PUMASOK sila Ysay at Miguel sa apartment ng huli. Pagkatapos ng isang mahabang biyahe ay nakarating din sila sa kanilang destinasyon. Agad na naglakbay ang mata ni Ysay sa loob ng apartment ni Miguel pagkapasok na pagkapasok palang nila. Napangiti siya ng makita ang malinis at magarang apartment ng binata. “Ang ganda pala ng apartment mo dito Mig. In fainess ang linis ha." May paghangang wika niya habang naglalakad papasok sa sala. Malaki ang apartment at hindi iyon nalalayo sa condo unit ng binata sa Pilipinas na pinagdalhan nito sa kanya noong unang gabing magkakilala sila. Very manly ang kulay maging ang mga gamit at mahahalatang lalaki ang nakatira roon. Puti na may kasamang bughaw na kagaya ng kalangitan ang kulay ng apartment. Ang linis-linis at preskong tingnan. Kumpleto rin ang

