Chapter 7

3498 Words
Chapter 7   Bangs   Tiningnan ko naman siya mula ulo hanggang paa. Hinihingal pa din ako dahil sa pagtakbo namin kanina.   “Dapat lang,” sagot ko.   Lumingon muli ako sa likuran namin. Baka mamaya ay makita ko na naman iyong lalaki na iyon. And ano ulit, babe? Babe number ano kaya iyon? I sighed, iniisip ko palang paano ko sasabihin kay Klein iyon, sumasakit na ulo ko.   “Sino ba iyong tinatakbuhan mo?” humarang sa way of vision ko si Cupid. “May pinagkakautangan ka ba?”   I hissed and tried to smash him, umiwas naman ang loko.   “Kung sana ganoon lang.” “Ano nga?”   “Basta.” Bumuntong hininga ulit ako saka kinuha na iyong eco bag na hawak ko. “Akin na nga iyang ice cream ko.” Hinablot ko iyong sa kamay niya.   Pinagmasdan ko pa siya saka gustong matawa dahil siguradong nahirapan siyang bitbitin iyon. Basta ko nalang kasi siya hinila patakbo doon.   Doon na namin inubos iyong ice cream at nagyaya na ako pauwi pagakatapos.   “Bilisan mo. Mahihirapan tayo maka sakay niyan pauwi.”   Tama naman ako doon. Ginabi na kami nang uwi dahil bukod sa ang tagal ng mga bus, lagi pang punuan. May mga bitbit pa naman kami.   Kinabukasan 10 am na iyong pasok kaya hindi naman ako late. Sa tabi ni Ana ako naupo pagdating ko dahil wala pa si Klein. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Sinabi ko kasi iyong nakita ko kahapon sa mall.   Ayaw ko naman siraan iyong si Marco, iyong bebe ni Klein pero kasi nagsasabi lang naman ako ng kung anong nakita ko. Saka bago ko sabihin iyon, tinanong ko muna asi Klein kung nasaan siya at kung kasama niya ba iyong boyfriend niya. Syempre iyong hindi masydong halata.   “Wala pa si Klein. Hindi rin nagrereply,” bungad sa akin ni Ana.   Napanguso ako, “Hindi ko na ba dapat sinabi?”   “Anong hindi? Tama lang iyon!” she fliiped her hair, “Ako talaga matagal nang masama dugo sa jowa niya e.”   “Pero kasi love iyon masyado ni Klein,” sagot ko saka tumingin sa pinto nang may pumasok doon. Hindi naman si Klein.   “Hindi porket love mo, magpapaka tanga ka. Ib na ngayon, sis. Girl power!”   Natawa naman ako sa kaniya.   “Saka tingnan mo nga, nagsinungaling sa kaniya kahapon? Ano sabi ni Klein sa chat? May lakad daw with family iyong si Marco kaya maagang umuwi? Tangina ‘yong good boy niyo mapag panggap.”   “Ana!” hindi ko alam kung matatawa ba ako doon o ano.   “Oh, bakit? Akala mo naman hindi ka nagmumura.” Tumatawa niyang sabi.   Napailing nalang ako. Normal lang na nagdadatingan iyong mga kaklase namig habang kami ni Ana nakatitig lang sa pinto at hinihintay si Klein. Sasabunutan ko iyong babae na iyon kung nag e’emo siya ngayon at hindi papasok.   Dumating na iyong instructor namin kaya mabilis akong tumayo saka bumalik sa pwesto ko. Hindi pa nakaka pag start si Ma’am bumukas na iyong pinto. Mabagal na pumasok si Klein doon at nag sorry. Wala naman sinabi si Ma’am.   Ako naman nakatingin lang sa kaibigan na namumugto iyong mata. Talaga naman. Iniyakan buong gabi.   “Nakagat ata ng ipis si Klein,” bulong ni Priam.   “Kaya nga. Sakit noon, sa mata pa.”   Napaayos nalang ako ng bangs sa walang katuturan na mga pinagsasasabi nitong mga kulugong ‘to.   Lunch na after noong isang subject na iyon. Nagtakbuhan na ulit kami sabay sabay para sa cafeteria. Nauna naman kami doon kaya mabilis lang kaming naka order saka naka kain. Naunang bumalik sa room sila Ares dahil kokopya pa sila ng assignment sa akin pagkatapos. Sabi ko ay tingnan nalang sa bag ko.   May sagot naman sila dahil mag kaka chat kami kagabi pero mali mali naman. Sabi ko huwag lang basta kopyahin at tingnan din kung saan sila mali. Si Cupid lang iyong kasama ko.   Malapit na kami sa room nang may makita kaming kumpulan ng tao. Kumunot naman ang noo ko at dahan dahang lumapit doon. May performance ba iyong kabilang section?   “Malandi ka!”   Kusang nanlaki iyong mata ko nang marinig iyon. Mabilis akong naglakad saka lumapit doon.   “Excuse me!” sigaw ko sabay hawi sa mga studyante doon.   “Psyche!” tawag ni Cupid.   Nang makarating sa gitna ay halos lumuwa iyong mata ko nang sampalin ni Klein iyong babae sa harap niya. Si babe! Oh my gosh.   “Klein!” sigaw ko.   “Kabit ka!” sigaw pa ni Klein.   “Hindi ko kasalanan kung mas maganda ako sa’yo!”   Hindi pa ako nakakalapit hinablot na noong babae iyong buhok ng kaibigan ko. I hurriedly went to them saka hinila si Klein doon. Ayaw naman paawat noong babae. Iyong mga nanonood naman, tumatawa pa saka nagpupustahan sinong mananalo. Mga walang hiya talaga.   Natulak ko si Klein paalis doon pero ako naman iyong hinilia noong babae.   “Sino ka bang pakialamera ka?”   “Aray!” sigaw ko nang dumaplis iyong kuko niya sa akin. “Siraulo ka ah?” isang sampal iyong ginawa ko na sa ulo niya tumama kaya nabitawan niya ako.   “Tabi nga!” rinig kong sigaw ni Cupid.  “Tangina, Psyche!”   Hindi pa ako nakakaharap sa gawi niya hinablot na naman ako noong babaeng ito. Sasampalin niya na din sana ako noong may humawak doon. Hingal na hingal si Cupid sa harapan ko.   “Ooops. Bawal ‘yan, Miss,” salita niya habang hawak iyong wrist noong babae.   “Anong bawal? E siya iyong sumampal sa’kin!” malakas na sigaw noong babae saka kinuha pabalik iyong kamay niya.   Sinugod na naman niya ako pero mabilis akong nilayo ni Cupid doon.   “Oo nga pero ikaw bawal,” sagot ni Cupid na hindi ko alam kung ikakatawa ko ba.   May isang lalaki naman na umawat doon sa babae habang hawak pa din ako ni Cupid na halos bitbitin na ako.   “Tama na, Glizelle!” napalingon ulit ako doon sa babae saka sa lalaking umawat sa kaniya. Si Marco.   Lumingon naman ako kay Klein kahit hinihingal pa din. I moved away from Cupid and went to her.   “Ayos ka lang ba?” tanong ko pero naka tingin lang siya doon sa babe saka kay Marco. Hindi niya ako sinagot at umalis lang sa harapan ko.   I bit my lips and looked at Marco. Masama ko siyang tiningnan saka humakbang palapit. Naramdaman ko naman iyong hawak sa akin ni Cupid sa braso.   “Psyche…”    Lumipat iyong tingin ko sa babae na Glizelle pala ang pangalan.   “Maganda ka sana kaso tanga ka,” malinaw kong sabi.   Nagalit naman iyong mukha niya, “What?!”   “Bingi ka pa,” dagdag ko. “Hindi magandang manners ang pagiging kabit at hindi rin nakaka proud iyon. Kung ito lang naman ang papatulan mo, ew. Wala kang taste.” Tukoy ko kay Marco.   Hindi ko na siya pinagsalita at umalis na doon. Nakabuntot naman sa akin si Cupid. Huminto ako noong hinila niya iyong uniform ko. Nakakunot noo naman akong humarap sa kaniya.   “Ano?”   Tiningnan naman niya iyong braso ko saka inangat iyon. Nanlaki iyong mata ko.   “Hala! Papangit iyong braso ko!” hindi makapaniwala kong sabi dahil may mahabang scratch doon!   Masama naman akong tiningnan ni Cupid. “Nagdudugo, Psyche,” seryoso niyang sabi.   “Nakikita ko naman.”   He sighed and pushed me.   “Aray ko naman.”   “Doon tayo sa clinic.”   “Ayaw ko nga? Huhugasan ko lang ‘to!”   “Kailangan lagyan ng gamot iyan Psyche. Mas lalong papangit ‘yan.”   Lumingon naman ako sa kaniya. “Ganoon ba iyon?”   Tumango naman siya sa akin kaya hinayaan ko na siya sa gusto niya. Naglakad kami papuntang clinic. Wala namang tao doon kundi iyong nurse. Himila. Madalas madaming nasa clinic at nagpapanggap na masakit iyong ulo. O kaya mga babaeng sumasakit iyong puson.   Hiniram nalang ni Cupid iyong gamot saka band aid at siya na ang naglagay noon sa braso ko. Pinanood ko lang naman siya. Nag-aalala pa din ako kay Klein. Walang kwenta naman kasi noong jowa niya.   “Boyfriend ba ni Klein iyon?” tanong ni Cupid.   “Oo,” sagot ko. “Siraulo siya.”   Cupid chuckled and looked at me.   “At sino naman may sabing makipag sampalan ka doon? Kung hindi ako dumating, namamaga na din iyang mukha mo.”   Umiling naman ako. “Kung hindi ka dumating, nasuntok ko pa iyon.”   He sighed and shook his head. Hinipan niya iyong sugat ko habang nilalagyan ng betadine. Tapos ay nilagyan niya noong malaking band-aid.   “Psyche!” rinig kong sigaw ni Ares. Tapos nakita ko na silang tatlong kulugo na sumulpot doon sa clinic.   “Anong nangyari?” hingal na tanong ni Zeus.   “Balita ko nakipag rambulan ka ah?” ani Priam.   “Psy!” madramang tawag ni Ares saka lumapit sa akin at hinawakan iyong balikat ko. “Nasaktan ka ba ha? Anong ginawa nila sa’yo?”   Tinulak ko naman iyong ulo niya palayo na ikina pout niya.   “Anong nangyari dito?” tanogng ni Zeus saka hinawakan iyong braso ko. “Cupid?” lingon niya sa nasa harap ko.   “Tinulungan niya sa pakikipag away si Klein.” Cupid shrugged after. “Ang bilis niya, nasampal niya agad e.”   “Kalmot lang iyan. Napigilan naman ni Cupid noong sasampalin ako.”   “Buti nalang nandoon si Cupid!” sigaw ni Priam. “Kabado bente kaming tatlo. Lagot kami kay Tita kapag may nangyari sa’yo.”   “Huwag kasi kayong nag susumbong para walang lagot.”   After noong sa clinic ay pumasok na kami para sa next subject. Nandoon na nga iyong instructor namin noong pumasok kami pero dedma nalang. Matapos lahat ng klase, naghiwa-hiwalay na kami dahil may practice pa ako sa Heart Sparks.   “Bye, Psyche! Galingan mo!” paalam ni Ares.   Kumaway naman na ako.   “Iyong sugat mo ha,” paalala naman ni Zeus.   “Tawag ka kapag wala ka nang masakyan!” sigaw naman ni Priam na na kunwari pang may dinidrible na bola.   “Okay! Umuwi na kayo!”   “Hanggang anong oras ka ba?” habol pa ni Cupid.   Umiling naman ako, “Depende. Bye na! Late na ‘ko.”     Hindi ko na sila hinintay at tumalikod na doon. Mabilis akong naglakad papunta kung nasaan iyong studio. At dahil third floor pa iyon, hingal na hingal ako ‘pagdating.   “Wala daw si Franch?” bungad sa akin ni Rose pag dating ko.   Tumango naman ako kaagad, “Wala. Inaral ko pa tuloy kagabi iyong steps na ituturo para kahit papaano may magawa tayo.”   “May practice din singing ngayon diba?” tanong naman ni Thalia na hindi ko napansin.   “Oo. One hour lang iyong sa dance tapos singing na.”   Ngumiti naman siya sa akin saka tumango. Hinintay lang namin ma-kompleto kaming lahat bago kami nagsimula. Wala nga lang si Ana saka Klein. Tinuloy ko iyong tinuturo ni Franch. After naming makuha iyon, inuluit ulit na namin kasama iyong tinuro ni Franch last week.   Ulit ulit hanggang sa magkasabay sabay kaming lahat. Dapat perfect. Iyon ang laging sinasabi ni Franch. Sabi niya ay last na namin ito kaya kailangan ay maayos ang lahat. Madami nga din kaming ni recruit na mga bago sa mga nag auditions para may papalit na sa amin next school year.   “Una na kami, Psy…” paalam ni Rose matapos iyong time ng dance. Umupo naman ako doon at nagpahinga doon.   May iilang naiwan dahil kasama din sila sa singing department. Napabuntong hininga naman ako noong makitang wala nang laman iyong tumbler ko. I stood up and went out to buy some.   Nang makababa sa building ay nakasalubong ko sila Ana.   “Hoy!” sigaw ko.   Napatalon naman si Ana.   “Tanginang ‘to naman nanggugulat pa.”   Tumakbo naman ako palapit sa kanila.   “Saan kayo nagsuot?” pagaalala ko. Hindi nakasi sila pumasok ni Klein kanina sa afternoon class. “Hoy ikaw! Ano, umiiyak ka na naman?”   Sumimangot naman si Klein sa akin.   “Hindi ah. Ikaw? Ayos ka lang ba? Akala ata nito si super girl siya kung maka awat kanina,” sagot sa akin ni Klein.   “Girl, kung ako man iyon, ingungudngod ko iyong babaeng iyon. Saka iyong si Marco! Nang gigigil talaga ako!”   Napailing naman ako at masamang tumingin kay Klein.   “Huwag mo nang babalikan iyon ha? Pinalagpas na namin iyong pag gawa mo nang mga projects niya kahit red flag iyon pero ito, myghad, ikaw talaga masasabunutan ko.”   Natawa naman sa akin si Ana saka kalaunang inangat iyong braso ko.   “Doon mo ba ‘to nakuha? Resbakan natin!”   Tumango namna ako, “Kung pwede lang!” hinawi ko naman iyong bangs ko.   Natawa si Klein saka tumango na sa akin.   “Sige na. May practice di’ba?”   “Oo. Lagot kayo kay Franch next week.”   “Turuan mo nalang kami.” Malawak pang ngumiti si Ana.   Napailing nalang ako at pumayag din naman. Kahit naman naiinis ako dito kay Klein, alam ko naman na nasasaktan siya. Hindi ko alam anong feeling pero hindi naman masamang maging considerate. Lalo na at hindi naman natin madalas alam kung anong nararamdaman ng isang tao.   Bumili na ako ng tubig nang makapag paalam sa kanila. Medyo madami pang studyante sa labas. Iyong iba nag lalaro sa quadrangle habang iyong iba naman nakatambay pa sa mga table doon.   Dati, ganyan din kami. Iyong tipong ayaw pang umuwi at gusto tumaambay muna kahit wala ka namang gagawin. Pero ngayon, basta mag dismiss ang klase, kung wala naman ng ibang gagawin, nag uuna-unahan na kami ng uwi.   Mabilis akong pumanhik ulit sa taas dahil baka kompleto na iyong sa singing department. Wala namang bagong kantang p’practice’in. Iyong na-practice na naming iyong gagawin para ma perfect. By next week na ulit iyong iba. Ngayon week kasi, iyong sa acting department ang tunitukan at dahil madami din sa acting iyong kasama sa singing saka dance, in-audjust namin iyon.   Madilim na noong makababa kaming lahat. Nag bye na kaming lahat noong makarating kami sa gate.   “Bye! Ingat kayo!”   “Bye, guys!”   “Psyche, ba-bye!”   I smiled and sighed after. Nang makarating sa bahay ay iyong amoy ng ulam iyong bumati sa akin. Sinalubong naman ako ni Asha ng makapasok ako.   “Hi, Ate!”   “Hi. Saan si Mama?”   “Nasa kitchen. Nag aayos na para mag dinner.”   “Sakto pala ako,” bulong ko saka hinila na si Asha papuntang kusina.   “Mama!” bati ko saka ngumiti.   “Nandiyan na pala ang aking unica hija! Nagluto ako ng beef caldereta. Paborito mo.”   Natawa naman ako dahil hindi ko naman favorite iyon. Madami akong gustong ulam pero wala akong favorite. Hindi kasi ako makapili.   Umupo naman na ako doon at itinabi ko si Asha sa akin.   “ Kailan pala uuwi si Papa?” tanong ko.   “Next week. Nagyayaya mag bakasyon kaso may pasok naman kayo.”   Kumuha nako ng kanin saka sumubo na dahil gutom na din ako.   “Saan ba nag aaya, Ma?”   “Ewan ko din sa Papa mo. Maisipan lang.”   Natawa nalang ako at kumain na ulit.   “Nga pala, may nagpunta diyan na kaklase mo kanina.”   “Kaklase ko?” nagulat ko pang tanong.   “Oo. Iyong bagong lipat diyan. Hindi mo manlang sinabing kaklase mo iyon? Iyong kasama niyo sa Casa Amara? Akala ko kaibigan lang ni Ares.”   Halos mabilaukan naman ako doon.   “Si Cupid?” uminom aklo ng tubig, “Ano namang kailangan ng kulugong iyon?”   Nanlaki naman ang mat ani Mama sa akin bago natawa.   “Nadagdagan na pala ang mga kulugo?”   “Nako, Mama kung alam mo lang. Ano daw kailangan niya?”   “Hindi ko alam. Tinanong lang kung nandito ka na daw. Hindi ka daw kasi nag rereply,” sagot ni Mama habang kumukuha pa ng kanin.   Napalingon naman ako sa bag ko at hinalungkat iyon. Nang makita ang cellphone ay puno nga nang messages. Wala akong matandaan na binigay ko number ko sa kaniya. Sasakalin ko talaga si Ares.   Wala namang laman iyong message niya kundi puro pangalan ko. Parang tanga.   “Ano pa sabi, Mama?”   “Nag thank you lang, Ate,” bumungisngis naman si Asha. “Ang pogi niya Ate.”   Halos hindi naman maipaliwanag iyong mukha ko.   “Ew ka, Asha.”   Natawa naman sa amin si Mama. Matapos naming kumain ay pumanhik na ako sa kwarto saka nag linis ng katawan. Matapos noon ay nilabas ko na lahat ng gamit ko sa bag ko para ayusin saka gumawa ng assignments.   Kinuha ko naman iyong phone ko noong tumunog iyon. Si Cupid na naman. Sa i********: naman ngayon.   Cupid: Nasa bahay ka na ba?   Ni-seen ko iyon pero hindi ko nireplyan. Bakit kasi hindi nalang sabihin anong kailangan. Nag chat ulit si Cupid. Tapos chat pa ulit saka nag chat pa ulit.   Kapag ako nainis nito makakatikim talaga siya sa akin.   Ako: Ano ba?   Nag send naman siya ng tumatawa na GIF kaya na pa irap ako.   Cupid: May sasabihin ako sa’yo.   Ako: Obvious naman. Ano nga?   Cupid: Secret.   Parang tanga ang siraulo. Hindi ko na siya nireplyan saka gumawa na ng schoolworks. Bahala siya diyan. Akala ata interesado ako. Tss.   Kinabukasan, maaga ako nagising kaya hindi naman ako ma-l’late. Mabilis akong bumama nang makapag ayos na.   “Ma, aalis na ako!”   Halos mapaatras naman ako sa pagkakatakbo nang makita sino iyong nasa labas ng gate namin.   “Anong ginagawa mo dito?” malakas na tanong ko.   Pinakita naman niya sa akin iyong malawak niyang ngiti.   “May sasabihin nga ako sa’yo.”   Umirap naman ako at nag groaned.   “Sasakalin na kita ah, kagabi ka pa, Cupid.”   He laughed and walked with me. Napahinto naman ako noong may iharang siya sa mukha ko. Masama ko siyang tiningnan saka kinuha iyon sa kamay niya.   I looked at it with my eyebrows knotted. Tapos ay nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung ano iyon.   “Gago?” I hissed.   Tumango naman siya sa akin tapos ay nakangiti pa nang pang pa gwapo.   “Bakit meron ka nito?!”   He shrugged.   “Idol mo pala iyan?”   “Sobra!” sigaw ko.   OMG. Ticket sa concert ni Shawn! Pinaka titigan ko pa iyon. Bago bumalik iyong mata sa akniya.   “Totoo ba ‘to?”   “Oo naman. Ano akala mo sa’kin?”   “Bakit meron ka nga nito? Saan mo nakuha? Ako nga walang nabili!”   Tumawa naman siya sa akin. “Sa abroad ko pa iyan binili. Bago umuwi. Nakisuyo iyong pinsan ko kaso noong nabili ko na, mayron na daw pala siya.”   “Oh my gosh. Binebenta mo ba ito?”   Pumikit namna siya at umiling. My heart is pounding like crazy as in! Ticket ito! Sa concert! Ni Shawn Mendez!   “E ano?” I even stomped my feet. “Iniinggit mo ba ako?”   Natawa naman siya sa reaction ko saka umiling ulit.   “Sa’yo nalang.”   My eyes popped out. Kung pwede lang talaga.   “Huwag ako, Cupid ha! Tinatarantado mo ‘ko!”   He laughed, holding his stomach.   “Bakit ko naman gagawin iyon? Sa’yo na nga iyan. Kung hindi ko pa nalaman na idol mo iyon, sa basurahan lang iyan mapupunta.”   “Oh my gosh. Totoo talaga ‘to?” niyugyog yugyog ko pa siya, “Cupid!”   Wala naman siyang ginagawa kundi ang tumawa doon.   “Oo nga, Psy.”   I stopped to catch my breath.   “Pero mahal ‘to! Magbabayad ako!”   Umiling na naman siya, “Ayos lang, Psyche. Huwag na.”   “May pera kaya ako! Pinag ipunan ko to e!”   “Kung ayaw mo, edi ‘wag. Akin na ‘yan.”   “Joke lang! Okay, fine. Hindi na.”   Ngumiti naman siya sa akin.   “Saya ka?” he asked and chuckled.   “Sobra!” sagot ko saka tiningnan tingnan pa iyong ticket. “Saan mo nga pala nalaman na fan ako nito?”   Umiwas naman siya nang tingin saka nagsimulang maglakad.   “Sinabi ni Ares.”   Kumunot naman ang noo ko.   “Bakit naman sasabihin ni Ares iyon?” mahina kong tanong. “Ay kalabaw!” sigaw ko nang hilahina ko ni Cupid sa tabi ng daan.   Masama ko namang tiningnan iyong kotse na dumaan.   “Mag ingat ka nga. Sa lahat ng matapang ikaw iyong medyo tanga.”   I gasp and looked at Cupid, horrified.   “Tinawag mo ba akong tanga?”   Inosente naman niya akong tiningnan.   “Tanga? Sinong tanga?”   I laughed sarcastically.   “Bwisit kang siraulo ka ah!”   Tumakbo naman siya habang tumatawa kaya sinundan ko siya.   “Kapag ikaw naabutan ko, sinasabi ko sa’yo!” sigaw ko pa.   “Yung bangs mo kukulot!” sagot naman niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD