Chapter 8
College
“We’ll be discussing your emersion for today,” salita noong coordinator ng Grade 12.
Nandito kami ngayon sa AVR para sa seminar noong work emersion ng mga grade twelve students. Nasabi na sa amin na second semester iyon magaganap and nabalitaan na rin naman namin iyon sa mga senior last year.
Iyong work emersion, parang OJT sa mga college students. Ang kaibahan lang, hindi kaming students ang maghahanap ng gusto naming pasukan na company or business. Iyong school ang bahala doon. Kung saan ka ma-assign na business doon ka papasok ng emersion.
“Some students will come in pair, per department. Pero hindi ibig sabihin ay dalawa lang kayong mag e’emorsion sa company na iyon. Pwedeng madami pero sa ibang department,” paliwanag pa ni Miss.
Nakatingin lang naman ako doon at nakinig. Nakaka-excite pero nakakakaba din. Though, hindi naman buong ABM at GAS ang masasama sa emorsion. Pili lang iyon tapos iyong iba ay dito lang sa school. Simulation naman iyong gagawin nila.
Sabi noong iba kong classmates, iyong mga matitino lang daw iyong pipiliin. Iyong mga loko loko, maiiwan dito sa school. Discrimanation iyon pero naisip ko din na mapapahiya kasi ang school kung may kalokohang gawin iyong estudyante lalo na at sila ang makikipag coordinate sa mga papasukan namin.
“Safe tayong tatlo jan,” bulong ni Ares, tinutukoy silang tatlo nila Priam at Zeus. “Si Cupid pwede pa.”
Malakas naman iyong mga bulungan sa loob ng AVR, mga excited. Iyong iba naman, nag k’kwentuha lang. Ako, nilalamig dahil ang lakas ng aircon.
“You emersion will be once a week. Kaya vacant ang Thursday ng lahat ng section ay nakalaan iyon para sa work emersion ninyo. At the same time, iyong mga mag s’simulation.”
“Ano ba gagawin sa simulation?” bulong ni Priam.
“Shhh. Makinig ka kasi,” sagot ko naman.
“Those students who’ll be picked to do the work emersion will be working all day. Eight or nine A.M, depends on your employer, until five or six PM.”
“Yung simulation po?” tanong noong isa.
“The simulation will only have four hours every Thursday, to complete their grade.”
Marami nang nag reklamo doon. Dahil unfair daw. Hindi ko naman alam kung ano magiging reaction ko. Four hours? Nakaka temp nga iyon! Parang mas gusto ko nalang iyon. Pero sayang naman kasi ang experience kaya gusto ko din talagang mapiling mag work emersion.
Matapos iyong seminar ay bumalik na kami sa kaniya kaniyang classroom para ituloy iyong mga subjects namin. Habang naglalakad naman ay panay ang salita noong mga kulugo kong kasama.
“Paano kung kasama ka Psyche? Pero sure naman na iyon. Gagabihin ka lagi ng uwi!” pagaalala ni Ares.
“Oo nga. Malayo pa naman iyon for sure. Wala naman businesses na malaki around dito e.”
“Sure ka bang malaking company?” tanong naman ni Zeus.
“Sure ako! Mahihirapan sila kung small lang tapos two pairs lang. Kung malaki, maraming students na iyon,” pagpapaliwanag naman ni Priam.
May point naman siya. Tama din siya at sure akong malayo iyon. Gagabihin talaga ako noon pero sana naman kung mapili ako, 5 P.M lang iyong out.
“Ikaw, Cupid? Gusto mo mapili?” tanong ni Ares.
Napalingon din ako sa katabi. Hindi ko siya susungitan ngayon dahil good mood ako. Nag kibit balikat naman siya.
“Ayos lang kahit ano. Pero maganda kung mapili. Sayang experience.”
“True!” sang ayon ko naman.
He smiled at me and I smiled back. Kalaunan ay natawa siya.
“Good mood ka ata Psy?” tanong ni Ares.
I smiled more to them, iyong halos mawala na iyong mata ko.
“Sobra.”
Sumama naman iyong mukha ni Ares na parang na w’weird-an sa akin. I squint my eyes and frown. Sakto naman dumaan iyong mga ibang seniors na naghahabulan.
“Stop, Psy. Ang creepy,” sagot niya na may pag made face pa.
Akala mo sinong gwapo naman ‘tong balahura ito. Napalingon naman ako kay Cupid noong madaanan namin iyong isang table doon. Nakita ko doon si Thalia kasama iyong mga classmates niya.
Maganda naman talaga iyong pinsan ko. Maganda din naman ako pero iba iyong sa kaniya, iyong parang laging mabango saka hindi humuhulas. Iyong ganda ko, timing lang naman. Para siyang may lahi pero wala naman.
Nakita ko namang nakalingon doon si Cupid sa banda ng pinsan ko. I nudged him. Medyo gulat naman siyang tumingin sa akin.
“Bakit?” mahinahon niyang tanong.
“Alam ko na paano makakabayad sa’yo.”
Bumuntong hiuninga siya tapos ay tiningnan ako na parang napapagod na siya sa akin. Well I can relate very much.
“Huwag na nga, Psy. Hindi ko naman pera iyong binambili diyan.”
Sumimangot naman ako ng bahagya.
“Sa parents mo? Oo na. Pero hindi naman pera iyong ibabayad ko sa’yo.”
Kumunot naman iyong noong noo niya pero ngumiti lang ako saka pumasok na sa room. Naka bangga ko pa doon si Cristel.
“Sorry!” sabi ko na may accent pa.
Ngumiti lang naman siya sa akin. Masama ata ang loob sa groupings doon sa PE. Ngumuso nalang ako at naupo na sa tabi ni Ares.
“Psy, kain tayo mamaya doon sa Wings Spread!” sigaw ni Ares sa tenga ko pagkaupo ko. Wala talagang modo ‘to.
“Bakit, ano meron?”
“Wala lang. Ang tagal na nating hindi kumakain do’n!”
Tumaas naman ang kilay ko sa kaniya. Madalas kami doon kapag may free time saka may budget. Unli chicken wings iyon.
“Wala akong pera.”
“Libre kita,” mabilis niyang sagot.
“Hoy! Hoy! May practice sa PE mamaya ah!” sigaw noong isa kong kaklase na nasa ibang group. Iyon pa nga pala. Hindi ko pa alam paano namin gagawin iyon.
“Ano, Psy?” kulit pa ni Ares. “Oy, Priam, Zeus, unli wings tayo mamaya.” Gumalaw naman siya at dumukwang sa harapan ko. “Cupid! Unli wings tayo mamaya!”
“Saan?” sagot naman noong barubas.
“Doon malapit sa village natin! Bawal tumanggi!”
Tinulak ko naman iyong mukha niya palayo sa table ko.
“Umayos ka nga diyan.”
“G ba g ba?” si Priam naman ngayon habang nakaharap sa amin.
“Ako g!” sagot naman ni Zeus.
“Ako din!” sigaw pa ni Cupid.
“Okay! Kompleto tayo!” masayang sabi ni Ares. “Oh bakit tinitingnan mo ako ng masama?” tukoy niya sa akin.
Inirapan ko naman siya kasi hindi naman ako pumayag pero wala naman ako magagawa sa baliw na ‘tong isip bata pa.
Nag kaniya kaniyang takbuhan na sa upuan ang lahat noong pumasok iyong instructor namin. Sobrang tahimik ng lahat dahil masama iyong mukha noong instructor. Parang masama iyong araw.
Masungit itong tumingin sa papel na hawak.
“Miss Aragon, Miss Rojas, and Mr. Cariño. You are being called in the guidance office.”
Hind ko naman napigilan iyong panlalakhi ng mata ko. Ako? Did I hear her right? Miss Aragon? Lumingon naman ako kay Cupid na nakatingin na sa akin.
“Tayo ata ‘yon?”
Ay gago. I hissed at him and looked at our instructor again.
“Parang nagtataka pa kayo? Nag reklamo iyong sa kabilang section na hinarass niyo daw siya? Nandoon iyong magulang niya.” Lumingon naman sa akin iyong instructor. “Miss Aragon?”
Napa-kurap naman ako. “Po?”
“Is this true?”
I gulped and cleared my throat.
“Uh…” nagtama naman iyong paningin naming ni Klein.
“Kasalanan ko po, Ma’am.”
Nanlaki naman iyong mata ko ng humarap kay Cupid.
“Nasisiraan ka ba?” bulong ko. Ngumisi lang naman siya sa akin.
Iyong mga kaibigan ko namang kulugo ay mga naka kunot iyong noo at parang mga gusto ng magsalita.
“Kasalanan ko po iyon, Ma’am,” malakas na sabi naman ni Klein kaya nabaling iyong mga mata namin sa kaniya.
Napataas naman iyong kilay noong instructor naminn. Tapos ay bumuntong hininga siya.
“Well, doon na kayo sa guidance magpaliwanag. You can go. Mag catch up nalang kayo sa ibibigay kong handouts.”
Naunang tumayo si Cupid saka ako hinintay doon bago ako pinaunang lumabas.
Nang makalabas ay hinampas ko naman sa braso si Cupid.
“Aray ko naman!”
“Pabida ka naman doon. Ang feeling.”
“Grabe ka ha. Ginawa ko iyong para mag mukhang cool.”
“Well sorry to say this pero hindi bagay at hindi cool.”
Sinipa ko iyong bato na nakaharang sa daan. Malamig naman na hinawi ng hangin iyong bangs ko. Kaya inayos ko iyon. Malamig na naman ngayon hindi gaya kahapon na medyo mainit ang hangin.
“Ma-sususpend kaya tayo?” mahinang tanong ni Klein habang naglalakad kami.
“Hindi siguro. First offense?”
“Nang gigigil talaga ako doon sa babaeng iyon. Siya pa ang may ganang mag pa-guidance ha?”
“Totoo! Ayos lang sana kung nahablot ko pa iyong buhok niya at nalagas ng kaunti.”
Narinig ko naman iyong tawa ni Cupid. Pati si Klein ay nangiti. Medyo okay na siya ngayon kumpara kahapon pero alam naman namin ni Ana na hindi pa talaga siya okay. Hindi na lang namin masyadong binabanggit iyong kupal niyang ex saka hindi rin kami masyadong nagtatanong.
Kinakausap lang naming siya na parang normal para hindi niya gaanong maisip iyong mga nangyari. Hindi naman kasi madali iyong pinagdadaanan niya.
“Anong sasabihin natin sa guidance counsellor?”
“Kung anong itanong,” sagot ko kay Cupid.
“Sabi ko nga,” bulong niya pa. “Bakit pa ba ako nagtatanong.”
Pare-parehas naman kaming napabuntong hininga noong nasa harap na kami ng guidance office. Nagkatinginan pa kaming tatlo bago sabay sabay na napailing. Binuksan ni Cupid iyong pinto kaya pumasok na kami.
Natagpuan kagaad ng mata ko iyong si Glizelle saka iyong Mama niya siguro. Napataas ako ng kilay saka umupo doon sa tinuro noong guidance counsellor.
“Miss Aragon, Miss Rojas, and Mister Cariño?” tanong noong guidance sa mahinahon na boses.
Nasa fifties na kasi si Ma’am kaya sa tingin ko kahit galit ito, malambing pa din iyong boses.
“Opo,” sagot ni Cupid.
Hindi ko first time sa guidance pero first time na ako mismo iyong pinatawag dahil ako ang mali. Kung hindi lang talaga malaki pinag dadaanan ni Klein nahampas ko na ito.
“Sila iyon, Mommy! Pinagtulungan nila ako!” sigaw ni Glizelle.
“Ah spoiled brat,” bulong ko.
Siniko naman ako ni Cupid lalo na at muntik nang matawa si Klein.
“See? Tumatawa pa sila!”
Umubo naman ako nang malakas.
“Sorry, Ma’am. Ang kati po noong lalamunan ko. Tamang hinala lang po itong si Glizelle,” malinaw at madiin kong sagot.
“Girl, stop,” bulong pa ni Klein.
Umirap naman sa akin si Glizelle saka nag cross arms. Umayos naman ng upo iyong guidance councellor.
“Miss David,” tawag pansin nito kay Glizelle. “What do you call them for again? Assault?”
“Yes, Ma’am! Pinagtulungan po nila ako.”
“Hindi po totoo, iyon,” mabilis na sagot ni Cupid. “Unang una, hindi po ako nananakit ng babae. Umawat lang ako.” Harap niya kay Glizelle.
Napanguso ako at napataas ng kilay. Nag papa-cool ba ito o ano? Natigilan naman iyong councellor at saka tumingin sa aming lahat.
“Anong gusto mong mangyari, Miss David kung ganoon?”
“They need to apologize, of course!” matinis na boses na sagot noong Mama ni Glizelle.
“And kung ayaw po namin?” tanong ko.
“Miss Aragon,” madiin na tawag noong councellor.
I sat back and sighed. Parang mamamatay naman ako sa tingin noong Mama ni Glizelle.
“Nagtatanong lang, Ma’am. Options.” Ngumiti ako pagkatapos.
“Huh! Is this how students act here? I’m so disappointed!” dugtong pa ni Mrs. David.
“Let’s calm down, Mrs. David. Let the students handle it on their own. Hindi na sila mga bata.” Lumingon sa akin si counselor. “Care to explain your side?”
Nagkatinginan kami ni Klein at tinanguan ko siya. Siya naman iyong dapat na magsalita dahil sila ni Glizelle iyong unang nag-usap.
“Pinuntahan ko po siya kahapon para makipag-usap. Mahinahon naman po ako pero siya iyong mataas ang boses-”
“Because you are cornering me!”
“Hindi ka magagalit kung hindi ka guilty!” balik ni Klein.
Glizelle chuckled sarcastically. “Ikaw iyong sumugod sa akin!”
“Excuse me, tinulak lang kita! Pa’no kasi nagagalit ka na wala pa naman. Iyong laway mo tumatalsik na sa mukha ko!”
Hindi ko talaga kayang hindi matawa doon. Cupid coughed and I looked up, pursing my lips. Friend ko talaga ito. Pati iyong counsellor ay parang naubo din.
“Mommy! They’re making fun of me!”
“Ma’am, nagsasabi ako ng totoo! Siya iyong unang sumampal sa akin!”
“Dahil tinulak niya ako! Tapos ay sumali pa siya!” turo sa akin ni Glizelle.
“Excuse me, umawat lang ako,” nagtaas pa ako ng kamay to make my point.
“Sinampal mo ako!”
“Sinabunutan mo kasi ako! Buti nga sampal lang inabot mo e!”
Cupid held back my arms. Tiningnan ko naman siya ng masama pero inilingan niya lang ako.
“See? She’s violent!” nangigigil na sabi ni Glizelle.
“Kinalmot niya din naman po si Psyche,” singit ni Cupid saka tinaas iyong braso ko. “Hindi ko pong sinasabing tama pero parehas naman pong may mali.”
I licked my lips and squint my eyes at Cupid.
“Ako lang iyong kampihan mo,” bulong ko.
Pumikit naman siya at umiling. Hinablot ko naman iyong braso ko. Bwisit ‘to.
“Hindi po ako mag s’sorry,” malakas kong sabi. “Kung masasabi niyo po kung bakit ako mag s’sorry then mag s’sorry po ako.”
“Ang kapal talaga ng mukha mo!” sigaw na naman ni Glizelle.
Sumasakit na iyong tenga ko sa kaniya!
“Counsellor? Is this what you taught the students here? To be mayabang?!” dugtong noong Mama niya.
“Excuse me, Mrs. David pero sana tingnan niyo din po iyong anak ninyo. Siya ho iyong pumapatol sa lalaking may girlfriend na. I will give her some slack kung sang hindi niya alam na taken si Marco kaso proud pa siya e. Is that how you taught your child po?” I said sarcastically.
Nangigigil na tumingin sa akin si Mrs. David at nanlilisk pa iyong mga mata.
“Miss Aragon,” the counsellor warns.
“Hindi po kasi fair, Ma’am. Siya iyong nag rereklamo gayong siya naman iyong dahilan kung bakit may g**o. Fine, Klein mag-sorry ka na.” Nilingon ko iyong kaibigan ko at sinenyasan siya. Nanlaki naman iyong mata niya. “Tinulak mo siya.”
I tilted my head and raised my eyebrows at her. She cleared her throat tapos ay tumingin kay Glizelle.
“Sorry. Dahil tinulak kita.”
“Done, Ma’am,” mabilis kong sabi. “Ngayon, gusto din namin ng sorry mula kay Glizelle.”
“What?” sigaw sa akin noong mag-ina.
“Bakit po? Hindi ba dapat common values iyong bawal umapid? Nasa ten commandments pa iyon.”
Napansin ko naman iyong pag-iling noong counsellor. What? Totoo naman iyong sinasabi ko.
“Hindi naman po dapat ika-proud iyon lalo na at nasaktan niya itong kaibigan ko. Hindi lang naman po physical harm iyong hinihingi ng tawad.” Lumingon ako sa counsellor, “Hindi ba po, Ma’am?”
Parang wala naman masabi iyong guidance at tumatango tango nalang.
“Miss Aragon is right, Miss David. Since they’ve apologized, why don’t you do your part?”
I smiled widely, “Please emphasize that you’re apologizing for being kabit.”
“Miss Aragon,” warn ulit noong counsellor.
“I can’t believe this! My daughter will not apologize!”
Napakamot na si Cupid sa noo niya habang si Klein ay napabuntong hininga. Nagtaas naman ako ng kilay at ngumiti.
“That reflects on you na po.” Lumingon ako sa councellor. “Nag sorry na po kami, pwede na po ba kaming bumalik sa klase?”
She sighed and nodded afterwards. Hindi ko naman na hihintay pa iyong sasabihin noong mag inang splitting image ng isa’t isa.
Bumuntong hininga ng malakas si Klein na parang noon palang nakahinga ng maluwag. Natawa naman ako at lumingon kay Cupid.
“Oh bakit?” tanong ko nang magtagal iyong tingin niya sa akin.
Nag thumbs up naman siya, “Ang astig mo doon.” He laughed after.
“Agreed! Grabe, Psy. Saan mo nakuha iyon?”
“Well, ako lang ‘to.” I chuckled.
Mabilis na kaming naglakad paalis doon dahil baka abutan pa kami ni Glizelle doon saka iyong Mama niya. Hindi na din masama sa unang beses kong napatawag sa guidance office.
“Mag-c’cr muna ako,” banggit ko sa kanila.
“Bibili muna ako sa cafeteria! Huwag kayong papasok agad, hintayin niyo ako!” ani Klein saka tumakbo na nang mabilis doon.
I tilted my head and looked at Cupid.
“Samahan kita,” mahina niyang sabi saka una nang naglakad.
Sumunod naman ako at hindi na nagreklamo. Hindi ko din naman siya pauunahin sa classroom dahil itatanong noong instructor namin kung nasaan na kami.
Nang makarating sa cr ay pumasok na ako doon. Wala naman tao kaya nanalamin muna ako pagkatapos. Minsan kasi kapag madaming tao sa cr, nakakahiyang manalamin. Parang tinitingnan ka din kasi noong mga nandoon kapag gano’n.
“Lezgo!” sabi ko kay Cupid nang lumabas ng cr.
Habang naglalakad ay hindi ko naiwasang mapatingin sa paligid at mapanguso. Apat na buwan nalang, g’graduate na kami. Nakakalungkot din kapag naiisip ko iyon. Dito na ako lumaki at nag-aral, though nawala ako ng dalawang taon, hindi pa rin mapapantayan noon itong school na ‘to.
Masyado akong maraming memories dito. Halos dito ko ginugol iyong pagkabata ko hanggang ngayon. Parang medyo masakit na pagkaraan ng apat na buwan, hindi na ko dito pupunta araw araw.
Noon, gustong gusto ko ng maging college student kasi parang ang lakas maka adulting noon. Saka parang ang easy ng buhay pero ngayong iniisip ko, nakakalungkot din.
Sa Manila ko kasi balak mag college. Naka pag entrance exam na ako sa ilang university doon kaya by next month mag aayos na ako ng requirements dahil noon din iaannounce iyong mga pumasa. Kung hindi naman ako pumasa e’di wow, mag hanap ng iba.
“Cupid,” mahina kong tawag at huminto sa paglalakad.
Ganoon din naman ang ginawa niya saka humarap sa akin.
“Oh?”
“Saan ka mag c’college?” seryoso kong tanong.
Napakunot naman ang noo niya saka tinagilid ang ulo.
“Bakit?”
“Sagutin mo nalang.”
He smirked. “Hindi pa ako sigurado pero nag-exam ako sa Manila.”
Tumango naman ako at napatingin sa mga dumaang estudyante. Ngumuso ako at humarap ulit sa kaniya pagkatapos.
“Sa UE mag-aaral si Thalia. Nag-exam din siya sa UST saka UP pero ang alam ko sa UE niya gusto.”
Kumunot naman iyong noo ni Cupid habang pinagmamasdan ako. Gumalaw din siya at lumapit ng bahagya sa akin. Ngumiti lang naman ako sa kaniya.
“Bakit mo sinasabi sa’kin ‘yan?”
Tiningnan ko naman siya na sinasabing kunwari pa siya. Alam ko namang gusto niyang malaman. Ngumiti nalang ako sa kaniya na parang proud ako sa sarili ko.
“Pumapayag na ‘ko,” malinaw kong sabi.
Matagal siyang hindi nagsalita at parang iniitnindi pa iyong sinabi ko. Halos mabilang ko pa iyong pagkurap ng mata niya bago unti unting nanliit iyon habang nakatingin ng seryoso sa akin. Hindi ko napigilang irapan siya.
“Tutulungan na kita kay Thalia,” paglilinaw ko.