Teknolohiya
***
"Uy dalian mo mabantot na bangkay! hindi na ako natutuwa sayo!" sabi ko kay machete.
Oo tama kayo ng dinig si Machete nga, bakit kasama ko pa din siya? bakit hindi siya kinuha ni San Pedro? puwes ganito kasi 'yon...
Bumalik ako doon mga ilang minuto para iuwi si Mary at para tulungan ako kung paano gamitin itong cellphone kaso pagbalik ko do'n may sumigaw mula sa isang kuwarto... sigaw ng babae. Sa pagsigaw na iyon agad akong nag camouflage parang invisibility s**t.
Pagdating ko doon nahimatay na yung dalagang babae, yung nanay hawak-hawak siya tapos yung tatay may kinukuha sa drawer...baril siguro?
Tangina Mary nawala lang ako ng ilang minuto tapos ito na madadatnan ko? jusmiyo!
"Calci boi!" biglang litaw ni mary sa tabi ko at sabay hawak sa aking braso.
"Ano na naman kalokohan ito mary? pag nalaman to ni San pedro yari tayo do'n!"
"Alam ko calci boi pero kasi..."
"Kasi ano?" galit kong bigkas.
"Kasi...kasi...you do crazy things for love eh huhuhu!"
"Bobo anong you do crazy things for kingina ka d'yan gusto mo pumanaw!?"
"Ikaw nga eh nagnakaw ka pa ng cellphone, eh puwede ka naman bumili madami naman kayong pera nagnakaw ka pa! mas bobo ka!"
"Oy! panget na babaeng bruha! wala kang pake! Masama akong nilalang kaya pinanindigan ko lang! bahala ka na d'yan problema mo iyan!"
Aktong aalis na ako ng pinigilan niya ako at parang isang bata na nagdadrama sa sahig habang hinihila ang braso ko.
"Sorna calci boi hindi na kita aasarin! tulungan mo na ako dali na! baka dumating si san pedro huhuhuhu para naman wala tayong pinagsamahan ah? hmm?"
Sa isang pitik ng mahiwaga kong finger napunta kaming tatlo sa kuwarto ko.
"Sorry akin..." sabi ni Mary sa akin kaya pinektusan ko siya.
"Bakit mo pa kasi binuhay ang isang patay? Hay nako!"
"Kaya nga sorry na agad eh!"
"Sa tingin mo hindi malalaman ni san pedro 'yan?"
"Kaya nga tulungan mo ako tapos tutulungan din kita hehehe!"
Tinignan ko si machete na nakaupo sa kama ko.
"Pota ang bantot mo! umalis ka d'yan!" tumayo naman agad siya.
"Sorry." sabi ni machete sa boses na mabagal.
"Hindi ko na 'yan kayang ibalik sa dati... alam mo naman ang patay ay patay na." paalala ko kay mary.
"Alam ko ang kailangan mo lang naman gawin eh hindi siya malocate ni san pedro alam mo naman ang isang iyon parang may gps sa lahat ng mga kaluluwa."
"Ligtas 'yang bobo mong crush dito unless lumabas 'yan ng bahay."
"Ako bahala promise!"
"Siguraduhin mo lang ah! hindi puwedeng pumasok si san pedro dito sa bahay kaya--- Oy machete!"
"yes?"
"Stay."
"Okay."
"Good."
Tangina achievement unlocked. English communication skill level 1000!
***
"Oy! Mabantot na bangkay! Ano na? nalunod ka na ba d'yan sa inidoro?" sigaw ko sa tapat ng pinto ng cr.
Pinakilala ko siya kay aling flor bilang malayong kamag-anak na lumaki sa malayong lugar. Sinabihan ko din si Mary na mag-anyong tao muna habang nandito sa bahay para mabantayan yung mabaho niyang nobyo. Isang mabantot na pag-iibigan ang kanilang kuwento.
Kung nagtataka kayo kung paano nagawa ni mary na ipabalik ang kaluluwa ni machete sa katawan niya...simple lang. Ang isang kaluluwa ay puwedeng pumasok at lumabas sa isang katawan ng taong kamamatay lang at ayun ang ginawa ni mary kay machete...ibinalik niya ang kaluluwa nito sa kanyang katawan ngunit sa gano'ng paraan ay panandalian lamang dahil ginagawan pa ng ritwal para sa permenenteng pag stay ng kaluluwa sa katawan ng tao...kailangan nito ay dugo at ipapainom sa katawan ng tao. Ang problema lang bobo kasi itong si mary dugo niya ang ginamit! dugo ng isang patay kaya naman buhay na patay ang lumabas. Hindi ligaw na kaluluwa si machete, paano nalalaman kapag ligaw na kaluluwa ang isang kaluluwa? kuwento ko sa susunod ang daldal ko na napapagod na ako.
"I'm done." sabi ni machete pagkalabas ng kubeta.
Inamoy amoy ko siya sakanyang katawan habang nakatapis lamang ng towel sa ibaba.
"Hey bro, watchu doin?" sabi ni machete sa akin.
"Bro tangina mo ginamit mo yung mamahalin kong sabon at shampoo?" Akala niyo BL scene noh? well Izza prank!
"What should I use? I don't have my own soap..."
"Sabi ko gamitin mo yung sabon na nakalagay malapit sa inidoro!"
"What? for real bro? that soap is for washing your ass!"
"Puta you smell like an ass naman! walang pagkakaiba do'n!"
Tangina nitong bangkay na 'to napaka arte puta!
"Can I borrow some clothes?"
"Puta naman talaga...doon sa kuwarto kumuha ka dalian mo! kanina pa ako naha-highblood sayo!"
Taragis naman talaga kailan kaya tatahimik buhay ko?
"Hay nako lord bakit niyo ba ako pinapahirapan ng ganito? apo mo naman ako? hays!"
***
"Is this clothes okay bro?"
"Oo puwede na 'yan...iyo na 'yan ayoko mahawaan ng kabantutan mo!"
Nandito kami ngayon sa malambot na sofa kung hinahanap niyo si Mary kung nasaan...nasa kusina tinutulungan si Aling Flor, ayan ay kung may itutulong ba siya.
Si Machete wala pa rin akong pake kung ano ba tunay niyang pangalan at oo nga pala bago ko makalimutan, wala siyang alaala sa kung sino ba talaga siya pero alam niya na isa siyang zombie at kailangan niyang mag-ingat sa labas dahil sa mga delikadong halaman na puwede siyang patayin.
Tinuro sa akin ni machete kung paano gamitin itong iphone 11 pro max na hindi niya alam na sakanya naman talaga, HAHAHAHA I'm so bad!
"Yeah yeah that's right..." sabi niya sa pagtapos niya ng pageexplain sa akin.
"Good! HAHAHAHA!"
Nilabas ko yung papel na binigay ni bulinggit sa aking bulsa at sinimulan ng i-dial ang mga numero na nakasulat sa papel. Nilapit ko ang cp sa aking tainga at narinig kong nagring ito.
"Bro, you're tense!" sabi ni machete.
Tinignan ko lang siya ng masama kasi naman hindi ko alam yung sinasabi niyang tense...ano past tense? present tense? future tense? tense-tense? testes? ah bahala na! Hirap talaga ng english!
Makalipas ang matagal na toot toot toot...hindi 'yan tunog ng utot ko ah tunog 'yan ng huling ring kapag walang sumasagot sa tawag.
"Ahhh hindi sinagot..." malungkot na bigkas ko.
Wait-- malungkot? ako? ano ba namang puso 'to iba ang tibok...para bang tunog ay;
sad sad sad sad sad sad sad sad
"She's probably busy bro." sabi ni machete sabay tapik ng dahan-dahan sa balikat ko.
"Ahh tangina sinasayang ko lang oras ko sa cellphone na 'to eh, puwede ko naman siyang kausapin gamit ang isip ko!"
"Calci boi noooo!" biglang sulpot ni Mary sa likuran namin.
"Anong no no no ka d'yan?"
"Huwag mong gamitin 'yang demonic powers churvanez mo sa jowa mo! ayiiieeeeee jowa!" sabay kiliti niya sa tagiliran ko.
"Puta hindi ka titigil d'yan?"
"Okay okay chill calci boi!"
Alam syempre ni Mary ang tungkol sa pagkakaroon ko ng relasyon. Si Mary pa ba? eh dakilang chismosa rin 'yang isa na iyan. Isa ata iyon sa mga dahilan bakit siya pinatay eh.
"Isipin mo calci boi...hindi alam ng jowakels mo na isa kang demonyo na ubod ng sama, ang alam lang niya ay isa kang ordinaryong binatilyo na hapit sa pagmamahal ng isang dalaga and not to mention ang holy words of God hahahahaha ayiiieee!" pagkabigkas ni mary ng mga huling kataga ay binatukan ko siya ng malakas.
Anong hapit sa holy words of God? eh ayaw nga ako kausapin ni lolo kasi hindi ako yung paborito niyang apo pakeningshit! Ayaw niya pa akong patayin ng matapos na itong kuwento na ito!
Tinitigan ko na lamang ang aking hawak-hawak na cellphone.
Ano kaya ginagawa niya? Nagluluto? Kumakain? Naglalaba? Naglilinis? Naliligo?.... Nagbabible study!? jusmiyo!
"Bakit malungkot ka master calcifer?" paglitaw ni Aling flor galing kusina na may dala dalang juice at mga cookies.
"Nako hindi po kasi sumasagot yung jowa niya sa tawag niya!" sagot ni Mary.
"Ilang beses mo bang tinawagan master calcifer?"
"Isa." sagot ko.
"Bakit hindi mo tawagan ulit?"
"Aling flor...hindi uso yung salitang second chance sa akin! kung hindi niya sinagot edi bahala siya diyan!" pagtatampo ko.
Tatampo? ako? tangina!
"Machete taga saan ka ulit? saang bansa? at anong pangalan ng mga magulang mo? wala naman kasi sa akin nabanggit si Master Lucifer tungkol saiyo sa tagal ko na ditong namamahala..." sunod-sunod na tanong ni aling flor habang pinupunasan ang maliit na mesa sa aming harapan.
Ewan ko ba dito kay aling flor minsan bastos rin eh kitang kumakain pa kami naglilinis agad! potek pinaglihi ba ito sa kalinisan?
"Ang dami mo naman tanong aling flor ano ka human questionnaire?" reklamo ko.
"Master calcifer pasensya na po."
"Okay lang okay lang, basta malayong kamag-anak 'yan gusto kong bantayan mo tong kupal na ito..." turo kay machete."Huwag mong palalabasin ng bahay itong kupal na ito ah?" dugtong ko.
"Calci boi ang sweet mo naman! akala ko pa naman ubod ka ng sama!"
"Tantanan mo ko ah ayoko lang magdrama ka sakin kapag nakita 'yan ni san pedro!"
"Sino si san pedro?" sabay na tanong ni Aling flor.
"Wala 'yon addict lang 'yon sa kanto gusto pagbentahan 'to si machete."
"Sige po master calcifer babantayan ko po siya."
"Good atsaka nga pala aling flor... puwede huwag mo siyang hayaan makita ng kapitbahay?"
"Bakit po master calcifer?"
"Basta basta! atsaka kung anong chismis d'yan sa labas huwag kang maniniwala ah! fake news yung mga 'yon!"
"Noted po master calcifer!"
Taragis kasi itong si Mary hindi puwedeng magtagal sa anyong tao kaya mas kailangan bantayan ng maigi si machete kung hindi baka mayari ako sa aking erpat hindi ko pa naman kayang kalabanin 'yon masyado pa akong mahina kumpara sakanya.
Sa gitna ng aming munting kainan... wait parang ang pangit pakinggan no'n ah? kainan? ahhh bahala na! isang notification ang nag pop-up sa screen ng cellphone ko
*1 Message Receive*
binuksan ko ito agad at pangalan ni Essay ang lumitaw.
Tangina lord ano na naman ito? blessing o karma?
binuksan ko ang mensahe;
Hu u po?
Tangina blessing nga! teka wait--- blessing? puta ano itong pinagsasabi ko... para bang bumibilis na naman ang t***k ng puso ko at naririnig kong tunog nito;
blessing blessing blessing blessing
PUTANGNA.
"Reply bro!" sabi ni machete habang mahinang sinuntok ang braso ko.
Tangina ano akala nitong kupal na ito close na kami?
"Oo nga calci boi reply na agad! huwag kang kiligin hahahahaha!" pang-aasar ni Mary.
"Gusto mong pumanaw nang tuluyan?" pananakot ko sakanya.
"Sorna agad calci boi!"
Si aling flor tumabi na din sa amin sa sofa.
"Huwag mong pinaghihintay ang girlfriend mo master calcifer." sabi niya.
"HAHAHA WOW! Ako nga pinaghintay niya eh! bahala sya d'yan!"
Lahat ng sa seven deadly sins meron ako at kasama do'n ang Pride. Yes, PRIDE! hindi TIDE, CHAMPION o SURF pero PRIDE!
"Bro, that's so uncool!"
"Uncool? ilagay kaya kita sa refrigerator habang buhay! Huwag kang mangealam sa buhay ko!"
"Ano ba naman 'yan calci boi akin na nga 'yan!" mabilis na hinablot ni Mary ang cellphone ko at nagtatype.
"Oy! Puta naman akin na 'yan!"
"Heto na heto na hahahahaha!"
pagkabalik niya sa akin ng cp binasa ko ang sinend nya,
Boyfriend mo babe :*
PUTANGINA GAME OVER NA.
parang walang kaluluwa akong dahan-dahan bumagsak sa sofa. Minsan, madalas dapat iniisip natin na ang buhay natin ay parang isang pelikula at tayo yung OA na bida.
*Ting*
Ayan ang tunog na nagpabilis na naman ng t***k ng puso ko...tangina kinakabahan ako!
kinuha ni Aling flor ang cp ko at binasa niya ng tahimik at pinakita sa amin ang message;
Cal :) kumusta ka?
