NASA isang bar si Miguel ng gabing iyon. Ilang gabi na rin siyang bumabalik doon simula ng umalis si Ysay para bumalik ng Pilipinas. Naging magulo ang isip niya simula ng huli silang mag-usap na dalawa. Hindi na rin sila nakapag-usap pagkatapos ng gabing iyon. Pagkatapos ng pag-uusap nila ay umalis siya ng apartment. Nag-ikot-ikot siya hanggang sa makarating siya sa bar na iyon. Hindi niya ito napigilang umalis. Ang totoo ay hindi niya pinigilan ang dalaga. Gusto niya itong pigilan pero mayroon itong sinabing hindi maalis-alis sa isip niya. Na may nararamdaman pa raw siya kay Elise kaya mas pinaniwalaan niya ang dating nobya. Na baka kaya siya naroroon ngayon kasama ni Elise ay dahil hindi niya ito matiis. At ang isiping hindi pa raw niya nare-realize iyon dahil nasa eksena pa si Ysay.

