SANDRYNNE's POV "Miss Sandrynne," tawag sa akin ni Ria na nakasilip sa pinto ng office ko. Hindi ko kasi namalayan na kumatok pala siya. "Yes?" "May naghahanap sa'yo. Tristan daw. Nasa lobby." Nagsalubong agad ang mga kilay ko. "Uh. Paakyatin mo na lang dito sa office." Bahagya lang siyang tumango at muling isinara ang pinto pag-alis niya. Tristan? Bakit narito siya? Ang usapan namin pupuntahan ko siya sa kanila mamaya before lunch. Plano ko kasing tapusin muna ang mga naiwan kong trabaho. Habang hinihintay ko si Tristan, tsinek ko ulit ang message ko kay Harris sa secret account niya. Kinumusta ko kasi siya pero hanggang ngayon ay hindi niya pa nase-seen ang message ko. Hindi naman ako p'wedeng mag-message sa official account niya dahil baka mabasa ng management. May narinig akong

