Kabanata 4

2144 Words
Quarantined *** Nandito ako ngayon sa sala nakaupo sa kulay itim na malambot na sofa habang may hawak na redhorse sa kanang kamay at tinititigan ang patay na telebisyon namin. Tanginang buhay ito nakakabagot! "Mahigit isang oras ka ng nakatitig sa tv master calcifer gusto mo bang buksan ko ito para saiyo?" biglang sulpot ni aling flor. "CALCIFER! CAL.CI.FER! walang master master ano ka pokemon? atsaka 'wag mo na buksan 'yang tv...tinititigan ko yung repleksyon ko, staring contest kami." "Ah gano'n ba pero hindi mo ba narinig ang balita ngayong araw?" "Bakit? end of the world na ba? simula na ba ng armagedon?" "Nabasa ko sa pisbuk na lockdown ngayon ang luzon dahil nga sa kumakalat na veerus na 'yon kaya ikaw master calcifer 'wag ka muna lumabas ng bahay baka magkasakit ka " "Tangina aling flor mukha bang nagkakasakit ang mga demonyo?" "Paano magkakasakit ang mga iyon eh sila nga ang gumagawa ng sakit. Osya maglalaba lang ako, master." "Kitang man made yung virus atsaka made in china 'yon hindi made in hell!" hindi ko alam kung narinig ba ni aling flor yung sinabi ko kasi umalis na siya agad. "Mga tao talaga kasalanan nila tapos palaging masasama yung sinisisi? nananahimik kaming mga demonyo dito tapos kami pa may kasalanan? pambihira 'di ko alam kung kami ba dapat magaadjust eh! depucha!" Tangina kinakausap ko na naman sarili ko, masama na ito! Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at patuloy pa din sa paglagok sa alak na hawak ko. Paakyat na ako ng kuwarto ko ng biglang may gagong espiritu na pagapang ang baba sa hagdanan.  Tangina pinag gagawa nito? "Hoy Mary tangina lakas na naman ba ng amats mo?" tanong ko sa espiritung puno ng dugo ang puting daster na suot niya at pati na rin ang mukha nito, samahan mo pa ang nakakairita niyang magulong buhok. "Uy Calci boi!" bati niya sa akin. "Tangina bangag na bangag ka na naman ah!" "Puta calci boi! hindi ko na alam parang mamamatay na ako!" "Gago patay ka na talaga atsaka sabi ko sayo tigilan mo na pagtambay sa kapitbahay eh!" "Kasi naman calci boi, nandoon yung crush kong binata! Ilang araw ko na ata siyang sinusundan sundan at tinititigan!" "Alis nga d'yan! dadaan ako amoy inaamag ka tangina ka!" "Sige calci boi doon muna ako sa sofa ah!" "Bahala ka 'wag mo lang tatakutin si aling flor matanda na 'yon!" Nagsalute lang si Mary at pagapang na bumaba ng hagdan. Tangina kasi ng trip ng hayop na 'yon eh tuwing alas-tres ba naman nagpapakita sa salamin ng cr parang gago. *** So plano ko ngayon hindi lumabas para hindi niya ako makita at para hindi kami mag bible study. Tangina naman kasi demonyo tapos binabible study? anong kagaguhan ito 2020? At dahil alas-otso ang curfew at alas-otso na kaya nandito ako ngayon sa labas. Demons do not follow the rules! "Tangina bakit ang tahimik, hindi ako sanay!" habang naglalakad sa eskinitang maliit bigla akong napaawit. "Kamukha mo si paraluman nung tayo'y bata pa~" bati ko kay paraluman na nakasuot ng t-shirt na puti at mahabang palda na nakatayo sa kanto at duguan ang ulo. "Wazzup calcifer!" bati niya sa akin. "Hindi ka maglilibot-libot? walang tao ngayon." "Maglilibot kaso hinihintay ko pa si paloma nag-aayos pa." Nilagpasan ko si paraluman at ng makalabas sa eskinita na iyon tinungo ko ang bayan. "Hoy anong oras na!" harang sa akin ng isang tanod. "Wala ka bang relo?" sabi ko sakanya. "Curfew na ah! bawal na lumabas!" "Ano ka tatay ko?" "Wala ka pang suot na mask gusto mo bang mamatay?" "Gusto ko ng mamatay bakit ka nangengealam?" "Hoy iho umayos ayos ka nga sumama ka sa amin! ikukulong ka namin pasaway ka!" "Tangina nito oh ayos ka lang? Demonyo ikukulong mo?" "Tangina mo din sumama ka samin!" "Ayoko nga! ikaw ba si san pedro? ipupunta mo ba ko sa impyerno?" "Gago kang bata ka naka drugs ka pa ata ah!" Tangina judgemental 'tong hinayupak na dugyutin na tanod na to ah! At dahil sa inis wala akong ibang magagawa kundi simulan ang ritwal. "Tatanggalin ko ang mask ko at hahawakan ko ang lahat ng taong dadaan simula ngayon hanggang bukas o hanggang sa dapuan ako ng sakit~~" Pagkatapos no'n agad akong nagteleport sa aking paboritong tambayan...ang sementeryo. "Oh kapatid!" bati ni supremo sa akin. "Tanginang tanod 'yon ayaw ako palagpasin kanina!" "Balita ko may kumakalat na delubyo sa mga tao ngayon kaya mga nag-iingat." "Delubyo ang puta, kagagawan lang din nila 'yan! hindi sila nagbabago eh! tapos tignan mo, sisisihin na naman mga demonyo tapos yung iba magsisipag dasal sa Diyos! Kasawa na!" "Ano naman masama sa pagdadasal? 'wag ka maoffend sa sinabi ko kapatid ha..." sabi ni supremo. "Ayos lang pero bilib rin ako sa mga tao supremo, akalain mo 'yon ang bilis nila maniwala na may langit at impyerno pero wala silang tiwala sa sarili nila? mga weird piece of s**t!" Tumango tango si supremo sa akin, tanda na sumasang-ayon siya. "Osya kapatid ipapakilala ko nga pala sayo si heneral!" Isang matandang lalaki na nakasuot ng pang heneral ang biglang sumulpot. "Kamusta ka amigo?" bati niya. "Tangina." "Sasama ka ba sa amin? may kasiyahan ang mga ligaw na espiritu sa kabilang sementeryo!" pag-aya ni supremo sa akin. "Pass." "Bakit naman ayaw mo kumpadre? baka may makita ka pang nakakaakit na babaeng espiritu doon!" sambit ni heneral sa akin. "Gagu may girlfriend na ako at tao 'yon isang hulog ng langit!" "Totoo ba ang aking narinig kapatid? tunog ng isang binatang nagmamahal ayiiieeee!" pang-aasar ni supremo. "Putangna." "Alam mo kumpadre ang tunay na lalaki ay hindi nambababae pero hindi sinabing hindi puwedeng mangaluluwa!" ani ni heneral. "Kahit ano pa 'yon, hindi ako mangangabit. Sakit lang 'yon sa ulo!" "Bahala ka kumpadre." "Mauna na kami kapatid, nandoon din si pepe." "Bahala kayo tangina ninyo mang-iiwan kayo!" *** At dahil wala na naman akong magawa at isa rin akong walang kuwentang demonyo, haayy tanginang buhay ito! Nandito ako sa bubong ng bahay namin kasi minsan gusto ko maging pusa para nine lives lang hindi yung ganito tangina immortal. "Ako na ata ang pinaka depressed na demonyo sa sanlibutan na ito tanginang 'yan!" "Bakit kasi hindi mo hiningi yung number niya?" "AY PUTANGNANG HAYOP KA!!" Tanginang tabachoy na anghel 'to bigla biglang sumusulpot sa likuran ko ampota! "Grabe ka naman sa akin calshifew!" "Putangna CAL.CI.FER!" "Anyway heto oh..." may inabot siya sa akin na papel na may nakasulat na mga number. "Anong gagawin ko d'yan? itataya ko sa lotto?" "Alam mo ba kung hindi lang ako naging cute and beautiful angel siguro namura na kita ng malutong." "Tangina angel lang walang cute and beautiful!" "Number lang naman 'yan ng maganda mong girlfriend ayiiieee!" Tanginang gender confuse na anghel ito! "Oh tapos? mukha ba akong may cellphone?" "Aba! hello, earth to calshifew? walang cellphone?" "Aanhin ko naman kasi 'yon gago ka ba?" "Malay ko? to call human friends?" "Friends? Human? gago ka talaga HAHAHAHAHAHAHAHA!" "Anong nakakatawa doon?" "Tangina kasi kitang laruan ko lang ang mga tao eh!" "Pero tao ka din naman ah?" "F.Y.I Half! Pero pure devil!" "Ahh basta! ayan na number niya para naman hindi mo siya mamiss habang naka quarantine siya hihihihihi!" pagkatapos niya sabihin 'yon bigla na lamang siyang nawala. "Mamiss ampota... magulang ko nga hindi ko miss ayun pa kaya?" *** Hindi ko namalayan na nandito na ako sa banyo nakatayo sa tapat ng salamin at binabanggit ang katagang; "Bloody mary bloody mary bloody mary kapag hindi ka pa lumabas d'yan ibaba kita sa impyerno hayop ka dalian mo na!" "Ano ba 'yan calci boi! kj ka talaga!" pag sulpot ni mary sa salamin. "Samahan mo ko." "Saan?" "Sa bahay ng crush mo." "Luhh bakit ako?" "Inamo pupukpukin kita d'yan 'wag kang pabebe! kitang kabisado mo yung bahay na 'yon eh!" "Ano bang gagawin mo do'n? type mo ba mama niya?" "Gagu hindi! Basta halika na!" "Ha-halik? tangina calci boi alam kong guwapo ka pero hindi kita type!" "Gago! Halika na, tara na! anong halik? punyeta ka hindi ka nga nagtotoothbrush!" "Oo na g na g agad?" Sa isang pitik ng aking makapangyarihang daliri nandito na kami sa mansyon ng kapitbahay at sa loob ng kuwarto ng isang lalaki na mahimbing na natutulog at walang suot na pang itaas. "Yung mama niya nandoon sa masters bedroom, ingat ka lang sa papa niya ah baka mahuli ka. Paglabas mo dito punta ka ng kaliwa, diretso, tapos may malaking pinto doon ayun na 'yon!" sambit ni mary sa akin. "Gago sino nagsabi nandito ako para sa mama niya?" "Eh ano pala ang kailangan mo dito?" Sa pamamagitan ng makapangyarihan kong hintuturo iniangat ko ang nakahigang lalaki na ito. "Kunin mo yung cellphone niya dalian mo!" utos ko kay mary at agad niya naman sinunod. "Aanhin mo 'to eh may password..." "Hindi ka ba marunong magtanggal ng password niyan?" "Android lang alam ko... iphone 11 pro max ito eh." "Tanginang 'yan... plan b tayo." "May plan b tayo calci boi?" "Oo ngayon lang." "Ano plano?" tanong ni mary sa akin. Kung hindi niyo maitatanong part time narrator rin ako kaya sasabihin ko ang nangyari...ganito lang yon, Binaba ko ng malakas yung lalaki sa higaan niya para magising at nang magising ay dapat i-hy-hypnotize ko siya kaso yung kasama kong multo eh marupok kaya pinagbigyan ko na lang. So ayon, nagising siya kinuha yung cellphone niya tapos ako, kaya ko naman maging isang invisible s**t kaya ako yung taga patay sindi patay sindi ng mga ilaw tapos ang lalaki parang babaeng natatakot ampota... laki ng katawan natatakot kaya ayon nagmadaling bumaba tapos pumunta sa cr nila naghilamos at syempre sa lababo ng cr nila may salamin at guess what? lumitaw ang marupok na si mary tapos ayon nahimatay ang lalaki naumpog sa lababo kumalat ang dugo sa banyo at heto kami ngayon kasama ang duguan niyang katawan. "Tangina mary sabi ko takutin mo lang hindi patayin!" "Malay ko bang mahihimatay siya?" "Tangina naman kasi sana naghilamos ka muna tapos nag suklay diba? gago ka dalian mo gisingin mo na yung kaluluwa niyan bago pa dumating dito si san pedro!" Tangina yare na naman ako kay san pedro nito eh! "Baby gising! baby bangon na d'yan..." sweet na pagkakabigkas ni mary sa lalaki. "Baby baby babygwasak kita d'yan eh!" "Heto na nga oh nagigising na siya!" Pagkagising ng kaluluwa ng lalaki agad ko ito hinila patayo. "Hoy wala na akong oras baka kunin ka na ni san pedro---" "AHHH! Wait! Am I dead? For real?" pagreact nung lalaki. "Yes baby, you see that? that's your yummy frozen dead gorgeous bodehh." "So it means I'm a ghost? wait, no way! I have to return to my body! I want to live! I don't want to die yet!" naghihisterikal na pagkakasabi ng lalaki na hindi ko pa kilala pero tatawagin ko na lang na machete dahil sa pangangatawan nito. "Oy mamamatay ka din naman talaga kaso napaaga lang. Pero hindi iyon ang kaso dito...ano password ng cellphone mo?" ani ko. "Why do you want to know my phone password? and who the f**k are you?" "Wala na akong oras sasabihin mo o sasabihin mo?" "No fuckin way, you guys murdered me? Am I right? You murderers!" Tangina naman talaga ginigigil ako eh! "To clarify lang baby. I'm mary and I'm a lost soul and siya si calci boi anak ni lucifer...alam mo na yung kuwento nung dating anghel na binaba sa langit kasi sakim hehehe..." "And do you think that I would believe that? Ibalik mo ako sa katawan ko ayoko pa mamatay!" "Tangina mo hindi ka tatahimik? sabing ibigay mo na yung password ng cellphone mo eh!" "Tangina mo rin ayoko nga eh!" Dahil sa panggagalaiti ko kay machete...sa isang iglap masama ang titig ko sakanya at nagsimula ng mag kulay pula ang mga mata ko at sa hindi inaasahang pangyayari lumipad si machete sa pader na para bang sinasakal ng hangin. "SASABIHIN MO O SASABIHIN MO!?" sabi ko sakanya sa tonong mala demonyo. "Sha-sha-shaaaehem hhindwi ako makahingmakahinga!" "Uy calci boi 'wag mo na saktan si baby ko atsaka sasabihin niya na raw oh?" agad ko naman binagsak si machete. Putangna kailangan kong kumalma! "Sabihin mo na bago ka pa kunin ni san pedro!" "Zero four two zero." pagkasabi niya no'n agad na akong lumarga kasi naman mahirap na baka pagbintangan na naman ako ni san pedro kitang judgemental 'yon! Nandito ako sa kuwarto ko ngayon hawak-hawak ang cellphone ni machete at ang papel na binigay ng tabachoy na anghel na iyon. "Tangina." tanging nasabi ko. "Tangina paano ito gamitin?" Tanginang buhay ito...depressed na demonyo na nga tapos bobo pa! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD