Thirty One

1099 Words
The next day, Wednesday. Nakupo ako sa kaparehong upuan, parehong oras at parehas na subject. Ang pinagkaiba lang, wala si Jackson sa tabi ko. Hindi ko alam kung nasaan ito pero ipinagkibit balikat ko iyon. Mas mabuti na rin siguro, hanggang hindi pa nya ako inirereport, hindi ako magmumukmok lang sa kwarto. Papasok ako at hahanapin ko si Yal. Parang pumapabor sa akin ang tadhana dahil halfday lang ang klase ng lahat ngayong araw dahil sa hindi ko malamang dahilan.  But somehow, this day makes me feel brave. It makes me feel.....me. Tatlong subject lang ang pang umaga pagkatapos noon ay lunch break at isa pang subject na thirty minutes lang.  Nakasakay ako ngayon ng Elevator pababa sa Cafeteria. Nang bumukas ang pinto ay dumeretso na agad ako sa cafeteria at umorder ng Spaghetti chuchu na katulad nang inorder ko kahapon. Nang makaorder ako ay umupo ulit ako sa pinakamalapit na lamesa sa counter. Ilang minuto lang ay lumapit na sa ain ang parehong chef na nagserve sa akin noon dala ang pagkain ko habang nakangit. "Oh, my account is Ali B---" "It's free" putol nito sa akin. "I didn't get to have a proper introduction Ms. Ali. My name is Ryan and i'm the head chef here" he said and then extended his hands towards me. "Nice to meet you" nakangiti kong sabi at inabot ang kamay nya. "Why is it free?" nagtatangkang tanong ko sabay turo sa kalalapag nya lang na plato na may lamang Spaghetti. "Don't you know? It's the President's late daughter's birthday today, and that is her favorite dish" he said while keeping the brightest smile in his face. "Laging yan ang pinapaluto nya sa akin noong buhay pa sya. Actually, wala halos nakakalam na libre yan dahil hindi naman ina announce. Kung sino lang talaga nag umorder sya lang ang nakakalam. So keep the secret, huh?" he said then smiled at me bago sya naglakad paalis. Sa hindi malamang dahilan napangiti ako. "Birthday mo pala" kausap ko sa Shell ko. "Happy birthday, Alia" usal ko Siguro kaya magaan ang pakiramdam ko ngayon. Kinuha ko ang tinidor at iniikot do'n ang pasta at buong isinubo iyon sa bibig ko. "Seems like this is my favorite too" nakangiting sabi ko. Nang tingnan ko ang orasan ay half past twelve na. Inubos ko na rin ang isang garlic bread na kasama ng Spaghetti at dinala ko na lang sa kanan kong kamay ang isa pa. Ibinalik ko sa tray ang plato at dinala iyon sa counter na buti na lang at walang tao dahil siguradong sasaihin na naman ni Chef Ryan sa akin na iwan ko na lang iyon sa lamesa. Lumapit ako sa fridge at kumuha ng isang sparkling water na may flavor at isang bote ng tubig bago lumabas ng Cafeteria. Simula nang makarating ako dito sa Oxygen, ngayong araw, ngayong araw ko lang nakita ang lugar na ganito kasaya. Gumagala ang mga estudyante sa paligid. Nang lumabas ako sa building ay lalo akong namangha dahil hindi katulad noong una kong tapak sa sahig na fiber glass, imbes na normal na kulay ng tubig gaya noon ang nasa ilalim ay kulay gold iyon na parang glitters.  Bukod pa sa iba pang mga estudyante na gumagala sa paligid, may mga citizens din akong nakikita at sa una ring pagkakataon, nakita ko kung paano gumagana ang bullet train. Dumadaan nga ito sa mga harapan ng building kung nasaan ang mga units. May dalawang station ito sa baba, sa west part ka sasakay at bababa ka sa east station. I shaked my head. "I need to focus on what i am here for" usal ko. I trained my eyes on he first building. The hospital. Huminga ako ng malalim at naglakad papunta doon. I feel unusual dahil siguro ang lahat ay papunta sa third building o gumagala sa labas pero heto ako, papunta sa ospital. Halos nasa harap pa lang ako ng pinto ay nagbukas na ito kaya nagderetso ako. Nang nasa harap na ako ng reception area at nakaharap ko na nag Bot na pwede kong pagtanungan, doon ko naalala na hindi ko tanda nag buong pangalan ng Shell na nakuha ni Yal. Gerthrude what?? Shit. Kahit hindi ako sigurado, lumapit pa rin ako sa reception area at kinuha ang atensyon ng Bot. "Which room is Ms. Gerthrude in?" tanong ko "Please wait patiently while i process your request" sagot ng Bot. Ngumiti ako. "There are no records of any Gerthrude admitted in Oxygen's Hospital" the Bot said. Nanghina ako. Bago ako umalis ay inilibot ko pa ang paningin ko sa paligid. Nang makalabas ako sa ospital ay nagpunta ako sa third building. Kinapa ko ang tablet ko at kinuha iyon sa loob ng bag. Nang mabuksan ko iyon ay viniew ko ang schedule ko. "Magpapatahi muna ako ng sports uniform. Mabibigyan ako no'n ng oras para makalibot." usal ko. Naglakad ako sa platform papunta sa third building. Kulay silver iyon na seven storey building. Unlike any other building here, hindi automatic ang pintuan nito na halos kasing taas na nang isa at kalhating floor kagaya ng iba pang sukat ng pintuan ng mga building na kapag may lumalapit na tao ay automatic na nag bubukas. Kinakailangan nito ng bracelet identification. Sa pagkakalam ko, ang sabi sa nabasa kong manual na nakasulat sa tablet, unang purpose nito ay dahil ng mga estudyante sa Oxygen Institute. Nababasa ng system ng Third Building sa bracelet kung anong papasok ba ay isang estudyante, Gained Citizen o yung mga hindi orihinal na mamayan ng Oxygen City at kung ito ba ay Rightful Citizen. Ang pinagkaiba lang ng dalawa ay ang mga Rightful Citizens ay nandito na o dito ipinanganak samantalang ang mga may Gained Citizenship naman ay, from the word itself, Gained. Karamihan sa mga Gained Citizens ay yung mga iilang nakaabot ng net worth na itinakda ng Council. Pagka graduate ng mga estudyante, automatic na marerecognize sila maalin sa dalawa. Malalaman at mate trace ng system kung dito ba sila pinanganak o katulad ko na nakapasok lang dahil sa White Program. Malalaman din ng System kung ang isang estudyante ba ay dapat nasa klase pa o hindi na. So, kung may klase ako ngayon at papasok ako dito, idedenied ako ng Building. Lumapit ako sa scanner at itinapat ang bracelet ko kaya agad namang nagbukas ang pinto. Napanganga ako. I was expecting a boring level to level kind of mall. But this is far from it. When you are inside, it's like your under a glass dome. At imbes na floor by floor na patong patong gaya ng ibang mga mall na nakikita ko noon sa ibaba, nakalutang ang mga floors sa paligid ng mismong ground building.  Napabuntong hininga ako, sa laki nito ay baka hindi ko matapos ang isang floor sa buong araw. "Okay! Kaya ko 'to" Sana lang hindi ako mahilo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD