Chapter 18

3540 Words
Chapter 18 Talk “Ang tagal Cupid…” mahina kong reklamo habang nakatayo kami doon at naghihintay ng bus. “Pagod ka na?” Tumango naman ako habang nararamdaman na gusto nang pumikit noong mata ko. Nakapag-dinner na kami nila Ana at nag-aabang na ng bus ngayon pauwi. Magaalas-otso na rin. Mas maganda na iyong paligid dahil puro ilaw, natatanaw din dito iyong park na madami nang tao ngayon. “Tapos na ba kayo sa thesis, girl?” tanong ni V sa amin. Lumingon naman kami ni Cupid. Oo nga pala, hindi ko pa tapos iyong pag-f’finalize ko doon. “Hindi pa,” sagot ko. “Same! Wala bang extension ‘yon? Ang daming ginagawa!” reklamo ni Bianca. Quota na kami sa picture ngayon araw. Halos hakbang ata namin nag-p’picture siya. “Hindi mo pa tapos?” bulong ni Cupid na hinarap ko. Umiling naman ako habang nakatingala doon sa kaniya. Kumunot naman iyong noo niya. He shifted on his feet and looked firmly. “Related studies ‘yon diba? Tulungan kita.” Mabilis naman akong umiling at umiwas ng tingin. Diretso kong hinarap iyong kalsada kung saan wala pa ring dumadaan bus hanggang ngayon. “Kaya ko naman.” “Alam ko. Pero gusto ko lang tumulong.” “Nagawa mo na iyong sa’yo.” “Wala naman akong gagawin ngayong gabi.” Napabuntong hininga ako at tiningnan na siya ng masama. I don’t take people for granted. Maybe in another way pero iyong ganito, he gave his fair of share. “Walang dagdag grade ‘yon.” He groans and his head fell dramatically. Sumusuko na dahil mukhang wala na siyang maisagot sa akin. Mga eight thirty na kami nakasakay ng bus at buti nalang ay hindi puno iyon. Naka-upo naman kami ng komportable. Parang ngayon palang dumadami iyong tao sa labas nang mapansin ko iyon habang nakatingin sa bintana. Siguro dahil walang araw sa gabi kaya komportable sila. There are so many people buying street foods. Namiss ko tuloy bigla iyon. Nag-hikab ako kalaunan at umayos ng upo. I hugged my bag and leaned my head backwards. Matapos noon ay pumikit na ako para matulog. Mahaba pa naman iyong byahe namin. The drive was almost two hours but felt like minute noong ginising na ako ni Cupid dahil malapit na daw kami. Halos hindi ko na maidilat iyong mata ko sa antok. Dalawang beses naman niyang ni-pat iyong ulo ko kaya hinawi ko iyong kamay niya. Inayos ko iyong bangs ko at bag. Ni-try ko naman i-open nang maayos iyong mata ko. “Nakababa na sila?” tanong ko, tinutukoy sila Ana. Tumango naman si Cupid. “Tulog na tulog ka.” Sumandal lang naman ulit ako doon at hinintay makarating sa babaan namin. Buti nalang ay malapit lang ang bahay naming ni Cupid sa isa’t isa. Hindi na ako kailangan pang sunduin ni Mama dito sa kanto. Ganoon kasi ako kapag masyadong nang ginagabi tapos ako lang mag-isa, sinusundo niya ako sa school dahil delikado daw. Buti nalang ay may trike pa doon kaya mabilis kaming nakasakay ni Cupid nang makababa ng bus. “I-send mo iyong hindi mo pa na-f’finalize,” salita niya habang nasa loob ko. “Kaya ko na nga!” malakas na sabi ko kasi ang lakas ng motor nitong tricycle! Umiling naman siya at pinaningkitan ako ng mata pero hindi nagsalita. Akala ko wala na siyang sasabihin pero hinintay niya lang palang makarating kami. Siya iyong nagbayad ng fare at hindi na ako nakipagtalo. “I-send mo. Mahihirapan ka, anong oras na. Magka-group naman tayo, Psyche.” Nakatayo kaming dalawa doon sa harap ng bahay. The lights from our lamp post illuminated his face. Mas lalo tuloy nagmukhang kulay brown iyong mata niya. Mabagal naman akong kumurap at tumango. “Fine.” Ngumiti naman siya sa akin saka nagsalute. “Call you later,” he said playfully. Nangiti nalang ako at inirapan siya doon bago tumalikod at pumasok ng bahay. Nang makapasok sa pinto ay muntik na akong mitumba nang sinalubong ako ni Papa doon. “Papa!” I hissed. “Sino ‘yon?” seryoso niyang tanong habang naka-crossed arms pa. Kumunot naman iyong noo ko at naningkit ng mata bago tumingin sa likod ko. Masama pa rin naman iyong tingin ni Papa sa akin nang magbalik ang mata ko sa kaniya. “Si… Cupid, Pa.” “Cupid? Bakit magkasama kayo?” Lumingon pa siya sa relo niya. “Alas diez na, unica hija,” sarcastic niyang sabi. Nag-ngising aso naman ako. Hindi ba sinabi ni Mama na may emersion ako at gagabihin? “Kanina pang alas sais tulog ang Mama mo.” “Ah,” initial rection ko. “Ah?” I sighed. “Papa, nag text ako kay Mama.” I smiled widely. “Nakalimutan ko po kayong i-text, pero!” I even motioned my hands. “Galing akong emersion.” “Emersion?” tanong niya na parang hindi naniniwala. “Parang OJT iyon, Pa. Meron ng ganoon sa mga senior high school ngayon.” Pinaningkitan niya parin ako ng mata habang nakatayo kami sa may front door. “Partners kami ni Cupid!” mabilis kong sabi na iyon ang hinihintay niyang ipaliwanag ko. “Partners, Pa… Uh, magkasama kami sa isang company. Buddy buddy.” “Buddy buddy…” mahinahong ulit ni Papa. Pero alam mo iyong alam mong hindi naman siya mahinahon? Ganoon. “Opo, Papa.” I chuckled awkwardly. “May gagawin pa ako, Pa. Good night!” I moved to kiss him on the cheek and ran upstairs. Hinihingal naman akong nakapasok sa kwarto ko. Nakakawala ng antok ‘yon, infairness. Naligo ako matapos magpahinga ng mga fifteen minutes. Matapos mag-half bath ay nagpunta na ako sa study table ko para i-check iyong thesis naming. Sakto naman na na tumatawag si Cupid doon. Napabuga naman ako ng hangin bago ko iyon sinagot. Face time pa nga. “Ano?” “Nasaan na yung file? Ang hirap hanapin sa group chat!” reklamo niya habang nakatitig sa akin. Iyong buong mukha niya, sakop iyong buong scrren. Mukha siyang itlog. “Sandali. Utos ka?” Hinanap ko naman iyong sa laptop ko bago ulit siya tiningnan. “Ang pangit mo nga pala.” Narinig ko naman iyong hinaing niya. “Ikaw lang nagsasabi niyan sakin! Siguro, may damage iyang mata mo ‘no?” “Ang kapal talaga ng mukha,” sagot ko habang nag ii-scroll doon. Nang makita ko ay sinend ko na iyon sa group chat. “Ayan na.” Noon ko lang naman napansin iyong mga chat ng kulugo doon. Ang dam puro kalokohan lang naman. Sabay naman naming tinapos ni Cupid iyon. Magka-face time pa din kami kahit na nababadtrip ako sa mukha niya. Para daw hindi siya tamarin at antukin. Napakadaldal naman niya. “Anong tawag sa fake noodles?” tanong niya na naman. Tiningnan ko naman siya na parang napapagod na ako. Ngumiti lang naman siya sa akin at natawa. Kanina pa iyang mga banat niya! “Dali na!” “Ano?” “Impasta!” masigla niyang sagot saka tumawa mag-isa doon. He’s witty, I’ll give him that. Pero hindi ko kayang tumawa lang ng basta doon. Syempre mataas ang pride ko. I hide my smile and just shook my head. Siya naman nakangisi lang sa akin nang mapang-asar habang nakatingin sa screen. “Meron pa last na!” “Ayoko na! Papatayin ko na ‘to!” Sumimangot naman siya. “Last na, dali…” I sighed and leaned on my backrest. “Ano?” “Anong tawag sa pig na nagkakarate?” Tinagilid ko naman iyog ulo ko at ni-try na mag-isip ng isasagot. Nagkakarate? He pursed his lips, wala pa naman, natatawa na. “Hindi ko alam. Ano?” “Pork chop!” Tumawa siya. “Chop chop chop!” Napahilamos na ako sa mukha. Hindi alam kung matatawa o ano. Siya naman tawang tawa sa sarili. Ganoon talaga kapag corny iyong joke mo, ikaw nalang tumawa. “Alam mo? Tulog lang ‘yan,” sagot ko saka ni-turn off na iyong laptop ko. He chuckled and nodded as he leaned on the screen more. “Good night, Psyche…” Kinuha ko naman iyong phone ko sa stand saka naglakad papuntang kama at sumaldak doon. Nilapit ko iyong screen sa ilong ko. “Good night, kupal,” sagot ko saka pinatay iyong tawag. Kinabukasan, matiwasay naman kaming nakapagpasa noong thesis. Saturday, nag-practice kami for Heart Sparks. For the next week naman, naging busy ako kay Cupid. Sinabi niya na binigay na daw niya iyong letter kay Thalia pero walang reply. Paano naman kasi magrereply iyon? “Ano ilalagay ko iyong number ko?” “Ang pangit no’n!” sagot ko. “Kaya nga. Paano?” Pumangalumbaba naman ako habang nakatingin sa mga nag-s’soccer. Nandoon din iyong tatlong kulugo at nagpapapawis. Wala kasi iyong instructor naming kaya nandito kami sa labas. “Malay ko. Mag-isip ka!” Imbes na mag-isip nanood lang din siya ng mga nag-sosoccer doon. Bahala siya, lovelife naman niya iyan. Paki ko. Napa-second look naman ako nang may magdaan sa harap namin. Nakatingin sa’kin kaya binalingan ko ulit ng tingin. Nang makita kung sino iyon ay umirap ako. Hindi ko naman sila inirapan pero basta. Umirap pa din ako. Mga GAS students iyon. I’ve known them since first year highschool dahil mag kakaklase kami dati. Si Joy at Irene, iyong masasabi kong, hindi ko kasundo ever since. Masama talaga ang dugo ko diyan kasi mga bully ang mga walang hiya. Naaalala ko pa noon, noong first year, gigil sila sa akin. Bakit? Kasi close ako kay Zeus habang si Joy hindi pinapansin! Patay na patay kasi kay Zeus iyon. Nakikisawsaw naman iyong bestfriend niyang si Irene. Since I was so young, hindi ako kumikibo kapag inaaway nila ako noon. Anak din kasi ng dean sa college si Joy. Kaya din siguro palaban na wala naman sa lugar. Hindi ko naman alam bakit hanggang ngayon, galit sila sa akin. I mean? E sa hindi siya type ni Zeus?  Natigillan iyong pangiinis nila sa’kin saka pagpaparinig noong umalis ako pa-Iloilo. Noong bumaling naman ako last year, kapag may pakakataon na nagtatagpo landas namin, masama pa dinakong tinitingnan saka kung anu-ano pa din ang sinasabi. “Kilala mo?” Napalingon ako kay Cupid. “Huh?” “Iyong dumaan. Nakatingin sa’yo.” Napakurap ako. “Ah…” Tumango naman ako bahagya. “Naging kaklase ko dati.” That week went smoothly. Sa emersion naman ay ayos lang. Hindi naman kami na p’pressure ni Cupid dahil mababait naman iyong mga tao doon. Pero hindi ko naman maiwasang kabahan lalo na kapag may ipinapagawa sila dahil baka mamaya ay magkamali ako. “Di’ba nagkaayos na sila?” nagtatakang tanong ko habang nasa park kami ng village namin. Nandito kaming lima. Si Zeus kasi may problema daw akala naman naming kung ano. Iyong si Ate niya kasi saka Kuya ni Ares, hindi pa rin pala nagkaka-ayos. Lagi daw mainit ulo ni Ate Hestia at naii-stress na si Zeus. “Bwisit din lagi sa bahay si Kuya! Gusto ko nang iumpog iyong ulo sa pader! Napaka drama!” reklamo pa ni Ares. Ako naman ay kumakain lang ng ice cream ko doon habang nag s’swing. Sunday kasi ngayon at nasa bahay lang naman kami pare-pareho. Pababa na iyong araw at dahil nahaharangan ng mga puno ay hindi naman nakatutuok sa amin. Maganda din iyong nadulot noon dahil ang ganda nang pagtagos noong kahel na sinag sa puno. “Ang laging binabanggit ni Kuya hindi daw niya kasalanan pero siya iyong sinisisi,” kwento pa ni Ares. “Si Ate naman laging sinasabi sabing sinungaling si Kuya Peter,” dagdag naman ni Zeus. Buti nalang hindi ako stress. “Patikim nga niyan,” mahinang sabi ni Cupid saka ni-scoop iyong ice cream ko. “Cupid!” sigaw ko nang pagtutol. Kunwari pang nagpaalam! “Magnanakaw ka!” Natawa lang naman siya pati si Priam. “Nakikinig ba kayong tatlo sa’min?” mahinang tanong ni Ares habang nakakunot pa iyong noo. “Oo. Nakakainis kamo si Kuya mo. Sasabihin ko, huwag kang magalala.” Pinitik naman ni Ares iyong noo ko. Sinigawan ko lang naman siya saka inubos na iyong ice cream ko doon. Madilim na noong makabalik ako sa bahay. Naupo naman ako sa sofa habang nandoon si Papa saka Asha. “Batanes tayo, Pa!” sabi ko habang nag-indian seat na umupo doon. Ngumiti naman si Papa nang tumingin sa akin. “Sure ka na?” Tumango ako. “Masasama ba sila Ares kung sakali?” Tumango naman si Papa. “Oo naman. Inexpect ko na na gusto mo silang kasama. Tatlo sila?” Napanguso naman ako. “Apat, Papa…” He chuckled lightly. “Apat. Sorry.” Bumaling naman ulit siya sa TV. “Noted.” Lunes nang sumunod na araw, maganda ang panahon. Parang ang aliwalas ng langit kaya good mood ako noong pumasok sa school. Masaya lang naman akong naglalakad dahil galing ako kay Franch. Nag-usap kami tungkol sa Heart Sparks. Nakasalubong ko naman doon sila Joy and Irene. Kung hindi ka ba naman minamalas sa buhay, guguluhin ka talaga ng devil kapag masaya ka e. Ni-try ko silang iwasan pero humarang talaga sila sa daan ko. Napabuntong hininga naman ako at tiningnan sila na parang naiinip na. Nabaling lang iyong tingin ko nang mag ring iyong phone ko. Sinagot ko naman iyon. “Ano?” tanong ko kay Cupid. “Nasaan ka?” “GAS. Bakit?” “Uwian na. Wala si Ma’am. Tinatamad na atang pumasok.” “Mauna na kayo,” huling sabi ko saka binaba iyong tawag. Ngumiti naman ako sa mga nasa harap ko. “Hindi ko alam na hobby niyo ang pagiging pader ngayon,” sabi ko saka sila hinawi na dalawa para makadaan ako. Nakadaan naman ako kaso hinablot ako ni Irene. Oh gosh don’t tell me bagong away ito dahil sawang sawa na ako. This isn’t my life! Nginitian ko naman siya. “Yes?” I asked. “Are you taunting me?” salita ni Joy. Nagtaas naman ako ng kilay. “Big word.” Nag-iwas naman siya ng tingin at nag cross arms bago humakbang palapit sa akin na may ngisi sa mukha. Pinanatili ko naman iyong tingin ko sa kanilang dalawa. “Are you still thinking that you are better than me?” wala pa nga, parang nanggagalaiti na siya. Ito lang talaga mahirap sa pagiging kaibigan ng mga kulugong iyon. Yes, they are handsome, at iyon ang puno’t dulo ng lahat. “Kung ang kinagagalit mo sa akin ay iyong pag reject sa’yo ni Zeus na history na ata, well sorry. Not my fault kung hindi ka type.” She was about to struck me pero napigilan iyon ni Irene. Napansin ko naman iyong pagtaas baba ng dibdib niya. Nagagalit nga. Pero totoo naman kasi. Anong kinalaman ko doon? “Isa pa, Joy, uso iyong salitang move on. Ang tagal na noon, hurt ka pa din? Zeus doesn’t even remember you anymore.” Nakita ko kung paano siya tinamaan doon. Pero kasi they are being childish! Siguro nga, mahirap makalimutan iyon lalo na kung na-reject ka ng crush mo pero girl, again, not my fault! Kaibigan lang naman ako! “You talk big akala mo naman kung sino ka? I know you tricked Zeus! Gusto mo kasi ikaw iyong bida!” Girl I’m so done. I can’t with this… kid. “Know what guys? Childish niyo,” mahinahon kong sabi saka tumalikod na doon. “Ang sabihin mo ikaw malandi!” That made me stop. Ang lakas noon e. Ang dami pang studyante. Ang what? Malandi? Not me. No. Bumalik ako ulit paharap sa kanila saka humakbang. “Wrong choice of word,” madiin kong sabi. “Oh bakit? Hurt ka din? I bet you taste all your so-called boy-friends!” I pushed her. Really hard. Hindi lang kasi talaga ako nakapag timpi? Asar talo but she’s talking about my friends! And that’s a foul! “Gago ka ba?” sigaw ko. Hindi naman siya makapaniwala sa ginawa ko. Hindi pa siya nakakabawi, tinulak ko ulit siya. Tinulaktulak ko siya doon hanggang sa mapaatras siya. “Kung hindi ka gusto… hindi ka gusto!” Tinulak naman niya iyong kamay ko saka tumayo nang maayos. “Don’t touch me, you s**t!” Ako naman iyong tinulak niya. “Two face b***h!” She laughed. “I saw you have a new recruit to your collections,” tuya niya pa. Hindi ko alam kung bakit pumasok agad sa isip ko iyong tinutukoy niya at kung bakti nag-init iyong dibdib ko doon. Malakas na pumintig iyong puso ko at talagang naramdaman ko iyong galit. I pushed her with all my might. Napaupo siya doon at tumama pa sa upuan. I am determined to still go after her. Gusto ko pa siyang sampalin saka sabunutan kasi talagang ang tagal na panahon ko nang nagtitimpi pero may humarap sa akin. I was breathing hard when I saw Cupid in front of me. Nakakunot iyong noo niya na pinagmamasdan ako. “See? I was right!” sigaw pa ni Joy. Hinawi ko si Cupid dahil talaga nag-iinit iyong ulo ko pero binitbit niya ako palayo. Nagpumiglas naman ako doon. I can feel the blood on my veins. Hindi ko pinapatulan si Joy noon kasi patience is a virtue pero hindi ko alam kung bakit nagagalit talaga ako ngayon “Psyche!” sigaw ni Cupid na nakapagpatigil sa akin. He was holding both of my arms while my hands are resting on his chest, wanting to push him away. “Hindi pa ako tapos, Cupid!” sigaw ko. Halos sumakit iyong dibdib ko sa lakas ng kabog noon. I just feel… humiliated. Ang dami daming tao! Isa pa, hindi naman kasi totoo iyon! What? A s**t? I have never been called names that are so degrading! “Nakasakit ka, Psyche!” malakas na salita niya sa akin kaya napatigil ako. Napatitig ako sa mukha niya. My lips almost tremble as he watched me with his eyebrows knotted and frustrated face. “Kinakampihan mo ba ‘yon?” hindi makapaniwala kong tanong. “She hurt me!” Huminga naman siya ng malalim. “Ikaw iyong unang nanakit, Psyche…” mahinahon iyong magkakasabi niya pero… Pero tangina halos hindi iyon matanggap ng tenga ko! My lips tremble and my feet felt week. Madaming beses akong kumurap nang maramdaman ko ang pag-iinit ng aking mata. Tapos ay tiningnan ko siya ng masama. I pushed him will all my strength. Nabitawan naman niya ako doon. Hindi ako nagsalita at tumalikod na. I wiped my tears with the back of my hand pero nahawakan niya iyong braso ko. “Huwag mo ‘kong hawakan!” sigaw ko. Halos hindi ko naman mahabol iyong hininga ko dahil ang bigat bigat noong nararamdaman ko. He breathes and still hold me. Para niyang tinatantya iyong reaksyon ko. Tinulak ko naman ulit siya. “Huwag mo nga akong hawakan! Ikaw ang susunod na masasaktan sa’kin, Cupid!” Mabilis akong naglakad. “Tangina,” bulong ko ng hindi tumigil iyong luha ko. “Psy,” he called. Hindi ko siya pinansin at mabilis na naglakad papasok ng room. May iilan pang mga kaklase ko doon pero hindi ko pinansin. “Bakit ka ba umiiyak?” mahinahon niyang tanong habang nakasunod pa din sa akin. Kinuha ko naman iyong mga gamit ko sa desk saka pinaglalagay iyon sa bag ko. Kahit hindi ko sila tingnan, nararamdaman ko iyong pagmamasid noong mga kaklase ko. Hinawakan naman ni Cupid iyong siko ko. “Tangina naman, Cupid! Layuan mo nga ako!” I wiped my tears again and carry my bag. Narinig ko naman iyong pagbuntong hininga niya doon pero tuloy tuloy lang akong naglakad sa labas. I know he was following me pero hindi ko siya pinansin. “Psyche!” tawag niya nang malapit na ako sa terminal ng trike. Nagulat naman ako nang may humila sa akin. Klein smiled at me and motioned me to go inside. Sumakay naman ako ng trike at sumunod siya doon. Sinabi niya sa driver iyong village namin habang ako naman, pinupunasan iyong linktik kong luha. “Huwag ko lang talagang makikita pagmumukha noong Joy na ‘yun,” madiin kong sabi. “Dapat lang iyong ginawa mo. Una kang nasaktan kasi kung anu-anong sinabi sa’yo. Physical harm chenes mas masakit iyong emotional,” sabi ni Klein sa tabi ko na ikina kunot ng noo ko. Ngumiti naman siya. “Pinapanood kaya kita. Nag c’cheer nga ako e. Umepal lang si Cupid. Kayang kaya mo kaya ‘yon.” “Kung hindi?” paos kong tanong. “E’di sisingit na ako.” She smiled at me. “Huwag kang umiyak dahil hindi bagay. Kapag nalaman ni Zeus ‘yan, lagot iyon. Mawawalan siya ng joy sa buhay.” Hindi naman na ako kumibo habang nasa byahe. Nilabas ko iyong phone ko nang tumunog iyon. Cupid: Psyche. Uuwi ka na ba? Mag-usap muna tayo. Mag-usap tayo, Psy. Galit ka ba? Galit ka e. Hindi pwedeng galit ka. Hindi pa ako nakakapagreply doon ay tumawag na siya. Pinatay ko naman iyon at nag type ng reply. Ako: Ayaw kitang kausap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD