“Walang baguhan na naging magaling agad. At wala ring magaling na hindi muna naging baguhan. Ang mahalaga hindi lumaki ang ulo at panatilihing nakaapak lang sa lupa at \'wag kakalimutan ang pinagmulan mo, bago ka naging sikat.
And then always pray for God at magtiwala lang sa sariling kakayahan?
Veronica Sebastian. Isang dalaga na nagtatrabaho sa kompanya ng pagmamay-ari ng isang Ezekiel Williams na sobrang obsessed sa kanya.Naiinis siya sa lalaki dahil lalo lang lumalala ang pagka obsessed nito sa kanya hanggang sa naging stalker na niya ito kahit alam naman nitong may kasintahan na siya at mahal niya ito. Kung hindi lang niya kailangan ang trabaho na may malaking pasahod ay hindi siya magtitiis sa nakakasakal na pagkahumaling nito sa kanya.Hanggang sa isang araw ay may matutuklasan siyang sikreto nitong itinatago na konektado sa kanya.
SI YNA CHRISTOVAL ay isang simpling magandang babae ngunit may taglay na kakulitan. Isang taon na siyang nakapagtapos sa kanyang pag-aaral, ngunit hindi pa rin siya makahanap ng trabaho na gusto niya. Kaya bumagsak siya sa pagiging katulong sa bahay ni Gosano Moreno dahil naakit siya sa laki ng sahod na matatanggap niya.
SI GOSANO MORENO anak mayaman, gwapo, mabait ngunit may masamang karanasan sa babae. Kaya nangako siya sa kanyang sarili na hindi na muling iibig pagkatapos ng ginawa sa kanya ng kanyang dating kasintahan na naging sanhi sa kung ano siya ngayon. Ngunit ng makilala naman niya ang babaeng kabaliktaran ng kanyang pagkatao na si Yna Christoval na pumasok sa kanya bilang isang katulong ay biglang nag iba ang ihip ng hangin.Ano kaya ang mangyayari kapag nagtagpo ang kanilang mga landas, taglay ang kanilang kapintasan sa isa’t isa?
Si Mica Isabella De Ocampo, sa sobrang pagmamahal at pag-ibig niya kay Joeven, ay sinuway niya ang kanyang ama para lamang magpakasal sa kanyang kasintahan.
Si Joeven Borromeo sobrang pagmamahal niya kay Mica, ginawa niya ang lahat para lang patunayan sa ama ng kanyang kasintahan na tunay at tapat ang kanyang pagmamahal para sa anak nito. Niyaya niyang pakasalan ang kanyang kasintahan sa harap mismo ng ama nito.
Nang magsimula si Joeven sa pag-aaral ay nag sumikap ito para ipakita sa asawang si Mica na hindi ito nagkamali na siya ang pinili ng huli. Habang kargo naman ni Mica ang responsibilidad na dapat ay kay Joeven.
Ngunit sadyang mapaglaro ang pag-ibig dahil may dalawang taong susubok sa kanilang pagsasama.
Magkalamat kaya ang relasyon nilang mag-asawa dahil lamang sa tukso?
Paano na ang pangako ng dalawa na sila hanggang sa huli?
Paano kung ikaw ang mag-alaga sa isang batang minsan mo ng iniligtas.At paano kung makilala mo ang ama nitong masungit at galit sa mundo.Na kahit kunting pagkakamali mo lamang ay susungitan ka na agad at sasabihan ka pang 'I will kill you!'At paano kung isang araw malaman mo na pati ang pangalan mo ay marinig lang nito ay kumukulo na agad ang dugo niya sayo?Paano kung habang tumatagal ay minamahal mo na ito?Kaya mo bang tiisin ang ugali nito o papantayan mo ang ugaling meron siya hanggang sa mahalin ka rin nito?
Amanda Lorenzo, nagtatrabaho bilang waitress, ngunit magbabago ang kanyang buhay nang alukin siya na magpakasal at magpanggap na asawa ng isang lalaking alam lang niya ay mayaman at isang single Dad.Ang pagpapanggap ay mauuwi sa totohanan, ngunit paano kung may bumalik na isang tao sa buhay ng lalaking kanyang pinakasalan?Paano na ang puso niyang unti-unti ng nagmamahal sa lalaki?
Si Marabell Cordonova ay may kakambal. Magkamukha man sila ay may pagkakaiba pa rin ang kanilang personalidad. Isang araw ay nalaman nilang may sakit si Mira, ang kakambal niya at malubha ang kalagayan nito.
Wala silang pera na sasapat sa pagpapa-opera dito dahil mahirap lamang sila at sapat lamang sa kanila ang kinikita ng kanyang ina.
Kaya gagagawa ng paraan si Mara para mapagamot ang kanyang kakambal kahit na sa maling paraan.
Hanggang sa ang pagiging stripper niya sa club ay kanyang bibitawan para tanggapin ang offer ng isang lalaki kapalit ng isang milyon. Dahil nais niyang makawala siya sa ganoong trabaho ay tinanggap niya ang offer nito bilang personal maid ng isang lalaking kasing tigas ng bato ang puso. Para paibigin at upang makawala ito sa pait ng kahapon na dulot ng pagkawala ng fiancee nito.
Paano kung lantaran siya nitong inaayawan dahil sa nalaman nito ang dati niyang trabaho at paulit ulit siya nitong iniinsulto pati na ang kanyang pagkatao?
Makakaya niya kayang baguhin ang lalaking unti-unti na niyang minamahal?