Chapter 15
Stars
“A-Ano?” nauutal kong tanong.
Napakurap naman si Ares bago litong napatingin ulit sa cellphone niya. Halos manginig pa iyong kamay niya doon habang pumipindot.
“Sabi ni Tita Janice… nasa ospital daw sila. Nagtext din sa’kin si Mama…”
Napakurap lang naman ako doon habang pinoproseso iyong sinabi ni Ares. I gulped and breathe.
“Bakit daw? Saang ospital?” tanong ni Zeus.
Wala sa sarili akong napakurap doon. Halos hindi ko narinig iyong sinagot ni Ares. The people outside looks like wind passing by.
“Psyche…”
Mabilis naman akong napalingon kay Cupid. Nakakunot iyong noo niya habang pinagmamasdan ako.
“Huminga ka nga,” parang naiinis niyang sabi. I licked my lips and tried to think as I looked at Ares again.
“Puntahan na natin,” mabilis kong sabi.
“Nabangga daw sabi ni Mama. Nasa opeating room pa,” mabagal at mahinahon na sabi ni Ares.
My mouth gaped and I stilled. Mabilis iyong kabog ng dibdib ko dahil sa kaba.
“Puntahan na nga natin,” medyo malakas kong sabi saka sila tinalikuran doon.
Nabangga? Bakit iyon mababangga?! Napahinto ako nang may humila sa akin. Lumingon ako kay Cupid na naka hawak sa sleeves ng damit ko.
“Dito,” mahinahon niyang sabi saka naglakad papuntang waiting shed.
We need to ride the bus. Right. I bit my lip as I try not to think too much. I also clench my fist dahil hindi ako mapakali doon. Malalim din ang aking paghinga habang nakatingin kung saan manggagaling iyong bus. Lumingon naman ako kay Ares nang hindi makayanan.
“Bakit daw nabangga? Saka anong nakabangga? Nasaan ba siya?” sunod sunod kong tanong.
Tumitig lang naman si Ares sa akin. Tila hindi rin alam ang isasagot.
“Hindi sinabi ni Mama…”
Nagiwas ako ng tingin at halos mataranta na doon. Napakatagal naman ng bus! Mainit na nakatutok iyong araw sa amin pero hindi ko ininda iyon. Bumuga ako ng hangin. Nang dumating iyong bus ay nagmamadali akong sumakay doon.
Katabi ko si Ares nang makasakay kami. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Lalo na sa katotohanan na nasa operating room iyong kulugo na ‘yon! Ano bang pinag-gagagawa niya?
“Psy…” tawag pansin ni Ares.
Nilingon ko naman siya. Napakurap kurap ako kasi, sumasakit talaga iyong dibdib ko! Halos kapusin ako ng hininga kasi… si Priam ‘yon e!
“Huwag ka ngang umiyak…” reklamo niya. “Naiiyak ako e.”
Inirapan ko naman siya. Kumurap kurap ako doon kasi bakit baa ko naiiyak?! Suminghot pa ako doon saka tumingin nalang sa bintana. Ang tagal naman ng byahe!
It was like I’m counting every minute noong nasa byahe kami. Hindi ko alam ang gagawin ko at ayaw ko nang mag-isip nang kung anu-ano. Ang mahalaga makita ko si Priam. Ano na naman bang katarantaduhana ng pinag-gagagwa niya at nasa ospital siya ngayon?!
Mabilis iyong lakad ko nang makarating kami sa ospital. Nagtanong ako nasan iyong operating room at nasa taas pa iyon. Ang bagal pa ng elevator kaya naghagdan ako. Sumunod naman iyong tatlo na walang sinasabi.
Nang matanaw sila Mama doon, napatakbo na ako.
“Ma!” sigaw ko. Napakunot na iyong noo ko at nagpunas ng luhang hindi pa man tumutulo. “Anong nangyari?”
Malungkot naman siyang tumingin sa akin bago kami tiningnang apat.
“Tapos na ba klase niyo?”
“Mama…” hinawakan ko siya sa braso. Nandoon si Tita Janice na umiiyak habang hawak ni Tito Mark.
Hinagod naman ni Mama iyong likod ko. “Thirty minutes na siyang nasa loob.”
“Ano ngang nangyari, Mama? Bakit naaksidente?” namamaos kong tanong.
Umiling naman si Mama. “Gamit niya iyong motor niya-”
“Di’ba hindi na iyon pinapagamit? Naaksidente na siya doon e!” hindi napipigilan kong sigaw.
Hindi malala iyong dati at konting gasgas lang iyong natamo niya noong una niyang ginamit iyon. Regalo ni Tito Mark iyon sa kaniya pero binawi din at sinabing saka na niya gamitin kapag tumanda na siya. Sang-ayon ako doon dahil delikado talaga.
Bumuntong hininga naman si Mama.
“Hindi rin alam nila Tita mo kung bakit ginawa iyon ni Priam, anak. Ang sabi nila, matamlay siya noong mga nakakaraang araw…”
Napalabi na ako. Sigurado akong namumula iyong mata ko kakapigil ng luha! Parang naninikip din iyong dibdib ko dahil doon. Lumingon ako kay Zeus pero umiling lang siya.
“Wala na siyang sinabi sa amin after noong…” hindi niya tinapos.
After noong nalaman ko iyong kay Aila. I clench my fist. Kapag ito, may kinalaman sa babaeng iyon, hindi na talaga ako mag titimpi. Mabilis naman akong napalingon sa kanan ko dahil sa paghawak ni Cupid sa palapulsuhan ko doon.
“Masasaktan ka,” mahina niyang sabi saka inalog alog pa iyong kamay kong naka kuyom.
Napabuntong hininga naman ako at binawi iyon. Hinawakan naman niya iyong dalawang balikat ko at pinaupo sa mga bench doon. Hindi na ako umangal dahil feeling ko ay nanghihina din iyong tuhod ko.
We spent hours, waiting for the doctor to come out. Nang dumating iyon ay sabay sabay kaming napatayo. Tinanggal naman noong doktor iyong mask niya bago humarap sa amin.
“We did our best…” he started. “It’s up to him now. He has three long stitches in his body. Some bone fractures and bruises. It will take some time to heal. As for the patient’s consciousness, we cannot determine for now. But his vitals are okay…”
Napahinga ako ng malalim doon. Tita Janice nodded as Tito Mark soothes her. Sinabi noong doctor na ililipat na sa private room si Priam. Nag-usap naman sila Mama na sila na ang bahala sa mga kakailanganing gamit at mag stay nalang sila Tita Janice doon.
Tiningnan ko ng masama si Cupid nang ipatong niya iyong kamay niya sa ulo ko. Hinawi ko naman iyon saka ko inayos iyong bangs ko.
“May uhog ka,” bulong niya.
Mabilis ko namang nilagay iyong kamay sa ilong ko saka ko siya hinampas dahil wala naman. He chuckled briefly.
“Malakas iyong si Priam kaya gigising iyon agad. Takot pa naman sa’yo ‘yon,” kalaunan niyang sinabi.
Napalabi naman ako at nag-iwas ng tingin. Zeus smiled at me and Ares sat beside me.
“Tarantado iyon, ano? Ipapa yupi ko iyong motor niya!” sigaw niya sa tenga ko.
Kumunot namna iyong noo ko.
“Kailangan kong malaman kung anong ginawa ni Aila doon,” matigas kong sabi na ikina-laki ng mata nila.
“Psy…” parang kabadong tawag ni Zeus.
“Sigurado akong tungkol ‘to sa kaniya. Huwag na huwag niyo akong pipigilan dahil tatamaan talaga kayo sa’kin,” banta ko sa kanila. Tiningnan ko pa sila isa isa.
Mabilis naman na nag-taas ng kamay si Cupid na parang sumusuko na. Sinabay kami ni Mama pauwi ni Cupid para makapag palit daw kami ng damit. Sinabi ni Mama na bukas na ulit pumunta pero tumanggi ako. Sabi ko ay babalik ako dahil gusto kong makita si Priam.
Si Tita Pia naman iyong nagsabay kay Zeus. Wala si Tita Sally dahil nasa work pa daw.
“Sasama ako sa’yo pabalik,” sabi ni Cupid nang makarating kami.
Tumango naman ako at hindi na siya pinigilan. Alam kong naging malapit naman siya talaga sa tatlong kulugo na iyon.
“I-c’chat kita kapag aalis na ako,” sagot ko na tinanguan niya.
Hinintay niya pa akong makapasok sa loob bago siya umalis doon. Naligo ako pagkapasok ko ng bahay at kumain na din, kahit pa nawalan ako ng gana. Hindi ko kasi talaga maimagine si Priam na nasa ospital.
At iyong sinabi ng doctor? His wounds are brutal! Hindi ko siya kayang makita nang ganoon. Noong mga bata kami, umiiyak pa ako kapag may isa sa aming nasugatan kaya ngayon, hindi ko talaga kaya.
Sinabay ulit kami ni Mama pabalik. Hinintay namin siya ni Cupid dahil galing pa sila sa bahay nila Tita Janice dahil kumuha silang gamit. Kasama na niya si Papa. Sumakay kami ni Cupid sa likod.
“Magandang gabi po,” bati ni Cupid nang makita si Papa doon.
Ngayon pa nga lang pala sila nagkita. Lumingon naman sa amin si Papa mula sa frontseat.
“Ikaw iyong Cupid?” Ngumiti si Papa nang sumagot si Cupid. “Magandang gabi din. Sila Zeus?”
“Hindi ko naka-usap Papa.”
Nang makarating sa ospital ay nandoon na si Priam sa private room. Napanguso na naman ako noong makita siya doon. May benda iyong ulo niya, naka cast iyong right hand niya tapos at mayroon din sa left foot.
I wiped my tears with both of my hands when I saw him. Lumingin pa ako kay Cupid na nandoon din. He looked at me and smiled warmly. I licked my lips and breathe. Tapos ay lumapit ako doon sa bed niya.
He’s sleeping like how he used to. Hindi ko naman alam kung saan siya hahawakan kaya nanatili iyong kamay ko sa may railings noong kama. Cupid went to the other side.
“Iyong nakabangga, Tita?” tanong ko at lumingon sa likod.
Umiling naman si Tito Mark.
“The police checked. Over speeding si Priam at siya iyong biglang sumulpot sa may intersection,” paliwanag niya. “The car driver agreed to settled the case since wala naman nasaktan sa kanila.”
Huminga ako ng malalim. So it was a car. I don’t know if it was something to thank for pero kung mas malaki doon iyong nakabangga sa kaniya, it’ll be worst. And I don’t want to think about it.
Nag-stay kami ni Cupid doon for an hour bago kami lumabas. Nag-uusap pa sila Mama at Papa saka sila Tito sa loob kaya nauna na kami ni Cupid lumabas.
“Tutulungan kita,” out of nowhere niyang sabi na ikina-kunot ng noo ko.
“Saan?”
“Kay Aila,” sagot niya tapos ay nag-kibit balikat. “Kung makikipag bardagulan ka, sisiguraduhin kong masasaktan mo siya pero ikaw, hindi niya mahahawakan.”
I don’t know if that’s appropriate but I smiled. Iniling ko nalang iyong kalokohan niya.
“Sigurado ka diyan?”
Tumango naman siya agad.
“Siguradong sigurado. Sabihin mo lang kung kailan at saan.”
Binaba ko naman iyong brim ng cap na soot niya dahil puro siya kalokohan.
Kinabukasan ay pumasok kami sa school. Hindi naman kasi kami ma-e’excuse kung a’absent kami. Tita Janice went here earlier para ipaalam iyong nangyari sa adviser namin. Alam na din ng mga classmates naming iyong nnagyari kaya nagtanong iyong iilan.
Gusto rin nilang dumalaw pero hindi pa naman gising si Priam kaya sinabi namin na sasabihin nalang namin kapag naging conscious na siya.
But Priam didn’t wake up for the next few days. Kahit pa sa loob loob ko, hindi maganda iyong nararamdaman ko, I keep praying that he would wake up already.
Sabado nang gabi nang sinabi sinabi ko kila Tita na ako muna iyong magbabantay doon. For the whole weel sila iyong nandito, sinasalisahan lang nila Mama kapag maliligo sila or gusto may kukuhanin sa bahay.
Cupid was with me. Sila Zeus at Ares ay susunod maya maya. Halos kakaalis lang din nila Tita. Naupo naman ako sa upuan sa tabi ng kama ni Priam. I sighed and looked at him firmly. Naiinis na ako, Priam. Ang tagal tagal mo nang nakahiga.
“May gusto ka bang kainin?” mahinang tanong ni Cupid sa likod ko.
Nilingon ko naman siya. Napanguso ako. Mag aalas diez na din at dahil kanina pa ako kumain, medyo nagugutom ako.
“Lalabas ka?”
Umiling siya. “Hindi dito lang. May mabibilhan ba dito?” seryoso niyang sagot.
“Gago,” bulong ko.
Natawa naman siya ng bahagya.
“Aabangan ko na din sila Ares sa labas. Anong gusto mo?”
Sinabi ko naman iyong ipapabili ko sa kaniya. I gave him my money but he declined. Si Ares daw iyong pagbabayarin niya. Pumayag naman ako dahil rich kid naman iyong kulugo na iyon. Kaysa sa babae niya pa igastos sa akin lang.
Maingay naman sila noong mga nagsidating. Ayos na din iyon para hindi lumilipad iyong utak ko. Madaming binili si Cupid na pagkain kaya nagsama sama kami doon sa may mini table.
“Langya nito si Cupid papasama bumili tapos noong bayaran hiningi iyong wallet ko,” reklamo ni Ares habang si Cupid naman ay natatawa.
“Binigay mo naman,” segunda ni Zeus.
“Sabi niya sabi daw ni Psy ako magbayad! Sinungaling amp!”
Natawa naman ako habang ngumunguya ng chichirya.
“Takot yarn?”
“Talaga,” sagot niya sa akin.
Nang mag-aalas dos na isa isa na silang humanap ng pwesto sa lapag para matulog. Ako naman ay nagtoothbrush saka naghilamos. Paglabas ko, bagsak na silang tatlo. Lumapit naman ako kay Priam saka naupo ulit doon sa tabi niya.
Tinitigan ko lang siya doon hanggang sa inantok ako. I woke up because of the slight movement I felt. Mabilis akong nagangat ng tingin dahil sa gulat. Napatayo naman ako noon maramdaman na gumagalaw iyong kamay ni Priam.
Na-estatwa ako doon habang pinagmamasdan na gumalaw iyong eyelids niya. Naramdaman ko iyong paglalim ng hininga ko habang unti- unting kumakabog iyong dibdib ko.
“Priam?” tawag ko, halos mautal pa sa isang salita na iyon.
I lift my hand to touch him, but I end up clenching it. Nang magtama iyong paningnin naming dalawa, tumulo iyong luha ko. Nakita ko naman kung paanong kumibot iyong gilid ng labi niya.
“Gago ka,” mahina kong sabi.
Matamlay naman niyang kumurap habang nakamasid pa din sa akin. Suminghot naman ako habang pinagmamasdan pa din siya.
“S-Sorry…” he mumbled. Halos hindi ko iyon narinig dahil sa pagkapaaos ng boses.
Umiling naman ako saka siya hinawakan sa braso. I wiped my tears and looked at him firmly.
“Wait lang.” I wiped my nose and turn around.
Lumabas ako ng room niya para pumunta sa nurse station at sabihin na nagising na si Priam. The doctor should see him! Magalang naman na tumango iyong nurse at nagpunta na doon. Hindi rin naman nag-tagal ay dumating iyong doktor.
Isa isang tumayo iyong mga kulugo doon habang ako naman nagpipipindot sa cellphone ko para tawagan si Tita Janice. Mabilis lang naman niyang sinagot iyon.
“Tita…” I started. “Gising na po si Priam.”
Narinig ko iyong iyak ni Tita at iyong pagtawag niya kay Tito Mark. Pinatay ko na iyong tawag at humarap sa loob. I saw Cupid behind me. He smiled a little to me pero napasimagot ako.
“Everything is fine…” salita noong doctor na ikina-lingon ko. “I will talk to his parents again when they come. Did you call them?”
Tumango naman ako ng sunod-sunod saka nag-thank you. Nang makaalis iyong doctor at nurses ay sabay sabay kaming humarap kay Priam na nakamasid lang.
“Welcome back, bro! Panibagong katangahan na naman ang nagawa natin!” sigaw ni Ares.
Hinawakan ko naman siya sa braso at tiningnan ng masama. Ngumiti si Priam at nailing lang naman si Zeus.
Zeus help Priam on his bed, itinaas niya iyon habang si Cupid ay inabutan siya ng tubig. Ngumisi lang naman si Priam nang tingnan namin siya pagkatapos.
“Ano?” Isa isa niya kaming tiningnan. “Oo na. Magalit na kayo.”
Napabuntong hininga ako bago naglakad palapit sa kaniya.
“Alam mo ba kung ilang araw kang tulog na kupal ka?”
Umiling naman siya ng sunod sunod.
“Six days! Hala, araw araw kayang umiiyak si Psyche!” sagot ni Ares.
Kumunot naman iyong noo ko habang tiningnan ang kaibigan. He looks… weak. Parang ang sakit sakit noong mga sugat niya! Nakakainis talaga!
“Ano bang pinaggagagawa mo?” mahina kong tanong.
Huminga naman ng malalim si Priam bago tumingin sa akin.
“Katangahan.” He smiled a little. “Karma ko ata dahil nagalit ako sa’yo.”
“Huwag mo ngang sabihin ‘yan. Hindi ko gugustuhing mangyari ‘yan sa’yo,” malinaw kong sabi.
Bumuntong hininga naman ako dahil gusto kong itanong kung bakit niya ginawa iyon! Bakit niya ginamit iyong motor niya? At bakit ganoon siya magpatakbo? Pero huwag muna. Magagalit kasi talaga ako at ayaw ko ‘yon mangyari ngayon.
“Tatanungin na ba natin kung bakit niya ginawa iyon or…” singit ni Cupid na ikinalingon namin. Tumango tango naman siya agad. “Next time nalang. Okay.”
Naputol iyong usapan namin noong dumating sila Tita Janice at Tito Mark. Sabay sabay naman kaming lumabas na apat para bigyan sila nang space. Doon ko lang napansin na mag aalas singko palang ng umaga.
Humikab si Cupid kaya nagaya din ako. Tapos si Ares saka si Zeus.
“Sino ba ‘yang humikab na ‘yan?” naiinis na sabi ni Zeus.
“Si Cupid,” sagot ko. “Ang lakas lakas.”
“Sorry. Bawal pala ‘yon?” sarcastic nitong sagot.
Inakbayan naman siya ni Ares saka hinila doon. Natawa nalang kami ni Zeus. Nang makalabas kami, madilim pa. Sabay sabay kaming napabuntong hininga doon.
Thank God he’s awake. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib doon.
“May kainan kaya ng ganitong kaaga?” mahinang tanong ni Ares. “Gusto ko nang lugaw.”
Oo nga. Ako din.
“May karinderia d’yan sa malapit.” Napalingon kami kay Kuyang Guard nang magsalita. “May lugaw doon.”
“Hulog ng heaven ito si Kuya!” natatwang sabi ni Ares. “Tara!”
“Libre mo ha,” bulong ni Zeus.
Sumama naman iyong mukha nang pinakamakulit na kulugo.
“Bakit ako?”
“May dala kang wallet e,” sagot ni Cupid.
Lumingon naman siya sa aming tatlo.
“Wala kayong dalang wallet?”
Sabay sabay naman kaming umiling na tatlo. Ngumisi ako nang parang nanghina si Ares doon at naglakad palapit sa kaniya saka inangkla iyong braso ko.
“Tara na. Pogi ka naman,” mahina kong sabi.
“Anong connect, Psyche? Mang-uuto ka nalang hindi pa effective.”
“So hindi mo kami ililibre?”
“Ililibre,” mabilis niyang sagot. “Tara na.”
Natawa naman kaming tatlo at sabay sabay na naglakad doon. Dahil madilim pa, wala pang ganoong tao sa labas. Malamig din iyong hangin. Buti nalang naka pajamas ako. Lumingon ako kay Cupid nang tusuktusukin niya iyong braso ko.
“Ano?”
“Ang ganda ng stars,” bulong niya.
Lumingon naman ako sa langit at oo nga, ang dami pa noon. Wala atang gaanong pollusyon sa umaga at sobrang visible noong mga nag t’twinkle twinkle na mga stars.
“Oo nga,” mahina kong sagot.
“Pero mas maganda ka.”
Lumingon naman ako kay Cupid at handa na siyang bulyawan kung hindi lang humagalpak ng tawa si Ares. Nakakunot ang noo naman akong tumingin sa kanilang dalawa.
“Oh ano? Akina na ‘yan!” sigaw ni Cupid kay Ares tapos ay kinuha iyong perang hawak nito. “Akala mo ha.”
“Okay, bilib na ako sa’yo!” sagot naman ni Ares.
Nag-cross arms naman ako doon habang pinagmamasdan tumawa si Ares at si Cupid na mayabang na nakangiti.
“Tinatarantado niya ba akong dalawa?” bulyaw ko.