Camila’s Point of View Tahimik ang gabi sa penthouse ni Marcus. Ang mga ilaw mula sa city skyline ay sumisilip sa malalaking salamin ng bintana. Pakiramdam ko’y nasa ibang mundo ako—isang mundong malayo sa simpleng buhay na nakasanayan ko. Nakasalampak ako sa malambot na sofa, hawak ang tasa ng mainit na tsaa, habang si Marcus ay nakaupo sa tabi ko. Ramdam ko ang tensyon sa hangin. Hindi ito ang tipikal na gabing kasama ko siya. “Camila,” basag niya sa katahimikan. Ang boses niya’y puno ng bigat, na parang nag-iipon siya ng lakas para sa sasabihin niya. Tumingin ako sa kanya, kitang-kita ang seryoso niyang mukha. “What’s wrong?” tanong ko, kahit alam kong may mabigat siyang iniisip. Napabuntong-hininga siya at hinilot ang sentido niya. “I’ve been thinking a lot lately. About us. About

