You are his "It's okay if we're fighting... basta pansinin mo lang ako." He added. Hindi ako makakilos. Nahihirapan akong kumilos dahil nasa ibabaw ko siya at nasa magkabilang gilid ko ang kanyang braso. We were so close that I couldn't breathe. "Sorry..." bulong niya sa tapat ng labi ko at umahon. Parang may tumutusok na karayom sa puso ko tuwing ako'y hihinga. Naramdaman ko na lang ang mainit na luha na bumagsak sa tenga ko. Hindi ko magawang pawiin iyon, masyado akong nasasaktan at nanghihina. "Alam mong kinasusuklaman kita, Maximus... why are you doing this to me? Sinasaktan mo ako. Sinasaktan mo pa rin ako!" Nakatitig ako sa kisame, ilaw na lang sa banyo ang bukas. Nakatapat iyon ng kama kaya naaninag kong nakaupo pa rin si Maximus, nakatalikod sa akin. He's staring at his hands

