NAPABALIKWAS ng bangon ni Ysay ng maramdaman niya na parang hinahalukay ang kanyang sikmura. Dali-dali siyang umalis ng higaan at nagmamadaling lumabas ng kanyang kuwarto. Halos patakbong tinungo niya ang banyo at hindi pa man halos nakakatapat sa bowl ay inilabas na niya ang kanina pa gustong lumabas sa kanyang tiyan. Sunod-sunod siyang sumuka hanggang sa parang wala na siyang mailalabas pa. Pagkatapos niyon ay nanghihinang pinindot niya ang flush. Dahan-dahan siyang umalis sa tapat ng bowl at tinungo ang lababo. Mabilis niyang hinugasan ang bibig at mukha. Pagkatapos niyon ay tumingin siya sa salamin. Tinitigan niya ang sariling repleksiyon. Halata sa itsura niya na wala siyang maayos na tulog. Gusot-gusot ang buhok niya at namimintog ang mga mata. Ilang gabi na ba siyang umiiyak. Hind

