Mistake
Kakarating pa lamang namin ay gusto ko na agad umuwi at humilata na sa bahay. Nakakapagod talagang magpanggap na ayos ka kahit ang totoo ay durog na durog na ang kalooban mo. But when will I be okay? A week or two? Masyado ba matagal iyon o mabilis? Sa case namin, should I really move forward?
Should I move forward kahit walang closure? But having no closure means closure. Half of me knew this would happen. Dapat ay inihanda ko na ang sarili ko sa worst case scenario at ito iyon. Ang iwan niya akong walang paalam.
Siguro ay tama nga si Stella. That Maximus is a coward... pero hindi iyon ang pagkakakilala ko sa kanya. Oo, siguro. Baka naisip ko na ang posibilidad na mangyari ito ngunit ay tinabunan ko na lang para isalba ang puso ko at paniwalaan ang imposible. O baka ... hindi ko talaga siya kilala at all?
Malamya ang kilos kong lumakad papasok sa entrance ng ocean park. Kanina pa sana kami narito kung hindi lang namali ng pagliko si Jimmy ng sasakyan. Na stuck tuloy kami sa traffic pabalik. Jimmy looks happy at ayoko namang sirain ang mood niya. He's trying his best to make me happy at na-appreciate ko iyon.
"First time ko rito." Aniya. Bakas sa boses niya ang tuwa.
Bumuntong hininga ako at nginitian siya. He bought package ticket and I didn't even bother to know what we were going to do first. Ipinaliwanag niya sa akin iyon at wala akong ni isang naintindihan. I'm staring at him while my mind was in another world.
"Tara na!"
"Yey..." Malamyang sabi ko habang pumalakpak.
Sinamaan niya akong tingin saglit. Huminga siyang malalim at pumikit. Kung normal na araw lang ito, marahil ay inaway na niya ako.
Pangawalang beses ko pa lang mapunta rito. Ang una ay noong elementary pa ako at fieldtrip pa namin. I forgot that I never liked this place. Ilang beses akong sumuka rito noon. Ayoko sa dagat at mas lalong ayoko sa mga lamang dagat. I hate fishes! Kinikilabutan ako tuwing nakakakita akong isda. Nakalimutan ko palang ipaalam ang bagay na iyon kay Jimmy.
Nanigas ang katawan ko pagpasok namin. Pictures pa lang ng isda ang nakikita ko ay natigilan na ako. Huli na bago pa akong makapagreklamo.
"Okay ka lang, girl? 'Wag mong sabihing ayaw mo?" Ani Jimmy na lumungkot ang mukha.
Nakokonsensya tuloy ako. Kanina lang ay napaka saya niya tapos nawala na dahil ayaw ko. This is his first time to be here so it's inevitable. Magiging masaya talaga siya. But.... we're doing this for me 'di ba? Ugh! Bahala na.
Bigla kong naisip ang sinabi ni Art tungkol sa akin. Matagal na iyon pero kasing linaw ng tubig ang alaala ko sa sinabi niya; na masyado akong mabait kaya inaabuso ako.
Katulad lang din ng ginawa ni Maximus sa akin. I put him first. I let him take advantage of me. I let myself to fall for him. At oo nga, inabuso niya ako. I'm also at fault here... because I let him. However, just to be clear, I'm aware that I'm also responsible for this pain but that alone doesn't justify what he did. I still deserve that damn explanation!
Tulad ngayon, isinantabi ko ang takot ko para maging masaya si Jimmy kahit na ang kapalit noon ay ang pagbaliktad ng sikmura ko. I'm extremely aware of what will going to happen to me pero ipinagpatuloy ko. Alright, I guess that's what I'm made of--- Selfless o pwede rin tanga.
Pumikit ako at humingang malalim. Nilakasan ko ang sarili ko at lumakad na nang tuluyan sa loob. Humawak ako sa braso ni Jimmy. Sumisikip na agad ang dibdib ko habang papasok sa oceanarium. Nagiging blue na rin ang buong paligid. Pakiramdam ko ay nasa ilalim ako ng dagat at hindi na makahinga.
Hindi ko alam kung kailan at paano ako naging ganito. Basta ayoko lang sa dagat. Humigpit pa ang kapit ko sa braso ni Jimmy. Bumabagal na rin ang lakad ko at pawang masusuka.
Hinawakan ni Jimmy ang kamay ko at agad akong binalingan.
"Sobrang lamig ng kamay mo, Lite. Oh my god! You look so pale!" Bulalas niya.
Iginiya na niya ako sa labas agad agad. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya sa biglang pagkahilo. Hindi ako nasusuka pero nahihilo ako. This ain't my usual reaction kaya natakot ako. Hindi kaya lumala ang takot ko sa dagat kaya naging iba ang nararamdaman ko? Or is it because I'm stressed?
"I'll go buy some water!" He said frantically.
Tumango ako sa kanya at saka siya kumaripas ng alis. Naupo ako at humingang malalim. Tiningala ko ang ulo ko para mawala ang hilo. Napapadalas na ang pagiging mahihiluhin ko. Dapat makatulog na akong ayos at mahirap na kung magiging malala ito.
Hinilot ko ang sentido ko. Napakurap kurap ako nang makita ko si Maximus na papasok pa lang. Kinusot ko ang mata ko para masiguradong hindi ako namamalikmata. It's him! Nalaglag ang panga ko at napatayo.
Bakit sa dinami-daming lugar sa Manila ay dito ko pa talaga siya nakita?
Ngingiti na sana ako nang maglakbay ang mata ko sa babaeng kanina pa niya ngini-ngitian. Masyado akong abala sa pagtitig sa kanyang mukha, hindi ko na namalayang may kasama pala siya. Hindi lang basta kasama. Magkahawak kamay pa sila. They're both look happy tulad nang na-imagine kong sitwasyon ni Maximus.
At hindi lang basta bastang babae 'yong kasama niya. It's Tori Seven Rizaldo, the girl who truly owns Maximus's heart. Ang pinsan niyang may maamong mukha na noon ay kinainggitan ko. So, totoo nga! Nasilayan ng dalawang mata ko ang masasaya nilang mukha habang ako, nagdudusa sa sakit.
Sinasampal na ako ng katotohanan. Andito na siya sa harap ko! This is the explanation I want to know. Nakikita ko na. Do I still have to ask and force him to tell me the truth even though what I am looking for is already in front of me?
Shaun Rizaldo was right. Pinili ni Maximus si Tori. Pinili niyang iwan ako para makasama si Tori. Do I really need to make him say that to my face? Ganon ba ako ka masokista?
Kusang humakbang ang mga paa ko papalapit sa kanila. Natigil sila sa paglalakad mismo sa tapat ko. Ilang hakbang na lang ay maabot ko na sila at ni hindi man lang niya ako napansin because Maximus's eyes are fixed on Tori. Hindi niya maalis ang titig sakanya na tila ba maliligaw siya kapag nawala ito sa kanyang paningin.
Noon pa man ay siya naman talaga 'di ba, Lite? Don't lie to youself! He was once mine. I only borrowed his heart once at ngayon ay nasa totoong nag mamayari na siya.
Natigil ako sa paghakbang nang ilapit ni Maximus ang kanyang labi sa tenga ni Tori at may binulong na sila lang ang nakakaalam. Maximus smirked while Tori's eyebrows almost touched.
Nakatitig lamang ako sa mga itsura nila. Maximus used to look at me like that when he told me he loves me. Ibig sabihin ay totoong minahal niya ako! Ramdam ko iyon. Pero bakit? Bakit at paano niya ako nagawang iwan nang ganon ganon lang?!
Para sa akin dapat ang mga tingin iyan hindi kay Tori! Akala ko ba ay pinagtabuyan siya nito? I was there! Nandoon ako noong nadurog si Maximus dahil iniwan siya ni Tori. Then why the hell she wants to take back my Maximus?! Bakit niya babawiin ang itinapon na niya? Why now?!
Kumuyom ang palad ko. I want to run towards them and slap her face. May delekadesa akong tao at iyon ang pinanindigan ko. I just can't help it! Nagtatalo ang isipan ko. Wala rin naman akong mapapala kung gagawin ko nga ang gusto ko at magagalit lang si Maximus, baka isumpa niya pa ako.
Bakit ko pa ba iyon iniisip? Siya ang may kasalanan sa akin! Bakit ako ang kailangang mag adjust?!
Mariin akong pumikit. I feel my blood boil in anger. Ang sakit sakit! Nasasaktan ako pero hindi ko magawang ihakbang ang paa ko palayo. Pag mulat ko ay nanlaki agad ang mata ko at bahagyang umawang ang labi. Maximus kissed Tori on the lips! That kiss... it supposed to be mine! That should be me he's kissing! Ako dapat ang nasa posisyon niya hindi siya!
Naghuhurumentado ang kalooban ko at para akong sinaksak direkta sa puso, para akong sinusunog ng buhay sa sobrang sakit. I could literally hear my heart break.
I could hear the faint whispers of the people around me. Ang iba ay pumalakpak pa. May ibang kinilig at meron din hindi.
"Ang sweet naman nila!"
"Bagay sila 'no? Gwapo at maganda. Sana all."
"Ano ba 'yan at dito pa naglandian. Tsk!"
Pulang pula ang pisngi ngayon ni Tori at tumakbo. Maximus put his hands on his pocket and followed Tori while smiling, like he won a lottery.
I swallowed really hard. I smiled to myself bitterly. Pati ang ibang tao ay iisa lang ang nakikita; that Maximus and Tori are a perfect couple. Sino bang hadlang sa kanila? Ako lang yata ang hindi masaya.
Tita Alice and Shaun must be very happy to see them like this. The first time I saw them, alam kong hindi nila ako gusto para kay Maximus. No one will ever be good enough for him. Maliban na lang kung ikaw si Tori.... but I'm not her. I'm just Lilou Nicolette Amores and there's nothing special about me.
Hindi ko pwedeng sabihin na maganda ako dahil maganda rin naman si Tori. I can't say I'm better than her because I do not know her personally. I'm just a simple office girl. Nothing more, nothing less. Damn this insecurity! Nakalimutan ko na ito noon pero unti-unti ako nitong kinakain ng buhay.
"Bakit ka umiiyak? Halika nga rito." Alalang ani Jimmy. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaupo sa bench.
Tulala lang ako. Hinawakan ko ang pisngi ko at saka ko lang nakumpirming umiiyak nga talaga ako.
"Sorry natagalan ako. Hindi ko kasi alam ang pasikot-sikot dito kaya naligaw pa ako." He said, puffing his chest. Binuksan niya ang bote at itinapat sa harapan ko.
Yumuko ako at kinuyom ang palad na nakapatong sa hita ko. Mahina lang akong napaiyak. Naging hysterical si Jimmy sa aking tabi at hindi alam ang kanyang gagawin.
"Do you want me to take you to the hospital? Sobrang sakit na ba ng ulo mo? Lite?" Bahagyang niyugyog ni Jimmy ang balikat ko at iniharap sakanya.
"Lite, ano?"
Nanlalabo ang mata ko sa mga luha.
"Jimmy..."
"Yes?"
"Si... Si Maximus..." My voice is shaking. I cleared my throat. "I saw him." I said.
Nanlaki ang mata niya at dumilim ang mukha.
"Anong ginawa sa'yo ng gagong iyon?!" Mariing aniya at tumayo.
Nag iba ang dating ni Jimmy, tila ba lumabas ang pagiging lalake niya sa harapan ko. Galit din siya kay Maximus kahit na wala siyang alam sa nangyari. Ang tanging sinabi ko lang ay naging kami at iniwan niya ako. Nasasaktan siya para sa akin dahil si Maximus ang unang naging boyfriend ko. He's my first of everything.
Nanghihina kong hinawakaan ang kanyang kamay at hinatak pabalik sa pagkakaupo. Tumikhim ako.
"I saw him here. Kanina. Sa harapan ko.... sa harapan ko, Jimmy. Hinalikan niya si Tori sa harapan ko. Sa harapan ng maraming tao...." I said while sobbing. Hindi ko na makilala pa ang sarili kong boses.
I've never been so broken before. Ayoko nang maulit pa ito. Ang sakit sakit naman magmahal.
Taas baba ang dibdib ni Jimmy sa marahas na paghinga. Paulit ulit ang pag igting ng kanyang panga. Kung wala ako rito ay baka hinanap at sinugod niya si Maximus pero ayaw ko rin namang gawin niya iyon.
I'm mad at him pero ang makita siyang masaktan ay hindi ko rin kaya. Wala na akong lugar pa sa buhay at puso niya and that's the truth. Just this once, huli na ito, gusto ko lang marinig mismo sa mga labi niya na si Tori ang totoong mahal niya para hindi na talaga ako aasa pa.
I will let him break me with his words and burn me with his eyes. Pagkatapos ay isusuko ko na siya. I will let him go, I will let him be happy with her.
"Putang ina naman, Lilou! Gaano ka ba ka masokista?! You want me to follow them? Putang ina talaga!" Jimmy snarled.
Napapikit ako sa mga murang sinasabi niya. I've never seen him this angry before. Nagagalit siya pero hindi ganito. Nababalot ng malakas niyang boses ang sasakyan. Inihilig ko ang ulo sa upuan at humarap sakanya.
"Please?"
"Seryoso ka talaga?"
Tumango ako at ngumiti. Nagpakawala siya ng ilang mararahas na hininga bago tumango.
"Thank you, Jimmy." I smiled wearily at him.
Nanatili pa rin ang masama niyang tingin sa akin. "Don't thank me yet. Nagagalit ako sa gusto mo, Lilou. Galit ako!"
Huminga akong malalim at hinaplos ang kanyang balikat.
"Ako ang nasasaktan para sa'yo, eh. Bakit mo ba kasi 'to gagawin? Papasundan mo siya sa akin tapos sasabihin ko sa'yo kung nasaan siya para makausap siya? Ang tanga tanga lang kasi!"
Pinigilan kong maiyak sa harapan niya. Baka mag dalawang isip pa siya at hindi gawin ang utos ko.
"I need to know his reasons."
He tilted his head to look at me, kunot ang noo. "Alam mo na 'diba? Ano pa bang hindi mo alam?!" Mariing aniya.
Imbis na sumagot ay nginitian ko lang siya. Nanatili akong nag a-abang sa loob ng sasakyan habang nilulunod ang sarili sa masasayang alaala namin sa probinsya. Kanina pa sumusunod si Jimmy sa kanila at pinaalam lahat ng nakikita.
Jimmy:
Ano ipu-push mo pa 'yang kagagahan mo?
He sent a picture of Maximus and Tori staring at each other. Naiyak na naman ako. I immediately delete it and took a deep breath. Nag tipa agad ako ng isasagot kay Jimmy.
Ako:
Yes.
After 3 hours of waiting ay bumalik na si Jimmy. Walang buhay ang mukha niyang pumasok sa sasakyan. Pinaandar niya ang sasakyan at nag park sa hotel h20. Kunot ang noo ko dahil hindi siya umiimik mula pa kanina.
"Deluxe bay view. Room 105." He said.
Nakatingin lang ako sa kanya at naghihintay sa idurugtong niya. Huminga siyang malalim saka ako binalingan.
"Nag check in sila at iyon ang room number nila."
Nanlamig ang kamay ko. Nag iwas akong tingin at nagtiim bagang. Nanginginig ang buo kong katawan, I'm not sure though. Bakit sila mag ch-check in? For what purpose? At iisa silang kwarto? f**k! Mababaliw ako kakaisip sa kung anong pwede nilang gawing dalawa!
I swallowed. Wala sa sariling binuksan ko ang pintuan at humakbang palabas.
"Pupuntahan mo talaga?" Hindi makapaniwalang ani Jimmy.
I did not answer him. Dumiretso lamang ako sa loob at tumungo sa room na binanggit niya. Halos bumigay na ang tuhod ko sa panghihina kaya sumandal ako sa pader at dahan dahang naglakad. I asked the reception calmly at itinuro niya sa akin ang daan.
Wala ako mismo sa sarili ko at pawang tinakasan na ng huwisyo. My heart is aching so much right now. Huminga akong malalim at tumindig ng diretso. Andito na ako sa tapat ng 105 at naduduwag akong kumatok.
I want to talk to him but I don't know how and where to start. Ano bang dapat maging reaksyon ko?
Kakatok na sana ako nang bumukas mismo ang pinto at iniluwa noon si Maximus. Kumalabog ang puso ko sa sobrang kaba at takot nang magtama ang mata namin. Sandali siyang natigilan sa paglabas. Nang ma-realize niyang nasa harapan niya ako ay nag panic ang kanyang mukha at mabilis na isinara ang pinto.
Obviously, he's trying to protect Tori. Baka iniisip niyang sasaktan ko siya.
"How did you know I was here?!" Nahimigan ko ang galit sa kanyang boses.
Nakaawang ang labi ko, gulat pa rin. Hinatak niya ako sa braso ko papunta sa lounge area. Walang tao roon kaya malaya siyang lakasan ang boses dahil walang makakarinig. Pinunasan ko agad ang pisngi ko nang maramdaman ang pagtulo ng mainit na luha.
"Bakit ka andito?"
"Bakit bawal ba?" Pagalit kong sinabi.
Kumunot ang noo niya tila hindi nagustuhan ang aking sinabi.
Huminga akong malalim at tinitigan siya sa mata, "Ako dapat ang nagtatanong sa'yo, Maximus. Why did you left me?" My voice cracked.
Tumingala siya at hinilot ang batok bago ako binalingan.
"Lite... 'wag ngayon." Sabay buntong hininga niya.
Nagtiim bagang ako, "What?! Anong wag? Bakit? Dahil may gagawin kayong dalawa ni Tori at nakakaabala ako?!"
"Hindi ganon!" Tumaas ang boses niya at nag igting ang panga.
Nanghina ako sa reaksyon niya. Is it because I said her name? Bawal ko bang banggitin ang pangalan ng mahal niya? Umusbong ang galit sa puso ko.
"Kung ganon ano?! Anong gagawin niyo? Maglalaro?" Sarkastikong sabi ko.
Tumaas ang gilid ng labi ni Maximus at malokong umiling. "Hindi ganon si Tori." Payak na aniya.
Nalaglag ang panga ko. "Anong hindi ganon?" I eyed him intensely. "What do you mean, huh?! Anong hindi ganon!" Sabay tulak ko sa kanya pero ako ang napaatras.
Marahas ang paghinga ko. Hindi ganon si Tori? Na wala silang gagawin tulad ng ginawa namin? So anong ibig niyang sabihin na cheap ako? Pinanliitan ko siya ng mata. Hindi pa rin siya nag salita.
"Hindi mo ba siya hahalikan tulad ng pag halik mo sa akin?"
Kumunot ang noo niya.
"Are you going to caress her body too the way you caressed mine? Will you touch her--"
"Shut up!" Singhal niya.
My eyes widened, "Shut up? A-Ako? Bakit? May masama ba sa sinabi ko?"
"She's not that kind of girl. Tumahimik ka na!" Halos lumabas na ang litid sa kanyang leeg sa lakas ng pagsigaw.
"Anong klaseng babae ba siya?" Nag hahamong tanong ko.
Nagpamaywang siya at dismayadong umiling sa akin.
Tumikhim ako. "Ako? Anong klaseng babae ba ako para sa'yo?" I asked.
Nanatiling tikom ang bibig niya.
"Cheap ba ako para sa'yo?"
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at humingang malalim. "Do not put words into my mouth, Lilou!" Singhal niya ulit.
Nalukot ang mukha ko. "Hindi ko na alam, Maximus. Ano ba ako sa'yo? Ano ba tayo?" Nanghihinang sabi ko.
"Walang tayo, Lilou." He said casually.
Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Nakatindig lang ako sa kanyang harapan, tulala.
"W-Walang.... tayo?" Mahinang sabi ko sa aking sarili.
Malamig ang mga titig niya sa akin. Ganito ba siya kalupit? Ito ba ang totoong siya? Nasaan na yung Maximus na tinignan ako na puno ng pag iingat? Nasaan na yung Maximus na nakilala ko?
"Minahal mo ba talaga ako, Maximus? Please, be honest to me. Kahit ngayon lang. Tell me honestly." I pleaded.
"I never loved you, Lilou." He said without even blinking. "Si Tori... siya lang ang mahal at minahal ko. I'm... I'm really sorry for hurting you this way. What happened between us was just an honest mistake."
He tried to come close but I immediately stopped him with my hands.
"Mistake?!" Bulalas ko. I shook my head and look at him. "Maximus, mistake?! Mistake! That was the happiest day of my life pero para sa'yo mistake lang iyon?!"