HILAM na sa luha ang mukha ni Ysay. Kanina pa siya nakapamaluktot sa ibabaw ng kama. Kanina pa rin niya hinihintay si Miguel. Ilang oras na simula ng iwan siya nito. At madilim na sa labas ay hindi pa ito bumabalik. Kumalam ang kanyang sikmura pero wala siyang ganang kumain. Ilang beses niyang tinangkang tawagan ang nobyo pero inuunahan siya ng kanyang pride. Isa pa, kung talagang gusto siyang makausap ng binata ay nakauwi na ito kanina pa. O kaya ay tinawagan na siya nito. Lalong sumama ang pakiramdam ni Ysay dahil sa hindi niya pagtawag. Pakiramdam niya ay tuluyan ng masisira ang relasyon nila. Bakit ganoon? Akala niya ay maayos na ang lahat ng bumalik si Miguel sa Pilipinas para sunduin at isama siya roon. Akala niya ay wala ng magiging problema at kahit makaharap niya si Elise ay hi

