BUMABA si Ysay sa sasakyan ni Anton – este sa nirentahang sasakyan ni Anton. Pagkalabas niya ay umalis na rin ito. Binilin niya ang lalaki na huwag ng bumaba dahil naroroon pa si Miguel. Sigurado siyang naroroon pa ang binata dahil sa kotse nitong nakaparada sa harap nila. Nabanggit ni Anton kanina na pasado alas siyete na ng gabi. Hindi niya inakalang ganoon siya katagal na nakatulog at walang nalalaman sa nangyayari. Kung nagkataong sira ulo si Anton ay napahamak na siya. Masyado siyang nagtiwala rito. Pero mabuti nalang at naging mabait pa rin ito. Kunsabagay ay hindi naman talaga ito masamang tao. Oo at gago ito noon dahil sa ginawa nito sa kanya pero masasabi niyang isa pa rin itong mabuting tao dahil wala itong sinaktang iba o inagrabiyado. Hindi na niya pinababa pa si Anton dahil s

