Maraming salamat sa mga nagbasa at nagtiyagang magbasa! Epilogue "Tignan mo 'yung babaeng nagbabasa ng baliktad na magazine sa likod. She's your stalker, Maximus!" pasimpleng tinuro ni Shaun ang babae habang nagpipigil ng tawa. Tamad akong bumuntong hininga at sinulyapan ang kanyang tinuro. Napangiwi ako nang makita. The magazine was upside down and I'm not a fool to not think that she's here only to follow me. "And... also the girl who incessantly puts a stupid love notes on your locker. Cheap." Binalik ko ang buong atensyon sa pinsan ko. Bakit nga ba kami magkasama nito? Tinawagan niya ako kanina, magpapatulong daw sa kung ano pero kanina pa kami nasa library at wala pa rin siyang binabanggit maliban sa pagpuna sa babae. Man, I'm tired from all of these! Suminghap ako at kinuha sa