"Ayieeeee Cal!" pang-aasar ni Mary habang kinikiliti ang tagiliran ko.
Tangina hindi ko mapigilan hindi ngumiti puta talagang sumpa ito! Tangina talaga ng bulinggit na iyon!
"Cal... master cal." pang-aasar din ni aling flor.
"Bro..."
"Subukan mo lang." pagbabanta ko kay machete kaya hindi na niya tinuloy pa.
"Calci boi tawagan mo siya!"
"Ayoko nga parang tanga 'to!"
"Master Calcifer bakit parang first timer kayo?"
"Anong first timer?"
"First time magka girlfriend master calcifer."
"Pake niyo kung oo? hindi ako interesado sa mga dugyot na nilalang na tinatawag na tao!"
"Ang dami mong arte calci boi, I mean virgin boi hahahahaha!" pang-aasar ni mary.
At dahil sa pang-aasar ni Mary hindi ko mapigilan na mahiya, kasi naman putangna isa akong demonyong virgin? Actually wala naman mali doon para sa akin pero kay Mary, Putangnang Mary na ito porket may experience lang akala mo kung sinong napaka makapangyarihan na!
Hindi ko napansin na nakuha na pala ni machete ang cp ko at pinindot ang dial button...ilang segundo ng pag ring ay may boses na nagsalita.
Tangina.
Biglang inabot ni machete sa akin ang cp ko pero bago pa siya makalayo sa akin ay tinadyakan ko siya sa puwet ng malakas.
[Hello, Cal?]
Nasabi ko na ba sainyo na ayokong hindi ako tinatawag sa buong pangalan ko? Kasi naman ang ganda kaya pakinggan ng CALCIFER! pero parang mas maganda pakinggan bigla ang CAL.
"Ah-Hah?" tanging nabanggit ko.
Tanginang puso ito naririnig ko ang pagtibok;
Kilig kilig kilig kilig kilig kilig
Si Mary, Aling flor, at Machete ay parang mga tanga sa tabi ko...kung ano ano inaaction nila na para bang naglalaro kami ng charades.
Tangina napapaligiran ata ako ng mga tanga. Ganito siguro ang point of view ng mga bingi....
"Kumusta ka?" tanong niya mula sa kabilang linya.
[Ano...ayos lang naman, eh ikaw?]
"Ayos lang din, nakalockdown dito sa bahay." ani ko habang nakadungaw sa kawalan.
"Gusto mo puntahan kita?" bigla kong nasambit.
Putangna bigla na lamang lumabas ang mga salita na iyan sa aking bibig!
Nakita ko si Mary na parang tangang kitikiti sa tabi ko.
[Baliw ka hahaha makakapunta ka ba? May quarantine pass ka ba?]
Puta wala nga pala akong quarantine pass...teka bakit ko pinoproblema ang quarantine pass? puwede naman akong mag teleport sakanila kapag nalaman ko na ang address niya! teka...bakit ko ba iniisip na puntahan siya? putangna talagang sumpang ito ginugulo isip ko!
"Oo naman gusto kita makita eh."
TANGINA SAAN NANG GALING YUNG MGA MASASAMANG WORDS NA IYON? SA BIBIG KO BA TALAGA?
Hindi na talaga ako makapagpigil dito sa katabi ko lalo siyang naging kiti-kiti kumbaga level up kiti-kiti na siya ngayon parang tangang kinikilig sa gilid ko! Gago sana tumigil na siya kasi napapangiti ako ng labag sa aking puso't isip! masamang sumpa talaga ito!
[Sige ba text ko sayo yung address tapos pagpunta mo dito magstudy tayo, okay?]
TANGINA STUDY? AYON NGA INIIWASAN KO EH! CALCIFER SAY NO. N-O, NO.
"Sige! text mo sa akin bibilisan ko pagpunta d'yan hindi kita paghihintayin!"
PUTANGNA Pati sarili ko nililinlang na ako!
[Okay sige ingat ka ah...]
Agad akong tumayo sa pagkaka upo ko at patakbong umakyat ng kuwarto.
"Goodluck sa bible study calci boi! sana hindi ka masunog!" sigaw ni mary mula sa baba.
"Goodluck on your date bro!" pasunod na sigaw ni Machete.
"Talaga bang magbabibble study sila?" tanong ni aling flor kay Mary na aking naririnig.
"Oo naman aling flor makadiyos yung jowa niyan. He's in good hands!" sambit ni mary.
"Buti naman kung gano'n sigurado akong matutuwa si master lucifer dito."
"Ahmm sa tingin ko hindi..."
"Bakit naman iha?"
"Ahmmm lucky guess lang aling flor? who knows hehehe!"
***