True to my words, hindi ako nagpa gala gala kung saan saan. Lumalabas lang ako sa hallway kapag papunta na ako sa susunod kong subject.
Kagaya na lang ngayon.
May susunod pa akong subject at papunta na ako doon ngayon. May dalawa nang tao nang dumating ako at nandoon na rin ang teacher kaya nang dumami kami ay nagsimula na itong magklase. Mabilis lang iyong natapos at ang susunod na ay lunch break. Umiling ako at imbes na bumaba sa cefeteria para kumain ay nagderetso na ako sa classroom kung saan ang susunod kong klase.
Natatakot din ako. Hindi ko alam kung para ba kay Alia o para sa akin. Basta hindi din ako komportable sa ideyang makakaharap ko ang mga Councelors.
Nang makarating ako sa classroom ay wala pang tao kaya nakapili ako nang upuan na gusto ko. Inilabas ko ang libro at nagsimulang magbasa nang maalala ko bigla ang panaginip ko kagabi. Napatampal ako sa noo ko nang may maalala ako.
"Bakit ko tinawag na 'Dad' ang papa ni Alia?" naiiling kong bulong sa sarili ko.
Bumalik ang kaba ko nang biglang sumagi sa isip ko ang imahe nang lalaking nakasuit na nakita ko sa scene kung saan nakita ko si Yal at sa mismong assassination ni Alia at nang Dad nito.
Nang matapos na ang thirty minute lunch break ay doon ko naramdaman ang pag kalam ng sikmura ko. Nang makaramdam ako ng hilo ay kinabahan na ako dahil natatakot akong samaan nang lasa sa school. At isa pa, ngayon lang ako naging ganitong kasama ang pakiramdam at hindi ko alam ang gagawin.
Nang dumating na ang subject teacher ay nagsimula na itong magklase. Tumagal lang nang 30 minutes ang klase at natapos din ito agad. Nakapag labasan na lahat nang kaklase ko at ako na lang ang natira sa loob. Pakiramdam ko ay kinakapos ako nang hininga sa hindi malamang dahilan kaya hindi muna ako gumalaw at nanatili lang akong nakayukyok sa lamesa.
Nang sa pag aakala kong okay na ako ay tumayo ako para sana magpunta sa CR pero napaupo ako sa sahig at tumama ang likod ko sa upuan dahil sa hilo. Parang gumegewang ang sahig at itinatagilid ako nito. Nagsimula na akong kabahan at pagpawisan ng malamig.
"N-no" usal ko.
Malalim akong huminga at pinilit kalmahin ang sarili ko. Nang medyo maayos na ang pakiramdam ko ay akala ko ay makakatayo na ako pero nakaramdam naman ako nang parang nasusuka ako pero wala namang lumalabas sa bibig ko.
Lalo akong nanlamig nang buksan ko ang mata ko at may mga maliliit na dot na kulay itim sa mga nakikita ko. Sa takot ko ay pumikit ako at laking pasasalamat ko nang medyo umayos ang pakiramdam ko. Hindi ako gumalaw nang ilang segundo bago ako tuluyang tumayo. Dahan dahan akong naglakad palabas at iningatan kong hindi mabigla ang katawan ko.
"Kailangan kong kumain" usal ko. "Hindi nga ako mamatay dahil nang mga councelor, mamatay naman ako sa gutom" bulong ko pa.
Sumakay na ako nang elevator at nagpunta nang ground floor kung nasaan ang cafeteria. Sa sobrang gutom ko ay naka dalawang order ako ng spaghetti bolognese, na proud ko na ngayong banggitin dahil hindi na nagkakabuhol buhol ang dila ko dahil lagi ko rin itong naririni kay Chef Ryan.
Natatawa pa nga itong panoodin akong kumain. Nang matapos akong kumain ay parang nagliwanag ang paligid ko. Napahawak ako sa noo ko at pinakiramdaman ko kung nahihilo pa ba ako at para akong nabunutan nang tinik sa dibdib nang medyo umayos na nag pakiramdam ko. Kumuha ako nang tubig bago nagpaalam kay Chef Ryan.
Tiningnan ko ang Schedule ko. May isang oras akong vacant kaya napagdesisyunan kong pumunta sa Third Building. Dumeretso na agad ako sa fourth floor at inilabas ang kopya nang blueprint nang floor na iyon na drinawing ko mula sa mga pira pirasong image sa internet na ibinigay ni Tia- na computer.
Chineck ko ang mga opisina na bukas noong huli akong nagpunta dito at bukas pa rin sila. Actually, halos lahat ay bukas at tatlo lang ang naiwang nakasarado. Nang magtanong ako sa isang tao doon ay wala palang gumagamit noon at bakante iyon kaya nanatili iyong nakasarado. Bagsak ang balikat kong umalis sa floor na iyon. Nang tingnan ko ang oras ay halos kalhating oras pa bago ang sunod kong subject kaya napagdesisyunan ko munang gumala. Nagpunta ulit ako sa bookstore at bumili ng dalawa pang libro, na fictional naman at dumaan din ako sa Made in Candy at bumili ng isang lollipop.
Nang palabas na ako ay dumaan pa ulit ako sa isa pang shop na nagtitinda naman ng ice cream.
"Hindi pa ako nakakatikim ng ice cream" bulong ko
Umorder ako ng salted caramel na flavor at kinain ko iyon habang naglalakad pabalik sa second building.
Papasok na sana ako ng may mapansin ako sa fifth floor nang Oxygen City. Mayroong nag iisang bintana doon na iba ang design. Lahat nang mga bintana ng Oxygen Institute ay sliding window at iyong nag iisang silid na iyon ang jalousie window. Idagdag pa na kulay pula ang ilaw na nagrereflect sa bintana at kitang kita iyon dito. Para itong ilaw na kaparehas na ginagamit sa dark room nang mga photographers kapag nagdedevelop nang mga film.
Agad akong naglakad takbo papasok ng building at sumakay ng elevator. Dahil late na ako sa subject ay pandalas ako nang pagpindot sa elevator at nang makarating ako sa classroom ay wala pa ang teacher kaya halos mahimatay ako sa pagod. Umupo ako sa nag iiisang natitirang upuan doon. Binuksan ko ang libro at kinuha ang nakasipit na kopya ko nang second building. Nang tingnan ko iyon ay lalo akong nagtaka dahil puro naman sliding window style ang mga bintana.
Nang dumating na ang teacher ay napilitan akong isara iyon dahil baka may makakita sa akin. Madali lang sa akin dati ang isang oras na lecture pero sobrang tagal no'n ngayon. Gustong gusto ko nang umuwi para isearch ulit ang kabuuang image ng second building.
Nang matapos ang klase ay halos liparin ko ang dorm papauwi. Nang makarating ako ay hindi na ako nagbihis.at dumeretso na ako sa pagbubukas ng computer.
"Something is wrong about this" usal ko.
Lahat ng picture o kahit video ay sliding window ang style ng bintana sa tapat na iyon at lalong lumakas ang hinala ko nang makita kong iisang source lang ang naga upload nang mga picture.
"Something is really, really wrong. Bakit nila kailangang palitan iyon sa picture"
I need to visit this one first thing in the morning.