"Would you like to buy or rent your travel bracelet?"
Halos mapasigaw ako ng biglang may magsalita sa likuran ko.
Napatawa naman ang babae sa reaksyon ko habang ako ay nanlalaki pa rin ang mata.
"Travel Bracelet?" takang tanong ko.
May inilabas syang manipis na bracelet na may LED display na siguro ay kasing laki ng 1x1 na picture mula sa bulsa nya.
Napatalon ako ng bahagya ng hawakan nya ang braso ko at igiya ako sa isang booth sa ground floor na syang pinaka malapit sa pinto. May nakasulat doong 'Travel Bracelets' in bold, all caps and glossy blue letters.
Pagkapasok namin doon ay may mga nakahanay na maraming tablet doon pero nakakonekta sa server ang lahat ng iyon. Inilapit nya ako sa isa sa mga iyon.
"Here's how it works. You can rent a bracelet or you can buy it" sabi nya at ipinakita sa akin ang kaparehong bracelet na ipinakita nya sa akin.
"You have to fill up this form either ways. Look there" she said and then pointed at the third floor. Nalaglag ang panga ko nang makita ko na may mga lines na kulay blue na nagfoform ng bilog at pag nagfade iyon ay voila! Nandoon na yung tao!
"Teleportation?" usal ko
"No, but yeah. Teleportation is kinda like a boring stuff. We have placement detectors on the floors so two person is not gonna transport on the same spot" she explained
"How much for rent?" tanong ko
"Oh just 2 merits" she replied.
60 pesos? Hindi ba pwedeng maglakad na lang?
"So the next time your gonna go here, you have to rent again. Might as well buy it" she said while shrugging her shoulders.
"How much if i buy it?"
"Just 30 merits" she said like it was nothing to her.
"Lagi kang magpupunta dito, believe me. You are a student and everything your gonna need is here. You won't find it anywhere else so you have to have one of this." paliwanag nya.
"Okay. I'll buy one" sabi ko at nagsimulang mag fill up ng mga details ko sa tablet.
Umalis ito saglit at pagbalik nito ay may dala na itong parihabang kahon na alam kong may lamang travel bracelet.
"Here you go. What your account?" tanong nito
"Ali Berg" sagot ko
"Weird" she suddenly said.
"Anong nangyari?" taka kong tanong at tiningnan ang computer nya. I felt my body went stiff nang makita ko ang pangalan ng Shell sa screen.
"Can you try to scan your thumb again?" she said
Hindi ako nakapag salita. I'm not that dumb at alam kong kapag nagscan ulit ako ng hinlalaki ko ay lalabas ulit ang biometrics ni Alia.
"Ms?" pukaw nito sa akin pero nanatili akong nakatingin sa monitor.
Ramdam ko ang pagbigat ng paghinga ko.
"Pwede ko bang i- cancel ang pagbili?" bigla kong sabi
Napakamot ito sa ulo at halatang nagtaka pero nang akmang icacancel na nga nito ang transaction, bigla namang may nagsalita sa likuran ko.
"I'll vouch for it. Place it on my record"
Kahit hindi ko tingna kung sino iyon ay kilala ko ang boses nya. Jackson.
Nang makilala nang babae si Jackson ay nagmamadali nitong inayos ang mga naka fill up. Iniabot nito sa akin ang bracelet at bahagyang nag bow kay Jackson.
"The tailoring is up on second floor." he said
Tiningnan ko sya pero hindi ako makapag salita dahil hindi ako makaisip ng kahit anong salita para sabihin. Nahigit ko ang paghinga ko nang kunin ni Jakson ang kaliwa kong kamay.
"Bracelet" he said
Agad kong iniabot sa kanya ang kahon na may lamang travel bracelet. Kinuha nya ang bracelet sa loob ng kahon at iniikot iyon sa pulsuhan ko. Automatic namang nag adjust ang bracelet dahil magnets ang dulo nito.
"Open your palms" he said.
Nang tingalain ko sya ay wala syang reaksyon kaya sinunod ko nalang ang pinapagawa nya. Binuksan ko ang palad ko at mula doon ay may nagproject na mga maliliit na icon na parang katulad ng sa tablet ko, ang kaibahan lang noon ay ang mga icon ay ang mga pangalan at logo ng mga shop sa loob ng third building.
That moment, i automatically knew what i was going to do kaya bago pa makapag salita si Jackson ay agad akong pumindot ng icon na located sa third floor. Hindi ko alam kung anong naging reaksyon ni Jackson dahil hindi ko na iyon nakita dahil pansamantala akong nasilaw sa ilaw at nang mawala iyon ay nabungaran ko na lang sa harap ko ang isang bookstore. Nang tumingin ako sa ibaba ay halos mahilo ako sa taas ng kinalalagyan ko ngayon. Hindi ko na rin makita ang tindahan ng Travel Bracelet kaya wala rin akong ideya kung nasaan si Jackson.
Agad kong ibinukas ulit ang palad ko at hinanap ang pangalan ng Tailoring Shop na sinabi sa ibaba ng schedule. Nang makita ko iyon ay magteteleport na sana ako papunta doon nang bigla akong natigilan.
"Malamang doon yun nagpunta" usal ko
Alam kong doon agad magpupunta si Jackson pagkatapos ko syang takasan dahil alam nitong ang pakay ko sa pagpunta dito ay magpatahi ng Sports uniform. Imbes na magteleport ulit ay naglakad ako palibot sa third floor at nagsimulang mag obserba kung may mga opisina ba ang Council o Management dito pero mukhang wala akong swerte sa floor na ito.
Para makasiguradong hindi ako makikita o hindi ko aksidenteng makasalubong si Jackson, imbes na sa kahit anong shop sa second floor ako magtravel ay pinili ko ang restroom ng mga babae. Agad akong napalipat sa isa sa mga cubicle sa second floor. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at lumabas ng mismong CR. Nagpalinga linga pa ako sa paligid bago ko napagdesisyunang magsimula nang maglakad. Dahil kinakabahana ko na baka pag gumamit ako ng Travel Bracelet ay bigla na lang bumulaga sa harap ko si Jackson, nilakad ko na lang ang distansya ng restroom papunta sa tailor shop gamit ang map na nasa tablet ko.
Nang makarating ako doon at masigurado kong wala si Jackson doon ay napangiti ako ng bahagya.
"Sino nga ulit nagsabing Genius sya?" natatawa kong bulong.
Lumapit ako sa receptionist at nagsimula na itong sukatan ako. Nang matapos ay binilinan ako nitong bumalik bago mag five pm dahil magsasara na sila after five.
Hindi agad ako lumabas ng shop at isinearch ko muna sa tablet ko ang kanina pang lugar na bumabagabag sa isip ko.
Third Building Basement.
Agad akong nagset ng travel papunta sa Basement parking nang building nang iconfirm nga ng results ng search ko na mayroon ngang basement ang building.
Ilang segundong maliwanag lang ang lumipas at nandito na agad ako. Unlike what i imagined it to be, hindi ito yung madilim at nakakatakot na basement na puno ng sasakyan. Iilan lang halos ang sasakyan at well lighted ang lugar dahil sa dami ng ilaw.
Ngunit laking pagkadismaya ko ng walang kahit anong pinto o kahit anong pwedeng lagusan sa isa pang kwarto o lugar akong nakita doon. Babalik na sana ako sa Ground Floor nang biglang may humawak sa balikat ko. Sa takot ko ay agad akong napaupo at napasigaw.
"What are you doing here?"
"Om?" gulat na tanong ko
"Ikaw ang dapat tinatanong ko nyan. What are you doing here? Sinusundan mo ba ako?!"