Disclaimer: May SPG Yes! Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha. Umawang ang labi niya pero sa huli ay tinikom din. His jaw clenched and looked at me intently. Sinubukan ko pang magmatapang pero nanlabo na ang mata ko sa mga namuong luha. "I miss you, Maximus... I miss my sweetheart..." Umiyak na ako na parang batang inagawan ng candy. My lips quivered. Yumuko ako at pinunasan ang pisngi. This was the first time I called him sweetheart. Sweetheart becomes a melody to my ears when it comes out of his mouth. Lumubog ang kama. Nasa tabi ko na si Maximus. Ang mainit niyang kamay ay dumapo sa baba ko at maingat na iniharap sa kanya. Umagos lalo ang luha ko. Hindi ko siya magawang tignan. Nahimasmasan ako nang magsimulang maiyak. It looks like alcohol can make your head forget but not the hea

