IKASAMPUNG araw iyon simula ng maaksidente si Miguel at sabihin ng doctor na in coma ito. Sampung araw na ring walang maayos na tulog at kain si Ysay. Palagi siyang nasa tabi ni Miguel simula ng ilipat ito sa isang private room. May mga nakakabit ditong aparato at habang lumilipas ang mga araw na nakikita niya ang binata sa ganoong kalagayan ay lumalala rin ang pananamlay niya. Alam niyang hindi siya dapat magkaganoon dahil maapektuhan ang bata sa tiyan niya. Pero hindi niya maiwasan. Hindi niya mapigilan. Ang ginagawa nalang niya ay tinatatagan ang sarili para kay Miguel at sa magiging anak nila. Nalaman na niya kung ano ang naging sanhi ng aksidente nito. Kaninang umaga raw ay pabalik ang binata sa kanila gaya ng sinabi nito ng nagdaang gabi. Ngayon ang araw din na dapat ay mag-uusap si

