PITCHIE'S POV Hindi ko nagawang bigyan ng sagot si Reb dahil naagaw ang aking atensyon nang may mapansin akong lalaki na biglang kumubli sa puno. At nakita ko ang isang strap na nakasabit sa kaniyang kamay at may tatak iyong nikon. Camera? Nagsalubong ang mga kilay ko at napansin ako ni Reb kaya ibinaling din niya ang tingin sa direksyon na tinitingnan ko. "Reb, may kumuha ng picture sa 'tin. Puntahan mo." Dali-dali niya 'yon hinabol ngunit mabilis itong nakatakbo at hindi nga ako nagkamali dahil camera ang dala niya. Ako naman ay agad na sumakay sa kotse para magtago dahil baka hindi lamang isa ang kumuha sa amin ng picture, baka may kasama pa ito. Siguradong mapapagalitan ako ni mommy at ni Kuya Harris kapag may lumabas na naman na issue tungkol sa akin. Hindi lang kasi ito ngayon

