Wedding crasher You will never get the love you truly deserve from the same person who broke you. I read that on tumblr before when I was thirteen. Hindi ko iyon maunawaan dahil ano bang alam ko sa love at pagiging broken hearted sa murang edad? But it lingered in my mind, though. At ngayon, habang inaalala ko 'yung sinabi ni Shaun tungkol kay Maximus, nauunawaan ko na. Ano ngayon kung mahal niya ako? Ano ngayon kung pinahanap niya ako? Ano ngayon kung nagdusa siya? Ano naman? Bakit ba parang kasalanan ko na nagdusa siya? Nagdusa siya sa sarili niyang kagagawagan! E, ako? Sinadya niya akong saktan. Pinagtabuyan at ibinasura. Hindi ko naman siya pwedeng basta-basta na lang patawarin at tanggapin dahil lang sa humingi na siya ng tawad, nagsisi at mahal ako. Hindi naman ganoon kadali ang

