Thamara "OH 'di ba? Napaka-cute nito, paniguradong babagay ito sa anak mo, Thamara," nakangising sabi ni Oliver. Malapit na akong mag-isang buwan dito sa bahay nila Thalia. Masaya naman ang araw ko rito palagi dahil inaalagaan nila akong dalawa. Nahihiya na nga ako dahil noong nakaraang linggo ay dapat na silang umalis pabalik ng Australia pero hindi sila tumuloy dahil nandito ako. "It's cute nga, Boo," pagsang-ayon ni Thalia kay Oli. Napangiti ako tyaka ko tiningnan ang maliliit na damit para sa baby na binili nila kahapon. Panay lang ang paggala nilang dalawa at tuwing umuuwi ay may bitbit nang kung anu-anong bagay para sa 'kin o kung hindi kaya ay para sa baby. Napakaswerte ko na sila ang mga naging kaibigan ko, mula noon, hanggang ngayon ay dinadamayan at sinasalo nila ako. "Kapa

