..."
Sa sobrang rindi, itinanggal ko yung sumbrero sa mukha ko para malaman kung sino itong kupal na babae na ito na iniistorbo yung tulog ko at nang maturuan nga ng leksyon! tangina!
"Ahh! ikaw!" sabi ng babae.
"Tangina..." tanging nabulyaw ng aking bibig.
Pinaglalaruan na ata ako ng tabachoy na iyon ah?
Muli kong binalik ang sumbrero sa pagkakatakip sa aking mukha.
"Teka teka! kahit limang minuto lang please?"
Tangina talaga.
Bumangon na ako at umayos sa pagkakaupo. Sinuot kong muli ang aking sumbrero at ang babae ay umupo sa tabi ko.
Tangina nito uupo na lang sa tabi ko pa? puwede naman sa akin mismo.
"Ako nga pala si Essay." pagpapakilala niya.
"Tinatanong ko?"
"Ahh sorry pero It's a good way to start the conversation kasi..."
Tangina ingleshera pota akala niya siguro hindi ako fluent do'n, kasi pota hindi nga!
"Calcifer." walang kabuhay buhay na pakilala ko.
"Hi Calcifer thank you sa pagbigay sa akin ng time."
"Pinilit mo ako eh..."
"Hahaha sorry pero nagkita naman na tayo eh kaya It's okay."
"Ano ba gusto mo sabihin sa akin? I'm Calcifer, 21 years old, Fresh grad, Walang kuwentang nilalang sa mundong ito, Single pero kung gusto mo ako sige tayo na agad."
"Huh? ahh hahaha masyado kang direct to the point pero kasi gusto ko lang sana ipangaral saiyo ito?" binigyan niya ako ng isang brochure na tungkol sa Diyos.
Putanginang buhay ito! IT'S A TRAP!!
"Ilang minuto lang, pangangaralan lang kita tungkol sa ating taga likha."
Tangina sana walang makakita sa akin dito! Sila pepe, supremo, lilith, lalong lalo na si San Pedro! SHEEEEEET!
"Busy pala ako ngayon sorry wala akong time para dito."
"Pero dapat madami kang time para sa Diyos."
Tanginang paniniwala ito, jusme!
"Sorry pero ibang tao na lang puwede?" tatayo na sana ako sa pagkakaupo ng biglang lumitaw ang tabachoy na 'yon sa likod ng babaeng ito.
Tangina.. bakit may pana 'yang hawak? Huwag mong sabihin---
Isang pana, isang tirahan diretso agad sa puso ko. One shot, One kill! tangina sumpa ito!!
Dug dug dug dug dug dug dug
TANGINA MASAMA ITO!!!
"Sige pasensya na medyo naging makulit ako sayo, sorry talaga." sabi ng babae, paalis na sana siya ng biglang pinigilan ko. Hinawakan ko ang braso niya.
"Hmmm?" pagtataka niya.
"Pasensya na hindi ko kayang tanggihan ang isang alok mula sa magandang dalaga...ngunit sa isang kondisyon."
"Ano naman iyon?"
TANGINA TANGINA TANGINA HINDI KO MAKONTROL SINASABI KO NGAYON. YARI TONG TABACHOY NA ITO SA AKIN KAPAG NAKITA KO 'YON!
"Papayag kang maging girlfriend ko." sabi ko.
Tangina game over na! Let my soul rest in peace!
"Okay." sabi niya habang nakangiti.
Dug dug dug dug dug dug dug
Putangina kuya wil penge nang lola remedios niyo!
Bumalik siya sa pagkakaupo sa tabi ko.
"May kondisyon rin ako..." sabi niya.
"Ano naman iyon?"
"Tuwing magkikita tayo ibabible study kita okay ba?"
Tangina lord kunin mo na lang ako! Huwag mo na ako pahirapan pa!!
"Sige." sagot ko.
Tangina!
***
22:00 at nandito ako sa tambayan namin... ang sementeryo.
"Kamusta naman araw mo ngayon kaibigan?" tanong ni pepe.
"Tangina napagod ako ng hindi inaasahan..."
"Susmaryosep kapatid! Nakipagtalik ka na ba?" bulalas ni supremo.
"Tangina naman supremo hindi!"
