KABANATA 21

2372 Words
Painful truth Hindi naging madali ang pagbalik ko sa Manila. Iniwan ko yung sasakyan ni Maximus sa mansion at sumakay na lamang ng bus. Paputol putol ang byahe, hindi ko na nga nadama pa ang pagod sa sobrang occupied ng isipan ko. I went straight to the condo to find out if Maximus was there. But he no longer lives there. Sinubukan ko ulit tawagan ang phone niya, wala pa rin. Ang sabi sa reception ay for sale na ang unit niya. I can't believe he did this to me. Talagang gagawin niya ang lahat makalayo lang sa akin. I don't have time to be sad. Ipinasok ko muna ang bitbit kong maleta sa unit ko at bumaba sa lobby. I'm mad at him. I'm mad for what he did! Wala sa akin ang pagod at puyat. I need to find him! I need an explanation. Kahit na alam kong hindi niya sasagutin ang tawag ko ay pinagpatuloy ko pa rin. Damn, I know he already blocked my number! Halos mag dugo na ang labi ko sa madiing pagkagat ko roon. Ginoogle ko ang building ng Rizaldo Empire at ipinakita sa taxi driver. Nanginginig ang palad ko sa kung anong mangyayari mamaya kapag nagkaharap kami. Malakas ang kutob kong nandoon lang siya. Kung wala, hindi ako titigil na hanapin siya. I will find him for sure. Nagmadali akong bumaba sa taxi. Huminga akong malalim habang tinitingala ang buong gusali. It isn't called Rizaldo Empire for nothing. Pero hindi ako nagpunta rito para hangaan ang ganda ng infrastructure ng gusali. Buo ang loob kong dumiretso sa loob. Hindi pa man ako direktang nakakapasok ay hinarang na agad ako ng guard, as I expected, mahigpit ang seguridad nila. Sinabi kong girlfriend ako ni Maximus at sila pa mismo ang humingi ng dispensa sa pagharang sa akin. Mapakla akong napangiti. Ano nga ba niya ako? Girlfriend pa rin ba? Sinabi ko sa sarili kong nagtitiwala at magtitiwala ako sa kanya. I still am. Kaya nga kailangan ko ng eksplanasyon niya sa mga nangyayari para maunawaan ko. Wala masyadong tao sa lobby bukod sa gwardiya at janitor, tanghali na at abala na ang lahat sa kani-kanilang opisina. Samantalang wala pa akong tulog o kain. Mula sa bulwagan ay lumakad ako palapit sa front desk. Nag angat ng tingin ang lalaking nakaupo roon at magandang ngumiti sa akin. "Good afternoon, Ma'am..." Bati niya, medyo nag alangan. Tumango lamang ako at walang kaemo-emosyon ang aking mukha. I'm not here for some friendly chit-chat anyway. "Is Maximus Rizaldo here?" Tanong ko. Bahagya siyang napakurap at tinagilid ang ulo. "Matagal na siyang wala rito, Ma'am." Mahinahong sabi niya, kuryoso niya akong tinignan. 'Tsaka lang ako nakaramdam ng kaonting hilo. Napakapit ako sa purong puti na haligi ng front desk. I heard the chair move as the man stood up. Malamig din ang butil ng pawis na namuo sa noo ko. Umipekto na yata talaga sa akin ngayon ang halong pagod at gutom. "Are you okay, Ma'am?" Aniya sabay senyas sa mga taong tulungan ako. May lumapit na dalawang babaeng janitress sa magkabilang gilid ko at hinawakan ang siko ko para alalayang i-upo sa couch. Binawi ko iyon sa kanila. Binalingan kong muli 'yong lalaki na hindi pa rin inaalis ang nagaalala niyang mata. "Please, if Maximus comes here, pakisabi na hinahanap siya ng girlfriend niya." Sabi ko na halos masuka na. Ang sama sama ng pakiramdam ko. Nakahawak na ang isa kong kamay sa bibig at ang isa ay sumisenyas sa dalawang janitress na ayos lang ako. I think that man is not lying. Kung wala rito si Maximus, sa bahay na lang niya mismo ako pupunta.  Humahabol pa rin sila ng tingin kahit papalabas na akong building. Pasakay na sana akong taxi nang may madiing kamay ang kumapit sa braso ko at humatak sa akin palabas. Marahas kong binawi ang balikat ko at iritadong nag angat ng tingin. Nanlaki ang mata ko. Si Shaun Rizaldo 'yon na puno ng galit ang mata. Pinagtakhan ko ang reaksyon niyang iyon gayong ngayon na lang naman kami nagkita.  "What are you doing here!" His jaw clenched.  My eyes narrowed at him. "To look for boyfriend." Madiing sabi ko.  Sarkastiko ang binitawan niyang tawa. Nagtiim bagang ako. I always hated this guy from the very beginning. Masyadong pranka at pakialamero. Umalis na yung taxi sa likuran ko at tanging kami na lang ang tao sa waiting shed. Bagaman nahihilo, sinikap kong humugot ng lakas.  "Boyfriend? Who? Si Maximus?" Aniya at humalakhak. I took a deep breath and released it slowly. Bakit ba sa tuwing kakausapin niya ako ay palagi niya akong inaaway? He's also provocative. "Where is he?" He shifted his gaze back in me with a dead face. "I'm asking you, Shaun. Tell me where the hell is Maximus?" Iritado na ang boses ko. He sighed, as if bored. Nanginig ang kamao ko sa inis. I wanted to throw my fist at him pero hindi iyon makakatulong sa pagtatanong ko. Namumuo na ang luha sa mata ko sa sobrang galit. Tinalikuran ko siya at akmang aalis nang higitin niya ulit ako, mas marahas na. "Ano ba kasing problema mo?!" Singhal ko pagharap sakanya. Tumaas baba ang dibdib ko sa mabilis na paghinga. Nag igting ang panga niya. Hinatak niya ako papalapit sakanya at inilapit ang mukha sa akin. "Don't bother him anymore, Lilou." Mariing aniya at bahagya akong itinulak. Napaawang ang labi ko. He calls me by my name now. Pinikit ko ang mata ko at panandaliang kinalma ang sarili. Nag iwas akong tingin ng maramdaman ang luha sa pisngi ko para agad punasan. "I know you don't like me at all. Pero... maawa ka naman sa'kin, Shaun." Mahinang sabi ko. I tried my best to held back my tears. His mouth still shut. Alam kong alam niya kung nasaan si Maximus at itinatago lang sa akin. Huminga akong malalim at matapang siyang tinignan. "Okay, fine! I have my ways to find him. Bakit nga ba ako nag aaksaya ng oras sa katulad mo." Tinaasan ko siyang kilay. His brows furrowed. Ngumisi ako. Tinalikuran ko siya at humakbang papalayo. "Maximus and Tori are already together." Nalaglag ang panga ko at natigilan sa paghakbang. My body started to tremble. Halo halo ang emosyong nararamdaman ko. Hindi na ako makagalaw pa sa kinatatayuan ko. Isipin ko mang nagsisinungaling siya, malaki pa rin ang posibilidad na totoo iyon. I mean... who am I kidding? Sino ba ang puno't dulo nito? Hindi ba si Tori? Pinili ako ni Maximus because Tori doesn't want him anymore. At ngayong kailangan na siya nito, babalik na si Maximus at iiwan ako. So... ganon ganon na lang? No! I won't accept that! Nanginginig ang balikat ko at napayuko. "I don't f*****g care about your feelings, Lilou. Actually, wala akong pakealam sa kung anong meron sa inyo ni Maximus. Wag na wag mo lang idadamay si Tori dito." Walang emosyon niyang sinabi. "And I don't f*****g care about Tori! Si Maximus ang kailangan ko!" Singhal ko pagharap sakanya. "Tanga ka ba?" He smirked coldly. "Nagsasama na sila sa iisang bahay. Tori needs Maximus. Layuan mo na sila. I already warned you before." Bumagsak ang mata ko sa semento, tuluyan nang bumuhos ang mga luha sa mata ko. "Yes, you warned me before. Pero hindi ako nakinig 'di ba? Andoon na tayo, e. Kasalanan ko bang minahal ko siya? Kasalanan ko bang sinabi niya sa aking mahal niya ako?" Umiiling na sabi ko, nanghihina. "Minahal? Kung totoong mahal ka niya o minahal ka, bakit ka niya iniwan? Iyon na lang ang isipin mo, Lilou. Sige, sabihin na nating mahal ka, pero, obviously, mas mahal niya si Tori." Sabay kibit niya ng balikat at nagpamulsa. "Think about yourself. Maximus will always come back to Tori. Stop fooling yourself and just forget about him." His words are like sharp knives and daggers thrown into my heart. Masyadong masakit... hindi ko kaya ang sakit. "I don't... care." Tumikhim ako. "Si Maximus dapat magsabi sa akin niyan. I need to talk to him!" Matalim ang tingin kong ipinukol sakanya at halos madurog na mga ngipin ko sa pagtiim bagang. "Bahala ka kung 'yan na talaga desisyon mo. Basta sinabi ko na sa'yo yung totoo. Inuulit ko, don't drag Tori into this mess. Kapag nalaman kong sinaktan mo siya, ako ang makakalaban mo. Bear that in mind." Pagbabanta niya bago ako iniwang luhaan. Tulala akong umupo sa waiting shed. I shook my head aggressively. No! I can't accept that! Ang hirap hirap noon tanggapin! Humagulgol ako at niyakap ang sarili. Why does he have to do this to me? Wala naman akong ibang ginawa kundi ang mahalin siya, ah?  Bakit kailangan pang masaktan kung nagmamahal lang naman? I remember... ako naman ang nagdali nito sa sarili ko hindi ba? Ako naman ang nagsumiksik sa buhay niya. Ako naman ang nagpresintang gamitin niya para makalimutan si Tori. But isn't this too much? Bakit kailangan pa niyang sabihin at iparamdam sa akin na mahal niya ako gayong hindi naman?  Kinuha ko ang phone sa square bag na dala ko at di-nial ang numero ni Stella.  "Yes, Lite? Napatawag ka? Wait... are you crying?!" Nag panic ang boses niya.  Iyak lang ang tanging tugon ko. Stella cursed badly at galit na galit. "Saan ka? Susunduin kita." "S-Sa... Rizaldo Empire..." I said, sobbing. "Stay there, okay? Paalis na ako." Tumango ako at pinatay ang linya. Walang katapusan ang pagiyak ko hanggang sa dumating na nga si Stella. Tumayo ako at sinalubong siya ng yakap. Umiyak ako sa balikat niya. Tahimik lamang siyang inaalu ako. She knows why I am here and hopelessly crying. Sumama ako pabalik sa bahay nila. Though, Maximus isn't there anymore, masakit pa rin. Sobrang sakit! Lalo pa't bawat sulok ng Skyhill ay siya lang ang naalala ko. "Kumain ka muna, Lite. You look so pale. Kailan ka nakauwi?" Alalang Ani Stella. Hinainan niya akong soup at baguette. Nalipasan na naman akong gutom but for the sake of my health, pinilit kong kumain. "Kanina lang..." I answered after sipping some  pepermint tea. Natigilan siya sa pagtitimpla ng kanyang kape sa island counter. Lumakad siya papalapit sa akin at naupo sa harap ko para tignan ako. "What?! You mean dumiretso ka roon?!" Tumango ako. Ang mata ko ay nakatitig lang sa soup, I can't look at her right now. Nahihiya ako sa sarili ko. "Galing akong condo... w-wala na siya roon, Stell..." I bit my lower lip suppress my emotions eventhough I'm shaking. "Anong wala? Bakit wala?" "He just left me... Iniwan niya ako na wala man lang sinasabi na iiwan na pala niya ako. Hinahanap ko siya pero wala siya. Gusto ko lang naman malaman kung bakit, e." I said. Nalulunod na ako sa sarili kong mga luha. Sandaling natahimik si Stella bago marahas na hinampas ang lamesa. Nagitla ako roon. Napatakip ako sa mukha ko at muling napaluha. "Tangina! He's a coward!" Nanginginig siya sa galit. I looked at Stella, she's also crying in anger. Lumakas lalo ang hikbi ko. "Stella... They're together now." "Who? Maximus and..." She tilted her head a little. Nalaglag ang panga niya nang marealize kung sino ang tinutukoy ko at bumaling sa akin. Pikit mata akong tumango. Tumayo si Stella at niyapos ang balikat ko. Nanatili siyang tahimik habang hinahaplos ang ulo ko, pinapakalma. Siguro ay hindi niya rin alam ang dapat sabihin sa akin. Masyado pa akong gulat sa mga pangyayari. From being happy and now I'm miserable. We're both responsible for this pain... Right, this pain. I'm the only one who's hurting while he's happy by her side. And that's the painful truth I could never swallow. Natulog lang ako maghapon. Kinabukasan, nagpahatid ako kay Stella sa village namin. Malakas ang loob kong umuwi roon sapagkat nasa Batanes sila Mama at Papa sa panibagong medical mission na sinamahan nila. Baka sa isang linggo pa sila makakauwi, iyon ang sabi ni Mama nang makausap ko. Si Jenica na yung kumuha ng iniwang gamit ko sa condo. Gabi gabi na lang akong umiiyak sa sakit hanggang sa bumigay ang mata ko. Paggising ko, matutulala at maiiyak. Lutang pa rin ako kakaisip sa lahat ng ito. Hindi ako mapakali, I want to find him. Matatahimik lang ako kapag nangyari 'yon. I know where he lives pero wala rin naman siya roon. Magkasama na nga sila ni Tori sa iisang bahay. f**k! With that thought... just thinking about it, naiiyak na ako. Nagbabad ako sa bathtub to somehow clear my mind. Inihilig ko ang ulo ko roon. I sighed in distress. Ano kayang ginagawa nila? Does Maximus do same thing we did with her? Does Maximus kiss her the way he kissed me? If I could just go back to that night, hindi na sana ako natulog at binitawan siya. Sinabi ko naman sa kanyang ipaalam sa akin kapag naisipan niyang iwanan na ako. Because I can accept the truth, kahit gaano pa iyon kasakit basta maging honest lang siya. He said I was important to him. But why is he hurting me like this? Do I deserve this? Nanatiling naglaro yung mga bagay na sinabi Shaun sa akin. What's so great about her to have everything in life? Nagpunas na akong katawan at nagbihis. Naglagay akong kaonting make-up. Inaya ako ni Jimmy na pumuntang Ocean park para lang aliwin ako. Stella told them that I am here. Hindi nila alam ang buong kwento tungkol sa problema ko. I never even told them my relationship about Maximus dahil sa takot kong harapin mga sasabihin nila. It was a stupid decision! Para lang akong kumuha ng batong ipu-pukpok sa ulo ko. I'm ashamed of myself. Itinago ko na kanila ang sitwasyon ko, tapos ngayong basag ako, nandiyan pa rin sila para sa akin. Pinilit kong maging masaya at libangin ang sarili para makalimutan ang problema kahit panandalian lang. "Wear this o! Bagay sa kutis mo." Inabot ni Jimmy yung dress na kinuha niya sa walk-in closet ng kwarto ko. Masayang masaya siyang tignan kaya isinuot ko na lang. It's a light blue off shoulder with a floral prints just above my knee. "Let's go na!" I faked a smile. Bumunting hininga ako nang paandarin niya ang sasakyan. I check my phone to see if there's any message. Wala. I unlocked it at tinipa ang numero ni Maximus. As soon as I clicked the green button, inagaw iyon ni Jimmy sa akin. My gaze shifted at him, shocked. "Give it back!" He sighed, "Nope. Hindi ko alam yung full details ng nangyari sa'yo. Pero pwedeng tama na? Tama na muna. Magpahinga ka na muna." Nakapako ang tingin niya sa daan. Suminghap akong hangin. Sinandal ko ang sarili sa upuan at ini-relax ang katawan. Tama naman din siya, I need to rest. Kung hindi ay baka sumabog na lang ako o mag breakdown.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD