CHAPTER ONE
GOSANO
“YNA!! Yna !!" Halos sumigaw na ako sa pagtawag sa babaeng iyon pero kanina pa ito hindi nasagot.
“Nasaan naman kaya siya? Wala naman siya rito sa silid niya?” Naisip ko na hanapin siya sa babà nang makita ko siyang dumarating na habang hinihingal.
“Bakit po Sir? Ay good morning po pala sir, ano pong kailangan mo?” sagot nito sa akin kaya pinaningkitan ko ito ng mga mata.
“Saan ka naman ba galing kanina pa ako tawag ng tawag sayo. Kunan mo nga ako ng agahan! Bilisan mo!” Utos ko dito habang nakabusangot ako ng mukha at tumalikod na ako para sana pumasok muli sa silid ko, ngunit tumigil ulit ako ng may maalala.
“At isa pa nga pala, dapat kapag tinawag kita ay agad mo akong lalapitan at itigil mo iyan kung anuman iyang ginagawa mo. Maliwanag ayoko sa lahat ay sumisigaw ako!” Sabi ko at inismiran ko ito kaya tumango naman ito.
“Opo sir. Gosano! Pasensya na po!”
“Wait sa garden mo na lang pala dalhin ang agahan ko sumunod ka kaagad okay?”
“Opo!”
Nang sumang ayon naman ako ay agad ko na itong tinalikuran at pumunta na ako sa garden.
Habang nag iiscroll ako sa laptop ay nagsimula na akong mag-isip sa gagawin kong proposal sa negosyo ko kasama ang isa sa mga ka-board member ko na si Gng. Zamora bukas ng umaga.
Pero bago ang lahat magpapakilala muna nga pala ako, ako nga pala si Gosano Moreno, nasa dalawampu’t pitong taong gulang na. Ang namamahala na sa negosyo ng aking ama noong nabubuhay pa ito at nang mamatay ito ay ako na ang humalili sa pagpapatakbo ng kompanya namin noong namatay ito dahil sa isang aksidente.
Nagkaroon ako ng kasintahan noon ngunit sinira nito ang tatlong taon naming pagiging magkasintahan, isang taon na ang nakakaraan. Nahuli ko kasi itong may kalaguyo na namang ibang lalaki at hindi ito ang unang pagkakataon na ginagawa niya ito sa akin kaya nang umulit ito ay tuluyan na akong nakipagkalas dito.
Nagpasya akong huwag na rin makipagrelasyon sa iba pang mga babae dahil nagiwan ito sa akin ng trauma kaya simula noon ay hindi na ako naniniwala sa pag-ibig.
“Nasaan na kaya ang babaeng iyon? Kanina ko pa ito inutusan hanggang ngayon ay hindi pa rin ito dumarating?” Tanong ko sa aking sarili ng maramdaman ko ang pagkulo ng aking tiyan dahil sa gutom.
Ilang minuto ko pa itong hinintay at hindi ko na ito tinawag dahil ayaw ko ng sumigaw naman.
Mabuti na lamang at ilang sandali pa ay narinig ko na ang mga yabag nito bago ito makalapit. Kaya tumingin ako sa direksyon nito at agad ko itong sinenyasan na lumapit na ginawa naman nito.
“Ano tatayo ka na lamang ba riyan?” Tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo ko sa sobrang inis dito.
“Ito na po ang agahan ninyo sir.” Saad nito at dahan-dahan namang inilagay nito ang tray ng pagkain ko sa mesa kung saan ako nakapwesto.
“Sige na maaari ka nang umalis!”
“Okay po sir!” Saad nito ngunit sa halip na umalis ay tumayo lamang ito sa hindi kalayuan sa akin upang maghintay na matapos ako. Sinabi ko kasi rito na huwag muna aalis para kung sakaling may iuutos ako ay hindi ko na siya kailangang tawagin pa.
Binitiwan ko na muna ang laptop ko, upang buksan ang pagkain na nasa tray at agad ko itong kinain.
“In fairness kahit mabagal ang babaeng iyon kumilos ay masarap naman talaga itong magluto.” Sa isipan ko at muling sumubo ng pagkain.
“Ahm Yna, kuhanan mo nga akong juice sa ref!” utos ko rito kaya tumalima naman ito.
“Okay po sir?” mabilis naman itong pumasok sa kusina.
Tumalikod siya, at nagsimulang pumunta sa kusina. Tinitigan ko siya habang naglalakad papasok.
Sinubukan kong alisin ang aking mga mata sa kanya, ngunit hindi ko magawa para kasing may magnet ito na kay hirap iwasan.
Napalunok ako ng mapadako ang aking tingin sa may pang upo nito. Matambok at may katamtamang balakang ang korte nito na kahit sino ay hindi maiiwasang hindi titigan.
Mabilis kong tinanggal ang aking mga mata sa dakong iyon at pinilit kung magconcentrate sa aking kinakain.
Natapos ko na ang pagkain ko saka naman ito muling bumalik hawak na ang isang baso at pitsel na may laman na orange juice.
At agad naman niya ako sinalinan sa baso at agad ko iyong inagaw sa kanya, dahil biglang tumindi ang uhaw ko ng muli ko itong makita.
YNA
Ako si Yna Christoval, dalawampu’t dalawang taong gulang. Nakapagtapos ako aking edukasyon bilang accountant. At isa akong fresh graduate limang buwan na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin ako makahanap-hanap ng trabaho.
Dahil sa wala pa akong matagpuang trabaho na nababagay sa akin. Kaso kinukulit na ako ng aking mga magulang upang maghanap ng trabaho dahil ayaw nilang makita akong patambay-tambay lang daw sa bahay.
Kaya napalitan akong maghanap ng trabaho pero walang gustong tumanggap sa akin. Dahil wala pa raw ako experience mag work sa mga kompanya kaya ’di ako matanggap tanggap.
Kaya nagpasya akong subukan muna ang kahit anong trabaho hanggang sa may makita akong nakapaskil sa isang poste na naghahanap ng maid sa halagang mataas pa sa pinapasahod sa mga kompanya.
Kaya naengganyo ako at biglang may pumasok na ideya sa utak ko ng mabasa ko ang nakapaskil na iyon at ng makita ko kung gaano kalaki ang sahod kasi all around ang magiging trabaho ko. At hindi naman ako nabigo at agad akong natanggap sa pangangatulong. Nais ko rin muna kasing makapag ipon para mayroon akong magamit para, makag-abroad dahil susubukan kong mangibang bansa at doon makikipagsapalaran.
Kaya heto ako ngayon nakapasok na bilang maid ng lalaking nangangalang Gosano Moreno, halatang mayaman ito basi na rin sa bahay at pamumuhay nito.
Ngayon ay naglilinis ako ng kusina matapos kong mapakain ang amo ko. Nang matapos ay lumabas na ako sa kusina matapos kong maglinis.
Nakita ko ang aking boss na nanonood ng T.V sa sala at halatang muli itong nakatulog habang nakabukas ang telebisyon.
“Sa tingin ko natutulog siya! Dapat ko bang gisingin siya at sabihin sa kanya na pumasok na ito sa loob ng silid nito?”
Tinanong ko ang sarili ko. Nang mapatingin ako sa orasan mag aalas nuebe y medya na ng umuga.
Kaya wala akong pagpipilian kundi gisingin ito at alam kong may pasok ito sa opisina.
Yumuko ako at tiningnan ang kanyang mukha, napakagwapo niya, mukhang mabait at halata sa mukha nito na sobrang busy ito, kasi malapit na siyang magkaroon ng balbas at bigote dahil may papatubong mga buhok na ito roon.
Sa dalawang araw na pamamasukan ko sa kanya ay ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang kabuuhan nito.
Ngunit napailing ako at sinampal ko ang aking pisngi upang hindi na muling isipin ang mga saloobin ko para rito.
Tinapik ko na siya sa kanyang balikat, para gisingin ngunit sa palagay ko ay puyat talaga ito kaya napagpasyahan ko na lang na huwag na siyang gisingin pa.
Pero baka mapagalitan pa ako kapag hindi ko siya ginising lalo na’t alam kong kailangan nitong pumasok kaya muli ko itong ginising.
“Sir, gising na po baka ma late ka na sa opisina ninyo!” tinapik ko siya sa ika-apat beses.
At sa wakas ay dahan-dahang binuksan niya ang kanyang mga mata at tumingin sa akin na nagtatanong na may halong pagtataka.
“Sir mag aalis dyes na po ng umaga baka may pasok ka po!” Tumayo naman ako nang tuwid matapos kong magising ito at lumayo ng kaunti.
“Ah! Bakit anong oras na ba?”
Tumayo siya at napatingin sa relo na nasa bisig nito at saka napabuntong hininga.
Naglalakad na ito papunta sa hagdanan, para siguro mag asikaso ngunit nakakailang hakbang pa lang ay lumingon ito sa akin.
“Yna, kapag two pm ay gisingin mo ako, pupunta tayo sa merkado upang bumili ng mga pagkain!” anito kaya nagtaka ako.
“Hindi po ba kayo papasok?”
“Hindi na late na rin naman ako, kaya mag gogrocery na lang tayo.”
“Ah ganun po ba Sir. Okay po sir copy.” Sagot ko naman.
EKSAKTONG one thirty ng hapon, mabilis akong pumunta sa aking silid para magbihis pagkatapos ay naglagay ako ng pulbo at kunting lipstick.
Bumaba ako pagkatapos ko magbihis at muli kong tiningnan ang oras, pumunta ako sa kusina upang suriin ang mga kailangan naming bilhin. At pagkatapos ay tatawagin
ko na ang aking boss na nasa silid nito kanina pa.
Kinatok ko ang pintuan ng silid ng aking amo ngunit walang sumagot, kaya binuksan ko ang pintuan at pumasok roon at nakita ko itong nakahiga pa rin at natutulog.
“Sir gising na po!” Gising ko rito at tinapik ko ito sa kanyang balikat.
“Sir, gising na po alas dos na po ng hapon, akala ko po ba ay mag gogrocery kayo!” sabi ko at niyugyog ko pa ito sa balikat.
Ngunit tulog mantika talaga ito at hindi magising gising. Pumunta ako sa gilid ng kama sa paanan nito, at tinanggal ang duvet na sumasakop sa katawan nito. Kiniliti ko ang palad ng paa nito kaya napabalikwas ito ng bangon.
“Arghh what the f*ck. . . Baliw ka ba? Bakit ka ba nangingiliti?” Galit itong napatingin sa akin habang pupungas pungas pa.
“Sorry Sir, kung kiniliti kita ayaw mo po kasi magising?” napapakamot na saad ko.
“Oh anuman ngayon? Wala ka pa ring karapatang kilitiin ako paano kung nasipa kita ’di nasaktan pa kita!?” Naiinis na sabi nito habang bumabangon ito sa kama.
“Sorry na sir, humihingi po ako ng paumanhin, baka kasi kung hindi kita ginising magalit ka naman sa akin.” Nag peace sign pa ako kaya napabuntong hininga na lang ito.
“Tsk! Pasaway!” bulong nito at tumayo na.
“Sige hintayin mo ako sa babá at magbibihis lang ako!” Tipid na sabi nito.
At mabilis itong pumasok sa loob ng banyo nito.
Napapangisi na lang akong, bumaba na dahil sa babá na ako maghihintay.
Hindi nagtagal ay bumaba na ito na nakabihis na at nakikita ko siyang papalapit na sa kinatatayuan ko matapos makababa ng hagdan.
Gosh!
Napakagwapo niya sa asul na t-shirt at kahi short at sapatos na mamahalin.
Kinuha niya ang susi ng kotse habang kinuha ko naman ang mga shopping bag at pareho kaming lumabas sa bahay nito.
ITUTULOY