"Pero kaibigan balita ko may kasintahan ka na daw? totoo ba itong kumakalat na balita?" tanong ni pepe sa akin.
"Sa kasamaang palad totoo nga... pesteng tabachoy na iyon! Sinumpa ako! pinana niya ang puso ko gamit ang pana ni kupido!"
"Pero kapatid ano naman masama doon? nagkaroon ka na ng kasintahan edi ibigsabihin hindi ka na mag-isa!"
"Ginagamit mo ba ang iyong kokote supremo? Ang mali dito ay hindi siya normal na tao." pagdedepensa ni pepe sa akin.
"Tangina hindi naman iyon yung problema, ang problema ay makadiyos yung babae na iyon! tangina demonyo ako!"
"Pero hindi ba kalahating tao ka din kapatid?"
"Oo kalahating tao pero pakeningshit tatay ko si lucifer!"
Hinawakan ni pepe ang aking balikat.
"Kaibigan ang pag-ibig ay puno ng sakripisyo kaya mamili ka."
"Tangina tama ka! isakripisyo ko siya para tuluyan siyang maging isang demonyo! sakto may kilala akong kulto!" binatukan ako ng malakas ni pepe pagkasabi ko no'n.
"Punyeta ka." Sa tagal ko ng kilala si pepe ngayon ko lang siya narinig na magmura.
"Ulitin mo nga ulit best moments of my life ito."
"Nako kapatid hindi naman masama ang magmahal...ang totoo niyan mas pinipili mo na maging masama ka! puwede ka naman maging mabuti hindi ba?"
"Tangina supremo walang taong mabuti! lahat ng tao may sungay na tinatago! Yung akin, lantaran lang!"
"Hindi lahat kaibigan..."
"Teka kanino niyo pala nalaman yung balita na may relasyon na ako?"
"Doon sa mga duwende sa gubat! nakuwento sakanila ng mga diwata na kinuwento sakanila ng mga ligaw na kaluluwa na kinuwento sakanila ni san pedro na kinuwento ng guardian angel sakanya!" pageexplain ni supremo.
"Tangina talaga! AAH! papatayin ko talaga 'yang tabachoy na 'yan at si San Pedro!"
"Pero wala naman silang kaluluwa kaibigan paano mo sila papatayin?"
"Tangina bahala na! basta papatayin ko talaga yung dalawa na iyan eh!"
kinabukasan;
Dumaan ako sa JUNMAR SARI-SARI STORE.
"So itong syota mo ngayon ay isang makadiyos?" sambit nung batang tindera.
"Oo yun na nga."
"Anong problema do'n?"
"Isa nga akong demonyo!"
Tanginang batang 'to, ayaw maniwala sa akin na isa akong demonyo.
"Edi maganda iyon babaguhin ka niya!"
"Tangina ayoko magbago!"
"Eh loko-loko ka pala kuya edi i-break mo siya!"
"Hindi ko kaya..."
Tangina kasi itong sumpang ito!
"Kung hindi ko na lang kaya siya makita? 'di ba?" tanong ko sa paslit na tindera.
"Alam mo kuya nabasa ko lang ito sa f*******: ah, sabi umibig lang kapag handa na hindi yung trip trip lang!"
"Tangina 'di ba kanta 'yon ng ben and ben?"
"Malay ko..."
"Tama! Ang kailangan lang ay hindi ko siya makita! hindi kami magkita means walang bible study!"
"Bakit ano naman masama sa bible study kuya? Good thing kaya iyon!"
Tangina naalala ko yung kahapon puta.
~~
"Let's close our eyes for the presence of the lord... let us pray."
Putaragis!
"Diyos namin na naglikha, maraming salamat po sa biyaya na inyong binibigay nawa'y gabayan niyo po si calcifer,"
Tangina tangina!
"Na sana'y maunawaan niya ang mga salitang nais niyong iparating sakanya sa pamamagitan ng pag aaral namin ng bibliya sa araw na ito Amen."
Tangina tangina tangina!
"Ahemennn..." tanginang buhay ito.
~~
GRRRR so cringy tangina isang masamang alaala! Isang bangugot!
"Isa ngang redhorse pota kailangan ko ng pampakalma!"
***