KABANATA 19

2689 Words
Say it again "Nagtatampo ako sa'yo, Lite. Grabe ka..." Malungkot ang boses ni Stella sa kabilang linya.  Napakagat na lang akong labi. I'm guilty for not telling the truth. Suminghap ako bago nagsalita.  "Sorry na, Stell. Nagawa ko lang naman kasi 'yon kasi... Uh.."  "Kasi ayaw mong pigilan ka namin ni Jen?" Siya na mismo ang bumuo ng salitang nasa isipan ko.  Bumuntong-hininga ako at naupo sa buhangin sa tabing dagat. Pumalaot sila Mang Nelson, kapitbahay nila Papay George, at sumama si Maximus. Kagabi ko pa iniisip na tawagan si Stella o si Jenica para sabihin sa kanila ang totoo kaso ay ngayon umaga lang ako nagkaroon ng lakas ng loob.  "Kung saan ka masaya... Doon kami. Pero... 'wag mo naman alisin sa amin ang magalala. I've been contacting you for days but you're not answering."  "Medyo naging busy lang kasi kami ni Maximus, eh." "Yeah. I know, halata naman, eh. Basta kung may problema ka, kahit ano. Sabihan mo agad ako. And please, take care of yourself." Napangiti ako. Ang swerte ko talaga at nagkaroon ako ng mababait na kaibigan tulad niya. Bakit ko nga ba kasi naisipang itago pa sa kanya?  "Yes, Stell. I miss you na. Bye!" Papatayin ko na sana ang tawag nang marinig pa ang sasabihin niya. "I miss you too! By the way, unahin mo muna ang sarili mo bago ang iba. Okay? Ayan lang muna ang sasabihin ko. Basta... saka na tayo mag kwentuhan 'pag balik mo. Bye!"  Prenteng nakaupo lang ako roon. Hinihintay ang pagbalik niya. Pangiti-ngiti ako sa kung anong mga naiisip ko. Ang dating kasi ay pawang misis akong nagaantay sa mister na naghahanap buhay. Hay! Ang simple at masaya siguro ang ganong klaseng buhay? May chance naman nang mangyari iyon. Tingin ko. Almost two months na rin kami rito, nakapag adjust na ako sa buhay at marami na ring kakilala. Unlike before na halos magsumiksik ako kay Maximus tuwing ipapakilala niya ako sa lahat. Also, after that night, that happiest day of my life. Mas naging malapit kami sa isa't isa. Sa wakas ay naakyat ko na ang matayog niyang pader sa pagitan namin! Walang sayang na oras, at araw basta siya ang kasama ko. Tumayo na ako at nagpagpag ng pantalon nang makita ang paparating na bangka nila Maximus. Minsan akala mo kilala mo na ang isang tao. Magugulat ka na lang, kabaliktaran pala siya ng pagkakaalam mo. Habang tumatagal na kasama ko siya, andaming bagay ang nalaman at natutunan ko. It's crazy to see someone like him to do such thing. Marunong sa pagsasaka, pangingisda pati na rin sa pag akyat ng puno! Not everyone can do that. Take note, not every men! Nadagdagan pa ang rason ko bakit ko siya mahal. At mas lalong minamahal. Pagtalon ni Maximus sa bangka ay tumakbo siya papunta sa akin. "Lagi mo na lang ako inaantay, Lite." "Wala naman akong ibang gagawin, eh." Sabi ko. Ngumiti siya at bumalik sa dagat para magbabad saglit. "Come here, Lite!" He called. Umiling ako at ngumiti. I still hate the ocean, though. Kahit anong pilit niya ay ayaw ko pa rin. "Miss?" Nilingon ko yung lalaking nag salita. "Uh, bakit?" Hindi ko kilala ang isang ito. Alanganin ang pag ngiti niya sa akin kaya naman nag salubong ang kilay ko. Nag blush ba siya o namalikmata lang ako? "May kailang---" "Wala siyang kailangan, baby." Napaigtad ako sa pag akbay ni Maximus sa balikat ko. Nanlaki yung mata ng lalaki sa harap ko at napayuko. "Wala kang kailangan 'di ba?" Malaming na wika niya. Tiningala ko si Maximus. Madilim ang kanyang mukha at sinisindak yung lalaki sa harap ko. Humingi na lang nang paumanhin 'yong lalaki saka umalis. "You don't have to do that." Sabay harap ko sakanya at humalukikip. He raise a brow on me. "Do what?" Inosenteng tanong niya. Napabuntong-hininga na lamang ako. I should not make this a big deal. He's just being a good boyfriend here. At tinawag niya rin akong baby! Now I don't even know how to calm my heart down! Maingay ang buong bahay pagbalik namin. Sabado kasi ngayon at dito na lang namin pinaglaro si Andoy kasama ng mga kaibigan niya pagtapos nilang gumawang assignment. "Hello po, Kuya Maximus at Ate Lite!" Masiglang bati ng tatlo. Napatingin ako kay Andoy na hindi bumati. Bigla na lang siyang nag iwas at nag suplado. Ano kayang problema noon? Dumiretso na akong kusina at naghandang meryenda para sa lahat. "Maaga pala akong uuwi mamaya." Ani Inang Isay sa likod ko at bahagyang sinilip ang ginagawa ko. Bumuntong-hininga ako. "May lakad po ba kayo Nang? Makakapag luto pa po ba kayo?" Kumuhang dalawang plato si Inang sa kabinet, tumulong na rin siya sa paghihiwa ng keso at ipinalaman na ang iba sa wheat bread. "Ah, oo. Pagkatapos kong magluto saka ako aalis." Tumango ako. "Saan po kayo pupunta?" Tanong ko. Dinala namin ang meryenda sa garden sa likod bahay. Lumipat kasi roon ang mga bata, naglalaro kasing baril barilan. Hindi pa rin bumababa si Maximus mula kanina. Marahil ay napagod sa ginawa. Alas sinko pa lang kasi ng madaling araw noong umalis para sumama sa pangingisda. "Sa kabilang bayan. Kilala mo naman si Ernesto 'di ba?" "Yung... pamangkin niyo ho?" Kunot noong tanong ko, hindi sigurado. "Tama. O siya, mamimili lang ako sa palengke para makapag luto na. Maiwan na muna kita." "A-ah.. O sige po. Ingat Nang!" Naupo na lang muna ako roon at pinanuod ang masayang paglalaro ng mga bata. Nahagip ko ang tingin ni Andoy at agad din itong nagbawi. Kanina pa 'yon, a? Napapansin kong ako yata ang problema niya. Ano naman kaya? Napatawa na lang ako sa kung anong posibleng dahilan bakit bigla siyang nag suplado sa akin. "Nakakatawa yata 'yang iniisip mo, a?" Nakangiti si Maximus pag dating. Pansin kong bagong ligo na siya at basa pa yung ibang bahagi ng buhok. He kissed my forehead before sitting in front of me. Gumuhit sa ilong ko yung versace niyang pabango. I smiled at him. "Si Andoy kasi, e. Look." Pumangalumbaba ako at nginuso ang direksyon nito. Sabay naming tinignan si Andoy. Nagliwanag ang mukha niya pagtingin nito kay Maximus at kumaway pa! Nalaglag ang panga ko sa nakita. Confirmed! Ako nga lang talaga! Hindi man lang ako nagawang tapunan ng tingin. Wow! Humalikpkip ako at pinagkrus ang hita. "Anong problema ng batang 'yon sa'kin? Alam mo ba?" I asked. Nagbikit-balikat siya bilang tugon. "Bakit nga pala andito ka? Akala ko natulog ka na, e." Kumuha siyang tinapay at kinain. Nagsalok akong juice at itinapat iyon sakanya. I should make something. Hindi siya mabubusog sa tinapay lang. Umamba akong tayo kaso lang ay dumapo ang kamay niya sa braso ko. Napatingin ako roon at sakanya. "I'm good." Aniya pagkatapos lumunok. Did he just read my mind? Bumalik ako sa pagkakaupo, taas ang isang kilay. Kinuha ko ang baso at inabot na lang iyon. "Drink." Sabi ko. Kinuha niya iyon sa kamay ko at ininom ng diretso. "Hindi pa ako inaantok." Sagot niya sa kaninang tanong ko. "Okay ka na riyan?" "Saan?" Takang tanong niya. "Diyan! Sa tinapay na 'yan. Hindi naman nakakabusog 'yan, e. Hapon na. Baka nga nalipasan ka na ng gutom. Masama 'yon, Maximus." Nabo-bother talaga ako sa isang tinapay na kinain niya. Kahit ako, hindi ako mabubusog sa isang tinapay. Marahan siyang natawa. Muling uminom at pagkaubos ay nilapag na sa lamesa. Lukot ang mukha ko habang pinagmamasdan ang kilos niya. "I told you I'm all good. Kumain na ako kanina." He smiled sweetly at me. Nag iwas akong tingin. Ayan na naman ang malakas na kabog ng dibdib ko! Ngiti lang iyan pero nagwawala na ang buo kong pagkatao. Hindi ako masanay sanay sa kanya. Sa pagiging sobrang sweet niya. Wala naman akong angal doon. In fact, gusto kong laging ganito. "S-Sige... mamaya babalik na si Inang para magluto." Nakapako ang tingin ko sa kawalan. Narinig ko ang pagtikhim niya. Halata namang sinadya niya iyon lakasan. "Pero... parang may gusto akong kainin ngayon..." His voice was tempting. I pursed my lips and took a deep breath. Inaatake na naman siyang kamanyakan! See, ito na nga ang sinasabi ko na akala mo ay kilala mo na ang isang tao pero hindi! I know... I know that he has a lot of experience. Nakita ko ngang may nakapatong sakanya sa bar. But... when it comes to me? Hihimatayin ako kakaisip sa posibleng gawin niya, gawin ko, gawin naming dalawa. Damn! Ayoko na ngang isipin pa. "Hindi mo ba ako tatanungin?" Buong buo ang boses niya. Tumindig ang balahibo ko roon. I tried not to look at him. Sumisikip ang dibdib ko sa bawat paghingang ginagawa. Ganito talaga ang epekto niya sa akin. Mas lumala at lalo pa yatang lalala! Sooner or later, it'll become my cause of death. I'm sure of that. "Hindi. Hindi rin ako interisado." Sabay irap ko. "Oh, really? Tignan natin." I shot a glare at him. "Anong ibig mong sabihing tignan natin ha?" He laughed at me, amused. Tumapon pa patalikod ang ulo niya kakatawa. I frowned. As if naman may nakakatawa. "Ano?" Umiling siya, patawa-tawa pa rin. "You're so beautiful, Lilou." He said, biglang nag seryoso. He said that out of nowhere! My god! Huling huli niya mga kiliti ko. Kung paano ako pakiligin, paano ako mapatigil. Nakakainis! Napatanga akong nakatitig sakanya. Samantalang nakakaloko ang titig at ngiti niya sa akin. Sinasadya niya iyon! Marahas akong bumuntong-hininga at umirap.  "Andoy, kumain na kayong meryenda ng mga kaibigan mo." Sabay tawag niya. Naglapitan naman ang apat at nag unahan pang kumuhang meryenda.  "Hep hep hep!" Hinampas ko ang kamay nila isa-isa.  "Aray naman ate. Makahampas... galit?" Protesta ng isa, nakabusangot ang mukha.  Hinila ko papunta sa akin yung plato na mas ikinansimangot nila pero wala namang nagawa. Tinignan nila si Maximus upang manghinging tulong. Nagkibit lang siyang balikat sa apat.  "Mag hugas muna kayong kamay bago kumain." Utos ko.  Sabay pa silang nagkamot ng ulo. Tamad silang nag hugas ng kamay sa gripo doon sa tabi ng mga halaman. Lumapad naman ang ngisi kong tinignan sila.  "O ayan 'di ba? Malinis. Kain na."  Naupo ang dalawang bata sa bakanteng upuan sa harap at tabi ko. Si Andoy at yung kasama niya ay nakatayo lang. Masaya silang nagkukwentuhan tungkol sa plano nila para bukas. I miss being a kid. Yung tipong ang iniisip mo lang ay kung ano ang lulutuin ng mama mo at kaninong bahay kayo tatambay.  Napawi ang ngiti ko nang mahuli ang pagsulyap ni Andoy sa akin. Tulad kanina, umiwas na naman. Kunot ang noo ko sa kanya pero pinalampas ko na lang.  "K-Kuya!" Hiyaw ni Andoy kay Maximus.  Palipat lipat ang tingin ko sa dalawa. Walang reaksyon ang mukha ni Maximus na naghihintay sa kung anong sasabihin ni Andoy. "S-Samahan mo naman kami... kukuha kaming bayabas sa bakuran ni Aling Josie mamaya."  "Huh? Akala ko ba bukas na ulit?" Lukot ang mukha ng bata sa harap ko.  Limot ko na ang pangalan nila, eh, kakapakilala lang nila kahapon. Sobra kasing unique, kakaiba sa pandinig ko. Nickname lang naman ang sinabi nila. Basta... sa dayalekto ng bicol.  "Hah?" Napatingin si Andoy sa kausap, parang pati siya ay nalito na.  "Ah, mamaya na lang. Kapag bukas baka mahinog na." Dahilan niya.  Ngumiwi ako. Ano raw? Anong kalokohan naman kaya iyon? Nagtinginan silang apat at napatango na lang sa bawat isa. Ang weird din ng mga batang ito. Tumingin ako kay Maximus at hinintay ang isasagot niya.  Huminga siyang malalim at tumayo. "Kay Lite ka na lang magpasama. Kailangan kong matulog ng maaga, inaantok na rin ako, e."  "A-ako?" Napanganga ako.  "Oo, Lite. May panungkit naman kaya hindi ka mahihirapan." Malamig na wika niya bago tumalikod at naglakad papasok.  What? Bakit siya naman ngayon ang biglang nag attitude? Kanina si Andoy, probably still. Pero pati siya rin? May kung anong hangin ba rito na kapag nasinghap mo ay maiinis sa akin? Unbelievable. Napailing ako sa kawalan. I sighed. Tumayo na rin ako at tinignan ang apat na kakatapos lang din kumain. Wala naman silang pakealam kung sino ang sumama sa kanila. Basta magawa lang ang gusto.  Hirap na hirap akong sungkitin yung mga bayabas. Tinuturo talaga nila yong nasa pinaka-itaas! Nakaramdam na akong pagkangawit ng braso kaya ibinaba ko muna ang sungkit. Kanina ko pa iyon kinukuha pero ayaw talaga.  "Ate... Kunin mo na. Kaya mo 'yan." Ani Andoy, namamansin na siya ngayon.  Pagod akong bumuntong-hininga at sinungkit ulit iyon. Mabuti na lang at nagpakuha na siya, kung hindi ay uuwi na talaga ako. Labis labis naman ang ngiti ng apat. Ako na ang naghati ng mga bayabas na nakuha ko para patas. 'Di ko akalaing aabutin kami ng gabi sa pagkuha lang no'n. Ang sabi ni Maximus madali lang. Obviously, it isn't! The question is, what did I do to make him act this way? Hmm, strange. Suddenly, he went cold. Dahil ba hindi ko sinakyan ang kamanyakan niya? Hindi rin. He isn't shallow. Ah, nagpapalambing? I shook my head to myself. Masyado na naman akong natuwa sa pag da-daydream at kung ano ano na naisip ko. Nagpaalam na mga kaibigan ni Andoy sa amin. Napatigil ako sa paglalakad sa pagliko ni Andoy ng daan papunta sa bahay ni Papay George. "Uy, saan ka?" Takang tanong ko.  Tsaka lang siya huminto at sumulyap sa akin. "Uuwi na ate." "Kay Papay George? Ba't hindi sa mansion? Hahanapin ka ng Kuya mo..." Tumigil ako sa pagsasalita, hindi naman din siya nakikinig sa akin.  Sinusuri niya ang tatlong bayabas na yakap niya. Umihip ang malakas na hangin at ginulo nito ang buhok ko. Itinali ko na lang iyon pataas.  "Bukas ka na lang umuwi kay Papay George. Sa mansion ka na lang, nakapag luto na rin si Inang pagbalik natin." Matamis ang ngiti niyang umiling, "Bukas na lang ako babalik, Ate. Bye po!" Kumaripas na siyang takbo.  I sighed. So... uuwi akong mag-isa. Great! Malamig ang gabi ngayon. It's Ber months. Maybe I should ask Maximus when we'll comeback in Manila. Oo nga at gusto rito, pero hindi naman pupwedeng dito na lang ako habangbuhay.  I'm happy with him here. That's constant. Namimiss ko rin naman ang mga kaibigan ko. I've been refusing to ask him about that before. It's not as if he forced me to come here. Kaya wala akong karapatang mag reklamo.  Isinara ko na ang gate pagpasok ko. Tinitigan ko saglit ang buong bahay bago pumasok sa mansion. It has become my home now. Walang kahit na sino akong nadatnan. Naamoy ko ang bagong lutong pagkain. I went to the kitchen and I immediately saw Maximus, he's holding a bouquet of pink roses. I cried right way. Napatakip ako sa mukha ko at pinunasan ang luha. The whole kitchen was filled with pink roses, it's doesn't look like a kitchen anymore. May candle light din sa gitna ng table. Tumindig lang ako roon at umiiyak. Niyakap akong mahigpit ni Maximus, tumatawa.  "Oh... don't cry, baby. Aren't you happy?" Malambing ang boses niya.  Iniangat niya ang mukha ko at itinapat sakanya. He then smiled. "My baby is crying." He teased. I smiled at him and he wiped the tears from my cheeks. "Ikaw kasi! M-may pa suprise-surprise ka pang nalaman." Naiyak na naman ako, tears of joy.  I'm really emotional whenever he show some sweetness and unexpected gestures. Sobra na ito sa imahinasyon ko. Hindi ko naman inisip na gagawin niya ito para sa akin. He giggled softly. "My girlfriend deserve so much more." I wrinkled my nose. Tinampal ko ang dibdib niya. The hell, kinikilig talaga ako! I hugged him tight once again. Sinuyod ng mata ko ang buong kitchen. Saka ko lang napagdikit-dikit ang lahat. Plano niya talaga ito! "Wala kasi akong maisip na matinong plano para mailayo ka ni Andoy dito." "Kaya kunwari galit siya, tapos galit ka?" Ngumuso ako. Hinaplos niya ang pisngi ko. "Hmm, yes, baby." Napangiti ako sa pagtawag niya sa akin no'n. It melts my heart. Pakiramdam ko magiiba na ang hugis ng puso ko sa paulit-ulit na pagkatunaw sa pagtawag niya sa akin ng baby. "Baby?" Tumango ako. "I love it when you call me your baby." I smiled. "Masanay ka na, baby. Because you're mine." He declared. "I'm yours, Maximus." "I know. I love you, baby. I love you, my light." Napaawang ang labi ko. Sumasayaw ang puso ko sa sobrang galak. May kabayo yatang kumakarera sa loob no'n sa sobrang lakas ng kabog nito! My eyes are fixed on his eyes and there was a gleam in the corners of it. I knew that he's sincere. Nagbabadya na namang tumulo ang luha ko pero agad iyon naagapan ng palad ni Maximus. Huminga akong malalim at mariing pumikit. This isn't a dream. This isn't a dream! Pagmulat ko ay siya pa rin ang nakita ko. Tuluyan na akong nahula sa sobrang kaligayahan. "C-can you... can you please... say it again?" Nanginig ang boses ko. Marahang bumuntong hininga si Maximus at matamis na ngumiti. "Mahal kita, Lilou."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD