Chapter 17
Eyes
“Cupid!” sigaw ko dahil ako, napapagod na talaga.
“Bakit ako?” nakanguso niyang sabi.
Nagp’practice kasi kami ngayon para doon sa PE namin at ang g**o g**o ni Ares saka ni Zeus! Tapos itong si Cupid, ayaw pagsabihan.
“Isa pa kayong kulugo ha, tatamaan kayo sa’kin.”
Na-s’stress na talaga ako dahil nakaka twenty second palang ata kami! Huminga naman ako ng malalim saka nag proceed na doon. Dahil hindi naman lahat kami ay dancers, inintindi ko iyon. Nang maka forty seconds na kami sa kanta nagsabi ako na next week na ulit.
Sinabi ko din na pag-aralan nila iyong steps sa video na sinend ko sa group chat namin para hindi sila mahirapan. Bumuntong hininga naman ako at nilapitan ko iyong bag ko na nasa ilalim ng puno.
Nandito kasi kami ngayon sa likod ng gymnasium nag-p’practice. Mapuno dito kaya malamig at mahangin. Kinuha ko iyong tumbler ko doon. Lumayo naman ako kay Cupid nang lumapit siya at sinilip ako ako. Parang tanga.
“Huwag ka na magalit…” bulong niya. “Hindi na mauulit.”
Hindi ko naman siya pinansin dahil nag d’drama lang naman siya. Hindi naman niya ako tinantanan at nakatitig lang sa akin doon. Akmang hahawakan niya iyong bangs ko pero lumayo ako. Kumunot naman iyong noo niya at lalong pinalungkot iyong mukha.
“Aayusin ko lang,” marahan niyang sabi.
Inirapan ko ulit siya saka tumalikod. Nakita ko naman na palapit si Ares saka Zeus. Naka-ngisi sila pareho. Inakma ko naman na itatapon sa kanila iyong tubigan ko kaya pareho silang napaatras.
Natawa naman ako.
“Bad ‘yon ha!” sigaw ni Ares saka lumapit. “Pangit ng mukha mo diyan?” baling nito kay Cupid.
“Galit ‘tong girlfriend ko.”
Ako talaga nagtitimpi lang e. Nilagok ko iyong tubig ko saka binuhos sa mukha ni Cupid iyong tira. Wala namang tira, well meron konti sapat na para mukha niya lang iyong mabasa. Ares awed samantalang si Cupid ay masamang tingin na bumaling sa akin.
“Sorry…” I said softly.
Pinitik naman niya iyong noo ko tapos ay magkabilang hinila iyong tali ng rubber shoes ko saka tumakbo. Naestatwa naman ako doon. Balahura talaga!
“Bwisit ka!” sigaw ko.
Inakbayan naman ako ni Ares saka nginisihan at nilapit iyong mukha sa akin.
“Huwag mo masyadong i-hate,” seryoso niyang sabi na ikinakunot ng noo ko. “Mas madali daw matalisod kapag ganon.” Kumindat pa siya sa akin. “Tapos nahuhulog.”
Siniko ko naman siya palayo. Umarte naman ito na parang nasaktan talaga. Yumuko naman ako para itali iyong shoelace ko.
“Umuwi na tayo, nagugutom na ‘ko!” reklamo ni Zeus.
Kinuha ko naman na iyong bag ko saka naglakad na doon. Nang malingon sa kaliwa ay nakita ko doon si Cupid na may kausap na lalaki. Nang magawi sa banda ko iyong tingin niya ay nagtama iyong mata namin.
Ngumiti siya sa akin at kumaway. Iyong ngiti saka mata niya…
Napakurap nalang ako nang hindi ko napansin na napahinto ako doon kaya napakamot ako sa noo noong makalapit siya sa akin.
“Tss. Baho mo,” sabi ko saka naglakad na.
“Napaka bad mo sa’kin!”
Kinabukasan, nakapasok na si Priam sa school. Wala na siyang cast sa paa pero hindi pa naman normal iyong lakad niya na kagaya ng dati.
“Ngayon pala i-a’announce iyong sa immersion?” sabi ni Priam nang makapasok sila nila Ares sa room.
“Paano mo nalaman?” tanong ko.
Galing silang labas at nag-gala since wala iyong instructor kanina. Na-miss ata ni Priam itong campus.
“Narinig namin sa ABM-C. Nag-aannounce iyong adviser nila.”
Pumangalumbaba naman ako doon. May practice pa nga pala kami mamaya ng Heart Sparks. Iyong PE namin kailangan ko nang matapos iyong steps para madali nalang ituro. Iyong thesis naman…
“Tapos na ba kayo sa thesis?” Bumaling ako sa kanila.
Umiwas naman ng tingin si Ares sa tabi ko at si Priam ay nag-kibit balikat.
“May nagawa na ako! Pero hindi pa tapos,” medyo matinong sagot ni Zeus.
Lumingon naman ako kay Cupid na nagsusulat sa table niya. Kumunot naman iyong noo ko kasi, wala naman kaming lecture? Umayos naman ako ng upo para makaharap sa kaniya. Tapos ay hinampas ko iyong table niya.
Nagulat siya doon saka ako masamang tiningnan. Nanliliit din naman iyong mata kong tumingin sa kaniya.
“Bakit?” marahan niyang tanong.
“Ano ‘yang ginagawa mo?”
“Secret.”
Inirapan ko naman siya saka lumayo ng kaunti.
“Iyong thesis,” simula ko.
“Oh?”
“Kailangan na iyong Chapter 2 sa Friday.”
Umayos naman siya ng upo saka humarap sa akin.
“Sa Friday na?”
I nodded. “Hindi ko kaya iyon i-finalize lahat. Gagawa naman itong tatlong ito dahil hindi naman sila bad pero kailangan ko iyon i-check,” paliwanag ko.
“Nandito lang kami ha,” bulong ni Ares. “Pero true naman na magpapass kami. Mamaya sigurong gabi.”
Siniko ko naman siya saka humarap ulit kay Cupid.
“Ikaw mag finalize noong iba,” utos ko.
Ngumiti naman siya nang nakakaloko kaya sinamaan ko siya ng tingin. He leaned his left elbow on his table and looked at me firmly.
“Kung ayaw ko?”
Sumimangot naman ako.
“Ayaw mo?” medyo madiin kong tanong.
Tumawa naman siya nang mahina.
“Gusto.”
“Good. I-sesend ko sa’yo iyong aayusin mo.”
Tumango tango naman siya pero iyong halatang napipilitan lang. Natahimik kami noong pumasok iyong instructor naming sa Business Managamment na subject. Doon subject namin need mag emersion.
“Okay class, we won’t be having discussion today as I will be announcing important matters about your emersion,” panimula niya.
Umayos naman ako ng upo at nakinig doon. She announced the pairs at kung sino iyong mga sama sama sa isang company.
“V and Ivy,” pagpapatuloy ni Ma’am, una sila sa sumunod na company.
“Ay bet!” segunda ni V.
“Psyche and Cupid.”
Bahagyang nanlaki iyong mata ko.
“Ana and Bianca. Those six will be working for Gozim Auditing Firm.”
Wala sa sariling napalingon ako kay Cupid na nakangiti ng malawak sa akin ngayon. Iyong walang mata habang nakapatong iyong ulo niya sa kamay niyang nasa table.
Maingay na iyong mga classmates ko lalo na iyong trip na trip iyong mga partners nila.
“Yes!” sigaw ni Ares sa tabi ko. “Makakagala tayo twing Thursday!” masayang sabi nito kila Priam at Zeus.
Ugh. Nakakainggit pero…
“We’ll introduce you to them tomorrow. And you will also start tomorrow.”
Isa ako doon sa mga nag react ng “luh”. Bukas agad? Napahilamos nalang ako sa mukha dahil… hindi pa ako ready!
“The school will assist you about the transportation tomorrow but for the following weeks, kayo na ang bahala doon. As for the simulation, we’ll also start the briefing tomorrow.”
“Luh brief daw.”
Hindi ko naman maiwasang matawa kay Ares pero siniko ko pa din siya. Papansin talaga ‘to.
Pagod ako nang maka-uwi sa bahay pero dahil masarap iyong ulam nawala naman iyong pagod ko ng slight.
“Napag-isipan mo na ba iyong gagawin sa birthday mo?” tanong ni Papa habang kumakain kami.
Noon ko lang naalala na sinabi niya nga pala sa akin iyon. Napahinto ako sa pagkain saka ngumiti nalang. Si Mama namna ay natawa lang sa akin.
“Bakit ba ayaw mo ng party, Ate?” tanong ni Asha.
18th birthday ko kasi iyon and nakasanayan dito sa Pinas na bonggang party kapag ganoon pero hindi ko bet. Magastos kasi iyon tapos saglit na saya lang. Wala din naman akong madaming friends kaya ma-s’stress lang ako sa pagiisip ng mga eighteen eighteen doon.
