Mga Kaluluwa
***
02:06,
Nandito ako sa sementeryo nasaktuhan kong may celebration sila ngayon. Every year ng summer ganito dito. Ang tawag nila dito ay fiesta de los espíritus... lahat ng ligaw na kaluluwa ay pumupunta dito para magcelebrate. Ang mga maliliwanag na dekorasyon, mga nagliliwanag na mga puno na napapalibutan ng mga ilaw na pang christmas season kahit hindi naman pasko, mga musika at ilang lamesa na mayroon iba't ibang putahe mula taon 80's hanggang 00's at ang celebration na ito sa sementeryo ay hindi basta bastang nakikita ng mga normal na tao. Minsan puwede naman nila makita kung willing ipakita sakanila ng mga ligaw na kaluluwa.
At dahil fiesta de los espíritus ngayon, ieexplain ko kung paano nagiging ligaw na kaluluwa ang isang kaluluwa.
Katulad ni Mary, Pepe, Supremo, Heneral, Paraluman, at Paloma sila ay mga ligaw na kaluluwa hindi dahil ginusto nila ito pero sinuway kasi nila ang rules para mahatulan at ayun ay kung saan ba talaga sila mapupunta at iyon ang trabaho ni San Pedro para maiwasan ang pag gala ng mga kaluluwa sa sanlibutan. Sinusundo niya ang mga ito para mahatulan at permanente ng manatili sa lugar kung saan sila nararapat.
Anong paglabag ang ginawa nila para maging isang ligaw na kaluluwa? simple lang...hindi sila nahatulan. Binibigyan lamang sila ng tatlong araw para mahatulan kapag lumagpas na sila sa araw na itinakda tsaka lamang sila tinatawag na ligaw na kaluluwa at hindi na sila maaaring umakyat sa langit o bumaba sa impyerno pero ang mga kaluluwa ay nagiging ligaw ay dahil sa may gusto silang gawin bago mahatulan... naghihiganti parang gano'n o minsan natatakot sila sa paghatol. Sabagay sino hindi matatakot pumunta sa impyerno diba? general thoughts ng mga tao hay nako.
Sa kaso naman ni Machete hindi siya kaluluwang ligaw dahil ang kaluluwa niya ay nasa mismong katawan niya pa. Ang maaaring mahatulan ay si Mary dahil labag sa batas ang magbuhay ng isang patay lalo na kung patay ka na din. Maaari siyang pumanaw na parang isang bula kapag nalaman ni san pedro ang ginawa niya at ngayon ay baka hinahanap na ni San Pedro ang kaluluwa ni Machete...sana lang ay hindi ko siya makita dito sa party party na ito kasi tangina ako na naman sisisihin no'n!
"Kapatid!" bati ni Supremo habang may hawak na baso na panigurado ang laman ay alak.
"Condolence." bati ko sakanya.
"HAHAHA Salamat kapatid!"
Hinila niya ako sa braso at inalukan ng alak na syempre hindi ko tinanggihan kasi liquor ban ngayon sa mundo ng mga tao pero dito hindi.
"Buti na lang at naisipan mong pumunta dito kapatid! Si pepe madaming kaluluwang dalaga ang kasayawan feeling ko nagkakamabutihan na sila ni paloma!"
"Napadaan lang ako dito, galing ako sa bahay ng girlfriend ko." sabay inom ng alak.
Tangina bakit parang komportable ako sa pagbigkas ng girlfriend? taragis talaga!
"Ahh! bahay ng girlfriend pala hahahahahaha! Kayong dalawa lang ba sa silid?"
"Oo."
"Ayayay! Kapatid! Binabati kita!"
"Gago! Iba ginawa namin hindi tulad ng iniisip mo!"
"Imposible! Ang isang lalaki ay parang isang leon na gutom na gutom palagi at dadakma ng makakain kapag may pagkakataon!"
"Gago ka talaga! 'di ba nga sinabi ko sayo na iba yung babaeng iyon! iba yung epekto niya sa akin!" sabay inom ulit ng alak.
Naupo kami sa may upuan na katapat ng sayawan at pinapanood si pepe na napapalibutan ng madaming babaeng kaluluwa. Habulin pala siya ng mga inaagnas na babae.
"Patawad na kapatid..." sabi ni supremo sa akin.
"Ayos lang."
"Ano pala ginawa niyo doon? masaya ka naman ba?"
"Ngayong araw na ito ang pangalawang beses na nagsama kami at sa tuwing kasama ko siya ang saya lang sa pakiramdam!"
PUTANGNA anyayare sa mga salita ko? ano ulit sinabi ko? ano ulit? tila ba para akong nabingi sa aking mga sinasabi!
"Kung gayon ako'y masaya sa takbo ng inyong pagmamahalan kapatid!" sabay tapik niya sa aking likuran.
"At ibigsabihin din no'n dalawang beses na din kaming nagbabible study. Tangina supremo nakakadurog ng pride yung pangyayaring iyon tapos para bang wala akong magawa!"
Naaalala ko yung nangyari kanina...
Pagka text niya sa akin ng address nila ay syempre tamang prepare muna. Naligo ako syempre, nagtoothbrush din tapos tamang pabango lang din kahit hindi ko na alam kung ano ginagawa ko sa sarili ko hindi naman ako ganito dati! wala naman akong pakealam sa itsura at amoy ko kasi gwapo na ako at okay na 'yon para lumabas ng bahay dahil papatay lang naman ako ng inosenteng mga tao.
"Tangina naman talaga...bible study lang naman mangyayari eh ano ba tong ginagawa ko?" sabi ko sa sarili ko sa salamin habang nagpapabango.
Ilang beses muna ako nagpalakad lakad at nagpabalik balik sa kuwarto ko at nag-iisip kung pupunta ba ako o hindi.
"Pupunta o hindi?"
Tinignan ko ulit yung convo namin.
"Ahhh! bakit ko kasi sinabing hindi ko siya paghihintayin? Tangina naman talaga ohh! Pesteng puso kasi ito!"
At heto na naman ang puso ko na tumitikbo ng:
konsensya konsensya konsensya
Potek ayaw na lang manahimik ng deputang puso na ito!
Gamit ang teleportation nakatayo na ako sa tapat ng pintuan nila.
Hindi kalakihan ang bahay nila at dahil judgemental ako hindi din sila gano'n kayaman. Ayos lang naman handa naman ako ibigay sakanya lahat pati ang mundong ito gano'n ako kalupit magmahal. Wait-- putangna bad words!
At dahil pasado alas-onse na ng gabi at sabi niya din na tulog na ang tita niya kaya tawagan ko siya kapag nandito na ako at gano'n nga ang ginawa ko.
Hindi din nagtagal nakita ko na din siya. Binuksan niya ang pinto, simple lang ang suot niya, T-shirt na kulay puti at paldang mahaba na kulay pink at bumagay ang kanyang mahabang buhok na kulay brown na para bang may kulot sa dulo at ang napakaganda niyang mukha, mata, ilong, bibig, yung labi niyang kulay rosas...teka ano ba itong iniisip ko? Hangal ka na calcifer!
"Hindi ko talaga aakalain na seseryosohin mo ang pagpunta dito ng ganitong oras..." sabi niya sa akin habang pinapatuloy ako sa loob ng bahay nila.
"Syempre malakas ka sa akin eh." which is very totoo naman to the point na nakakaputangna na!
"Shhhh 'wag kang maingay hindi alam ni tita na may bisita ako at lalo nang ganitong oras...tara?" kinuha niya ang kamay ko at hinila ako paakyat at sa isang iglap nasa kuwarto na niya kami.
"Sigurado ka ba talaga dito?" tanong ko sakanya habang umupo siya sa kama niya.
"Oo naman bakit hindi? ikaw ready ka na ba?"
Hinila niya ako papunta sa tabi niya at mayamaya ay may kinuha siya sa side dresser niya na isang...bible at Godly brochure!
Akala ko rin iba na its a trap pala ulit tangina talaga!
"Oh bakit parang malungkot ka?" tanong niya sa akin.
Putangna sino hindi malulungkot sa ganito? demonyo magbabible study? mas nakakatakot pa ito kaysa sa armagedon eh!
"Wala...akala ko kasi namiss mo ako." malungkot kong bigkas.
Tangina naman ano na self? sino ka? hindi na kita kilala putangna naman oh!
dahan-dahan niyang hinawakan yung kamay ko, tinignan ko siya at nginitian niya ako.
Yung mga ngiting iyan...iyan ang gusto ko palaging makita.
"Kahit dalawang araw pa lang tayo nagkakakilala pero yung pagmamahal ko saiyo ay pang habang buhay na." sabi ko sakanya ng seryoso.
AHHHH!!! ANO ITONG NARIRINIG KONG MASASAMANG WORDS? PAGMAMAHAL KO SAIYO AY PANG HABANG BUHAY NA?? ANONG KAGAGUHAN ITO? LORD! GOD! LOLO STOP NA! SOBRANG PAGPAPAHIRAP NA ITO SA AKIN! EVERY WORD IS A TORTURE!
Tumawa siya ng mahina at yung mata niya naniningkit.
Luhhh ang kyot pota!
Tinignan niya lang ako ng may kinang sa mga mata niya o baka naman guni-guni ko lang 'yon kasi naman hindi naman kumikinang ang mga mata ano pinasukan lang ng glitters?
Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko and let me clarify...dalawang kamay ko ang hawak niya ehem! at nasabi ko na din bang napakalambot nito? hay nako feeling ko mas masuwerte pa ako kaysa sa lucky me!
"Pumikit ka." malumanay niyang pagkakasabi na para bang ako'y hinipnotismo dahil agad kong ginawa ang utos niya.
Dafak bakit ko siya sinusunod? Ano na?
Gusto ko pakawalan yung inner demonic personality ko para atleast uuwi akong maligaya pero taragis talaga kasi biglang nagpantig yung tainga ko sa narinig ko.
"Let us pray, Cal."
IZZA TRAP AGAIN! POTAAAAA!
Dinilat ko ang mata ko at nakita ko siyang nakapikit.
Tangina ng babaeng ito mapanlinlang! akala ko hahalikan na ako! taragis talaga!
"Mahal naming panginoon sana subaybayan niyo po kami sa aming pag-aaral ng bibliya at maantig ang puso ni cal sa mga salita ninyo para sa amin at sana panatilihin niyo po kaming ligtas pati na rin ang aming mga mahal sa buhay lalo na sa panahon na may nagaganap na pandemic covid-19...sana kami'y inyong gabayan sa sakuna na ito. Amen."
Agad kong pinikit yung mata ko bago niya pa mabigkas yung Amen.
"A.....men."
Tangina makita lang ito ni papa mayayari talaga ako doon!
"Osya ipagpatuloy natin nasa kabanata 2 na tayo ng brochure na ito hindi ba?" tanong niya habang binubuklat yung Godly brochure niya.
"O-po." walang gana kong sagot.
"Puwede mo bang basahin ang number one at two?"
POTA. AYOKO NGA!
"Ang bibliya ay isang regalo galing sa Diyos. May mga impormasyon ito na hindi mo makikita kahit saan..." matamlay kong bigkas.
Tanginang buhay talaga ito napakalupit sa akin.
"Mukhang masaya nga ang gabi mo kapatid." sabay tango-tango ni supremo.
"Okay na din nasa day two na ako ng paghihirap ko sa buhay atsaka pagkatapos no'n kumain kami."
"Nagkainan kayo?"
"Punyeta supremo hindi yung iniisip mo!"
"Ay patawad patawad!"
"Kumain kami ng pagkain! kumuha siya do'n sa ref nila ng ulam nila, ginataang manok ata tawag do'n at grabe ang sarap!"
"Mas masarap kung siya mismo kapatid hahahahahahaha!"
"Gago! r****t ka ba dati? hapit na hapit ka eh!"
"Kapatid hindi ah! kapag kaluluwa ka na tsaka mo mararamdaman ang lungkot ng mag-isa yung tipong walang nag aalaga sayo, naglalambing sayo, mahahalikan mo, haharanahin mo sa pagtulog... wala!" madrama niyang pagkuwento.
"Wala akong pake sa sinasabi mo pero kapag tao ka at ganiyan kapasmado bunganga mo puwede kang husgahan agad kahit wala ka pang ginagawang masama! Iba na panahon ngayon lahat ng tao matatapang at nagmamarunong na. Believe me! I seen it with my own two eyes!"
"Oo na kapatid naiintindihan ko... so kumain kayo tapos umalis ka na?"
"Nagkuwento muna siya sa buhay niya gano'n...tita niya nag-aalaga sakanya tapos isa siyang receptionist sa isang kompanya sa bayan tapos hindi tanggap ng tita niya na nagpapagala gala siya para sa bible study lechugas barabas na'yon at ang pagconvert niya sa ibang relihiyon..."
"Oh tapos ikaw kapatid ano naman naikuwento mo sakanya? na isa kang anak ng pinakakilalang fallen angel sa isang mortal at dapat naghahasik ka ng lagim kaysa nagbabible study kasama siya?"
"Tangina supremo bakit hindi na lang ikaw magsabi sakanya niyan tutal alam mo pala eh!"
"kapatid nagsinungaling ka sakanya noh? tama ba ako?"
"Pota supremo alangan naman sabihin ko 'yon sakanya! edi nabible study pa ako ulit no'n!"
"Eh anong sinabi mo sakanya?"
"Nakatira ako sa bahay ng tatlo kong tito may isang katulong at may pinsan kasama syota niya at wala akong magulang patay na sila sabay nagkasakit ng ulcer gano'n!"
"Tatlong tito?"
"Oo! tapos pangalan niyo nila pepe at heneral yung sinabi ko."
"Ayos lang naman."
"At kaya nga pala ako nandito kasi sa linggo pagkatapos niya daw magsimba gusto niyang pumunta sa bahay, do'n daw kami magstudy."
"Hahaha so gusto mo magpanggap kami?"
"Yun na nga."
"Sa linggo?"
"Oo 1pm pero 12:30 dapat nasa bahay na kayo!"
"Sige kapatid! sige! hahahaha anong araw ba ngayon?"
"Biyernes."
"Maaasahan mo kami kapatid! tutulungan ka namin!"
Sabi na nga ba maaasahan ko itong mga kupal na ito minsan eh! may purpose din pala sila sa kuwentong ito.
***
03:19 na ako ng makauwi, napasaya sa inuman kasama sila heneral, supremo at pepe.
Syempre walang ibang babae sa aking tabi sa tatlong kumag lang meron kasi loyal ata ako! Kahit kaluluwa pa iyon kapag may syota na dapat hindi niloloko!
Tangina Calcifer ano na nangyayari sayo? Huhuhuhu baka tama nga si Mary...you do crazy things for love? no way!
Binagsak ko ang sarili ko sa kama.
"Panibagong hamon na naman sa linggo..."
kinuha ko ang cp ko sa bulsa at may isang mensahe mula kay essay.
Good night ❤ God bless u.
Sa hindi namamalayan, napangiti ako bigla. Hala tumutunog na naman yung puso ko!
kilig kilig kilig kilig kilig kilig
Para akong tangang kiti-kiti sa kama, para akong gago na ngumingiti. Tangina ano ito? mukhang hindi ako makakatulog nito!
Tinakpan ko gamit ang daliri ko ang mga salitang God bless u sa kanyang mensahe leche panira kasi pota!
***