Thirty Three

1370 Words
"Ha! Where did you get that idea? Why would i follow you?" tanong nito sa akin Nang nagtangka akong umurong ay parang nanghina ako sa hindi malamang dahilan at napaupo ako. Lumapit sa akin si Om at inilahad ang kamay nya para tulungan akong tumayo. Nagaalangan ako pero kinuha ko iyon, pero lalo akong kinain ng takot ng maramdaman kong mahigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko. Nang tangkain ko iyong ikutin paalis sa pagkakahawak nya ay lalo iyong humigpit kaya napa ngiwi ako sa sakit. "Nasasaktan ako, Om" may diin kong sabi. "Why are you here? You are not here by accident" sabi nito while narrowing his eyes down on me suspiciously. "Nagkamali lang ako ng pindot" pagdadahilan ko. "I never aced the White Exams for no reason." Sabi nito. Sa pagsabi nyang iyon ay nakakuha ako ng tsansa at hinila ko pabitaw sa pagkakahawak nya ang kamay ko. Sa higpit ng pagkakahawak nya ay napaurong ako ng makabitaw sya sa akin. Agad akong humakbang palayo sa kanya. "Ikaw ang dapat tinatanong ko nyan. Wala ka namang sasakyan pero bakit ka nandito?" Matapang na tanong ko sa kanya. "Sinusundan mo ako!" Sigaw ko sa kanya. Agad akong kinabahan at pinilit kong alalahanin kung may binaggit ba ako o nagsalita ba ako tungkol sa paghahanap ko kay Yal at agad naman akong nakampante ng wala akong maalala. "It's because you are not here for no reason. At hindi ako naniniwalang nasagutan mo nga lahat ng tanong ng hindi ka nandadaya" sabi nito. Om? He doesn't sound and look like his usual self. Ano bang nangyayari? Nang makita kong lalapit sya sa akin ay humakbang ulit ako paurong at palayo sa kanya. Nang makita kong nagpa linga linga sya sa paligid para tingnan kung may ibang tao ay agad kong inilagay sa likod ang kamay ko at kinapa ang travel bracelet pero bago pa ako makapindot ng kahit ano ay agad namang nabalik ang tingin nya sa akin. "Si Om ka ba talaga?" Tanong ko. Natawa ito. "Sino pa?" Sagot nito sa akin havang bahagyang natatawa. Nang humakbang sya palapit sa akin ay wala na akong sinayang na oras at pinindot ko na ang kahit anong tamaan na icon na nakadisplay sa bracelet. Kita ko ang panlalaki ng mata nya at akmang sisigaw sya pero wala na akong narinig dahil nabulag na ulit ako sa ilaw pansamantala pagkatapos at nakamulatan ko na lang na nasa harap na lang ako ng isang candy store. Saktong sakto naman na katapat lang noon ang tailoriny store. Agad akong pumasok sa loob at napasandal ako sa isa sa mga stall dahil sa sobrang kaba. Napahawak ako sa dibdib ko, hoping the heartbeat would slow down even just a little. Somehow, dahil siguro sa amoy ng mga candy ay kumalma ako ng bahagya. Nang masigurado kong wala si Jackson o Om sa paligid ay naglibot libot ako sa loob ng store. May mga maliliit na candy sa garapon at sachet. Ang iba sa kanila ay may mga syrup na kasama. Samantalang sa Counter naman ng Shop ay may mga boteng nakabaliktad na may mga lamang syrup na ibat ibang flavor. Hindi ako nakatiis at kumuha ako ng isang garapon na hindi ganoon kalaki. Sa itim na takip noon ay may nakasulat na 'Made in Candy' na syang pangalan ng shop. Nang tingnan ko ang presyo nito ay halos mapaubo ako. "4 Merits?" Usal ko 120? Napaingos ako. Pero dahil kinakabahan ako at mukha naman itong maraming laman ay kinuha ko ito at dinala sa counter. "Can i add some syrup on it?" tanong ko sa Bot na nasa counter. "Ofcourse!" masaya nitong sabi.  Kinuha nito sa akin ang garapon ng candy at lumapit sa mga boteng naka baliktad. "What flavor?" tanong nito sa akin  "uhmm, what do you suggest?" alanganing tanong ko sa kanya dahil wala naman akong alam sa mga flavor non. The Bot seems to be taken aback pero agad din itong nagsalita. "I'll suggest this one. It's not that sweet but it's good" sabi nya. Tumango ako at binuksan na nya ang garapon at itinapat iyon sa bibig ng bote nang flavor na itinuro nya. Nang malagyan nya iyon ay ibinalot nya ito sa paper bag at iniabot sa akin. "Account?" "Oh!" gulat na sabi ko. "It's Ali Berg" Tumango ito sa akin at may ilan pang pinindot sa computer bago tumunog ang tablet ko tanda na nareceive na nito ang receipt ng binili ko. Akmang lalabas na ako ng shop ng napatigil ako dahil sa nakita ko. "Jackson" usal ko. Nakatigil ito sa harap mismo ng Tailoring Shop at hawak nito ang Tablet nya. Nang makita kong busy itong nakatungo sa tablet nito ay agad akong tumakbo at pumindot ng isang shop na nakita ko sa fourth floor.  Nakahinga ako nang maluwag nang makarating ako doon. Pero agad kong napansin na walang tao sa floor na iyon kaya agad akong nagtaka. Nang libutin ko ito ay puroito mga double door na pinto na hindi katulad ng ibang mga nasa floor na mga shop ang nakalagay. "Mga opisina ito" usal ko. Agad na kumabog ang dibdib ko dahil sa excitement na naramdaman ko.  "Posibleng dito dinala ni Jackson si Yal. Kaya nang makita nyang papunta ako dito ay sinundan nya ako" usal ko Nagsimula akong maghanap sa mga pinto pero halos lahat ng mga iyon ay nakalock at ang tanging bukas lang ay tatlong pinto. Ang una sa mga ito ay ang opisina ng management ng Thirrd Building o ng mismong mall. May mga tao doon at isa lang iyong square cubicle. Sa pangalawa naman ay ganoon din at sa huling bukas na pinto ay parang conference room kung saan may isang mahabang lamesa at may mga nakaikot doong mga upuan. Sa itaas ng pinto ay may nakasulat na 'Shop Owners Association Conference Room'. Pero hindi agad ako nawalan ng pag asa kaya umikot ulit ako sa buong floor at nagbaka sakaling mayroong nagbubukas ng pinto. Hindi kasi transparent ng mga bubog ng pinto. Malalabo iyon kaya imposible kong makita nang maayos kung anong nasa loob noon. Kakaunti ang mga opisina na sa tantya ko ay wala pang sampu pero dahil malaki ang floor ay malalaki ang mga iyon para masakop ang lahat ng space. Akmang magta travel na ako pabalik sa Restroom ng third floor nang biglang--- "Now tell me you are not looking for something" Nanlaki ang mata ako nang marinig ko ang boses ni Om sa mismong likuran ko. Sa takot ko ay hindi na ako nagtangka pang humarap at agad kong itinaas ang tarvel bracelet ko pero agad naman nya itong nahaklit sa braso ko. Tumalsik iyon sa sahig, malayo sa akin at imposibleng makuha ko iyon ng hindi ko tatakbuhin. Nang ihakbang ko ang paa ko palayo kay Om ay hinawakan nito ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya. Pero ginamit ko ang mga natitira ko pang lakas na hindi nauupos dahil sa takot at gulat ko para itulak sya. "Anong ginagawa mo? Anong binabalak mo?" galit nyang tanong sa akin "Ano bang pakialam mo?!" sigaw ko sa kanya Nang padaskol nyang haklitin ang braso ko ng pwersahan ay napadapa ako sa sahig dahil sa lakas nang paghila nya. Nanlaki ang mata ko dahil sa takot na baka kaladkarin nya ako. Hinawakan ko ang kamay nya na nakahawak sa akin at sinubukang alisin iyon pero lalo lang iyong humigpit kaya napangiwi ako sa sakit. Akmang sisigaw ako nang biglang may magsalita sa likod ko. "Let her go" Jackson! Hindi ko binitawan ni Om pero natigilan ito nang saglit bago humarap kay Jackson na seryosong nakatayo. "What?" tanong ni Om dito. Let me go daw! "I didn't know you're deaf" sabi ni Jackson Wala itong kaemo emosyon nang magsalita ito kaya nagtaasan ang balahibo ko. Ramdam ko rin ang pagtense ng katawan ni Om dahil bahagyang lumuwag ang pagkakahawak nya sa akin. "Wala tayo sa school, McQuoid" pabalang na sagot ni Om dito. Unlike what i expected, wala pa ring kahit anong reaksyon si Jackson. Mukha itong bore na bore makipag usap kay Om. "You are not receiving the order from your Senior President" Jackson paused and took one step closer to us. Dahil doon ay napaurong si Om at nakaadkad ako nang bahagya. "I said let her go" may diin na sabi ni Jackson Pero nanatiling nakahawak sa akin si Om. "Then from whom?" nakangising tanong ni Om dito Jackson smirked and i swear, mas gugustuhin ko pa syang nakikitang parang yelo kesa sa reaksyon nito ngayon. Dahil nararamdaman kong sa ngising iyon ay may hindi ito magandang sasabihin. "The Vice President of Milena" Damn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD