Missing piece
He went silent for a while. Nabibingi ako sa katahimikan niya. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako kakaisip sa kung ano bang tumatakbo sa isip niya. His lips twitched, akala ko ay magsasalita na ngunit wala akong tinig na narinig.
"Mistake lang talaga iyon sa'yo?" Halos pumiyok na ang boses ko, I can't believe he just said that.
Bumaba ang tingin niya sa sahig, tila ba nandoon ang sagot sa aking tanong.
Nanginginig akong humingang malalim. "Maximus... mistake lang ako sa'yo? Kasi kung ako tatanungin mo, hindi. Hindi mistake iyon. Alam mo kung ano yung mistake? Yung pagiwan mo sa akin ang mistake." Umiiyak na sabi ko.
"I'm sorry, Lilou." Seryoso siyang tumingin sa akin. His face does not look sorry, though. Mas nasasaktan ako roon.
"Yung nangyari sa atin sa Liway? Mistake rin ba iyon?"
"I'm sorry..."
"Punyeta, Maximus! Hindi sorry mo ang kailangan ko! Answer me, please!" Sigaw ko na naging pagmamakaawa na sa huli.
Nalukot ang mukha niya, para bang iritang irita na sa akin.
"Yes, Lilou. Lahat iyon pagkakamali. Sinubukan ko namang kalimutan si Tori pero siya pa rin. I'm sorry."
"Kahit saglit, hindi ba bumilis ang t***k ng puso mo dahil sa akin? Kahit sandali, naging masaya ka ba noong magkasama tayo?" I asked desperately.
"Hindi... Hindi kahit minsan." Tinitigan niya ako sa mata.
He's so cruel... His words are so cruel. Lumupaypay ang balikat ko, halos wala na akong luhang mailuha pa.
"Sabi ko naman sa'yo, Maximus. Wala naman akong hininging kapalit sa pagmamahal ko sa iyo. Lagi kong sinasabi sa iyo na mahal kita pero hindi ako umasang sasabihin mo rin sa akin iyon pabalik. Pero bakit? Why did you say you love me? Why? Kasi noong sinabi mong mahal mo ako, naniwala ako." Basag ang boses ko, paulit-ulit kong itinuro ang sarili ko.
"I'm really sorry for everything I did. I'm sorry for being selfish. I'm sorry for not being honest with you..." He paused to clear his throat. "And for not loving you."
Wala sa sariling natawa ako sa kanyang sinabi.
"When we made love... si Tori ba ang nasa isip mo? Or you're wishing that it's her not me?"
Nag iwas siya ng tingin. Nanghina ang aking tuhod at napatanga. Hindi siya makatingin at hindi rin makasagot. My question is answerable by yes or no, pero hindi niya masagot!
Kahit nanghihina ay sinugod ko siya at pinaghahampas ang kanyang dibdib, ibinuhos ko lahat ng natitirang lakas na meron ako.
"Tama na, Lilou." Pagod ang kanyang boses. "Tama na." Pilit niyang pinipigilan ang kamay ko na agad ko ring nababawe sa kanya.
He sighed, "Lite, tama na!" Sigaw niya.
Natigil ako sa paghampas at nag angat ng tingin sa kanya, hawak hawak niya ang palapusuhan ko.
"Oo! Iyon ba ang gusto mong marinig? Oo! I wanted you to be her. Lahat ng ginawa natin ay siya ang nasa puso at isip ko. Tuwing kasama at nakikita kita, hinihiling ko na sana si Tori na lang ang kasama ko. Do I need to repeat myself? I never loved you! Noong sinabi kong mahal kita, si Tori ang nasa isip ko."
Agad na lumipad ang palad ko sa pisngi niya at buong pwersa siyang sinampal, habol habol ko ang hininga ko sa sobrang galit. Galit na galit ako. Sa kanya. Sa sarili ko!
Hindi niya lang ako basta ginamit... tinarantado niya ako! Binilog at walang puso niya akong pinaikot sa palad niya!
Nanghihina akong napaatras pagbitaw niya sa akin. Nalaglag ang tingin ko sa paa ko. I cried so hard again, hindi ko akalain na napakahirap at sakit pala tanggapin ng katotohanan. My gaze shifted on my left wrist, saka ko lang napansin na suot ko pa rin yung bracelet na bigay niya sa akin noon.
Mariin akong napapikit, "I know... Hindi ko na dapat sinasabi sa iyo 'to, eh. Kasi umpisa pa lang, alam ko naman. Antanga ko lang! Sobrang tanga ko kasi umasa at naniwala ako na kaya kong palitan o higitan si Tori diyan sa puso mo, pero hindi." I shook my head while sobbing.
Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi at ibinalik sa kanya ang aking paningin, "Sabi mo importante ako sayo, but not as important as Tori. You only want me bacause I make you feel less miserable. At napaparamdam ko sa'yong mahalaga ka dahil hindi ka niya mahal." Mapaklang sabi ko.
Iba na ang sitwasyon ngayon dahil nagsasama na sila ni Tori. Hindi ba niya nakikita kung gaano niya ako sinasaktan? Durog na durog na ang puso ko at ako lang ang nakakaalam.
Tinanggal ko ang suot kong bracelet, kinuha ko ang palad niya at doon ko mismo inilagay.
"Ibinabalik ko na 'yan. Baka nga pati iyan para kay Tori din. I'm letting you go, Maximus. I'm giving you up. Nakakapagod pa lang magmahal ng taong hindi ka kayang mahalin. Good for you because finally, iisa na ang t***k ng puso niyo. Sana maging masaya kayo." May halong panguuuyam na sabi ko.
Nagtiim ang bagang niya habang ibinulsa ang bracelet.
Humakbang ako paatras, titig na titig lamang ako sa kanyang mukha. Naguguluhan ako dahil walang bakas na kahit ano roon. Masaya ba siya? Galit? Nakokonsensya? Kahit ano naman siguro ay hindi iyon para sa akin.
"Again, I'm letting you go, Maximus. Ganoon kita kamahal. Hindi na ako maghahabol pa sa'yo. Kung si Tori talaga ang makapagpapasaya sa'yo... I'm letting you go." Banayad na sabi ko.
Bumuntong hininga siya. "Thank you, Lilou." Malamig na aniya at nilagpasan ako.
Nilabanan ko ang sariling lingunin siya. My legs finally gave out, sumalampak ako sa sahig at walang tunog ang pagiyak. I caressed my chest to somehow relieve the pain. Ang sakit ng puso ko ngayon. Parang may tumutusok, may sumasaksak. May mas isasakit pa pala sa nauna kong naramdaman.
Pinilit kong tumayo. I lied... I just lied to myself! I want to beg for his love. Bahala na, kung kailangan kong lumuhod sa harap niya ay gagawin ko, bumalik lang siya sa akin. I need to get him back! Hindi ko siya kayang pakawalan. Hindi ko siya kayang ibigay!
Kahit ngayon lang naman, gusto kong maging selfish. Please, kahit ngayon lang...
"Lite!" Jimmy hugged and stopped me from running.
"Jimmy!" Nagpumiglas ako sa bisig niya, umiiyak.
Halos ibalibag na ako ni Jimmy maawat lang sa kahibangan ko.
"Wag mo akong pigilan, Jimmy! Hahabulin ko siya! Babawiiin ko lang yung sinabi ko. Magmamakaawa akong balikan niya ako. I need him, Jimmy! Bitawan mo na ako!"
Marahas akong iniharap ni Jimmy at sinampal. Natigilan ako, nag e-echo ang paglagatok ng sampal niya sa aking pandinig. Hawak ko ang kanang pisngi ko, umiiyak. Hindi dahil sa sakit no'n, kundi sa sakit ng puso ko.
"You need to f*****g calm down! Maawa ka naman sa sarili mo, Lite! Look at you! You look miserable!" Asik ni Jimmy.
Hinawakan niya ang balikat ko at dinungaw ang mukha ko. "Unahin mo naman ang sarili mo. Itigil mo na ito, Lite. Gumising ka na!"
Umiiling akong bumaling sa kanya.
"Paano?" I said.
Awang awa ang itsura niyang tumitig sa akin. Niyakap niya akong mahigpit habang hinahaplos ang likod ko.
Litong lito na ang utak ko sa kung ano ba ang dapat. My mind and heart doesn't trust each other. I thank Jimmy for being there with me, baka may nagawa pa akong katangahan kung wala siya roon. All my friends were here to cheer me up through time to time.
Pati si Stella na CEO na ng kanilang company ay hindi ako pinabayaan. They never mentioned his name ever again, ang magtanong sa kung anong nangyari ay hindi na nila ginawa.
Pagiyak na lamang ang tanging nagawa ko kapag magisa na ako. For days, nasa loob lang ako ng kwarto; nagiisip, nagmumuni-muni. Lunod na ako sa masakit na katotohanan, pagod na akong umiyak.
I was able to get back to Nueva Corp. without any difficulty. Swerte pa rin ako at wala pa rin silang nakukuhang kapalit kahit matagal na akong nag resign. I tried to compose myself to make things right.
Tulad ng inaasahan ko, maraming tanong ang itinapon nila sa akin tungkol sa biglaan kong pag alis. They all thought it was because of Quincy, nilinaw ko na lang sa kanila ang bagay na iyon. Hindi naman na kailangan pero gusto kong magtrabahong mapayapa. Things went smoothly somehow. Um-okay ang pagtatrabaho ko. I set aside my pain so it won't affect my work.
Quincy knows what happened. Ang totoo ay hiyang-hiya akong magpakita sa kanya. Matapos ang nangyari sa aming tatlo ni Maximus... wala na akong mukhang maiharap. I remember how I can easily throw everything away just to be with him.
Pero ganon naman ang buhay, eh. Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo. Hindi lahat ng mahal mo, mahal ka. At hindi lahat ng pinapahalagahan mo ay para sa iyo. Ang ibang tao ay may sariling bangkang sinasakyan sa buhay, swerte ka kung barko, pero ako? I need to swim and to stay afloat, kung hindi ay malulunod ako.
Maaga akong natapos sa trabaho. Gayunpaman, marami pa akong kailangan tapusin at i-email. Hindi kasi pumasok si Art dahil nag lipat siyang bahay. Si Jimmy naman ay nag out of town. Nag ligpit na akong desk at idinikit ang sticky notes sa monitor para sa mga gagawin ko bukas.
Nag vibrate ang phone ko sa bag at agad ko iyon kinuha.
Art:
Pupunta ka ba rito, Lite?
Napasapo ako sa aking noo. Nawala sa isip ko na tutulong pala akong mag ayos ng gamit niya. I sighed and texted him my reply. Pag ka-send ko ay nagmadali na akong umalis sa office.
Malayo-layo ang subdivision'ng ito sa dati niyang bahay at sa office namin. Ano kayang naisip no'n at bigla na lang naglipat? He must be bored. I ordered delivery foods para kung sakali ay hindi na siya mag abala pang magluto.
"Traffic?" Bungad niya sa akin pag pasok ko sa loob ng bahay.
Pagod akong tumango. Sinuri ng mata ko ang loob ng buong bahay. Bungalow iyon na gray color ang theme. I smirked when I suddenly remembered Maximus's condo unit. Hindi pa ako tapos sa masusing pagtingin ay tumunog ang doorbell. Naaninag ko sa gilid ng mata ko ang paglabas ni Art.
"Hindi ka na dapat um-order ng pagkain. Nagluto akong steak." Ani Art, bitbit ang mcdonalds na in-order ko.
Binalingan ko siyang tingin na dumiretsong kitchen. Sumunod ako at naupo sa dining.
"Uh... baka nag c-crave lang ako." Kaswal na sabi ko at pumangalumbaba.
Tulala akong nanunuod sa kilos niya.
"Nag crave ka? Akala ko ba ayaw mo sa fast food?"
"Minsan lang naman, e."
"Masama sa katawan ang fast food."
Inilapag niya ang plato na may steak at mashed potato. Kumunot ang noo ko nang makitang siya ang kumakain ng order ko.
"Ayaw ko nito." Inusog ko ang plato papunta sa kanya. "Nuggets ang gusto ko."
Umiling siya, "Masama nga ito sa katawan. Well done ang pagkakaluto ko ng steak, tulad ng gusto mo." Ibinalik niya iyon sa harap ko, ipinagpatuloy niya ang pagkain ng nuggets sa harapan ko.
"Masama pala bakit ikaw ang kumakain?"
"Mas healthy ako sa'yo." He shrugged.
Ngumuso ako, "Damot!" Sabay irap ko.
Pinilit ko na lang ubusin ang niluto niya kahit na sukang suka ako sa lasa no'n. Art is good at cooking so I wonder why this steak doesn't taste good.
Inikot ko ang buong bahay. Ang ganda ng pagkakagawa nito, simple at maganda, kid friendly pa. Ang sabi ni Art ay kaklase namin noong highschool ang architect na nag disenyo ng bahay.
"Kailan ba uwi ni Jimmy?" Tanong niya.
"Hmm, the day after tomorrow? I'm not really sure, though."
Sa pangatlo at huling kwartong tinignan ko ay doon nakalagay lahat ng collection ni Art ng paintings. I have no idea that he likes collecting stuff like this. Naagaw ang atensyon ko ng puzzle sa gitna ng silid na nakapatong sa rustic table. Lumapit ako roon para tignang maigi kung anong klaseng puzzle iyon.
"Kanina ka pa rito, ah."
Napalingon ako kay Art.
"Sino 'to?" Tanong ko sabay turo sa babae sa puzzle.
Lumapit siya para tignan din ang puzzle. "Ah, ikaw 'yan."
"Huh?" Kunot noong wika ko.
He chuckled, "Joke. Mukha bang ikaw 'yan?"
I rolled my eyes at him.
"Hindi ko alam mahilig ka pala sa mga ganito."
"Wala ka namang interes sa mga bagay na gusto ko, Lite."
"Sabagay..." Binalik ko na lang ang paningin ko sa puzzle. Nanliit ang mata ko at inilapit pa ang tingin doon. Kulang ng isang piraso.
"Kulang 'to, ah." Komento ko.
May kinuha si Art saglit sa drawer. Pagbalik ay ipinakita niya ang hawak na isang pirasong puzzle piece. Kumunot ang noo ko.
"You see this?"
Tumango ako.
"Ikaw 'to." aniya.
"Ako?" Natatawang sabi ko.
"Yeah. Ikaw 'to." Iniangat niya pa lalo ang puzzle piece sa ere. Tumikhim siya. "And that puzzle is Maximus." Binalingan niya ng tingin ang puzzle sa gilid namin.
I looked at him confusingly. Inilagay niya yung hawak niyang puzzle piece sa kulang na parte para mabuo na ang puzzle. Pero hindi iyon nagkasya. Mas lalo lang kumunot ang noo ko.
"Hindi kasya, Lite. Hindi ka nagkasya." Sabay baling niya sa akin.
I bit my lower lip.
"You're not his missing piece. Kaya kahit anong gawin mo, baguhin mo man ang sarili mo, you're not the one for him."
Nagiwas akong tingin. Alam ko naman iyon. Nangyari na nga. Napatunayan ko na. Baguhin ko man ang sarili ko para pagkasyahin ang sarili sa kanya, hindi pa rin naman magiging maganda ang resulta. The puzzle won't look perfect and some pieces might fall because of that.
Humalukipkip ako at tumingin sa kung saan.
"How can you say he is not the one for you?" I asked, nanatili ang tingin ko sa kawalan.
"Kapag nakalimutan mo nang mahalin ang sarili mo." Agap niyang sagot.
Nilingon ko siya, it was as if he seemed to be waiting for my gaze. Nanuyot ang aking lalamunan at may bumarang kung ano. Tumikhim ako.
"I... I still love him," pag amin ko.
Kumurap kurap ang mata niya at bumuntong hininga.
"Ganon talaga. Hindi mo naman basta basta makakalimutan ang isang tao lalo na kung totoong minahal mo." He said.
"Paano kung hindi ko siya makalimutan?" Hirap akong magsalita sa sobrang panunuyot ng lalamunan mo, nagsisimula na namang kumirot ang puso ko.
"Then don't. But always remember this, you will never be good enough to someone who doesn't see your worth."
My hands are shaking at the moment. Inilagay ko iyon sa likod ko at pinagsalikop. I pursed my lips and sighed.
"Yeah..." Tumango-tango ako sa kanya at lumabas na sa silid.
Automatic na bumagsak ang mga luha ko pagalis ko roon. Pinawi ko iyon. Bumalik akong kitchen para pakalmahin ang sarili sa paginom ng malamig na tubig. My hands are still shaking.
"Patulong na lang akong mag lagay ng mga damit ko sa closet." He said,
Napaigtad ako, "O-Oo!" Gulat na sabi ko, nakangiti.
Umarte ako na tila ba walang epekto ang mga sinabi niya sa akin. Hanggang sa makauwi ako ay iyon pa rin ang laman ng isipan ko. Life's so unfair! How can I unlove someone? Ang daling magmahal pero bakit napakahirap makalimot?