Chapter 19

2729 Words
Chapter 19 Doom Hindi na ako kinulit pa ni Cupid pagkatapos noon. Nag-stay lang din ako sa kwarto at ginawa iyong mga school works namin. Buti nalang ay hindi ako nakita ni Papa na umiiyak. Sandamakmak na tanong ang aabutin ko kung sakali. Hindi ko talaga alam kung bakit sobra iyong galit ko kanina. I shouldn’t have reacted, pero feeling ko kasi kapag pinalampas ko iyon, uulitin lang ulit nila. Si Cupid naman… I’m just… Disappointed. Siguro. Hindi ko alam kung bakit parang noong swinigawan niya ako at sinabing ako iyong mali, hindi ko matanggap. Sila naman talaga iyong nagsimula noong away! Hindi ko talaga siya papansin! Nabubwisit niya ako! Maaga akong nagising kinabukasan kaya maaga din ako sa school. Tahimik akong pumasok sa room at naupo sa upuan ni Ares. Inayos ko iyong bag ko at nilabas iyong book na kailangan namin ngayon. “Ayos ka lang?” Lumingon ako at nakita si Kira doon. Isa siya sa mga tao kahapon dito sa room noong pumasok kami ni Cupid. Marahan naman akong tumango. “Ayos lang,” sagot ko at tinuon na ulit iyong pansin sa book. Lumakad naman siya pabalik sa mga friends niya. Kasama doon si Nica na may asthma. Iyong lagi inaatake na hindi moa lam minsan kung true pa ba. Hindi kami masyadong close pero keri lang. “Yow, good morning! Aga mo ah?” bati ni Ares nang dumating. Hind ko naman siya pinansin. “Saan naman kayo nagsoot kahapon? Sabi ni Cupid magtutusok tusok tayo! Hindi na kayo dumating!” dugtong niya at naupo sa tabi ko. “Huwag kang maingay,” madiin kong sabi habang nakatutok sa libro ko doon kahit wala naman akong binabasa. “Sungit. Bakit ka nakaupo sa upuan ko?” “Diyan ka.” Malakas naman siyang bumuntong hininga at inayos na iyong bag niya at nilagay sa gilid tapos ay tumayo siya. “Tatambay muna ako sa labas!” anunsyo niya na wala naman akong paki. Nag-angat ako ng tingin at nang magtama ang mata namin ni Cupid, hinila ko kaagad si Ares pabalik sa inuupuan niya. Sumaldak siya. “Aray ko naman!” reklamo niya at humarap sa akin. “Ano? May ipabibili ka ba?” “Diyan ka lang.” Tiningnan ko siya ng masama pagkatapos. Nagtataka naman siyang nakamasid lang sa akin. Nang mapansin si Cupid ay humarap siya doon. “Good morning, Cupid! Kamusta ang pag-i’indian mo sa amin kahapon?” “Bakit diyan ka naka-upo?” sagot naman ni Cupid. “Ewan ko dito kay Psyche. Bad mood ata. Ikaw na magbantay. Lalabas lang ako.” Akmang tatayo na naman si Ares pero hinila ko ulit iyong polo niya. Kumasat naman siya doon na parang naiinis na. “Sabi ko diyan ka lang. Hindi ka ba nakakaintindi ng tagalog?” Umingit ingit na siya doon na parang bata. Napansin ko naman iyong tingin ni Cupid sa akin pero hindi ko pinansin iyon. Sakto naman sa pagdating ni Zeus saka Priam iyong instructor namin kaya umayos na kaming lahat ng upo. “Good morning, everyone,” bati nito. “I don’t know if I should greet you still a good morning because the news that got to me isn’t good,” panimula nito. “What’s happening to you, ABM- A?” Lumingon naman sa akin si Klein mula sa upuan niya sa harap na parang concern pero ngumiti lang ako. Sa huli ay sa akin din bumaling si Mrs. Torres. “You are being called again in the guidance office, Miss Aragon.” Sabay sabay naman na lumingon sa akin itong tatlong kulugo na gulat na gulat. “Bakit po?” malakas na tanong ni Ares na parang siya iyong pinapatawag. Our adviser sighed and shook her head. “We should hear that from Miss Aragon. Are you having problems these days?” she asked softly but I simply shook my head. “Ngayon na po ba ako pinapatawag?” I asked instead. Matagal pang tumingin sa akin si Ma’am bago tumango. “I don’t quite believe them, Miss Aragon. So, explain your side clearly to the counselor. It came to my knowledge that Mr. Cariño was with you? You two can go.” “Ano na naman pinag gagagawa niyo?” mahinang tanong ni Priam. “Psy,” tawag naman ni Zeus pero inilingan ko lang sila. “I can go alone, Ma’am,” I said clearly. “Sasamahan ko po siya,” mabilis na sabi naman ni Cupid kaya napairap ako. Hindi naman niya ako matutulungan. “Ma’am!” malakas na tawag ni Klein. “Sasama ako! Nandoon ako mula simula!” Lumingon pa sa akin si Klein. “Nauna pa ako kay Cupid doon!” Napakamot naman sa ulo iyong adviser namin. “Hindi ko na alam nangyayari sa inyong mga bata kayo. Fine go. The three of you.” Mabilis akong tumayo at nauna kay Cupid. Sabay kaming lumabas ni Klein doon. “Siya pa talaga ang may ganang magsumbong?!” malakas na reklamo ni Klein. “Shhh. Huwag kang maingay. Bakit ba sumama ka pa?” “Hello? I’m sure kasama noon si Irene ‘no! Dapat may back-up ka din!” Hindi na ako kumibo hanggang makarating kami sa guidance. Tinalo ko ata si Ares ngayong taon sa attendance dito. Nang buksan naming ang pinto ay tama nga si Klein, kasama ni Joy si Irene. Gusto ko sanang umirap pero huwag nalang. I sat down not minding those two. “Kayong tatlo na naman,” bati sa amin noong guidance counsellor. “And Miss Aragon, you are the one who’s wrong this time.” “Bakit po ako iyong mali?” matapang kong tanong. Parang hindi naman inaasahan ng counsellor iyon kaya napa-hinga siya ng malalim. “Nanakit ka, Miss Aragon.” “Pero sila po iyong nagsimula!” “You pushed me! Look! Nagkasugat ako!” sigaw ni Joy. Umirap lang naman ako at humarap kay Ma’am. “Kung hindi po nila hinarang itong kaibigan ko, hindi magkakagulo!” madiin na sabi ni Klein. “Kaya nauna sila Ma’am!” “Miss Rojas, you are being biased. Not because you two are friends you will tolerate this kind of action. Miss Aragon, physically harmed her. I guess Mr. Cariño can attest to that because he’s the one who stopped Miss Aragon?” Ni hindi ko naman tinapunan ng tingin si Cupid kahit pa ramdam ko iyong tingin niya sa akin. I inhaled, para kasing akong nauubusan ng hininga dito. Malakas iyong kabog ng dibdib ko. “Why are you only listening po to their stories? Cupid favored that two! Huli na kasi siyang dumating Ma’am!” naiinis na na sabi ni Klein. “Hindi ko sila kinakampihan,” madiin na sagot ni Cupid at parang nagagalit na. “Anong hindi? Nagagalit ka nga kay Psyche e!” “Klein…” awat ko. “Tinawag kasi nilang malandi saka p****k itong kaibigan ko, Ma’am!” napapikit ako doon. I bit my lip and looked at Klein firmly pero galit na galit talaga siya. “Uulitin ko po, sila iyong humarang kay Psyche. Kung anu-anong masasamang salita iyong sinabi nila! Physical harm lang po ba iyong counted? That’s unfair!” I hld Klein’s arms to stopped her pero hindi naman siya nagpapigil. “And your last words, Joy? Ang sabi mo may bago na namang koleksyon si Psyche ng mga lalaki niya! Ang sinasabi mo doon ay itong si Cupid! Kaya ka tinulak! Masama kasi iyang bibig mo! Defamation iyon, Ma’am!” “Calm down, Miss Rojas!” “Isa pa, Joy, kung si Cupid lang din naman, hindi papatulan ni Psyche ito dahil medyo tanga! And last thing, hindi ka rin papatulan ni Zeus kahit mag-h***d ka pa!” Oh, God. “Miss Rojas!” galit sigaw noong guidance counselor. Tiningnan naman ni Klein ng masama si Cupid bago tumingin kay Ma’am na hingal na hingal. Nag-flip pa siya ng hair bago sarcastic na tumingin kila Joy bago balingan iyong guidance counsellor. “I’m done na po.” Parang stress na stress naman si Ma’am. Si Joy and Irene ay masamang nakatingin sa amin na parang nanggagalaiti na. Tahimik lang naman ako doon na nakamasid. Hindi ko naman maintindihan kung bakit kumakabog ng malakas iyong puso ko kahit si Klein lang naman iyong nagsalita doon. “You all will need to do disciplinary action.” Hindi na ako nagulat pero si Klein ay pinakita pa iyong pagkadismaya. Lumingon ako sa kaniya at para niya pang inaambaan sila Joy doon. Nang matapos maglintanya iyong guidance ay sabay-sabay na kaming lumabas. “We are not yet done, Psyche!” nang-gigigil na sabi ni Joy bago tumalikod. Si Irene naman ay buong oras lang naka mataray face na akala mo naman ay bagay sa kaniya. “Psyche,” rinig kong tawag ni Cupid. Lumingon naman ako kay Klein at inangkla iyong braso ko sa kaniya. “Galing mo doon. So proud of you. Sana all,” lintanya ko na pinarinig ko talaga kay Cupid bago hinila si Klein paalis. Sabay sabay kaming pumasok sa room at iyong bibig agad ni Ares ang narinig ko doon. “Ano? Ano? Anong sabi?” Umupo naman si Zeus sa table. “Kinwento na ni Ana iyong nangyari! Anong ginawa sa’yo, Psy?” concern niyang tanong. Hinila ko naman iyong mala-kpop niyang bangs na ikina-aray niya. “Kasalanan mo ‘to e. Bakit mo ba kasi iyon ni-reject?” Sumimangot naman siya sa akin. “Joy na mukhang walang joy sa buhay naman iyon!” singit ni Priam. Zeus held my shoulders. Tapos ay tiningnan niya ako na parang sinusuri. “Sinaktan ka ba? Ano? Papatulan ko talaga ‘yon.” Hinawi ko naman ng marahan iyong kamay niya. “Ako iyong unang nanakit,” sagot ko. Kumunot naman noo nilang tatlo kaya umupo na ako sa pwesto ko. Hindi ko naman pinansin si Cupid na nasa kaliwa ko. “Sure akong may ginawa ‘yon! Hindi ka mananakit kung hindi ka sinaktan!” sigaw ni Priam. “Anong sinabi sa’yo?” tanong agad ni Ares. “Sinabihan siyang-” “Klein,” pigil ko at humarap sa mga kulugo. “Basta. Tinulak ko naman kaya ayos na ‘yon.” “May disciplinary action naman tayo! Mga inggiterang palaka talaga nagkalat!” malakas na sabi pa din ni Klein. Kaniya kaniya namang tanong iyong mga kaklase ko sa nangyari. Si Klein na iyong nag-kwento at nagkaisa naman silang lahat na kaaway na ng section naming iyong GAS. Napailing nalang ako. “Ang tahimik mo, Cupid?” puna ni Priam. Nagkunwari naman akong walang narinig. “Nag-away kayo ‘no?” malisyosong sabi ni Ares saka naningkit pa iyong mata na nakatingin sa akin. “Nag-away kayo?” concern naman na sabi ni Zeus. “Kailan ba hindi?” mahina kong tugon. “May point,” sagot ni Priam na parang nag-iisip pa doon. Bumalik na siya sa makulit niyang self lalo na noong natanggal iyong cast niya. Though hindi niya pa dapat gaanong pwersahin iyong kamay niya. “Ang bait bait na nga ni Cupid ni-aaway mo pa! Grabe ka na talaga, Psy! Huhu!” Masama ko namang tiningnan si Ares habang nag-d’drama siya doon. I seemed calm, pero ang totoo, naiinis ako. Anong mabait? Hindi iyan mabait! “Ares…” mahinang tawag ni Cupid na parang sinasaway niya ito. Padabog ko namang binagsak iyong libro ko sa mesa na ikina-gulat noong tatlo. Lalo na si Ares na may paghawak pa sa dibdib. Tumayo ako doon ng marahas saka nagpunta sa upuan ni Bianca na nasa likod ni Klein sa bandang harap. “Biancs palit muna tayo,” mahina kong pakiusap. Tumango naman siya sa akin at ngumiti. “No problemo!” “Hala, galit siya,” rinig ko pang sabi ni Ares. “Huh? Sino?” tanong naman ni Bianca. Nginisihan naman ako ni Klein nang umayos ako ng upo. Doon ako naupo buong klase hanggang makauwi. Hindi ako sumasabay sa mga kulugong umuwi dahil sabi ko may Heart Sparks kahit wala naman. Isang oras pa akong nagtagal sa campus bago ako umuwi. Hindi naman nagtanong sila Mama at Papa kaya dumiretso na ako sa kwarto nang makakain. Sa sumunod na araw, busy kami dahil halos may quiz sa lahat ng subject. May practice din akong Heart Sparks noon. Hindi pa din kami nag papansinan ni Cupid. He would always try to call my name when he has an opportunity pero hindi ko pinapansin. Hindi naman siya nangungulit. Friday at nasa library kaming tatlo nila Klein at Cupid. Dahil iyong sa disciplinary action. Kailangan naming ayusin iyong mga books na nasa library. Ibalik lahat ng mga maling books na nasa shelves. At sobrang dami noon. Hindi nalang ako nagrant dahil wala naman maitutulong iyon sa akin. Tahimik ko nalang ginawa para may matapos ngayong araw. Napahinto ako nang makita si Cupid sa nilikuan kong shelf. Hindi pa siya nakakapagsalita ay tinulak ko na iyong cart ko at lumipat sa mas malayo. Hindi ko alam kung bakit para akong kinakabahan kapag nakikita siya. O kaya para akong tensyonado. Nakagalit ko naman na iyong kulugo kong mga friends before pero hindi naman ganito iyong feeling. Inis lang talaga. Pero ngayon, para akong nangangapa kapag nandiyan siya dahil ayaw ko siyang makita o makausap o malapitan. “Tara na! Tapos na iyong time! Next week na ulit!” yaya sa akin ni Klein. Tumango naman ako at binalik na iyong cart sa may storage room. Hindi ko namang maiwasang luminga para hanapin si Cupid. Huwag siyang magpaka bayani dahil hindi niya matatapos na lahat iyan. I tried to look for him doon sa mga shelves na madaan ko, kung hindi ko siya makita bahala siya. Nakita ko naman siya. Hindi ko lang inaasahan na may kasama siya. Napahinto ako sa paglalakad habang nakatingin lang kay Cupid at Thalia na nag-uusap. I inhaled and blinked. Hindi ko alam na nag-uusap na pala sila. Thalia smiled as Cupid gave her a book. Napakamot pa si Cupid sa batok at tumawa nang bahagya. I swear there’s something wrong with me. Para akong natuka ng ahas noong magtama ang paningin namin ni Cupid. Humarap din si Thalia at ngumiti sa akin. Napakurap lang ako doon at si Cupid naman ay parang nagulat na nandoon ako. “Time na,” malinaw kong sabi kay Cupid. Para naman siyang nataranta doon. Inayos niya iyong book sa cart at ginalaw iyon. “Uwi na kayo?” tanong ni Thalia. “Psy, sabay tayo. Sandali lang ako,” salita ni Cupid na lumabas lang sa kabilang tenga ko. Mabilis na umalis doon si Cupid. “Mauna na ‘ko, Thalia. May inutos lang samin dito.” Masaya naman siyang ngumiti at nag-wave sa akin. Hindi ko naman na hinintay si Cupid at lumabas na doon. Nagpunta muna ako ng restroom bago tuluyang umuwi. Wala lang, tiningnan ko lang iyong mukha ko saka nag-lip tint. Nang lumabas doon ay napaatras ako sa gulat. Masamang nakatingin sa akin si Cupid na bahagya pang nakanguso. Hindi naman ako nakagalaw doon. “Sabi ko sabay tayo.” Napakurap ako at napalunok. “H-Hindi ako pumayag,” sagot ko. “Doon ka nga!” Hinawi ko siya. Narinig ko naman iyong buntong hininga niya bago siya lumapit sa akin at harangan ako sa daan. Kumunot naman iyong noo ko saka siya tiningnan ng masama. “Sorry na. Huwag na tayong mag-away…” marahan niyang sabi na inirapan ko lang. Ni-try kong umalis doon pero hinaharang niya ako. “Ano ba?!” “Huwag ka nang magalit…” Napabuga na ako ng hangin doon saka tiningnan siya na parang nauubusan na talaga ako ng pasensya. Siya naman ay nagpapaawa lang na nakatingin sa akin at galaw ng galaw para hindi ako makadaan. Pinagtitinginan pa kami ng iilang estudyante doon. “Maling mali talaga ako doon, okay? Ayoko lang kasing mas masaktan ka…” Naningkit naman iyong mata ko at nag cross arms. “Ako iyong nanakit di’ba?” His shoulder fell. “Hindi ko narinig iyong sinabi nila. But still, hindi dapat ako nagalit. Ako iyong mali, okay? Sorry na…” Pinagmasdan ko lang naman siya doon at hindi kumibo. Maraming estudyanteng nagdadaan at naglalabas masok sa restroom pero nakatingin lang ako sa kaniya. And as I look and stare in his eyes, I know I’ll be doomed. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD