Kahit Ano
***
Tinititigan ko yung bagong litrato ko sa kuwarto... hays napaka-guwapong nilalang nga naman!
Isang throwback picture ko sa graduation ball ng isang university nakunan ang litrato na nakasabit sa aking pader. Wala kasi akong magawa no'n kaya napagtripan kong manggulo. Masquerade yung theme tapos ninakaw ko lang yung maskara sa kung sino mang hampaslupang iyon pero yung suot kong tux hindi nakaw 'yon ha! graduation ball din namin no'n sa university kaso boring sa school namin atsaka mas masaya maghasik ng lagim sa lugar na hindi ka pamilyar, hindi ba? Nakakathrill!
May pulang mantsa pa nga no'n ang puti kong long sleeves, hindi iyon style kasi dugo 'yon. Oo may pinatay lang naman ako doon, Isang walang kuwentang nilalang na humaharang sa dinadaanan ko! kaya nung dumalo na ako sa sarili naming grad ball sa school yung itsura ko ay guwapo pa din, hays! Akala nila style lang yung red na mantsa peste kasi yung lalaki na pinatay ko, tinalsik pa sa akin yung dugo niya.
Anyway, 3 weeks ago na ang nakakalipas pagkatapos nung unang dalaw ni Essay sa bahay at naaalala ko pa yung mga pangyayari na para bang kahapon lang naganap.
***
1:07 na dumating si Essay sa bahay...isa ding filipino ampotek.
Yung limang kupal ay nakaupo ng matiwasay sa sofa, akala mo kung sino 'tong mga ito eh sarap na sarap sa upo akala mo sila may-ari ng bahay!
"Si Essay nga pala." pagpapakilala ko sakanya, sakanila.
"Hello po...." nakangiting bati niya sa limang gusgusin.
"Si Machete pinsan ko tapos si Mary yung panget niyang girlfriend."
"Excuse me Calci boi? anong sabi mo?" reklamo ni Mary pero wala akong pakealam sakanya.
"Si Heneral... tito ko yata?"
"Yata?" pagtataka ni essay.
"Sige na nga tito ko na nga, Si Pepe at supremo mga tito ko din."
"Magkakapatid po kayo?" tanong ni Essay habang tinuturo yung tatlo.
"Oo magkakapatid nga kami." sagot ni pepe.
"Si Machete po ba anak niyo?" tanong ulit ni essay kay pepe.
"Pagpaumanhin mo na pero wala akong anak, pumanaw siya nung kapapanganak pa lamang tapos si Josephine ang aking asawa ay hindi na nagpakita sa akin..."
"Ay sorry po hindi ko po sinasadya..."
"Naiintindihan ko naman binibini."
"Anak ni Heneral si machete magkasing amoy kasi sila..." sabi naman ni Supremo.
"May anak ako?" pagtataka ni Heneral.
"Oho uncle, MERON KANG ANAK! si Machete ang anak niyo hindi ba?" tinataasan ko na ng kilay si heneral para naman ma gets niya na umoo na lang.
"Akalain mo nga naman! anak ko nga siya! HAHAHAHA! Anak ko siya!"
"Ahhhh..." tanging nasabi lang ni Essay na feeling ko na we-weird-han na.
"Nagugutom ka na ba? gusto mo bang kumain?" tanong ni Mary.
"Ahh sige po..."
"Osya boys! sa hapagkainan!" sigaw ni Mary at naglakad na para bang isang militar na nagmamarcha at ang nakakahiya pa doon ginaya pa siya nung apat na mga gung-gong.
Napahampas na lamang ako sa noo ko sa mga nakita ko.
"Kaya pala puro si rizal ang banat mo kanina, mukhang lumaki ka sa pamilyang makabayan."
"Parang gano'n na nga?"
"Feeling ko tuloy ang talino mo." pagkatapos niyang sabihin 'yon naglakad na siya patungo sa kusina.
Pagdating namin sa hapagkainan ang heneral umupo sa kabisera, gano'n din si supremo kaya magkatabi kami ni essay na pinagigitnaan namin ni pepe.
"Niluto ko 'yan!" tinuro ni Mary sa nakahain na tinola.
"Mukhang masarap po." sabi ni essay.
"Sa sobrang sarap hindi mo makakain." sabi ko kay essay.
"Ano ka ba calci boi! tignan mo nga sila ohh, masarap ba heneral?"
"Napaka sarap Maria!" sagot ni heneral na naka thumbs up pa.
"Nasaan yung pinaluto kong hotdog at itlog?" tanong ko kay Mary.
"Kinain na ni baby ko, nagugutom na kasi siya kanina pa. Ikaw kaya maligo pagkagising mo tapos sampung beses pa!" pagkakasabi niya no'n niyakap niya si machete sa harap namin... kadiri puta kitang hindi pa kami nagyayakapan ni essay tapos ang lakas ng loob nitong mang inggit!
"Sampung beses siya naliligo?" tanong ni Essay.
"Kanina sampung beses siya pinapaligo ni calci boi!"
"Bakit?" nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sa akin si essay.
"Because he cares about everyone's...health?" sagot ni Machete.
"Alam mo kasi 'yan si calcifer napaka buting tao niyan! lagi niyang inuuna ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili niyang kapakanan! mas uunahin niya ang bayan kaysa sa sarili niya! Mabuhay ang bayan!" sabi ni supremo at yung mga huling sinasabi niya medyo nadadala na siya kaya napapasigaw na siya ng malakas.
"Mabuhay pilipinas!" tugon na sigaw ni Heneral.
"MABUHAY!!" sabay na sigaw nila Supremo, Heneral, at Mary.
Hays parang maling kaluluwa hiningan ko ng tulong ah!
"Tama tama! hindi ka na makakakita ng isang tulad ng calcifer namin!" biglang sabi ni Heneral habang hinahampas hampas yung balikat ko.
Kapag ako nainis hahampasin ko na 'tong kupal na ito ng upuan!
"Ahhh gano'n po ba?" sabi ni essay at this time tinikman na niya yung luto ni Mary.
"Hmm? bakit ganito lasa? ang alat..." Narinig kong sinabi niya sa isip niya. Mukhang tama nga si Mary... kasi naman sarap na sarap yung mga ito aakalain nga niyang panlasa niya ang may problema.
"Mukhang close niyo po si calcifer...kayo po ba nagpalaki sakanya nung pumanaw yung magulang niya?" tanong ni Essay para hindi mahalatang hindi niya gusto yung luto pero mapapansin din kasi kanina pa siya inom ng inom.
"Hahaha! Ang totoo niyan hindi kami ang nagpalaki kay calcifer!" sabi ni Supremo.
"Hindi kayo?"
"Ang totoo kasi no'n hindi niya na kailangan pang alagaan...naaalala ko pa nung munting sanggol pa lang siya pinabayaan na namin 'yan!"
Tanginang supremo 'to!
"Tama tama! tapos sinabi niyo pa nga sakanya no'n hahayaan ka na namin para matuto kang maging independent!" sabi ni Mary habang tumatawa.
"Ginawa namin iyon noong pinagdidiwang ang independence day." dagdag pa ni pepe.
"Napaka independent na sanggol niyan ni calcifer..." Sabi ni Heneral habang pumapalakpak ng mabagal.
"Hahahaha totoo?"
"Huwag kang makikinig sa mga 'yan binibiro ka lang niyan." sabi ko kay essay.
"Alam ko..." sabi naman niya habang nakangiti.
Haayyy mga ngiting iyan...
"Totoo iyon! napaka independent ng binatang iyan dahil wala siyang ina kaya kung kani-kaninong dibdib ang inaatake niya no'n sanggol pa lang siya!" sabi ni Heneral.
ABA GAGO TALAGA ITONG HINAYUPAK NA ITO!
"Buti na lang napaka cute na sanggol niyan ni calcifer kaya hindi natatanggihan kahit yung ibang inaatake niya eh wala pang gatas!" dagdag pa ni Supremo sa kuwento.
"Tangina niyong lahat subukan niyo pang magsalita ng malalaswa ipapakain ko kayo sa mga gutom na demonyo!!" sabi ko sakanila gamit ang mind communication skill ko.
"Si calcifer napakabuting tao niyan..." sabi ni Mary sa seryosong tono.
"Tignan mo ang binatang iyan...napakatahimik!" sabi ni Heneral.
"Bukod sa napakagandang lalaki ay napakalinis din ng budhi!" dagdag ni Supremo.
"Hindi iyan nagmumura." sabi ni Machete.
Nasamid ako sa sinabi ni Machete...taragis na zombie 'to! minsan na nga lang magtagalog napakahusay pa ng mga sinasabi!
"Talaga? wow bihira lang 'yon sa panahon ngayon..."
"Lalo siyang naging mabuti simula nung binabible study mo siya." sabi ni pepe.
"Tama! naaalala ko pa nga yung kakauwi lang niya galing sa bible study niyo, tinulungan niya ako maglinis ng bahay!" sabi ni Mary.
"Napakabuti ng iyong impluwensiya sa aming binata." sabi naman ni Heneral.
"Kapag siya nagyaya magbible study mayayari kayo sa akin!!" Warning ko sakanila gamit lamang ang isip ko.
"Gusto ko nga din po sanang isama kayo sa bible study namin dalawa mamaya." alok ni essay sa lima.
"Nako...tignan mo nga naman ang oras madami pa kaming gagawin!" palusot ni Mary na pinagsang-ayunan ng iba.
"Gano'n po ba? sige kami na lang po ni calcifer."
Taragis na buhay ito!
Pagkatapos namin hindi kumain napagdesisyunan namin sa kuwarto ko mag bible study.
"Mga kabataan tandaan bible study lang ah! Hahaha!" paalala ni Supremo.
Pagkadating namin sa kuwarto agad siyang umupo sa kama.
Ewan ko ba sa babaeng ito wala ba siyang takot sa lalaki? Nung una nagpapasok sa kuwarto niya, sunod naman pumapasok sa kuwarto ng isang lalaki na sila lang dalawa...buti talaga hindi pa kumakawala yung inner lust power ko.
"Handa ka na ba?" tanong niya.
"Ano, game show lang?" hindi na ako mabibiktima ng mga gan'yang banat niya! paasa siya!
"Hahahaha magbible study!"
Sinong gaganahan doon sa totoo lang?
"Puwede bang iba na lang?"
"Tulad ng?"
"Hmmmp..." pag-iinarte ko sakanya tulad ng isang bata kasi hindi ko namamalayan naka pout na pala ako.
"Alam mo ba na mas maganda sa isang relasyon kapag nasa center nito si God?"
"Huwag kang maniniwala sa gano'n...nakita mo na bang nasa gitna nila ang Diyos?"
"Ano ka ba Cal!" sabi niya sabay hampas sa braso ko.
"Syempre not in a literal way kasi hindi naman natin nakikita ang Diyos!" dagdag niya pa.
Hindi nga pero lagi niya tayong nakikita! hindi yata uso sakanya ang privacy! isama mo pa yung alalay niyang tito ko na panay tawag sa akin ng calcifer!
"Oo na oo na panalo ka na...sa puso ko." casual kong pagkakasabi.
Huh? saan na naman nanggaling iyon? Ano 'yon? Napaka kadiring salita!
"Baliw!" sabi ni Essay na nakangiti.
Tsss gusto din naman...
"Sayo." banat ko at nakangiti pa din siya.
"Huwag ka ngang ngumiti!" sabi ko sakanya.
"Bakit naman? masama ba?"
"Oo! napakasama!"
"Huh?"
"Napakasama kasi baka halikan kita d'yan..." seryoso kong sabi sakanya habang seryosong nakatitig sakanya.
Syempre hindi ko 'yan kokontrahin! Aba! Sa lahat ng paghihirap sa akin ng ilang linggo kailangan ko rin yata ng gantimpala!
"Siraulo ka..." sabi niya at sabay bukas sa bitbit niyang bag na syempre alam na natin ang laman.
"Dinalhan na din kita ng sarili mong bible para naman basahin mo." sabay abot niya sa akin ng bible.
Tangina susunugin ko ito mamaya!
"Nilagyan ko 'yan ng note sa loob basahin mo!" nakangiti niyang sabi sa akin.
pagkabuklat ko ng bible sa talaan ng nilalaman...may sticky note na may nakasulat na;
God bless you, My Calcifer ❤
love,
Essay
Ngumiti na lang ako sakanya pero deep inside ganito talaga 'yon;
God bless you? Gago susunugin ko ito mamaya!
"Simulan na natin?"
"Wait lang..." tumayo ako sa pagkakaupo at tinungo ang pinto... pagkabukas ko no'n nakita kong mga nagmamadaling bumaba yung lima.
"Okay na ba?" tanong niya.
"Okay na."
Fast forward kasi alam mo na hindi ko naman talaga dinadamdan yung mga bible lesson na iyon tapos isang kabanata ang tinapos namin sa pakening s**t na brochure na iyon!
Nilibot niya ang kuwarto ko.
"Napakalaki ng bahay niyo..." sabi niya.
"Dito ka na lang tumira kaya? ako na bahala sayo."
"Baliw hahahaha!"
Ayaw niya pa? Choosy pa? Mansyon na nga ito ayaw pa din? Guwapo na kasama ayaw pa din?
"Ohh! ang guwapo mo naman dito..." sabi niya habang may hawak hawak ng parang litrato.
"Huh?" pagtataka ko kasi camera shy ako.
"Heto oh!" lumapit siya sa akin at pinakita yung hawak hawak niyang litrato.
"Guwapo mo d'yan ah! pero bakit parang sinaunang kuha? anong filter gamit mo d'yan? sepia?" tanong niya.
"Filter?"
"Oo...yung effects na gan'yan..."
"Malay ko atsaka anong guwapo? Iyan? guwapo 'yan? sabagay ang daming nabiktima ng mukhang 'yan!"
"Pinagsasabi mo... hindi ba ikaw iyan?"
"Iyan ang litrato ng papa ko."
"Hindi nga? wow! magkamukha kayo! pero..."
"pero ano?"
"Mas guwapo siya dito sa litrato na ito hahaha!"
"Patay na siya! Namatay sila ng mama ko sa ulcer!" kinuha ko sakanya yung picture ng bwisit kong ama.
***
kinuha ko yung litratong iyon at nilagay sa ilalim ng kama at ayon rin ang dahilan kung bakit nagpalagay na ako ng litrato ko sa kuwarto at para na din malimutan na ni essay yung mukha ng papa ko at nasabi ko na din ba na madalas na akong nagsesend sakanya ng pictures ko?
You sent a photo.
Ayan! pesteng babaeng iyon! ilang beses niya ng sinasabi sa akin na hindi niya malimutan yung mukha ng papa ko, pambihira! At isa din pala, tinuruan ako ni Mary at Machete paano gamitin ang f*******: at Messenger kaya ipinagmamalaki ko na may silbi na yung wifi dito sa amin hindi na pang binge watch sa netflix lang. Improving akong demonyo, last time isa lang akong depressed na demonyong gusto ng mamatay, ngayon isa na akong modernized depressed na demonyong gustong-gusto ng mamatay!
Binagsak ko ang sarili ko sa kama at dinial ang number ni Essay. Sa ngayon nasasanay na ako sakanya minsan kinakabahan na rin ako kasi unti-unti baka masanay ako sa bible study...YARE.
Pagkatapos ng pang limang ring sinagot niya na ang tawag.
[Cal?] bati niya.
"Hindi ako makatulog." inayos ko ang pagkakahiga ko sa kama at ngayon nakatitig na ako sa kisame.
[Kakantahan sana kita kaso hindi naman maganda boses ko hahaha!]
"'di bale na ako na lang kakanta para sayo... ano ba gusto mo?"
Unti-unti na rin akong nasasanay sa ganitong mga words na lumalabas sa bibig ko.
[Hmmm...]
"Baka papa ko gusto mo ha? patay na siya!"
[Baliw! hahahaha!]
"Nagugutom ka ba?" tanong ko sakanya.
[Bakit mo naman natanong 'yan?]
"Wala lang ibibigay ko sayo kung anong gusto mo..."
[Mahal yung gusto ko eh...]
"Ha! handa akong ibenta 'tong bahay na ito mabili ko lang yung gusto mo!"
[Hahahaha hindi kaya kahit ibenta mo pa 'yang bahay niyo...mas mahal 'yon!]
"Ano ba kasi 'yon? ano ba yung gusto mo?"
[...gusto kita.]
Nagpantig yung dalawa kong tenga sa narinig ko...
LUUUUHHHH PARANG TANGA 'TONG BABAENG 'TO PUTEK!
"Mas mahal nga 'yan!"
[Alam ko pero mas mahal kita.] casual niyang pagkakasabi.
...pero mas mahal kita LUUUUHHHH GAGO!
Hindi ko namamalayan pinipigilan ko na pala yung sarili kong tumawa.
Bobo kinikilig ka!
Yung puso kong tanga ay nagsasalita na! Yari na 'to...hindi na ito nakakabuti sa health ko! Masyadong mabilis yung t***k ng puso ko mukhang magkakaheart attack na yata ako!
[Hahaha Osya matutulog na ako...goodnight Cal.]
"Night." pagkatapos ng tawag, nilayo ko muna yung cellphone ko sa akin.
"Tangina kailangan ko ng alisin itong sumpang ito..." sabi ko sa sarili ko.
***