Chapter 16
Toast
Nasa room kaming lahat ni Priam nang sumunod na araw. I-momonitor pa siya before magbigay ng go-signal iyong doktor na pwede na siya lumabas. Lumabas naman sila Tita Janice para kausapin pa iyong doktor.
Lumingon kami kay Zeus nang pumalakpak ito ng mabagal.
“Okay,” he started. “Sabihin mo na sa amin ang dahilan ng pinag-gagagawa mo,” seryoso nitong sabi at lumakad palapit kay Priam.
Naupo siya sa space sa kama ni Priam habang ako ay naka-upo sa upuan na tabi nito. Iyong dalawa pang kulugo ay nakatayo malapit sa bintana.
“Si Aila…”
Sabay sabay kaming napabuntong hininga nang magsalita siya. Napasimangot naman si Priam at tumingin sa akin.
“Nag-uusap ulit kami. Last semester pa,” dugtong niya.
Nagtaas ako ng kilay dahil alam ko na iyon. Nasabi na ni Cupid pero gusto ko pa ring malinawan.
“Bakit?” tanong ko.
“Patay na patay siya doon Psy, ano ka ba naman,” singit ni Ares na may pag-iling iling pa.
“Tapos?” tanong ko, hindi na pinansin pa si Ares. “Ano na naman nangyari?”
Ngumisi siya at umiling na parang hindi alam kung sasabihin o kung paano sasabihin iyon.
“Iniwan ka?” segunda ni Zeus.
Tumingin naman sa kaniya si Priam saka umiling.
“Ginamit ako, pre,” mahina niyang tugon na nakapagpa-kunot ng noo ko. “Hiniwalayan siya noong boyfriend niya. Lumapit lang siya sa’kin para pagselosin ‘yon.”
Napa-iwas naman ako ng tingin at napabuntong hininga. Wala rin namang nasabi sila Cupid doon. That was ridiculous. I mean, ginagawa pa ba iyon ngayon? Napakasama ng ugali.
“Hindi ka ba nagtaka kung bakit lumapit na naman sa’yo? Niloko ka niya,” mabagal na salita ni Zeus.
Priam’s side lip rose as he shook his head.
“Mahalaga ba ‘yon?”
Mahinahon iyong pagsasalita niya habang nakatingin kay Zeus.
“Kasi mahal mo?” tanong ni Cupid na ngayon palang nagsalita. Napatitig naman ako sa kaniya, habang siya ay nakatingin lang kay Priam. “Hindi na mahalaga kung bakit. Basta bumalik.”
Mabagal namang akong napakurap doon at nag-iwas ng tingin nang bumaling si Cupid sa akin. His words lingered and somehow, affected me. Hindi ko alam kung bakit. I bit my lip and turned to Priam.
“Magagalit ka ba kung sasaktan ko ‘yon?” diretso kong tanong.
Napa-ubo si Ares at narinig ko naman ang pagpipigil ng tawa ni Cupid. Si Zeus naman ay napailing lang habang naka-ngiti.
“Hindi. Pero masasaktan din ako,” sagot naman niya na muntik ko nang ika-suka.
“Fine. That’s okay. Basta hindi ka magagalit.”
Mukha naman siyang nagulat. Napakurap kurap pa siya doon.
“Anong gagawin mo?”
I smiled sarcastically. “Kakausapin ko lang naman.”
“Duda ako,” singit ni Ares na may pagtaas pa ng kamay.
Ngumiti lang naman ako at napalingon nang magbukas iyong pinto. Tumayo ako nang makita sila Tita Janice doon. Ngumiti naman sila sa amin.
“Oh? Aalis na kayo?” tanong nito.
Lumingon naman ako bago humarap kay Priam.
“Opo, Tita. Babalik kami bukas.”
Tumango naman ito kaya isa isa na kaming nagpaalam. Nakasimangot pa sa akin si Priam pero nginitian ko lang siya. Sabay sabay na kaming lumabas doon sa ospital pagkatapos.
Nag-commute lang din kami kaya medyo natagalan kami ng pag-uwi. Kinabukasan, may pasok na naman. At naisip ko na magandang simulan ang unang araw ng pasok sa paghihiganti.
Kakausapin ko lang naman talaga si Aila, pero kapag sinaktan niya ako, e’di sasaktan ko din.
“Tell me you won’t do it,” bulong ni Cupid habang nakabuntot sa akin.
“Akala ko tutulungan mo ako?”
“Akala ko nagbibiro ka lang?”
“Kailan ako nagbiro?”
“Uh… never.”
Huminga namna ako ng malalim at binilisan ang paglalakad para makapunta sa college department. Humanda lang talaga sa’kin iyong babae na ‘yon. Buti nga at si Cupid lang ang kasama ko.
Natakasan ko sila kanina pero nahanap ako ni Cupid. Iyong dalawa, malay ko sa mga kulugong iyon.
Nang makarating sa building ng tourism ay napabuga ako ng hangin.
“Sigurado ka ba dito?” tanong na naman nitong kasama ko.
“Bakit ba parang natatakot ka? Kakausapin ko lang naman.”
“Gaya ng sabi ni Ares, duda ako.”
Inirapan ko naman siya.
“Pwede ka namang umalis.”
“Ayoko nga. Masaktan ka pa ‘don.”
Hindi ko naman na siya pinansin at naglakad na ulit. Dahil malay ko sa schedule ng babaeng iyon, nagtanong tanong nalang ako doon.
“Nasa may table doon, sa gilid ng building,” sagot noong babaeng napagtanungan ko.
Nga thank you naman ako at mabilis na naglakad doon. Ang dami namang nakatambay dito. Ganito ba ‘pag college? Laging wala prof.
“Hindi ka sumusugod sa lagay na ‘yan? Ang bilis mong maglakad.”
“Ang ingay mo.”
Huminto naman ako nang matanaw si Aila doon. May mga kasama siya pero paki ko? Walang hiyang babae ‘to. Women empowered women chenas pero kung ganito iyong babae lulubog talaga sa’kin ‘to.
“Kalmahan mo,” bulong ni Cupid na may paghawak pa sa balikat ko.
I shruged him off and walked towards their table. Mabilis namang nagtama ang paningin namin. Kilala niya ako, syempre. Nagtaas ako ng kilay habang pinagmamasdan siya doon.
She stood up and gave me a masungit face. Well, mas masungit ako.
“Excuse me,” salita ko, pertaining to her company. “Kakausapin ko lang sana si Aila. May kalandian kasi siyang ginawa na hindi ko mapalampas.”
Some of her friends pursed their lips. Si Cupid naman ay mahinang natawa, habang si Aila ay masamang tumingin sa akin. Lumapit naman din siya kalaunan.
“Anong kailangan mo?” madiin niyang tanong.
Nagkibit balikat naman ako.
“Makausap ka. Kung matino kang kausap.”
“Kung ayaw ko?”
“Hindi ako nagtatanong,” madiin kong sagot. “Balita ko kasi, ginago mo na naman iyong kaibigan ko.”
She chuckled and smirked.
“Iyon ba ang sabi niya sa’yo?”
Tumango naman ako. “Oo.”
“At naniwala ka naman?”
Ngumiti naman ako na parang nangiinis.
“Kanino naman ako maniniwala? Sa’yo?” malakas kong sabi. “Kung hindi ka pa nahuling nakikipaghalikan sa iba noong kaibigan ko na boyfriend mo at that time, baka… maniwala pa ako.” I even crossed my arms.
Sumama naman iyong mukha niya lalo na at narinig iyon ng mga students doon.
“I get it naman na malandi ka,” malakas ko ulit sabi. Lalo naman nanggalaiti iyong mukha niya doon. “Pero sana kinikilala mo kung sino iyong binabangga mo.”
“f**k you,” she said firmly. Nakita ko pa iyong pagkuyom ng kamay niya.
I smiled nonetheless. “Ew, no. I’m sure it’s much enjoyable when you do it with your boys.”
Some students made noise. Nakita ko naman iyong pagtalim ng titig ni Aila sa akin. She pushed me on my my chest kaya naatras ako. Ouch.
“Why are you doing this? You’re just his friend. Or… may gusto ka sa kaniya?” tuya niya. Tumawa pa siya pero mas malakas iyong sa akin.
Akala niya madadaan niya ako sa ganyan?
“Well sorry to disappoint you, totoo lang akong kaibigan. I bet kasi wala ka noon?” mahinahon kong sabi. “Wala akong gusto sa kaniya.”
“Sa tingin mo maniniwala ako? You’re probably doing this kasi hindi ka niya magustuhan! Sa akin ka nagagalit ngayon?”
Inayos ko naman iyong bangs ko at humakbang palapit sa kaniya. Tunulak naman niya ako ulit.
“Ano?” sigaw niya pa.
Naramdaman ko naman iyong hawak ni Cupid sa likod ko. Bumuga naman ako ng hangin na ikina-galaw noong bangs ko.
“Hindi mo ba nakikita itong kasama ko? Unlike you, sinusuportahan ako ng boyfriend ko. Iyong mga lalaki mo nasaan?” mabagal kong sagot.
Kapag itong si Cupid hindi umarte ng maayos, sapak ang aabutin sa akin nito. Lumingon naman si Aila sa likod ko.
“Sorry, miss. Ako ‘yong mahal na mahal nito,” salita ni Cupid.
Ah. Siraulo nga pala ito. I pursed my lips. Hindi ko alam kung bakit natatawa ako doon sa sinabi ni Cupid.
“Nakita ng lahat na tinulak mo ako, Aila. So…” I inhaled. “Itong gagawin ko, self defense,” bulong ko.
Isang sampal iyong ginawa ko sa kaniya. Hindi niya inaasahan iyong kaya halos mapaaupo siya sa sahig. Hawak niya iyong kaliwang pisngi niya nang lumingon sa akin.
“Kung nag-sorry ka sana, hindi n akita papatulan. Kaya lang ang sakit mong manulak,” I mumbled sarcastically.
“You b***h!” sigaw niya.
Susugod naman siya sa akin nang humarang doon si Cupid.
“Bawal saktan ‘to. Sorry.”
I chuckled behind him. May ilan naman lumapit kay Aila na mga kasamahan niya kanina.
“Tama na ‘yan, Aila. Malalagot ka niyan.”
“Bakit ako?! This b***h hurt me!”
“Nauna kang nanakit. Tara na.”
Nang makaalis sila ay noon ako hinarap ni Cupid. Hinawakan niya ako sa dalawa kong balikat ay tiningnan ng mabuti.
“Nasaktan ba ‘yong girlfriend ko?”
Napatitig naman ako sa kaniya. Halos masuka na. Hindi naman niya napigilang matawa.
“Gago,” bulong ko.
Kunwari naman siyang bumuntong hininga at inayos iyong bangs ko.
“Buti nalang hindi ka nasaktan,” parang malungkot niyang sabi.
“Ikaw masasaktan ka sa’kin,” bulong ko na ikina-ngisi niya.
Lumayo siya ng bahagya. Tapos ay hinawakan iyong kamay ko. Ako naman ay masama ang mukha lang na nakatingin sa kaniya.
“Tara na girlfriend ko, umalis na tayo dito…”
Hindi niya ako pinagsalita at hinila na doon. Isa pa itong may toyo sa ulo. Hinayaan ko lang naman siya hanggang makaalis kami ng college department. Nang nandoon na kami sa may building namin ay kinuha ko na iyong kamay ko pero hindi niya binitawan.
“Kamay ko!” Hila ko.
Nginisihan lang naman ako ni Cupid at tumakbo. Gago talaga ‘to. Ang haba haba kaya ng legs niya! Nang makarating malapit sa gate ay huminto siya. Hingal na hingal naman ako doon at ni hindi ko siya mahampas.
“Napagod ba ‘yong girlfriend ko?”
“Isa pang sabi mo niyan tatamaan ka talaga sa’kin!”
“Matagal na akong tingmaan sa’yo.”
Sinipa ko na siya doon. Umiwas naman siya pero dahil hawak niya pa din ako, nadadala din ako.
“Bitaw nga!”
Tawa lang naman iyong sinagot niya sa akin. Hanggang sa makalabas kami ng gate, hawak niya ako at pilit ko naman siyang sinisipa.
Binitawan niya din naman ako noong mapagod na siya.
“Hoy!”
Napalingon kami sa malakas na sigaw na iyon. Nakita naman namin si Ares saka Zeus sa may terminal ng trike.
Naglakad si Ares papunta sa amin na nakakunot iyong noo. Tunuro niya pa kaming dalawa.
“Nakita ko ‘yon!” malakas niyang sabi. “Magkahawak kamay kayong dalawa!”
Napabuntong hininga naman ako nang humarap siya sa akin.
“Naglalandian kayo! Nakita ko huwag niyong itatanggi!” dugtong niya pa.
Lumingon naman ako kay Cupid na nagkibit balikat lang. Inirapan ko naman siya.
“Ito kasing-”
“I’m happy for you!” sigaw na naman ni Ares saka humalakhak doon na parang nasiraan ng turnilyo.
Iyong mukha ko naman, hindi na maipaliwanag.
“Sabi na magkakatuluyan kayo! Bagay nga kayo!”
Tarantado.
“Thank you, Ares,” sagot ni Cupid na may pagtango tango pa. “Uwi na tayo. Pagod na ‘tong girlfriend ko.” Inakbayan pa ako ng kupal.
Napatingin naman ako kay Zeus na nakakunot lang iyong noo sa amin.
“Siraulo. Doon ka nga,” taboy ko kay Cupid.
Kinabukasan, maulan. Kulay abo iyong langit at magaan na pumapatak iyong tubig. Sinabi namin kahapon kay Priam iyong nangyari kay Aila. Wala naman na siyang magagawa. Sana naman ngayon natauhan na siya na hindi magtitino iyong babae na iyon.
O kung magbabago man, hindi para sa kaniya. Ito namang si Ares, sinabi ko na iyong sa amin ni Cupid ayaw pa kaming tantanan.
“Kayong mag-jowa! Bilisan niyo! Mauubusan tayo ng table sa canteen!”
Gusto ko nang hambalusin iyong mukha niya. Tanong tuloy ng tanong iyong mga kaklase namin kung kami ng ani Cupid. Langyang Ares ‘to.
“Girlfriend ko, bilisan mo.”
Galit naman akong humarap kay Cupid pero ngiting aso lang iyong binigay niya sa akin. Nauna na siyang maglakad dahil kung hindi masasaktan talaga siya.
“Swerte ba tayo na hindi nagsumbong iyong Aila?” bulong niya habang naglalakad kami. Nagkibit balikat naman ako.
“Kasalanan niya naman iyon.”
“Sayang. Ang sama ng ugali.”
“Maganda sana?” dugtong ko.
Lumingon naman si Cupid sa’kin.
“Pero ikaw pa din ang pinaka maganda.”
Huminto ako dahil ako naiinis na talaga. Nagtaas naman agad siya ng kamay.
“Respeto sa mga gusto lang naman maglakad…” mabagal na sabi ni V nang nilagpasan kami doon.
Mabilis naman sa tumakbo si Cupid noong inambahan ko.
“Nakakainis ka talaga!” sigaw ko habang hinahabol siya doon.
Tawa lang naman niya iyong narinig ko. At iyong ngiti niyang malawak. Madulas sana siya.
“Magkakasakit ako, Psy!” sigaw niya dahil wala naman siyang payong.
Ako ba iyong tumakbo? Huminto ako kaya nakangisi siyang lumapit sa akin. Tinaas ko naman iyong payong dahil matangkad siya. Iyong white teeth niya, pinagmamayabang niya na naman.
Tumitig lang naman siya sa akin doon. Nasa gitna kami ng quadrangle, habang umuulan. Naramdaman ko naman iyong paglakas noon kaya lumapit pa ako kay Cupid para hindi siya mabasa. Nang magbalik ang tingin ko sa kaniya ay nakatitig pa din siya sa akin.
“Ano?” asik ko.
Umiling naman siya at ngumiti.
“Hoy Psyche! Napicture’an ko na kayo! Titgilan niyo iyang paglalambingan sa ulan nakakasama iyan!”
Napalingon naman kami kay Ana saka Klein na nandoon. Siniko ko sa tyan si Cupid saka lumakad na. Mabilis naman siyang sumunod dahil mababasa siya. Kinuha niya iyong payong sa akin at siya ang naghawak noon.
“Se’send ko sa’yo huwag kang mag-alala,” dugtong pa ni Ana.
Tumawa lang naman si Klein at tiningnan ako nang mapangintriga.
“Sa’kin din!” singit naman ni Cupid.
Naging busy kami buong week. May practice kasi kami ng PE at iyong Heart Sparks din. Tapos ay dinadalaw din namin si Priam at nagbibigay ng notes sa kaniya na hindi naman niya binabasa.
Nakalabas na siya kahapon, Sabado. Thank God. Mayroon pa rin siyang cast sa braso saka papa pero inalis na iyong benda sa ulo niya. Mayroon nalang siyang bandage sa noo. Iyong buhok niya, kinalbo. May tahi din kasi siya sa likod ng ulo. Kung hindi pa talaga naalog ang utak niya ewan ko nalang.
“Sabi niya nga iyon, Cupid,” naiinis na sabi ko dito sa kasama.
Sunday ngayon at nandito siya sa bahay dahil may partnership nga kaming dalawa. Iyong kay Thalia. Wala pa nga siyang progress doon. Nakaka-one month na kami sa second semester.
“Anong sasabihin ko?”
Nag-uusap kami ngayon tungkol sa pag-gawa ng letter. Nagka-usap kasi kami ni Thalia noong Wednesday dahil may practice noon ng Heart Sparks. Hindi ko alam kung paano ko natanong iyong hilig niya sa romance pero sinabi niya na she finds it sweet kapag sinusulatan ng lalaki iyong babae. It shows effort daw kasi.
Agree din naman ako. Kaso itong si Cupid, wala atang sweets sa katawan. Hindi daw niya alam paano i-e’express iyong damdamin niya.
“Well, hindi naman maganda kung sasabihin mo kaagad iyong tunay mong damdamin…” kalaunan kong sabi, hindi rin alam ang gagawin.
“Anong lalagay ko?”
“Ewan ko!” mabilis kong sagot, naiinis na. “Malay ko ba kasi diyan.”
Natawa naman sa akin si Cupid pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Nasa lapag kami naka-upo sa sala at nagsusulat doon sa center table. Mayroon na kaming papel and envelope para sa sulat pero wala naman kaming mailagay.
Ano bang sinasabi kapag ganito?
“Alam ko na!” malakas kong sabi.
Naningkit namna iyong mata ni Cupid sa akin.
“Mag-search tayo!”
Bumagsak iyong balikat niya doon.
“Oh bakit?” tanong ko naman. “Wala ka ngang maisip diyan e. Idea lang naman.”
Kinuha ko naman iyong phone ko at nag search na doon. Si Cupid naman busy na nakatitig sa papel na wala namang sulat. Scroll namna ako ng scroll dahil ang corny noong mga nandoon. Parang hindi bagay kay Cupid.
Lumingon naman ako kay Cupid noong makita siyang nagsusulat doon.
“May naisip ka na?” usisa ko.
Ngumisi naman siya sa akin. Hinintay ko naman siyang matapos doon. Pinakita namna niya iyong white teeth niya sa akin nang matapos siya. Kunuha ko nalang sa kaniya iyong papel saka binasa iyon.
There is something in your eyes, that made me stilled like an ice
There is something about the way you talk, it always gets me hooked
There is something about you, please send me a clue
Are you interested in me, as I am with you?
Inulit ko pa iyon habang tinitingnan siya. Ang ganda.
“Saan mo ‘to na search?” tanong ko.
Sumimangot naman siya.
“Nakaka-hurt ka ha. Sa akin ‘yan.”
Tiningnan ko naman siya na parang hindi naniniwala. Sa huli ay ngumiti din naman ako.
“Ang ganda.”
“Talaga? Nagustuhan mo?”
Tumango naman ako.
“Magugustuhan din ni Thalia ‘yan.” Pinatong ko naman iyong phone ko sa table. “Kailan mo ibibigay?”
Ngumisi lang naman siya.
“Ako nang bahala.”
Tumango naman ako. “Dapat lang.”
Tumayo naman ako doon pagkatapos.
“Saan ka pupunta?” tanong niya.
“Sa kitchen. Maghahanap ng pagkain.”
Tumayo rin naman siya.
“Sama ko.”
Hindi ko naman na siya pinigilan. Nang makarating sa kitchen ay binuksan ko kaagad iyong ref para maghanap doon. Napanguso naman ako kasi wala.
“Alam mo pano iyong French toast?”
Lumingon naman ako kay Cupid at umiling.
“Gusto mo ‘yon?” tanong ko.
Nagkibit balikat siya.
“Oo.”
“Ikaw gagawa?” segunda ko nang nakangisi pa.
Ngumiti lang naman siya at tumango. Sinabi namna niya sa akin iyong mga gagamitin at mayroon naman kami noon dahil mga basics lang din. Nagpresinta din naman akong tumulong dahil mabait ako.
“Nalunod na!” malakas niyang sabi.
Sumimangot naman ako lalo na noong natawa siya. Sabi kasi niya ialagay ko daw iyong bread sa egg e’di nilagay ko.
“Mabilis lang dapat.”
“Sabi mo lagay ko e.”
Hindi ko alam kung bakit siya natatawa habang naka-kunot lang iyong noo ko doon. Kumuha naman siya ng bread at ginawa iyon habang nakatingin ako.
“Fine. Akin na nga. Ganoon lang pala.”
Napailing naman siya at binuksan iyong stove. Naglagay siya doon ng butter tapos noong mainit na ay nilagay niya iyong bread na ni-soak sa egg saka milk. Pinanood ko lang naman siya doon.
Nang ma-toast na iyong bread ay nilagay niya doon iyong ham saka mozzarella cheese. Hinayaan niya iyon sandal saka kinuha. Nnang malagay na sa plate ay tumingin siya sa akin saka ngumisi. Nagyayabang na naman.
Sinamaan ko nalang siya ng tingin at kinuha na iyong isa. Noong kinagat ko, ang yummy tingnan. Iyong cheese kasi ang cute. Pero infairness, masarap. Normal na ham lang naman iyong palaman saka cheese pero nakadagdag iyong bread with milk and egg.
“Sarap,” salita ko na may laman pa iyong bibig.
He chuckled lightly.
“Ikaw ang unang tao na pinagluto ko.”
Kumunot naman iyong noo ko at nanliliit iyong mata na tiningnan siya. Hindi ako naniniwala. Humarap naman siya sa akin. Tinagilid niya pa iyong ulo niya habang pinagmamasdan ako.
“Ganoon ka kalakas sa’kin.”