KATATAPOS lang lumantak ni Ysay ng mangga at halos maubos niya ang alamang. Nasa sala siya kasama si Anton at kanina pa sila nag-uusap. Habang si Tin ay parang kanina pa hindi mapakali pero hindi niya ito pinapansin. Panaka-naka rin ang pagsabat nito sa kuwentuhan nila ng binata. Alam niyang nagdududa na ito sa ikinikilos niya pero hindi pa siya handang magsabi dito. Bahala itong masiraan ng ulo kakaisip. Siguro ay mga ilang araw pa. Sabay-sabay nalang niyang sasabihin sa mga magulang at dito ang tungkol sa kanyang kalagayan. “Anton, may gagawin ka pa ba?” maya-maya’y tanong niya sa dating nobyo. Umiling ito. “Wala naman. Bakit?” Nasa terrace sila ng bahay nila at doon sila tumambay. Tinamad siyang pumunta sa farm dahil mas gusto niyang kumain ng mangga. “Hindi ka ba hahanapin sa tra