“Hindi ko lang type,” sagot ko kay Asha.
Ang naisip ko sana umalis nalang. Travel sana pero dito lang sa Pilipinas dahil gusto ko kasama iyong mga kulugo. Hindi pa nga lang ako makaisip kung saan. Gusto kong mag Batanes o Palawan pero… magastos din.
“Batanes?” tanong ulit ni Papa.
Ngumuso naman ako. “Mahal e.”
Natawa naman siya sa akin.
“Hindi naman ikaw iyong nag-t’trabaho bakit lagi mong iniisip ‘yan?” Umiiling na tanong niya sa akin.
“Kasi nga po hindi naman ako iyong nagt’trabaho…”
“Kung gusto mo sa Batanes. Pupunta tayo. Basta mag decide ka kaagad. Three weeks nalang,” seryosong sabi ni Papa.
Tumango naman ako at nagpatuloy na sa pagkain. Nang matapos ay pumanhik na ako sa kwarto at naligo. Maaga akong nakatulog dahil sa pagod, tingin ko.
Buti nalang at ginising ako ni Mama kinabukasan dahil nabanggit ko iyong sa emersion namin. Kung hindi, late ako unang araw ng work emersion.
Halos sabay lang kaming dumating ni Cupid sa campus. Gaya ko, hinihingal din siya. Nang magkatinginan kami ay ngumiti naman siya agad.
“Good morning!”
Hindi ko naman pinansin. Narinig naman kami noong mga iba naming kaklase doon. Hindi pa rin nila kami tinitigilan kahit na tinatanggi ko iyon lagi. Ito kasing si Cupid, mapagpatol. Nakikisakay lagi sa kanila.
Nasa may quadrangle kami dahil doon tinipon lahat ng mga napili for emersion. Magkatabi kami ni Cupid na kanina pa ako kinukulit dito. Nasa likod ko naman sila Ana saka Klein na mga napili din.
“Huhulas ang ganda ko dito Ma’am! Pakibilis!” maarteng sabi ni V na ikina-lingon ko.
May pag flip pa siya ng hair niya doon. Natawa lang naman ako at lumingon na kay Cupid nang maramdaman siya lumapit sa akin. Tumingala naman ako ng bahagya.
“Ano?” tanong ko.
“Nagugutom ako…” mahina niyang sabi.
“Hindi ka ba nag breakfast?”
Umiling naman siya ng mabilis.
“Na-late ako ng gising. Halos hindi ko nga naramdaman iyong tubig noong naligo ako e.”
Hindi ko naman alam kung natatawanan ko siya o susungitan. Nakaka awa naman kasi. Alam ko na kung bakit siya late. Inayos na iyong thesis kagabi. Nabasa ko sa group chat iyong mga messages nila Priam doon noong mga nagsipag send sila ng part nila. Alas tres na yata siya natapos.
Napabuga naman ako ng hangin kaya nag-sway iyong bangs ko saka ko kinuha iyong bag ko. Ni-open ko iyon saka nilabas iyong rebiscoe ko sa bag. Strawberry iyon. Paborito ko! Medyo hesitant pa ako noong inabot ko ‘yon sa kaniya.
“Oh.”
Nilaki naman niya iyong mata niya.
“Sa’kin nalang?”
Masama sa loob naman akong tumango.
“I love you talaga!”
Eksaherado naman akong lumingon sa kaniya saka tinapik iyong tyan na gamit iyong likod ng palad ko. Ngisi lang naman ang sinagod niya sa akin. Tinulak ko naman iyong mukha niya palayo.
“Resperto naman sa mga gusto lang naman pumila,” madiin na bulong ni V sa likod.
Hindi ko naman nakayanang ignorahin iyon. Lumingon ako sa kaniya at sumimangot.
“V!” tawag ko na parang nagrereklamo.
Ininis pa rin naman niya ako kaya gumaya iyong mga kaklase namin. Hindi ko naman sila pinatulan dahil lalo lang iingay kapag ganoon. Hindi pa naman sobrang tirik ng araw pero grabe iyong pawis ko.
“Ako Cupid tigilan mo sa ganiyan ah,” banta ko naman sa katabi ko.
Humarap naman siya sa akin at tumingin ng diretso habang ngumunguya.
“Appreciation ‘yon.”
“Tss.” Umiwas ako ng tingin. “Kung hindi mo lang ginawa iyong thesis hindi kita palalagpasin,” bulong bulong ko.
“Ano?”
Naurong naman iyong ulo ko. Bakit ba ang hilig niya sa ganoon? Iyong sisilipin niya iyong mukha mo. Feeling ko, nakikita na iyong booger ko kapag ganoon.
Tinulak kong dalawang daliri iyong noo niya palayo. Siya naman nakangisi lang at parang natutuwa pa sa ginagawa ko.
“Attention, everyone!”
Sabay sabay kaming umayos nang tayo nang marinig iyon. Mayroon pa ding mahihinang bulungan na hindi naman ata nawawala kapag may ganito. Nag-bigay lang naman ng instructions iyong si Ma’am.
Pinaalala niya ulit iyong mga dapat at hindi namin dapat gawin. Hindi ko alam kung nakikinig ba ako pero panay lang ang tulala ko doon. Ganoon daw kasi kapag inaantok.
“And lastly, be with your partner until we get there. Para hindi na kayo maghanapan pa pag dating doon.”
Tumingin ako kay Cupid na may pag lahad pa ng kamay niya. Ang feeling talaga.
Tinapik ko lang iyon saka nauna nang maglakad sa kaniya. Iyong school bus iyong gagamitin namin. Tatlong school bus din iyon at iyong mga hindi na kasya at sa van nalang.
Komportable naman kaming umupo ni Cupid sa loob. Ako ‘yong nasa may window seat gaya ng nakagawian. All of us are wearing white shirt and pants, ganoon ang ni-required ng office na ipasoot sa amin instead of the regular uniforms.
“Huwag mo akong tutulugan,” bulong ko kay Cupid nang maramdaman ko siyang parang humahanap na ng magandang pwesto.
“B’Bwelo pa nga lang,” bulong niya.
Hindi ko naman siya pinansin at pinanatili ang tingin sa labas. Naramdaman ko naman siyang umusog sa akin bago ko naramdaman iyong ulo niya sa balikat ko. Ginalaw ko naman iyon.
“Cupid!”
“Inaantok talaga ako, Psy…”
I groaned. “Wala akong kausap!”
Nag-angat naman siya ng ulo at tumingin sa akin. His eyes are bloodshot and his eyelids are falling.
“Oo nga ‘no,” he said in rough voice.
Napa-buntong hininga nalang ako.
“Bahala ka nga.” Tumingin na ulit ako sa labas. “Basta kapag kinausap kita, sumagot ka!”
Natawa naman siya saka binalik iyong ulo sa balikat ko.
“Sorry…” bulong niya. “Mamaya ikaw naman patutulugin ko…”
He slept the whole ride. Hindi ko na ginising dahil mabait naman nga kasi ako. He stretched his hands when I woke up him up when we arrived. Tapos ay tumingin siya sa akin. Naningkit naman iyong mata.
“May muta ka pa,” puna ko.
Nag blink blink naman siya doon saka inalis iyon.
“Meron pa?”
Umiling ako at inayos na iyong bag ko. Parang sumakit balikat ko doon ah. Kinuha ko iyong phone ko para tingnan iyong sarili ko. Naramdaman ko naman iyong paghawak ni Cupid sa bangs ko, inaayos iyon.
I shook it after, mannerism ko na ata iyong kapag inaayos iyong bangs ko. Naglagay din ako ng liptint saka humarap kay Cupid.
“Ayos na?” tanong ko.
Mabilis naman siyang tumango.
“Maganda.”
“Thanks.”
I stood up and watch him stretch more.
“Ayusin mo nga ‘yang buhok mo,” mahina kong sabi.
“Bakit?”
“Ang pangit. Ang gulo.”
“Ayusin mo.”
Umiling naman ako. “Ayaw ko nga. Malagkit.”
Parang na-offend naman siya.
“Wala akong nilalagay diyan. Hindi ba obvious?”
Pinanliitan ko naman siya ng mata.
“Wala ba? Malay ko kung hindi lang halata.”
Masama naman niya akong tingnan ay ngumuso na doon habang inaayos iyong sarili niya buhok. I “tsk” and helped him. Kunwari pa ‘to e. Pero infairness, wala ngang gel iyong buhok niya o kung ano mang nilalagay ng mga lalaki doon.
Si Ares kasi ang hilig. Ang lagkit lagkit.
Matapos noon ay tumayo na kami at bumaba. Naka-ngisi si V na pinagmamasdan iyong building. Ang sabi 4th and 5th floor ata iyong company na naka-assign sa amin. Medyo mataas na iyong sikat ng araw pero hindi pa naman masakit sa mata kapag pinagmasdan iyong building doon.
Natanaw ko pa iyong park sa kabilang side ng kalsada. Malawak iyon at may statue ng hindi ko lang sure kung sino.
Our instructor led the way. Hindi ko alam kung ako lang ba iyong medyo kinakabahan. Sila Ana parang chill lang. Itong kasama ko, ewan ko kung gising na ba talaga ‘to. Nang tumunog iyong elevator hudyat na nasa tamang floor na kami mas kinabahan ako.
“Kinakabahan ka?”
Nag-angat ako ng tingin kay Cupid nang magsalita siya.
“Bakit?”
“Hindi mapakali ‘yong kamay mo.”
Wala sa sarili naman akong napatingin sa kamay ko. I am constantly clenching and moving it. Ganoon ba ‘yon?
“Slight,” mahina kong sagot.
Ngumiti lang naman siya sa akin.
“Kung may kakabahan man, hindi ikaw ‘yon.”
My eyebrow creased. “Anong ibig mong sabihin?”
Umiling naman siya saka tumingin na sa harap. Ganoon din naman iyong ginawa ko. Pumasok kami sa isang office doon matapos makipag-usap ni Ma’am sa isang employee doon.
“Good morning,” bati noong babae sa amin nang pinaupo niya kami.
Conference room ata ito.
“I’m Cara. I’m the HR Head. You can call me whatever you want, just be respectful. I’ll be the one who’ll be assigning what department you’ll work with.”
Si V saka Ivy ay na-assign sa information. Ang sabi ni Miss Cara, doon daw ni-a’assess iyong mga clients if pasok sila sa requirement ng auditing firm for the firm to audit their financial statements.
Si Ana saka Bianca naman ay sa HR at kami ni Cupid ay sa Auditing. Sabi ni Miss Cara ito daw iyong mga auditor ng firm and usually participate in Audit Engagement. Ayon sa na research ko mayroong mga audit partners na employee and iyon iyong namimili ng mga auditors na mag paparticipate sa isang audit engagement.
She said our job will be to help. Not necessary do auditing pero we can assist daw iyong mga auditors if may mga minor things silang ipapagawa.
Sinamahan niya naman kami sa kaniya kaniya naming department kung saan kami na assigned at pinakilala doon.
Basically, introduce yourself iyong ginawa namin doon. Hindi rin naman nagtagal iyong instructor namin at iniwan na kami. The company gave us space kung saan kami mag-s’stay which is very nice of them. Warm din naman sila sa pakikitungo sa amin.
Nagtatanong sila anong year na kami since hindi sila pamilyar sa bagong system ng education ngayon na K-12. Dati kasi sa college lang may ganito and OJT na iyon. Hindi naman mapakali iyong mata ko sa kakatingin doon sa loob ng company.
It feels… new. Habang pinagmamasdan ko iyong pailigid doon, there this feeling that you can’t name. Feeling ko, tumatanda na talaga ako. I mean, I’m not eighteen yet pero I can feel that I’m growing. Masaya naman sa feeling.
“Happy ka?” bulong ni Cupid habang naka-upo kami sa mga table doon.
Tumango naman ako at ngumiti.
“Ako din.”
I made face kasi hindi ko naman tinatanong. Maaga kaming pinag-out. Mga 3 pm siguro dahil nga first day daw namin. Ang normal out dito is 5 pm. Tapos halos 2 hours pa iyong byahe kaya good luck nalang talaga sa amin.
“Gumala tayo girls!” malakas na sigaw ni V nang makalabas kami ng building.
Good idea iyon. Since maaga pa at malayo kami sa lugar namin masayang mamasyal. Nauunang maglakad sila Ana habang nakasunod naman kami ni Cupid. Napahinto ako noong hawakan ni Cupidn iyong braso ako at iharap ako sa kaniya.
Hindi pa ako nagsasalita ay umupo na siya at yumuko. I stilled when he touched my leg to still my foot. Dahan dahan niyang tinali iyong shoelace ko. Malakas na umihip iyong hangin kaya hinawi ko iyong buhok ko. Sakto naman siyang tumayo at tumingin sa akin.
“Baka magalit ka kapag napatid ka at madulas tapos hindi kita masalo.” He smirked as he tilted his head. “Though sure naman akong masasalo kita.”
Napakurap naman ako doon hanggang sa naging malumanay iyong hangin. The sound of the cars passing by and the horns of it didn’t distract me. Nakatitig lang ako sa mata ni Cupid habang nakatayo kaming dalawa doon.
There is really something about his eyes.