Kabanata 7

1876 Words
Dalaw *** 12:37 ng Linggo, kung hindi niyo man lang maitatanong kung anong ginawa ko kahapon puwes magdamag kaming magkausap ni Essay. Pinaloadan ko pa nga siya ng one hundred pesos para 7 days unli, hays nagagawa ng pesteng pag-ibig na ito! Ang malala pa doon hindi pa rin ako nakaligtas sa pesteng bible study na iyon! Leche! Bible study over the phone! Ibang klase talaga 'yong babae na 'yon! Pinagbakasyon ko muna si Aling Flor ng isang buwan. Pinauwi ko muna siya sa probinsya nila at bayad pa din naman siya. Mahirap na at baka tanungin niya ko kung sino sila supremo, pepe, at heneral ng kung anu-ano tungkol sa buhay nila ayoko pa naman sa ugali niyang tanong ng tanong nakakarindi! Akala mo talking questionaire talaga siya! ~~ "Aling Flor kailan yung huli mong uwi sainyo?" nandito kami sa kusina, naghuhugas si Aling Flor ng pinagkainan namin at ako ay nandito lang sa tabi inoobserbahan yung ginagawa niya. "Hmmm last year pa ata iyon?" "Magbakasyon ka muna mga isang buwan." "At bakit naman master calcifer? biglaan naman ata? alam ba 'yan ni master lucifer? wala naman siyang sinasabi sa akin. Atsaka bakit naman isang buwan? paano yung trabaho ko? paano 'yon kailangan pa naman namin ng pera...ibebenta niyo na ba itong bahay? sinabi ba ni master lucifer na magbakasyon ako? may kumakalat pa naman na veerus ngayon." "Alam mo aling flor ang dami mong tanong! ikaw na nga 'tong pinagbabakasyon ayaw mo pa? dapat paggising ko wala ka na dito ah!" pagkasabi ko no'n umakyat na ako sa kuwarto ko. ~~ "Nasaan si Machete?" tanong ko kay Mary na pinaasikaso ko ng pagkain namin. Hindi ko alam kung nakapagluto na ba siya sa buong buhay niya nung nabubuhay pa siya. "Naliligo yata?" "Sabihin mo sampung beses siya maligo, ayokong umaalingasaw yung bulok niyang katawan." "Alam mo grabe ka calci boi sa baby ko! hmmmp!" sabi niya sa akin habang naka nguso at nakapameywang. "Baby baby babygwasan kita d'yan eh, hmmp!" Tinignan ko yung wall clock upang alamin ang oras. "Taragis naman talaga sabi ko pumunta dito ng twelve thirty, mag tutwelve forty na!" inis kong sambit. "Nako calci boi, alam mo naman kasi mga pinoy...filipino time." "Kahit anong lahi o bansa pa 'yan ang late ay late! atsaka tapos ka na ba magluto?" "Duh! oo naman calci boi!" Lumapit ako sa kusina at kumuha ng kutsara para tikman yung niluto niyang tinola. "PWEE! ANO ITO!?" "Tinola." "Tinola? Tikman mo nga yung sabaw! " reklamo ko sakanya. Kinuha niya yung kutsara ko at tinikman ang sabaw ng tinola niyang iniluto at balak i-hain sa amin mamaya. "Hmmm anong masama dito?" "Anong masama? Tubig alat ba nilagay mo d'yan? akala ko pa  naman marunong ka magluto?" "Marunong nga!" "Ano nangyari dito?" "Marunong ako magluto pero wala akong panlasa kaya hindi ko alam kung anong lasa, kung maalat ba o hindi?" "Punyeta ipaubos ko kaya sayo 'yan!" "Chillax calci boi wala din naman panglasa sina pepe, supremo, at heneral! pati si baby ko wala din naman!" "Si Essay meron! atsaka wala akong pake sainyo!" "Madaling solusyon lang 'yan calci boi, tutal bukod sayo, siya lang naman ang may panlasa sa atin kaya magpretend ka na lang na masarap yung luto ko para isipin niya yung panlasa niya yung may problema hehehe!" "Magluto ka na lang ng hotdog at itlog!" "Oki doki calci boi!" Napapahilamos na lang ako ng mukha dahil dito kay Mary. Ewan ko ba kung ikinamatay yata niyan pagkawala ng utak eh. Napaupo na lang ako sa sofa, binuksan ang TV at unang bungad ay tungkol sa Covid-19. Teka...bawal mass gathering ah? paano siya magsisimba? Tinungo ko ulit ang kusina at lumapit kay mary. "Bruha 'di ba bawal yung simba simba ngayon?" tanong ko sakanya. "Oo bakit?" "Sabi sa akin ni essay magsisimba daw muna siya, hindi kaya nagsisinungaling na siya sa akin? ilang araw pa lang kami tapos nagsisinungaling na siya sa akin ka agad?" Babaeng 'yon mapanlinlang! sigurado ako tinetake for granted niya lang ako! pagkatapos ko siya loadan ng isang daan kahapon at makinig sa nakakarinding bible study niya? "Alam mo para kang tanga calci boi, bakit hindi mo siya tawagan?" kinuha ko yung cellphone ko at dinial yung natatanging number niya. Pagkatapos ng tatlong ring ay sinagot niya na rin ang tawag ko. [Cal?] bungad niya agad. Yung boses pa lang na iyon napaka inosente na! "Hindi ba sabi mo sa akin may simba ka ngayon?" [Oo meron nga...] "Paano? bawal yung simba simba ah?" [Via Zoom.] "Zoom?" [Oo zoom. Virtual church.] Tinignan ko si Mary at tinaasan ng isang kilay yung tipo na nagsasabi sakanya ng: Ano yung zoom? "Ewan..." kibit balikat niyang sagot sa akin. "Ano yung zoom?" tanong ko kay essay. [Hahahaha!] Yung mga tawa na 'yan yata nagpaganda ng araw ko pero mas gaganda ito kapag narinig ko 'yon sa personal. [Zoom ay isang app parang video call gano'n?] "Video call?" Tumingin ulit ako kay Mary, taas ang isang kilay na parang nagtatanong ng: Ano naman yung putragis na video call? "Nakikita mo siya habang katawagan mo." pabulong na sagot ni Mary. "Pwede 'yon?" mahinang tanong ko kay Mary. "Oo." "Bakit hindi mo sa akin sinabi na puwede naman pala yung gano'n!" "Hindi mo tinanong." [Cal?] tinignan ko na lang ng masama si Mary at binalik ang atensyon ko sa kausap ko. "Paano ka pala makakapunta dito?" [May quarantine pass naman ako atsaka hindi naman ako magtatagal...] "Bakit?" malungkot kong pagkakasabi sakanya. Malungkot? bakit ako malulungkot? dapat masaya nga ako eh! ayoko nga siyang pumunta dito! Ayaw! [Ayoko maabutan ng curfew.] malungkot niyang bigkas. "Pesteng curfew napaka sagabal tsss..." Nakikita ko sa peripheral vision ko si Mary na nakangiti na parang tanga kaya lumipat ako sa sala pero nadaanan ko si Machete na palabas pa lang ng CR at nakatapis lang sa ibaba. "Isa pang ligo." sabi ko sakanya. "But--" tinignan ko lang siya ng masama at mabilis siyang bumalik sa loob ng cr at ako ay umupo na sa sofa at tinignan ang wall clock na nasa wall. 12:48 na, talaga yung tatlong iyon! [Paalis na ako.] sabi ni essay. "Hintayin kita sa may pinto." [Ha? huwag na noh!] "Bakit? sino magbubukas sayo ng pinto? may susi ka ba?" pamimilosopo ko. Kung nasa tamang wisyo pa ako ngayon panigurado akong ganito sasabihin ko; "Hintayin kita sa may pinto." [Ha? huwag na noh!] "Edi huwag." Tapos may pafollow up pa na banat na; "Bahala ka sa buhay mo." Ganyan dapat 'yon kaso iba yung lumabas na follow up eh; [Paalis na ako.] sabi ni essay. "Hintayin kita sa may pinto." [Ha? huwag na noh!] "Bakit? sino magbubukas sayo ng pinto? may susi ka ba?" pamimilosopo ko sabay bawi ko din nga, "Joke lang hahahaha hihintayin kita sa pinto kasi gusto na kita makita agad gusto ko na makita yung maganda mong mukha." dugtong ko. PASMADONG BIBIG 'TO! HINDI KO NA ALAM KUNG KATAWAN KO BA TALAGA ITO PUTA! [Hahahaha siraulo ka talaga cal!] "Huwag ka nga tumawa...." [Bakit naman?] "Lalo akong nahuhulog sayo." AAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!! SINABI KO 'YON? ANG KORNI NO'N! TANGINA TALAGA! "Wala ka na bang iba pang pick up line bukod d'yan?" halata sa tono niyang nakikisakay siya sa trip ko kaso hindi ko naman trip 'to! peste! Pick up line? Anong taon na ba sa tingin nito? 2012 pa din? "Syempre meron..." heto na naman nililinlang na naman ako ng pasmadong bunganga na ito. [Sige nga...] "Alam mo ba pinagkaiba namin ni Rizal?" [Ano?] "Si Rizal nasa Piso pero ikaw nasa puso ko." seryosong pagkakasabi ko pero deep inside talaga ganito 'yon, AAAAAAHHHHH!!!!!!! YUCK YUCK YUCK YUCK BAD WORDS BAD WORDS BAD WORDS!!!!  PWEEEEEEEE!! AYOKO NANG GANITO LOOOOORD! LOLO PARANG AWA MO NA AWAT NA! Narinig ko rin yung mahinang bungisngis ni essay. Luhhhh sheeeeet bakit ganito epekto sa akin? kilig kilig kilig kilig kilig kilig "Meron pa meron pa!" sabi ko. Aba at hindi ka pa talaga titigil hinayupak kang bunganga ka puta ka! [Ano?] "Alam mo ba pinagkaiba namin ni Rizal?" [Siya nasa piso at ako nasa puso mo? part two?] "hindi hindi!" [Okay anong pinagkaiba niyo ni Rizal?] "Si Rizal tinamaan sa likod...ako tinamaan sayo." this time naka ngisi naman ako pero deep inside talaga, ANG KORNI NAMAN! MAS OKAY PA SANA KUNG YUNG BANAT GANITO NA LANG... MAY TATLONG JOKE AKO SAYO, ANO? JOKE JOKE JOKE! DAPAT AYUN NA LANG EH! [Ikaw Cal ha! dahil d'yan pagdating ko magbabible study tayo agad.] AWIT NAMAN LORD! MAAWA KA NA SA AKIN! PATAYIN NIYO NA AKO NGAYON! AWAT NA SA PAGPAPAHIRAP HUHUHUHUHU WALA NA AKONG DIGNIDAD NA MAIPAPAKITA SA TATAY KO PUNYEMAS! *** 12:57 na dumating sila Pepe, Supremo, at Heneral na nasa katawan tao. "Ano 'yang suot niyo?" reklamo ko. "Damit kapatid!" masiglang sagot ni supremo. "Alam kong damit 'yan pero anong taon na? 2020 na tapos kayo nasa 1890's pa din!" "Patawad kaibigan pero wala kaming panahon para maghanap ng maisusuot..." sabi ni pepe. "Anong walang panahon? anong ginawa niyo kahapon? tapos ngayon late pa kayo sa usapan! tapos tignan mo si heneral...ano 'yan? saan giyera?" "Punyeta kumpadre! hindi pa din ba tapos ang giyera?" "Hindi pa at kahit kailan hindi! at magsisimula ang giyera sa atin kasi gegerahin ko kayong tatlo! hay nako! palpak yung tinola tapos yung pananamit niyo para bang isasadula natin yung Noli me tangere o kaya yung El filibusterismo eh!" "Bakit parang pamilyar iyon sa akin? hmmm?" pagtataka ni pepe. "Bro, chill!" sabi ni Machete sa akin. "Oo nga naman calci boi, chillax lang!  kami bahala tignan mo ang ayos nang mesa handa na lahat tapos sa pananamit pa ng tatlo panigurado ako iisipin no'n na isa kang family oriented type of guy!" sambit ni mary. "Paano naman naging family oriented yung ganyang pananamit?" "Kasi magmumukhang mahal mo yung bansa mo?" pagkasabi no'n ni mary matagal kaming nagtitigan at napaisip...feeling ko walang sense yung sinabi niya. "Nevermind." sabi niya nung marealize niya na wala ngang sense iyon. Kasi naman wala sa pananamit makikita ang katangian ng isang tao, pota. "Osya tandaan niyo sinabi ko ah..." "Magsinungaling ng naaangkop sa pinag-uusapan." sabay sabay na sabi ng lima. "Good good good!" ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD