Chapter 6

3933 Words
Chapter 6   Mall   “Good morning!” bati sa akin ni Cupid kinabukasan.   Sabay kaming dumating sa school at malapad siyang nakangiti sa akin kahit na parehas na kaming late para sa first subject. 8 am iyong first subject pero hindi sapat iyong thirty minutes na allowance para hindi ma-late.   “Huwag ka nang mag madali late na rin naman tayo,” naka ngisi pa din niyang sabi  sa akin.   I made face kasi ang aga aga, ang good mood niya? Puyat ako kasi tinapos ko iyong sa 21st century subject namin.   “Mga kaibigan!” Napalingon ako sa likod. “Tatagan natin ang pagiging super late! Mag aalas nuebe na ah?”   “Huwag mo nang ipamukha, Ares. Bakit late ka ha?” usisa ko.   “Maka tanong akala mo sinong maaga.” Simangot niya sa akin.   “May date iyan kagabi. Hindi naman kaagad umuwi noong nag library ka.”   Kumunot na kaagad iyong noo ko sa sinabi ni Cupid at bumaling sa kaibigan. Mabilis naman niyang hinarang iyong kamay niya panangga sa akin.   “Oh wait lang! Magpapaliwanag ako! Sa korte pwede iyon bago hatulan!”   I stopped walking and crossed my arms. Si Cupid na nakangisi ay gumaya sa akin at tumayo sa harapan ni Ares saka humalukipkiup. Gaya gaya naman iyong hudas na ‘to. I flipped my hair and turned to Ares again.   He cleared his throat and stood up straight. Parang nag-iisip pa kung paano siya magsisimula.   “Lintik ka naman kasi Cupid, sabi ko kasi secret iyon!”   “Ah ganoon?” tanong ko.   “Ang ibig kong sabihin, ako dapat ang magsasabi saýo.”   “Gago,” sagot ko saka tumalikod na doon. “Hindi ka ganoon.”   “E bakit kasi nagtatanong ka pa?” bulong bulong ni Ares. Lumingon naman ako sa kaniya. “Chour.”   I hissed and continued walking. Tumingin lang ako kay Cupid noong binangga bangga na naman niya ako gamit iyong shoulders niya.   “Ano?”   “Ako mabait.”   “So?”   “Hindi mo pa din ako tutulungan?”   “Maninigas ka.”   He laughed. “Maninigas na.”   I shook my head and looked around. Hindi na ako papasok sa first period. Hindi ko alam kung ako lang iyon pero mas nahihiya akong pumasok dahil sobrang late ko na kesa iyong umabsent nalang.   Buti nalang ay malamig pa din kaya ayos pang tumambay sa labas kahit na may araw na. Naupo ako sa isa sa mga tables doon pero iyong malayo sa building namin. Mahirap na, baka makita ako noong instructor namin.   “Ginagawa mo?” tanong ni Cupid na nagtatakang nakatingin sa akin habang inaayos ko iyong bag ko doon sa table.   “Bakit? Papasok ba kayo?”   Ares smiled sheepishly. “Follow the leader,” he said saka umupo sa tabi ko.   Nagtataka man, sumunod naman sa amin si Cupid.   “Kung late ka, umabsent ka nalang? Iyon ba ang motto natin?” mabagal na tanong ni Cupid.   Walang gaanong tao sa labas kasi may mga klase na. Marami din naman iyong halos matalisod na sa pagtakbo marahil late din. Mayroon pa nagsusuklay habang tumatakbo. Natural talent.   Malamig na dumampi iyong hangin sa mukha ko habang inaayos iyong g**o g**o kong bag. Basta basta ko nalang kasi pinasok iyong mga gamit ko sa loob.   Ang pakialamerong si Cupid naman ay isa isang binuklat iyong notes ko doon, habang si Ares ay prenteng naka upo at nakasandal sa kabila ko.   “Ganda ng sulat mo,” mahinang sabi ni Cupid habang inii-scan iyong notes ko.   “Pangit lang iyong sa’yo.”   Hindi siya nagsalita doon kaya nilingon ko na siya. Masami iyong tingin niya sa akin na parang nagtatampo pa.   “Ikaw ang kauna unahang nagsabi niyan,” marahan niyang sabi na bahid ng galit.   “I’m honored,” I replied. Hindi naman kasi totoo iyon. Ang ganda nga nang sulat niya. Iyong parang pang engineer.   Nagulat naman ako noong tinuktok niya ng ballpen iyong noo ko.   “Ay papansin naman.” I fixed my bangs and get my notes on his hand.   “Talaga.”   I fixed all my scratch paper after na hindi ko alam kung ilang linggo na doon na nakaipit lang sa notes ko saka nilagay nang maayos sa bag.   “Minumura tayo ni Priam.” Hindi pa ako nakakalingon kay Ares, nasa mukha ko na iyong cellphone niya.   Si Cupid naman na isa pang usisero nakikisiksik. I squint my eyes and saw Priam’s message sa groupchat namin.   Priam: Tangina nito hindi manlang nagsabi. Nakaka antok makinig. Nagmumuta na ‘ko dito.   I looked at Ares. “Ikaw lang iyong minura nandadamay ka pa.”   “E tayo iyong mga nasa labas kaya belong din kayo.”   “Pa connect nga ako,” sabi ko naman.   “Ay ayon, buraot nang medyo slight,” singit ni Cupid.   “Sapaw ng medyo slight,” sagot ko naman saka siya inirapan. “Dali, Ares.”   “Hala, who you?”   I rolled my eyes. “Magtae ka sana nang isang linggong kulugo ka.”   Natawa naman siya saka nag type. Nag rereply siguro kay Priam.   “Papansin naman nitong si Priam, wala sigurong kumakausap. Hindi kaya makinig.”   Hindi ko na pinansin itong maramot na si Ares. Nakakasama ng loob, makiki connect lang nagpapakilala.   “May gagawin ka mamaya?” tanong naman sa akin ni Cupid.   “Pa-”   “Malaki. Malaki ang pakialam ko. So?”   Siniko ka siya kaagad na muntik na niyang ika-hulog sa upuan. Tinawanan niya lang naman ako. “Bukas pa naman iyong practice niyo ng Heart Sparks di’ba?” tanong niya ulit habang sinisilip pa ako. “Samahan mo ako mamaya.”   “Ayoko.”   “Oo, wala iyang gagawin. Umuuwi lang iyan ng bahay kapag Tuesday gustong gusto niya iyong amoy ng bahay nila,” sabat ni Ares na nasa phone pa rin iyong atensyon.   “Kesa sa amoy mo.”   Cupid laughed and I shook my head dahil sa reaction ni Ares.   “Ako na o’offend na ha. Maasim ba ako?”   Hindi ko alam kung nakakatawa ba iyon pero sabay kami ni Cupid na natawa. Ares again, smells his underarm. Ewan ko ba sa isip bata na ‘to parang laging may saltik.   Matapos iyong first subject ay sabay sabay na kaming pumasok sa room, sakto naman sa mukha  ni Ares iyong papel na binato ni Priam.   “Mga mabubuting estrudyante!” sigaw niya pa. “Bakit kaya nang-iiwan?”   “Siraulong ‘to. Namasyal ba kami?” sagot ko.   Tinawanan naman ni Zeus si Priam.   “Ano bang ginawa?” tanong ko nang makaupo ako. Sumunod naman si Ares.   “Nag discuss lang. May activity daw next meeting,”sagot sa akin ni Zeus.   Iyon lang talaga mahirap kapag tamad kang gumising nang maaga at masipag kang umabsent. Self study ka diyan dahil na missed mo iyong discussion.   Napabuntong hininga ako at pinatong iyong ulo sa desk saka pumikit. May ilang minutes pa naman bago iyong time ng second subject kaya matutulog muna ako.   “Guys!” malakas na sigaw ni Angel na nakasira ng plano kong matulog. Siya iyong kapag tinanong kayo sa room sinong pinaka madaldal pangalan niya iyong mangingibabaw. “May chika! Galing pa sa bunganga ng bulkan.” Ah mainit.   Hindi pa rin ako gumalaw doon at nakinig lang. Medyo mapag panggap.   “Iyong si Sir CPAR! Ano nga pangalan no’n?” tukoy niya sa instructor namin sa CPAR.   “Bryan. Hindi ko alam apelyido,” sagot noong isa kong kaklase.   “Oo iyon. Nireklamo ni Princess! Iyong parang laging nababali iyong leeg dahil laging nakatagilid iyong ulo sa section D?”   “Ah iyong panay flip ng bangs kahit wala naming bangs?” tanong pa ni Abby ata iyon.   “Oo iyon. Ni-reklamo si Sir tinitingnan daw siya ng malaswa!”   Kaniya kaniya nang “weh?” iyong mga kaklase ko. Ako naman bumangon na doon. Si Angel na may dala ng balita may pag motion pa nang kamay niya habang nag k’kwento.   “Kaya sabi ko saýo huwag kang naglalalapit doon e. Mahilig pa naman mag pa lecture iyon,” sabi ni Zeus nang lumingon sa amin.   “Oo nga. Ayaw mo pa makinig,” segunda naman ni Priam.   “Ako talaga nakapansin noon,” ani Ares sa tabi ko.   “Ganoon ka din kasi tumingin?” tanong ni Cupid na may ngisi.   Natawa ako. Pero tiningnan ko din siya nang masama.   “Parang hindi naman kayo nagkakalayo.”   “Ganoon?” Cupid squint his eyes and moved closer to me. “Ganitong tingin?”   “Ang pangit mo.”   Priam throws one of his paper balls at Cupid this time. Sakto sa mukha ni Cupid iyon.   “Ano nangyari?” nangibabaw naman iyong boses ni Ana.   “Pupunta daw iyong parents ni Princess dito! Tapos abangan ang susunod na kabanata.”   “Umay naman, bitin. Ngayon lang ba iyan?” tanong ni V.   “Oo ngayon lang. Nagkakagulo siguro iyong mga teachers kaya wala pa si ma’am.”   Doon lang ata ako sumaya. Sana walang klase. Nilagay ko na ulit iyong ulo ko sa desk dahil sayang ang oras. Sana talaga walang pasok. Hindi pa ako nakakapikit nagsalita na si Cristel.   “Wala si Ma’am, pero may lecture! Nasaan si Psyche?”   I groaned and refuse to show my face.   “Nandito! Nag tutulug-tulugan!” sigaw ni Cupid.   Masama ko siyang tiningnan pero nginitian niya lang ako pabalik. Nang tumingin ako sa harap ay ngumiti sa akin si Cristel saka lumapit.   “Ito daw iyong susulat, Psy. Kung hanggang saan daw matapos.”   “Ang dami naman,” bulong ni Ares na nakikisawsaw.   Halos isumpa ko si Ma’am sa mga oras na iyon. Napakadami noong lecture tapos ay isusulat ko pa ulit iyon sa notes ko. Wala pa man napapagod na ako.   After noong lecture ay pagod na pagod akong naupo sa upuan ko habang itong mga kulugo kong mga kaibigan naman ay sabay sabay tumayo.   “Tara na at mag lunch!” masayang sabi ni Priam at nag inat inat pa doon.   “Psy tara na. Bawal mabagal, mauunahan tayo!” Nakakunot pa iyong noo ni Zeus sa akin.   Uupakan ko ‘tong mga to e.   “Mauna na kayo, dalian niyo. Order niyo nalang ako, babayaran ko din.”   “Ay ang tamad.”   “Dalian niyo. Puro dada e.”   Sabay sabay naman silang tatlo na tumakbo palabas doon. While I sighed on the other hand and fixed my bag. Nakakatamad naman maglakad palabas.   “Mga ilang minutes kang tutulala diyan?”   I slightly jumped when I heard Cupid.   “Ano ba? Nanggugulat pa e. Ba’t nandito ka?”   “Hinihintay ka.”   “Napaka buti mo talaga,” I sarcastically said.   “Pansin mo rin?”   Napailing nalang ako saka kinuha na iyong wallet ko. Sinabayan naman ako ni Cupid papalabas. Sana lang talaga nakakuha ng table iyong tatlong iyon. As usual, naguunahan na naman iyong mga students sa cafeteria.   After eating lunch, pumasok na iyong mga instructor namin pero wala ni isa sa amin ang nagtangkang magtanong doon sa issue. Akala mo puro acads lang ang inaatupag ng pilot section pero mas mukhang malala pa kami sa pakikipag tsimisan.   Nang matapos lahat ng klase, akala ko makakauwi na ako pero itong si Franch nag text, may sasabihin daw siya sa akin. At dahil may klase pa siya ako na naman iyong pupunta. Konti nalang hihilahin ko na patilya nang binabaeng ‘to.   “Saan tayo?” tanong ni Cupid. “May pupuntahan ka pa?”   “Paano mo nalaman?”   “Bubulong bulong ka kaya kanina.”     “May lakad ka Psy?” tanong ni Zeus.   “Kay Franch lang.”   Tumango naman siya. “Hintayin ka namin?”   Umiling naman ako, “Hindi na. Mauna na kayo baka magalit pa kayo kapag nagtagal ako.”   “Ay true,” sagot ni Priam.   “Oh sige bye na. Ingat ka ha?” pahabol ni Ares na tinanguan ko nalang.   Tapos ay bumaling naman ako kay Cupid.   “Ikaw? Ginagawa mo pa dito?”   “May pupuntahan pa tayo,” parang nagtatampo pa iyong boses niya.   Kumunot naman ang noo ko, “Kailan ako pumayag?”   His head fell saka hinala na iyong sleeves ko. “Tara na, napakabagal.” Hinablot niya na ako doon na parang bagay na bitbit lang. “Bye guys! Ingat!”   I wiggled my shoulder saka masama siyang tiningnan. Ni-try ko pang sipain siya pero mabilis ang reflex niya kahit na tumatawa pa siya.   “Saan ba iyong pupuntahan mo? Franch? Pangalan ba ‘yon?”   “Siraulong ‘to, mapanghusga.”   Natawa na naman siya. Mabilis akong naglakad papuntang room nila Franch habang naka buntot sa akin iyong huling entry ng kulugos. Ewan ko ba saan nag papasama ‘to. Wala naman akogn balak samahan kaya hindi ko tinatanong. Kapag ito nawaglit tingin sa akin tatakasan ko talaga siya.   “Absent ako bukas,” bungad sa akin ni Franch.   I raised my eyebrows, “Ako ba teacher mo?”   Hinila niya naman ng bahagya iyong dulo ng buhok ko.   “Gagang ‘to. Bahala ka na sa practice.”   Sumimangot na ako doon saka umayaw.   “Huwag nang mag practice kung wala ka,” suggestion ko.   “Baklang ‘to, wala pa nga sa ten seconds iyong na papractice niyo sa sayaw!”   Napapikit na ako at napabuntong hininga, iniisip anong gagawin.   “Sino pala itong kasama mo?”   Lumingon naman ako sa likod ko kung nasaan si Cupid at nagaantay. Medyo malayo siya sa amin at nakasandal doon sa railings.   “Asungot,” sagot ko.   “Hala. Jowa mo ‘no?”   “Ew,” mabilis kong sagot with matching my weird face. Natawa naman si Franch.   “Ang ganda teh ha?” he flips his hair, “Kung ayaw mo balato mo nalang sa’kin.”   “Sorry may ibang gusto ‘yan,” honest ko namang sagot.   “Sus. Huwag ako Psyche.”   Napailing nalang ako. Dahil nga maaga pa, mataas pa iyong sikat ng araw. Kahit naman medyo malamig iyong simoy ng hangin, walang tatalo sa kainitan sa katirikan ng araw kapag ganitong oras.   “Wala ka bang payong?” tanong ni Cupid habang naglalakad kami.   “Nilabas ko na sana kung meron.”   “Ako meron,” he said and then chuckled.   May sayad talaga ‘to. Binuksan niya iyong bag niya saka nilabas iyong payong niya. Nang makuha niya iyon ay tinapat niya sa aming dalawa. May manners naman pala.   “Oh saan ka pupunta?” pigil niya sa akin.   “Uuwi?”   “Ito naman ang kulit. Samahan mo muna nga ako.”   Tiningnan ko siya na parang napapagod na.   “Ano na naman ba iyan? Ako gusto ko nang umuwi ha.”   “May bibilhin lang ako sa mall. Samahan mo na ako.”   “Mall? Ang layo, Cupid!”   “Hindi mo ako sasamahan?” paawa niya pa.   “Hindi.”   Sumimangot naman siya sa akin.   “Sige na.” Pilit niya niya. “Hindi ko pa kabisado dito.”   Bahagyang kumunot noo ko doon pero nang mapagtantong bagong lipat nga pala siya dito napabuntong hininga nalang ako.   “Ano bang bibilhin mo doon?” kalaunan kong tanong.   “Basta. Samahan mo na ako.” Saglit pa akong tumitig sa kaniya doon at nag-isip kung anong mapapala ko sa pag sama sa kaniya. “Dito ka nga. Mainit.” Pinagpalit niya iyong pwesto namin dahil sagap ko iyong araw sa side ko.   I blew my bangs and rolled my eyes.   “Tara na. Mag b’bus tayo kung sa mall.”   He showed me his perfect white teeth noong ngumiti siya nang malaki.   “Huwag mo akong ngitian.”   “Bakit? Pogi ko?”   “Creepy.”   Naglakad kami sa may waiting shed doon kung saan humihinto iyong mga bus. May mga iilang estudyante na nag aantay din doon. Medyo ginalaw galaw ko naman iyong paa ko dahil doon nakatutok iyong araw kaya medyo masakit sa balat.   “Nilalamok ka ba? Aga pa ah,” tanong ni Cupid.   “Tanga ‘yong araw. Masakit sa balat.”   “Concern nalang ako, namumura pa.” Umiling iling pa siya sa akin saka pumunta sa harapan ko. “Ayan, okay na?” tanong niya.   Nakaharang na ngayon iyong legs niya sa legs ko dahil tumayo siya sa harap ko. I smiled sarcastically and nodded. Siya naman iyong napailing. Swerte kasi nila naka pants sila.   Mabilis kaming sumakay ni Cupid nang dumating iyong bus, hindi pa naman punuan iyon pero sure akong mamayang pauwi para na kaming sardinas. Naupo kami doon sa pang dalawahan at syempre ako iyong sa may bintana.   “Ilang minutes ba byahe?”   Ngumuso ako at nag isip, “Fifteen?” I nodded slowly and looked at him, “Kung mabilis fifteen lang.”   Tumango naman siya kaya binalik ko na iyong tingin ko doon sa bintana. I rest my head on the backrest and closed my eyes. Mabilis naman iyong takbo ng bus kaya feeling ko saglit lang ay nandoon na kami. Hindi rin madalas humihinto.   “Sinama mo ko kasi wala kang tagabitbit?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Cupid.   Hindi naman niya alam kung matatawa ba siya, iiling o ano. Ako hindi talaga makapaniwala. Akala ko naman kung anong bibilhin niyang mahalaga, iyon pala mag g’grocery ang kumag.   “Hindi, Psy. Hindi ko lang alam ano dapat bilhin kapag nag g’grocery?”   I rolled my eyes and shook my head, “Edi pagkain? Basic knowledge iyon. Lulusot ka pa.”   He pushed the cart beside me. Ako naman palinga linga lang doon sa supermarket. Wala naman akong magagawa dahil nandito na ako.   “Ayos ba ‘to?” tanong niya at inangat iyong bread na hawak niya.   “Kumakain ka ba niyan?”   Tumango naman siya na parang bata.   “Bilhin mo.”   Walang sabi sabi niyang nilagay sa cart iyon at tinulak ulit. Kami lang ata iyong natatanging estudyante dito sa loob ng supermarket. Konti lang din iyong tao kaya napawi naman iyong tirik na araw sa labas dahil sa lamig ng aircon.   “Bakit ikaw ba nag g’grocery? Mag-isa ka lang ba talaga?”   “Sa ngayon. Uuwi din naman sila Mama,” sagot niya.   Mabagal naman akong tumango kasi nag-iisip ko. Nasaan ba parents niya? Sa pagkakaalam ko may kasama siya sa bahay kasi sabi ni Mama noong binigyan niya ng cupcake sila Cupid hindi naman si Cupid iyong nakatanggap e.   “Nasa abroad sila kung iyon ang gusto mong itanong.”   Napalingon ako sa kaniya. I cleared my throat and raised my eyebrows.   “Wala akong gustong itanong.”   Nag smirk naman siya sa akin.   “May kasamahan din ako sa bahay kasi ayaw ni Mama na ako lang kaya pinaghanap niya ako nang magluluto saka mag lilinis. Medyo matanda na si Nanay Cita kaya nag presinta na akong mamimili.”   “Hindi ko nga tinatanong?” deny ko pa din.   So, basically, mag-isa nga siya. Hindi ko alam kung good thing ba iyon o hindi. Masaya din naman kung solo mo ang bahay dahil tahimik ang buhay pero parang malungkot din.   “Ito? Anong baboy ba ‘to? Iba iba ba ‘to?” tanong niya noong makarating kami sa meat section.   “Sorry pero mali ka nang sinama. Malay ko diyan.”   Para naman siyang namomroblema habang nakatitig doon.   “Basta baboy okay na ‘yon. Sure akong parehas din iyan ng lasa.”   Lumingon naman siya sa akin. “Sure ka?”   Umiling ako. “Hindi.”   He pursed his lips and I shrugged. Suggestion ko lang naman iyon pero malay ko pa din sa baboy. Pare parehas naman kasi talaga. He ended up not buying. Baka daw magkamali siya at masayang pa.   Saka nalang daw siya bibili kaya puro pang stocks iyong nabili namin saka mga gamit sa bahay na pang daily. Ultimo iyong shampoo nang kulugo.   “Oh ano? Okay na?” tanong ko habang nakapila na kami sa counter.   “Oo. Mahihirapan tayo bitbitin kapag madami.”   “Buti alam mo,” sagot ko.   Nang matapos makapag bayad ay naglakad na kami palabas. Naka tatlong punong plastic din kami. Pina eco bag ni Cupid kasi masakit sa kamay kapag plastic, saka eco-friendly na din. Iyong pinaka magaan iyong sakin syempre.   “Gusto ko noong ice cream na ‘yon.” Turo ko habang naglalakad. “Bili mo ‘ko.”   Narinig ko iyong tawa ni Cupid kaya lumingon ako sa kaniya. Tumango naman siya.   “Yes, Ma’am.”   Nag stop kami doon sa stall at sinabi ko naman kay Cupid kung anong gusto ko. He took care of saying our order habang ako nagpalinga linga lang doon. Kumunot naman iyong noo ko nang may makitang pamilyar pero kalaunan ay nanlaki iyon.   “Okay na, hintayin lang natin.”   Mabilis kong hinila si Cupid sa kabilang side ko habang nanlalaki pa din iyong mata. Nang mag angat naman ako ng tingin sa kaniya, nakakunot lang iyong noo niya saakin.   “Napano ka?” tanong niya.   “Shhh,” I hushed.   Bahagya akong sumilip sa likod ni Cupid para tingnan kung tama ba iyong nakikita ko. May kasabay kasi kaming umoorder at kilala ko iyon! Iyong lalaking iyon! I even squint my eyes.   “Huy, ayos ka lang ba?” tanong ni Cupid saka hinawakan iyong braso ko.   “Shhh ka nga lang jan. Huwag kang gumalaw.”   Tinikom naman niya iyong bibig niya habang magkaharap pa din kami doon.   “Babe, what do you want?” rinig kong sabi noong lalaki na ikinalaki talaga nang mata ko.   Mabilis kong kinuha iyong phone ko saka nilabas iyon. Sure akong jowa ito ni Klein pero hindi si Klein ito! Sinong babe ito?!   “Huy, anong ginagawa mo?” tanong na naman ng maingay na si Cupid.   “g**o naman nito. Wait ka lang diyan.”   Hindi ako pwedeng magkamali talaga. Ni picturan ko iyong bebe ni Klein saka kung sino man itong babe niyang tinatawag. Lagot talaga sakin ‘to. Kapal ng mukha ha.   “Sir Cupid?” rinig kong tawag noong nag s’serve kaya mabilis akong tumalikod.   Nang makuha ni Cupid iyong ice cream ay mabilis ko siyang niyaya paalis doon. Halos matalisod pa nga ako.   “Sandali lang naman. Dahan dahan ka nga!” sigaw niya sa akin.   I caught my breath when we stopped near the entrance. Binaba naming iyong bitbit namin saka tumayo doon.   “Sino ba iyong tinatakbuhan mo?”   I exhaled. “Basta. May nakita akong nakakapag dilim ng paningin.”   Umiling naman siya habang naka kunot iyong noo. Napalingon naman ako sa mga taong pumapasok sa entrance. Halos mag dilim na kaya mas madami nang estudyante iyong pumapasok.   “Muntik ka nang madapa kanina.”   Bumaling ulit ako sa kaniya, “Alam ko.”   Masungit naman niya akong tiningnan.   “Huwag mo nang uulitin iyon. Hindi kita masasalo sa dami ng dala ko,” seryoso niyang sabi na ikina nguso ko.   “Hindi mo naman talaga ako sinasalo.” I narrowed my eyes, “Naalala ko pa iyong sumaldak ako sa harapan mo!”   He tried to hide his smile but failed miserably.   “Oh? Natatawa ka pa?”   “Hindi ko kasi inaasahan iyon. Ang ayos ayos ng daan? Tapos naglalakad ka lang naman?”   Umirap naman ako kahit pa gusto kong idukdok iyong mukha niya.   “Kahit na!” sagot ko nalang kasi ang tanga ko naman talaga sa part na ‘yon.   He chuckled and nodded after.   “Huwag kang mag-alala. Sa susunod, sasaluhin na kita.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD